Calix POV Tahimik lang kaming nag-aalmusal ni Gia sa veranda ng mansion. Doon kami palaging kumakain lately—mas presko, mas tahimik, mas kami lang. Simple lang ang pagkain—garlic rice, beef tapa, scrambled eggs, and freshly brewed coffee. Wala masyadong usapan. Pero ramdam ko na pareho kaming pinipilit maging okay. Kahit mabagal, kahit bitin, basta sabay. “Do you want orange juice or coffee refill?” tanong ko, hawak ang carafe. “Juice na lang, please,” sagot niya, hindi man lang ako tinitingnan. Pero kita sa dulo ng labi niya ang ngiting pinipigilan. It was peaceful. For once, walang iyakan, walang tanungan. Wala munang masasakit na alaala. Just the quiet clinking of utensils and birds chirping from the garden. Biglang lumapit si Manang Liza, ang pinakamatagal na kasambahay dito sa b

