Van
WHAT THE HELL? Did I really went too far for Clarice to do this right now? Nag-arkila pa talaga siya ng limang goons para ipabugbog ako. Buti na lang at nasa car park kami ng mall. Secured ang lugar na ito. All I need to do is to call the guards.
"Guard! Guard!" sigaw ko. "We have an emergency here!"
"That's pointless, Van. Nasuhulan ko na ang security dito. Alam mo naman kung gaano kayaman ang pamilya ko 'di ba? Now I will see you scream in pain together with your girlfriend," sambit ni Clarice.
Papalapit nang papalapit sa akin ang mga goons ni Clarice nang biglang pumunta sa harap ko si Saydie.
"Van, ito ang dahilan kung bakit ko gustong pumunta sa sementeryo. I was trying to lure the enemy out. And I think she's the enemy. This time... stay there and do nothing if you don't want to die today."
Napalunok ako matapos marinig ang sinabi ni Saydie. Umatras na lamang ako at hinayaan siya. Siguro naman kaya niya 'yong mga kalaban dahil 'di siya tao. Ako nga hinagis-hagis niya lang, e.
"Pati 'yang babaeng 'yan bugbugin niyo, a!" utos pa ni Clarice sa mga tauhan niya.
"Stupid humans," dinig kong bulong ni Saydie.
Sumugod kay Saydie ang nasa unahang lalaki na pinakamalaki sa kanilang lahat. May mga braso siyang kasing laki na ng hita ko. Susunggaban niya sana si Saydie pero bigla itong nawala.
"Anak ng!"
Hinanap ko si Saydie sa paligid. Nahanap ko siya sa likod ng isa pang lalaki na nasa may hulihan sa gawing kaliwa. What the... She's showing them her powers?
Hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makaharap ang lalaki kay Saydie. Sinipa siya ni Saydie sa tagiliran at tumalsik pa ito sa katabi niyang goons kaya't nagkabanggaan sila.
"Paanong?" gulat na sambit ng lalaking binagsakan ng sinipa ni Saydie.
Nabaling ang atensyon nilang lahat kay Saydie nang tignan ko sila. Maging ako'y muling tumingin sa kanya. Kalmadong kalmado ang itsura niya na para bang wala lang sa kanya ang ginawa niya.
Ang... Ang astig niya.
Muli siyang sinugod ng isa sa mga lalaki, ngunit bigla ulit siyang naglaho. Tapos ay lumabas siya sa harap ng lalaki sa kanan na malapit sa akin. Mukhang nagulat dahil napaatras pa ito. Pero mabilis si Saydie. Yumuko siya at sinuntok niya sa sikmura ang kalaban na nasa harap niya. Tapos sinundan pa niya ng uppercut sa baba nito. Tumba ang lalaki sa sahig.
The hell?! Kung 'di ko alam na nag te-teleport si Saydie, iisipin ko na sobrang bilis niya lang tumakbo. Ang bilis niya pa kumilos at ang lakas pa niya. Kung tutuusin nag mukha siyang kinder sa laki ng mga kalaban. Pero mukhang kayang kaya niya. Grabe! Para akong nanonood ng sci-fi movie.
Tila ba hindi na nagbigay ng pagkakataon si Saydie sa mga kalaban namin. Muli siyang naglaho at biglang lumitaw sa itaas ng lalaki sa kaliwa. Napatingala ang lalaki ngunit tinapak-tapakan siya ni Saydie sa mukha ng ilang beses na parang nagma-martsa hanggang sa natumba ito sa sahig. Pero 'di ko napansin ang isa pang goons na malapit sa kanya. Sinugod niya si Saydie ng may nakaambang kamao.
“Saydie look out!” Pabala ko.
Binigyan ng goons si Saydie ng suntok, pero nasalo niya ito ng kaliwang kamay niya kahit hindi nakatingin. Napanganga ako at nilakihan ko ang pagdilat ko. Maging ang lalaking sumugod sa kanya ay nanlaki ang mga mata na para bang hindi rin makapaniwala.
Pagtingin ni Saydie sa lalaki habang hawak niya ang kamao nito, mabilis niyang binigyan ito ng suntok sa mukha mula sa kanan niyang kamao. Binitawan niya ang lalaki at para bang lantang gulay itong natumba sa sahig. Whoa! Four down one to go.
Tatayo na sana ang lalaking nabagsakan ng kasama niya kanina, pero biglang lumitaw si Saydie sa harap niya at tinadyakan siya sa dibdib. Talsik siya at tumama ang likod niya sa isang kotse. Dahil do'n, tumunog ang alarm ng kotse at nabalot ang paligid ng nakakarinding ingay nito.
Ang bilis ng mga pangyayari. Pagtingin ko sa paligid, bagsak lahat ng kalaban at maging si Clarice ay napaupo sa sahig na tila ba takot na takot. Pinuntahan siya ni Saydie at binuhat siya nito sa kwelyo.
Kinutuban ako agad na baka pati si Clarice ay saktan niya. "Saydie h'wag!" Agad ko silang nilapitan para pigilan siya.
"Come out, Vengeful Spirit! Or I will kill you together with this body," banta ni Saydie kay Clarice habang nakaamba siya ng suntok.
"Mommy! Daddy!" sigaw ni Clarice at nagsimula siyang humagulgol sa pag-iyak.
"Saydie stop! Tama na!" saway ko at hinawakan ko ang braso niyang nakahawak sa kwelyo ni Clarice.
"Listen to me stupid human! If I'll see you near Van again, I will drag you down and throw you to the fiery pits of hell," banta ni Saydie kay Clarice at binitawan niya ito. Bagsak si Clarice sa sahig nang nakaupo pero agad siyang umatras.
Tapos ay tumakbo siya palayo sa amin habang umiiyak. "Mommy! Daddy!"
"Jeez! Saydie that was too much. Nagpakita ka pa ng powers sa kanila."
"No one will believe them," malamig niyang sagot at lumakad siya papunta sa kotse ko na parang walang nangyari. "Let's go."
Kamot ulo na lang ako at sinundan siya. Sumakay kami ng kotse ko. Ako ang nagmamaneho at katabi ko naman siya sa passenger seat. Minabuti kong umalis agad sa lugar at baka mas lalo pang gumulo kapag natagpuan ng awtoridad ang mga walang malay na goons ni Clarice.
"Saydie ang galing mo kanina, a. Halos walang nagawa sa 'yo 'yong mga goons," sambit ko habang nagmamaneho. Hindi siya sumagot pero pag-sulyap ko sa kanya... nakita ko siyang nakangiti.
"By the way, you said that those enemies were the reason why you want us to go to a cemetery and you were trying to lure them out. Since natalo na natin sila... does that mean I'm safe from any threats now?"
"I'm not sure. But don't forget that you'll die soon so you're not really safe."
Speechless ako. Napanganga lang ako sa sinabi niya at tila hindi mahanap ng dila ko ang sasabihin. Jeez! Ang harsh talaga ng babaeng 'to. Magmamaneho na nga lang ako.
Pero siguro sinasabi niya lang 'yon para hindi ako gumawa ng kung ano. Come to think of it, naiinis siya kapag lumalabas ako na hindi ko siya kasama. Which means she's worried that something might happened to me. That I might end up dying early than the date she said. Bakit kaya importante sa kanya na mamatay ako sa nakatakdang panahon na 'yon kung kaluluwa ko lang din naman pala ang makikinabang dahil magkakaroon ako ng pantay na paghuhusga? Pero bahala siya. Gusto ko mabuhay at lahat ng paraan gagawin ko. Kailangan ko subukan 'yong anting-anting nung detective na 'yon. Kailangan makipagkita ako ulit sa kanya bukas.
"Siya nga pala, Saydie. Makikipagkita daw ulit sa 'kin 'yong detective bukas. Doon lang ulit sa ibaba ng condo."
Hindi siya sumagot at nang sulyapan ko siya diretso lang ang tingin niya. I guess that's a yes?
"So uhm... Sa'n na tayo pupunta? Sa sementeryo pa rin ba?" tanong ko habang nagmamaneho sa gitna ng ma-traffic na daan.
"No. Let's go to your place and stay there."
"What? Akala ko ba maghapon tayo sa labas?" Sumulyap ako sa kanya at nakita ko na naman ang mukha niyang tila walang emosyon na kaonti na lang makakabisado ko na. Jeez! Lagi na kaming magkasama. Miss ko na mag party.
"Change of plan."
"Change of—jeez! Okay sige. Wala naman ako magagawa kapag ikaw nagsabi, e."
Ang labo nito ni Saydie. Akala ko maghapon kami dito sa labas, tapos ngayon sa bahay na lang ulit. For sure I'll get bored doing it. Or maybe... maybe there's no threat anymore. Kaya gusto niya na sa bahay lang kami kasi madadalian siyang magbantay sa akin. That's fine by me, mas lalo ko siyang maaakit doon kapag mas naging tao na siya. Pero susubukan ko muna 'yong anting-anting ni detective. Mas madali 'yon kapag gumana.
PAGDATING SA CONDO unit ko. Nauna siyang pumasok at tila ba nagmamadali siya papunta sa kwarto ko.
"Van, I'm taking your bed. Huwag kang papasok ng kwarto at huwag kang tatabi sa akin," sambit niya at tuluyan na siyang pumasok ng kwarto ko.
"Saydie wait!"
Sinara niya ang pinto at hindi niya ko pinansin.
What the... wala akong palag du'n, a. Pasalamat siya nasa kanya ang susi para mabuhay ako. Saan naman ako matutulog nito? Sa sofa?
Ilang saglit ang lumipas... sinilip ko si Saydie sa kwarto at nakita kong natutulog siya. Siguro napagod siya sa pakikipag-laban kanina. I haven't thank her for protecting me. Kung wala siya, siguro nabugbog ako at nasira ang baby face ko. I guess for that... I should stay at home tonight and let her rest.
Jeez! I can't believe na hihiga ako sa sofa dahil sa isang babae.
I took my phone out from my pocket and opened it while lying in my cozy sofa chair. Tumambad sa akin ang picture ni Saydie na kinuha ko kanina.
Hindi ko pala na-i-close ang gallery pagkatapos ko siyang picture-an. I must admit, she was really pretty earlier kaya napakuha ako ng picture. Jeez! I never did this before on my past girls. Lalo na 'yong kanina na hindi ako nakapag-salita dahil naka bra at panty lang siya. Siguro takot lang ako sa kanya na baka kung ano ang gawin niya sa akin kapag nag take advantage na naman ako. Pero... The hell? Hindi man lang siya nahiya na gano'n lang ang suot niya. Ibang klase. But what am I thinking? She's a Grim Reaper and she's here to take my soul. I should start taking things more serious 'cause I only have a couple of weeks to live. I should call that detective now and set up a meeting tomorrow while she's asleep.
THE NEXT DAY, pumayag naman si Saydie na makipag-kita ako kay Detective Ignacio dito sa showroom ng condo. But I had to tell her that it'll be just 10 minutes. Mabuti na lang at hindi late itong si detective.
"Mr. Chua, good morning," bati niya at nakipagkamay siya sa akin.
"Good morning, detective. How's the investigation?"
"We're still running the test para malaman kung kaninong dugo 'yong nasa death threat letter. But why did you ask to meet me today? May death threat ka ba ulit?"
"W-Wala naman detective pero... gusto ko sanang tanggapin 'yong offer mo na anting-anting. Tingin ko kasi mawawala 'yong pangamba ko kapag meron ako niyan," sagot ko. Kunwari gano'n pero gusto ko lang talaga i-try kung matataguan ko si Saydie gamit 'yon.
"Iyon lang pala. Oo naman, Mr. Chua. Mas kampante pa ako kapag suot mo ito. Mabisa kasi talaga 'to, e," sambit niya at hinubad niya ang kwintas niya. Tapos ay iniabot niya ito sa akin. "Heto, o. Isuot mo lang 'to hanggang sa mahuli ko kung sino mang siraulo ang nagtatangka sa buhay mo."
Kinuha ko ang kwintas at isinuot ito. "Salamat, detective. I feel safer already," nakangiti kong sambit.
Si detective din ay ngumiti. "Wala 'yon, Mr. Chua. May maitutulong pa ba ako?"
"Wala sa ngayon detective. Salamat ulit."
"Sige tawagan mo lang ako kung may impormasyon ka na sa tingin mo ay makakatulong sa investigation."
Tinanguan ko ang sinabi niya.
Umalis si Detective Ignacio at ako nama'y tumakbo papunta sa CR. It's time to test this talisman. Kapag hindi lumitaw si Saydie dito after 2 hours, it only means na may kung anong powers nga ito at hindi siya makakalapit sa akin. All I have to do is to sit here and play with my phone.
THE TWO HOURS waiting game in the restroom was a stupid idea. May dalawang magkasunod na tao kasing tumae sa kabilang cubicle kung saan ako nakaupo. Jeez! The smell was really devastating to my nostrils. I just hope that what I did was really worth it.
Dahan dahan akong lumabas ng CR at sinilip kung nasa labas si Saydie. Paunti-unti kong binuksan ang pinto pero may biglang pumasok. Mabuti na lang at nailagan ko ang pinto. Kunot-noong tumingin sa akin ang lalaking pumasok na marahil ay nagtataka kung bakit ako sumisilip.
"What? Anong problema mo?" maangas kong tanong.
Hindi niya ako pinansin at tila ba nagmamadali siyang pumasok ng cubicle. Jeez! Mukhang may tatae na naman dito. I need to get out at baka dumikit na sa akin ang mabahong amoy.
Tuluyan akong lumabas ng CR at luminga sa paligid. Ayos! Wala si Saydie. All I have to do now is to get away from here. Planado ko na 'to. Hindi ko dapat sakyan ang sasakyan ko dahil baka nag-aabang siya du'n. I'll take a cab instead papunta sa isa ko pang kotse na nasa bahay namin sa Manila.
Tagumpay akong nakasakay sa taxi at ni isang bakas ni Saydie ay wala. Mukhang mabisa ang anting-anting ni detective. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kobe habang nasa biyahe.
"Van ikaw pala. Saan ka?" sagot ni Kobe sa kabilang linya ng phone.
"Dude! Bakasyon tayo sa malayo. Iyong may night life."
"Sige ba. Night life ba at malayo? Gusto mo sa Cebu o sa Boracay?"
"Boracay na lang para may mga foreigner na girls. Meet me at the airport in two hours. Pupunta lang ako sa bahay namin sa Manila para kunin 'yong isa ko pang kotse."
"Sige."
"Tayo lang, a. Huwag ka magsasama ng pangit. Doon na lang tayo sa Bora humanap ng chicks," sambit ko pa.
"Okay, sure. Mamaya na lang," sagot naman ni Kobe at nauna siyang nag baba ng phone.
Bigla namang nabaling sa paligid ang mga mata ko nang dumaan kami sa Divisoria, to be exact sa harap ng Lucky China Town Mall. Naalala ko si Mom dahil doon. I can't believe we used to own that Mall because of her talent on business management. Sabi niya nasa dugo daw talaga naming mga Chinoy 'yon. Kung 'di lang sana binenta ng magaling kong ama ang Mall na 'to... e 'di sana alam ng mga tao na si Janna Chua ang may-ari nito.
Pagdating sa bahay namin, agad kong kinuha ang sasakyan kong blue na convertible sports car at nagmaneho papunta ng shopping mall. May oras pa kasi ako para bumili ng mga gamit ko sa pagbabakasyon bago pumunta ng airport. I parked my car on the basement where the car park is. But right after I got out of the car, a white van stopped in front of me.
Napakunot-noo ako at nagtaka kung bakit. Pero 'di ko nalang ito pinansin at dumaan ako sa gilid nito. Paglampas ko sa van, narinig kong bumukas ang pinto nito na gumawa ng tunog na tila gumulong na bakal.
Hindi ko na ito pinansin at naisip ko bigla si Saydie. Ano na kayang ginagawa nu'n? Siguro hanap na ng hanap sa akin 'yon. Bahala siya. Basta ako gusto ko pang mabuhay. At tataguan ko siya hangga't na sa akin ang anting-anting ni detective.
Itinaas ko ang mga kamay ko na parang nanalo habang naglalakad. "Yes! I'm free! I'm—."
Bigla na lang may kung anong tumama sa may batok ko na ubod ng lakas. Tunog bakal nang humampas. Napatukod ako ng kamay sa sahig pero sa isang iglap, bigla na lang dumilim ang paningin ko at tila ba nawala na lang ang lahat.