Isang buwan na ang lumipas mula nang bumalik kami ni Calix sa kanya-kanyang trabaho. Unti-unti na rin akong nasanay sa bagong routine namin—ako sa Liora, siya sa Rivaxon. Kapag weekends, sinisigurado naming may oras kami sa isa’t isa. Madalas tahimik lang kami sa garden, o kaya sa veranda ng mansion habang nagkakape, parang dalawang taong binigyan ng pangalawang pagkakataon sa tamang panahon. Pero kahit pa anong aliwalas ng umaga, minsan… ang biglaan talagang mga pangyayari ang bumabaliktad sa tahimik mong mundo. Kagagaling ko lang sa client meeting that morning—isang logistics partner na interesado sa expansion ng Liora. Dahil walking distance lang ang Rivaxon main office mula sa venue, naisip kong dumaan sa opisina ni Calix. Gusto ko lang sana siyang i-surprise. Maybe have lunch toget

