Isang buwan na ang lumipas mula nang bumalik kami galing honeymoon—Maldives, Paris... parang panaginip lang lahat. Pero ngayon, back to reality na ulit. Ako sa Liora, si Calix naman balik-Rivaxon. Routine na naman. Meetings, reports, deadlines. Pero kahit busy, hindi pa rin nawawala ang kilig ko tuwing naiisip ko ang mga pinagsamahan namin ni Calix nitong mga huling buwan. Masaya ako. Masaya kami. Hanggang sa isang araw, habang nasa office ako sa Makati, dumating ang isang client. May presentation kami. Ayos naman ang lahat—until bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina ko. “Ysa,” tawag ni Ryker, “may bisita ka.” Nag-angat ako ng tingin mula sa tablet ko at— “Baby?” napahinto ako. Napakunot ang noo ko. “Anong ginagawa mo dito?” Si Calix. Nakasuot ng black button-down at dark slacks

