"Baby, gising na. We’re about to land." Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam ko pa ‘yong jetlag at hilo galing sa yate, pero nang tumambad sa akin ang tanawing nasa labas ng private jet window, agad akong napaupo. “Paris?” bulong ko. Tumango si Calix habang nakangiting inabot ang kamay ko. “We’re spending the next three days here. You said you’ve always wanted to see the Eiffel Tower at night, right?” Napanganga ako. Hindi pa nga ako over sa Maldives, ngayon naman, Paris? Ganito ba talaga kapag si Calix Rivas ang nagmahal? Laging sobra. Laging pasabog. Laging parang panaginip. Tatlong araw raw kami dito sa Paris. Pero kahit ilang oras na ang lumipas simula nang lumapag kami, hindi ko pa rin ma-process ang lahat. Pagkatapos ng ilang araw ng init, beach, at sun-kissed mornin

