Paglabas ko ng opisina ni Calix, mabilis ang mga hakbang ko pero mabigat ang dibdib. Parang may nakapatong na bato. Parang may nakabaon na kutsilyo sa dibdib ko, paikot-ikot. Hindi pa ako nakakalayo, naramdaman ko na lang na humigpit ang hawak ni Ryker sa braso ko. “Ysa—” “Ryker,” bulong ko. “’Wag muna. Hindi ko kayang magsalita.” Hinayaan niya akong hilahin siya palabas ng Rivaxon. Walang tanong. Walang pilit. Tahimik kaming pumasok sa sasakyan. Pero pag-upo ko sa passenger seat, hindi ko na napigilan. Bigla akong napahagulgol. Ang lakas. Ang bigat. Parang lahat ng kinimkim ko, sumabog. “Putangina naman, Ryker!” sigaw ko habang pilit pinupunasan ang luha. “Bakit ganito? Akala ko tapos na ‘to! Akala ko kaya ko na!” “Ysa…” Hinawakan niya ang balikat ko, mahigpit. “Okay lang umiyak. H

