CHAPTER 30

2180 Words

Pagkatapos ng bangungot sa Davao at banta ni Calix, wala akong ibang pinili kundi ang mag-focus sa trabaho. Walang luha. Walang drama. Gabi-gabi akong nagpaplano. Umaga pa lang nasa opisina na ako. Hindi na ako umuuwi sa penthouse minsan. Sa office couch na lang ako natutulog. Walang ibang iniisip kundi kung paanong mas mapapalakas pa ang Liora. Kailangan ko ng lalaking assistant kaya kinausap ko ang HR. “Maghanap kayo ng assistant. Lalaki. Kayang sumabay sa schedule ko. Walang reklamo. Marunong mag-drive, magdala ng laptop, magsalita sa kliyente kung kailangan. Basta marunong at mabilis kumilos.” Tatlong araw lang, may natanggap na akong mensahe. HR: Ma’am Gia, andito na po ang shortlisted applicant. Ready na po siyang pumasok sa opisina niyo. Tumango ako. “Sige. Papasukin niyo na.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD