Isang buwan na ulit ang lumipas simula nang mas lalong naging maayos ang lahat sa amin ni Calix. Tahimik. Payapa. Masaya. "Baby, business trip lang 'to. May mga client akong kailangan i-meet sa Davao. Sama ka na, para mas may pahinga ka rin," sabi ni Calix habang inaayos ang gamit ko. Sobrang lambing pa rin niya, araw-araw. Oo na lang ako. Hindi ko na siya tinanong kung bakit kailangan pa talaga ako sa trip na ‘yon. Sabi ni Ate Therese, isasabay na raw namin ang mini photoshoot para sa relaunch ng Rivaxon Davao. Natural, ako na naman ang muse. Sanay na. Kaya ‘di ko na kinuwestiyon kung bakit biglang may glam team na sumundo sa akin sa hotel kinabukasan. “Ysa, andito na sina Ate Therese. Bilis na, magpaayos ka na,” sigaw ni Ryker mula sa labas ng kwarto habang nakatayo sa tabi ng glam te

