Chapter 12

2120 Words
Saydie     HINANAP KO SI Van kung saan-saan kanina pero hindi ko siya makita. Bakit nga kaya hindi ko siya maramdaman kanina at bakit kaya hindi ako makapag-warp kung nasaan siya? Bigla ko lang siyang ulit naramdaman noong nasa elevator na siya. Kakaiba talaga. Hindi kaya dahil iyon sa unti-unting pagkawala ng kapangyarihan ko? This is bad. The Death God's challenge is getting more difficult. I hope Master Reeve is free to talk again. Pumasok kami ni Van sa loob ng condo unit niya at agad siyang kumuha ng tubig sa refrigerator niya. "Gutom ka na ba? Mag papa-deliver na lang ako ng food para 'di na tayo lumabas," tanong niya matapos uminom. Hindi ko pinansin ang tanong niya. I have to talk to Master Reeve again but I have to ensure that this loser won't do anything stupid again. "Van umupo ka," utos ko. "What? Why?" kunot-noo niyang tanong. "Just do what I said." "Okay, okay. Masyado ka namang bossy. Jeez." Umupo siya sa dining chair at pumunta ako mga tatlong hakbang ang layo sa harap niya. Tapos ay itinapat ko ang kanang palad ko sa kanya at inisip kong lumabas ang lubid ni kamatayan. Mula sa palad ko ay lumabas ang itim na lubid at inutusan ko ito sa aking isipan na puluputan si Van. Tila nalaman niya naman ang balak ko at sinubukan niyang tumayo, pero mabilis ang lubid kaya't agad siya nitong naigapos sa upuan. "Hoy Saydie akala ko—" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil hanggang sa bibig ko siya pinapuluputan. "I had enough of your stubbornness, Van. I'll be back soon." Nagpupumiglas at gumagawa siya ng ingay mula sa tikom niyang bibig pero 'di ko ito pinansin. Nag-warp ako sa rooftop ng condo. Luminga ako sa paligid para siguraduhing walang tao at saka ko tinawag si Master Reeve. Agad naman siyang lumitaw sa harap ko. "Again, Saydie?" "Apologies, master. It's urgent," sagot ko. "Okay. What is it?" "I need the plan to stop all threats including the Vengeful Spirit issue to Van as soon as possible. Nararamdaman ko kasing mas bumibilis ang pagkawala ng kapangyarihan ko. Kanina kasi umalis siya nang walang paalam at hindi ko maramdaman kung nasaan siya. I'm afraid his stubbornness will lead my mission to failure if threats are still around." Humawak sa kanyang baba si Master Reeve habang nakatingin sa ibaba at bahagya niya itong hinimas-himas. "Hmm... it seems that you're right, Saydie. Well then... I think we have to draw the enemy out. Kung 'di natin siya mahanap, hayaan natin siya ang lumapit sa target niya. Gamitin natin ang pagkauhaw niya sa paghihiganti para lumabas siya." Tumingin siya sa akin nang diretso. "Lumabas-labas ulit kayo ni Van. Mas maganda kung dadalhin mo siya sa hindi mataong lugar para magpakita talaga ang kalaban." "Do you mean we should use Van as a decoy to lure the enemy out, right?" Tumango siya sa sa tanong ko. "Understood," sagot ko. "But please stand by for my call, master." "I will, Saydie. Siguraduhin mo lang na tatawagin mo ako kapag lumabas na ang Vengeful Spirit sa totoong anyo nito." "Masusunod, master. Gagawin ko na agad ang plano." "Good. And Saydie... don't forget to eat. Your human body need all the energy for the upcoming battle. Natatandaan mo naman siguro kung paano ka nito napabagsak noon?" Tumango ako. "It won't happen again." Ngumisi si Master Reeve at nag-paalam. "May the power of death be with you." "And to you too." After that, in a second, Master Reeve was gone. Leaving me thinking if the plan would work. Nangangamba ako dahil baka mapahamak si Van sa gagawin namin at bumagsak ako sa challenge ng Death God. Pero... siguro... mas mabuti ng gawin ngayon habang may kapangyarihan ako kaysa kapag wala na. I warped back to Van's condo unit and he's at where I left him. Nang makita niya ako gumawa siya ng ingay na tila ba gusto niyang pakawalan ko siya. Hinarap ko sa kanya ang palad ko at pinaglaho ko ang lubid ni kamatayan. Muntik pa siyang malaglag sa upuan matapos 'yon kaya't napangiti ako nang bahagya. "Napaka-sadista mo talagang babae ka! Hindi naman ako aalis at susunod naman ako sa sinabi mo! Bakit kailangan mo akong igapos?!" "Wala akong tiwala sa 'yo. Matigas ang ulo mo," sagot ko. "Grabe ka naman. Hindi ko kaya gusto 'yong nangyari kanina," sambit niya habang nag uunat ng katawan. "Jeez! Sumakit katawan ko sa magic lubid mo." "P'wede ba 'wag mo na ako itatali, makikipagtulungan na nga ako sa 'yo, e," pakiusap pa niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Let's eat. I need food." "Well, ako din naman. Kung 'di mo ko tinali, e 'di sana nakapagpa-deliver na ako at may pagkain na tayo dito. Wait mo lang. Tatawag ako sa resto at magpapa-deliver para 'di na tayo lumabas." Pumunta siya sa pinto ng kwarto niya pero bago siya makapasok... "No need to do that. Let's eat outside. Let's be outside for the whole day." Lumingon siyang kunot-noo. "Huh? Akala ko ba hindi tayo pwedeng lumabas? Bakit sa labas tayo kakain?" "Change of plan," sagot ko at lumakad ako papunta sa pinto. "Okay, sabi mo, e," dinig kong sambit niya. "Pero wait lang. Kung maghapon tayo sa labas mag palit ka muna ng damit. Or better yet, maligo ka muna." Huminto ako at nilingon siya. "Why? What's wrong with my clothes?" "Jeez! Do I have to tell you everything? Siyempre baka 'di na maganda ang amoy mo at dapat talaga araw-araw nag iiba ang damit mo. Don't ask why, just do it, kung gusto mo mag blend in sa mga tao." "Grims don't need to take a bath. Hindi kami bumabaho katulad mo," sagot ko. "Anong—" Inamoy niya ang magkabila niyang kilikili. "Hindi ako mabaho, a. Tsaka kahit 'di ako maligo ng isang linggo gustong gusto ako ng mga ex ko kasi mabango ako." Lumapit siya sa akin at inilapit din niya ang kanyang ilong sa bandang braso ko. "Anong ginagawa mo?" "Inaamoy ka," sagot niya. I heard him sniff five times before moving away his nose from me. "What the... bakit parang wala kang amoy?" Muli sana niyang ilalapit ang ilong niya sa akin pero tinulak ko ang mukha niya ng kamay ko. "Cut it out." "Alright, you don't smell bad and you smell nothing but please... at least change your clothes. Nandoon sa kwarto ko 'yong mga damit mo na pinamili natin. Hanapin mo na lang 'yong mga puting paper bags," sambit niya. Tumalikod siya sa akin at naglakad. "Maliligo lang ako," sambit niya ulit at pumasok siya ng banyo. I don't want to do what he asked but I figure that if I really want to see what it feels like to be a human, I should act like one. Kahit kaonti lang. Pumasok ako sa kwarto niya at hinanap ang sinabi niyang paper bag. Nakita ko naman ang mga ito at kumuha ng damit sa isa. I found a short sleeve black dress with a crescent moon symbol in its chest. I find it nice and very convenient if a battle is inevitable. Hinubad ko ang suot kong pang-itaas at pang-ibabang damit hanggang sa natira na lang ang mga panloob ko. "Saydie?" Narinig kong bumukas ang pinto matapos kong marinig ang pagtawag ni Van sa akin pero paglingon ko... bigla itong sumara nang mabilis. "S-Sorry. Hindi ko alam na nagbibihis ka pala. I just forgot something," dinig kong sambit ni Van sa likod ng pinto. May nakalimutan pala siya. Bakit 'di na lang siya pumasok? Wala naman akong balak parusahan siya ngayon para matakot siya nang gano'n. Pumunta ako sa pinto at binuksan iyon. "What?" "Kukunin ko la—" Naputol ang sasabihin niya at nanlaki ang mga mata niya habang nakanganga nang bahagya na tila ba ito'y na-stuck. What's wrong with this loser? I frown and repeat what I said, "What?" Pumikit siya at biglang yumuko. "I uh... I just... forgot my towel." "Then go get it," sambit ko at tumabi ako sa daraanan niya. Tinakpan niya ng kamay niya ang mga mata niya saka siya pumasok sa kwarto. "E-excuse me." Binuksan niya ang cabinet niya at doon niya nakuha ang towel. Hanggang sa umalis siya ng kwarto at bumalik sa banyo tila ba hindi siya makatingin sa akin. Ano kayang nangyari sa kanya? Ipinagpatuloy ko ang pagpapalit ng damit at hinintay ko siyang tapusin ang ginagawa niya sa may sala.               WE WENT TO what humans called the Mall. A place where a lot of people go. I figure that if I use my warping, humans might see me. So we end up riding his car to get here. But after eating my favorite ice cream and what Van called a steak, we walk around. The steak was really good, it made me feel energized and full. "Saan mo gustong pumunta or better yet may mga bagay ka bang gustong maranasan?" tanong niya. Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ang lakad ko. Pinakikiramdaman ko ang paligid dahil baka nasa 'di kalayuan lang ang kalaban. "Ah! Alam ko na! Kung gusto mo talaga na sa labas tayo maghapon, let's watch a movie. Sa cinema. Promise magugustuhan mo 'yon," sambit niya ulit. "A movie?" tanong ko at huminto ako sa paglalakad. Siya nama'y tumayo sa harap ko pero ako'y nagmasid lang sa paligid. "Yea, a movie. It's a thing that we do to be entertained. Bale manonood tayo ng isang kwento sa isang malaking screen. P'wedeng horror, p'wedeng love story, p'wedeng...." Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang huminto. Nakita ko siyang nakatitig sa akin. "Why?" "Uhm Saydie... can you just stand there for a second?" Umatras siya at kinuha ang tinatawag nilang phone sa bulsa niya. Tapos ay tinapat niya ang likod nito sa akin. "I'll just... take a picture." Pagkatapos nu'n pinakita niya sa akin ang phone niya at mayroon itong imahe ko. Natulala naman ako saglit at para bang hindi ako makapaniwala na ako iyon.   "What is that for?" tanong ko at biglang uminit nang bahagya ang pisngi ko. "N-Nothing." Itinago niya ang phone at bigla niya akong inakbayan. "Let's go. Let's watch a movie." Hinawi ko ang kamay niya't huminto ako sa paghakbang. "Will there be people inside the cinema?" "Oo. Pero depende sa panonoorin natin. If we're gonna watch a blockbuster movie, there will be a lot of people. Pero kapag hindi naman, may tao pa rin pero kaonti lang." "I don't want to do that. Dalhin mo ko kung saan walang tao at tayong dalawa lang." "Ha?!" Tila nagulat siya sa sinabi ko kaya't napatingin ako sa kanya. "Kung saan malawak at walang makakakita," dagdag ko. "G-Gaano kalawak? S-Saan?" Mukhang 'di niya alam ang ibig kong sabihin. Gaya ng sabi ni Master Reeve, kailangan kong dalhin si Van sa walang taong at kung mapapalaban kami, mas mabuti nang sa isang malawak na lugar. Pero saan kaya? "A... E... G-Gusto mo sa ano... sa...." "Sa sementeryo," singit ko. "S-Sementeryo?! Bakit doon? Ano namang gagawin natin do'n? Don't tell me ililibing mo ko ng buhay du'n? Akala ko ba sa October 30 pa ako mamamatay?" tanong niya na tila takot na takot. "Don't ask and just do what I said or you know what will happen to you," sagot ko at tinignan ko siya nang diretso. "Okay, okay, okay! Jeez!" kamot-ulo niyang sambit. Pumunta kami sa car park kung saan niya pinarada ang sinakyan naming kotse kanina papunta dito sa mall. Pero bago pa man niya buksan ang pinto nito... "Van Kyle Chua!" ...napalingon kaming dalawa sa boses ng isang babae tumawag sa kanya. "Clarice?" sambit ni Van. "Ano'ng kailangan mo?" Siya 'yong babaeng napagkamalan kong Vengeful Spirit noon. Kung saan ko natikman ang masarap na cheesecake at frappe. She's wearing a sunglass but this time she's not alone. She's with five big guys in black shirts. "Sabi ko sa 'yo 'di ba? Babawi ako sa ginawa mo sa akin nu'n. Oras na para pagbayaran mo ang kasalanan mo." "W-what do you mean? Bakit parang may mga kasama kang goons? C-Can we just talk about it?" tanong ni Van. "We're way passed that, Van. Ngayon pati 'yang pangit mong girlfriend pagbabayarin ko sa pag suntok sa akin," sagot ng babae. "Boys alam niyo na." Pinatunog ng mga lalaki ang kanilang kamao sa pamamagitan ng pag-pisil dito. Mukhang may balak silang saktan si Van. "What the hell, Clarice? This isn't a movie or a drama para humantong tayo sa ganito. Ikaw ba 'yong nagpapadala ng death threat sa akin?" "Shut up, Van. I'll see you suffer right now. Boys, bugbugin niyo na 'yan!" This is my queue. Maybe the Vengeful spirit is really inside her. I have to deal with them and protect Van's soul at all cost.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD