Saydie
LUMIPAS NA ANG isang oras at hindi pa rin siya bumabalik. Sampung minuto lang ang binigay ko sa kanya pero hanggang ngayon wala pa rin siya. That loser... what could he and that detective be doing that's taking a lot of time? Higit sa lahat... bakit hindi ko na naman siya maramdaman? Pati ang warping ko hindi gumagana. This human body... it seems that it's making my powers come and go.
Tila umakyat ang dugo sa katawan ko paitaas at napabilog ako ng mga kamao ko. Nakapikit pa rin ako at sinusubukang mag-warp. Hangang sa... bigla kong naramdaman ang tila pag-usog sa aking katawan at pagmulat ko... ako ay nasa rooftop na ng condo.
"At last," bulong ko.
Muli kong sinubukan na pakiramdaman si Van pero... tila ang abilidad kong 'yon ang hindi pa rin gumagana. If Van was telling the truth, he said that he'll be at the condo's showroom. Tumayo ako sa dulo ng rootop at sinilip ko sa ibaba kung saan ako pwedeng mag-warp ng walang makakakita sa akin. Then I found an empty alley on the other side of the road. Nag-warp ako doon at tumawid papasok sa main entrance ng condo.
Pagpasok sa lobby ng condo, luminga ako sa paligid para hanapin ang sinasabi niyang showroom. Hindi ko ito makita kaya't nilapitan ko ang isang babae na nasa likod ng isang raised counter.
"Good morning! My name is Leivy. How can I help you?" bungad niya sa akin habang nakangiti.
"Where is the showroom?"
"Left side po, ma'am. Dirediretso lang po tapos sa huling pinto," sagot niya habang tumuturo sa kaliwa.
Pinuntahan ko ang tinuro niya pero pagpasok ko... wala namang tao. That loser. Where could he be?
Lumabas ako ng showroom at natanaw ko mula doon ang babae kanina. Maybe the human girl knows.
Bumalik ako sa babae at siya'y nakangiti pa rin.
"Hi ma'am! Would you like our sales staff to help you on our showroom?"
"Where is Van Kyle Chua?"
Mukhang nagulat siya sa tanong ko at nawala na ang ngiti sa mga labi niya. "V-Van? I mean si Mr. Chua po ba?"
Hindi ako sumagot at tinignan lang siya.
"Uhm... parang nakita ko po siya kanina, e. But I think it was an hour ago. Baka po nasa unit niya na po siya."
"He's not there. Lumabas ba siya?"
"H-Hindi ko po sigurado, e."
Napabuntong hininga ako sa aking narinig. Masama ito. Baka may nangyari na sa kanyang masama. Maybe that detective he was talking about is the vengeful spirit. But what should I do if I can't feel where he is?
"Uhm... ma'am," tawag sa akin ng babae at nakangiti na naman siya. "Ang ganda niyo po. Para kayong doll sa make-up niyo. Kayo po ba nag make up sa sarili niyo?"
I thought she was going to say something that matters. Hindi ko na siya pinansin at nag-concentrate ako para hanapin si Van.
"Sa make up ko po anong masasabi niyo?"
This lady is annoying. I have to go somewhere quiet to do this.
Tinalikuran ko siya at lumabas ako ng condo. Bumalik ako sa empty alley at doon nag-warp pabalik sa rooftop. I sat crossed legged and closed my eyes. Then I thought about that loser's face.
"Saydie."
Narinig ko ang boses ni Master Reeve kaya't agad akong dumilat.
"Master Reeve."
"What are you doing up here? Bakit wala ka sa tabi ng binabantayan mong kaluluwa?"
"He's missing for an hour now, master. Sinusubukan kong pakiramdaman kung nasaan siya."
"Mukhang pati ang abilidad mong iyon ay wala na. Tama ba?"
Tumayo ako at umiling. "Not really, master. I'm not sure but it seems that my power comes and go. Natatandaan mo ba nu'ng sinabi ko na nawala ang lakas ko kahapon? Well, it came back yesterday when we we're threatened by humans."
"Threatened by humans?! Then what did you do to address that threat?" tanong niya at tumalikod siya sa akin.
"I hurt them, master."
"You hurt them?"
Tumango ako sa tanong niya.
"What have you done, Saydie? You know that Grim Reapers are not allowed to hurt humans."
"But I am not Grim Reaper right now, master."
Humarap siya sa akin. He nods and pursed his lips. "Fair enough. But are you certain that your powers is just malfunctioning? Not... fading?"
"It seems so, master."
"Very well then. But bear in mind that it could be just another side effect."
"Yes, master. Babalik na ako sa paghahanap kay Van," sagot ko.
"Alright, Saydie. I'll take my leave. May the power of death be with you."
"And to you too."
Naglaho si Master Reeve at muli akong umupo sa sahig. Pumikit ako at muling sinubukang pakiramdaman kung nasaan si Van.
THREE HOURS PASSED and I can't still feel where Van is. Itinigil ko na ang pag subok para pakiramdaman siya at nag-warp na ako kung saan saan para makita siya. Nagaalala na ako. Pakiramdam ko ay nabiktima na siya ng Vengeful Spirit. Huwag naman sana. He might be annoying but he's helping me feel what it's like to be a human. More importantly, he's my key to be reincarnated.
I found another alley and stopped for a moment. Nakaramdam ako ng panghihingal dahil sa sunod sunod na pag wa-warp. Mukhang may kapangyarihan nga ako pero napapagod ang katawan ko. Ganito pala ang pagiging tao. It feels... more alive.
"Batee! Bumalik ka dito!"
Napalingon ako sa narinig kong boses. Isang ale na hinahabol ang kanyang aso na papunta sa akin ang aking nakita.
Nang makalapit ang aso sa akin, tinahulan ako nito nang malakas. Tinignan ko ang aso sa mga mata nito at bigla itong humuni na tila takot hanggang sa inihiga niya sa sahig ang buo niyang katawan.
"Ikaw talagang aso ka! Pinapahirapan mo ako!" sambit ng babae nang makalapit siya. Nilagyan niya ng kadena sa leeg ang aso at bumaling sa akin. "Pasensya ka na, miss. Pasaway kasi 'tong aso na 'to. Palaging tumatakas. Nakagat ka ba?"
Umiling ako.
"Mabuti na lang. Sige," paalam niya at umalis na sila ng aso niya.
Hindi ko alam kung bakit pero para bang dumikit sa isip ko ang salitang tumakas at bigla kong naisip na... hindi kaya tinakasan ako ni Van kaya hindi ko siya makita? Pero paano?
Napabilog ako ng kamao at nag-warp sa rooftop ng isang mataas na building.
Kung tumakas ang loser na 'yon, saan naman kaya siya pupunta?
Inisip kong mabuti kung saan ko makikita si Van. Hindi na ko basta basta dapat mag warp na lang ng mag warp dahil pwede ng bumigay ang aking katawan.
"Van Kyle Chua... where are you?" bulong ko.
Tinignan ko ang buong siyudad habang ang malamig na hangin ay dumadampi sa akin. Ilang saglit pa, naisip kong mag warp sa mga lugar kung saan ko siya natagpuan at nakasama.
Inuna ko ang condo unit niya pero wala pa rin siya doon. Sunod ay pinuntahan ko ang kainan kung saan ko siya nakitang kumakain noon pero wala rin. Pagkatapos nu'n, nag warp ako malapit sa bowling center saka ako pumasok ako sa loob. Hinanap ko siya sa paligid pero wala. Kahit ang kalbo niyang kaibigan ay wala. Pinuntahan ko rin ang mga kinainan namin at nilakaran. Those places made me remember the times that we were together and I don't know why. But it's making me worry more than being angry.
Ang huli kong pinuntahan ay ang itim na bahay kung saan niya ko niyakap. What's wrong with my mind? Why do I keep seeing images of me and Van?
Kakatukin ko sana ang pinto ngunit bago pa man lumapat ang kamay ko... bigla itong bumukas.
"Saydie. Inaasahan talaga kita. Tuloy ka."
Isang matandang babae ang nakaupo sa isang rocking chair ang tumambad sa akin.
"Sino ka? Bakit mo ako kilala?"
Ngumiti siya at nakita ko ang mga kulang niyang ngipin sa harap. "Kilala ko ang lahat ng Grims kahit pa ang tinatawag niyong... Death God."
Pumasok ako sa loob ng bahay niya at biglang nagsara ang pinto.
"Paanong kilala mo kaming lahat pati na rin ang Death God?"
Tumawa siya at idinuyan niya ang kanyang sarili.
"Hindi na mahalaga. Ang mahalaga ay ang malaman mo na si Van Kyle Chua ay nasa kamay na ng Vengeful Spirit na gustong gumanti sa kanya."
"P-Paano mo nalaman? Nasaan siya?"
"Iyan ang hindi ko alam. Ang alam ko lang... mauubos na ang oras mo kaya't kung ako sa 'yo... humayo ka at maghanap," sagot niya.
Hindi ko na kinuwestyon kung totoo ba ang sinasabi niya dahil sa mga bagay na alam niya tungkol sa akin. Lumabas ako ng bahay niya at agad na nag warp. Kung ano o sino man siya, wala akong paki-alam at ang tanging gusto ko lang gawin ay hanapin si Van lalo na ngayong nasa panganib na siya.
INABUTAN NA AKO ng paglalim ng gabi, pero hindi ko pa rin makita kung nasaan si Van. Naubos ko na rin ang aking lakas sa kaka-warp sa buong siyudad at kalapit na siyudad. Nakatukod na ako sa sahig ng isang rooftop at hinahabol ang aking paghinga.
"Master... Reeve," hirap kong sambit.
Agad naman siyang dumating sa tawag ko.
"Saydie... what happened?"
Umiling ako at tumingin sa kanya. "Hindi ko pa rin siya makita. I need your help, master! Maybe you'll be able to sense him."
"I'm sorry, Saydie. Hindi naka-assign sa akin ang soul niya kaya wala kaming koneksyon para maramdaman ko siya."
Tila nanghina ako sa sinabi ni Master Reeve at natulala na lang ako sa sahig. Kasabay nu'n ay tila bumigat ang aking pakiramdam.
"Just wait for him to comeback, Saydie. You're exhausting your mortal body," sambit niya.
Umiling ako. "I can't. May nakapag-sabi sa akin na hawak na siya ng Vengeful Spirit at pakiramdam ko tama siya."
"You sound really worried and unease. Sino naman ang nagsabi sa 'yo nu'n?"
"An old woman. She seems to know all. Kahit tayong mga Grims alam niya," sagot ko.
"An old woman, huh? And she seems to know all? Well... if she's right your killer's soul must've been dead by now. Hindi mag aaksaya ng panahon ang Vengeful Spirit na hindi patayin ang kanyang pakay sa mundong ito."
Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang mga labi ko dahil sa mga salitang narinig ko mula kay Master Reeve. Patay na nga kaya si Van? Nabigo na nga ba ako sa challenge ni Death God?
"Saydie... saan matatagpuan ang matandang sinasabi mo?"
Narinig ko ang tanong niya pero hindi ko ito pinansin. Ang tanging nasa isip ko lang ay pagkabigo ko sa pagsubok at ang pagkabigo ko na bigyan ang kaluluwa ni Van ng patas na hatol. At habang iniisip ko 'yon tila kumikirot ang dibdib ko.
"Some other time then. Saydie... don't worry too much if you failed this time. You can try again and collect 9999 killer's souls. Go back to being a Grim Reaper and come back with me in the Death Collector's Society."
"Go on, master. Let me have a moment as a human to think about my mistakes. Susunod na lang ako."
"Very well then. I have to take my leave. I am being summoned by the Death God."
Tumango ako at tulala pa rin sa sahig.
"See you later, Saydie. I'm sorry that the power of death wasn't with you this time."
Napatingin ako kay Master Reeve ngunit mabilis siyang nawala. Then I sit on the edge of the rooftop thinking about my days as a human. I remember the ice cream and all the food. Even the clothes. At ang imahe na pinaka-pumapasok sa isip ko ay ang mukha ni Van. I feel sorry for his soul. Killer soul siya hindi dahil pumatay siya kundi dahil may napatay siya nang hindi naman niya kagustuhan at mukhang hindi pa niya alam. It wasn't fair for him.
Inilabas ko ang buong crystal cube na kasing laki ng mata sa palad ko. Kapag sinira ko ito, babalik na ako sa pagiging Grim Reaper. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kalangitan na puno ng mga bituin.
Van Kyle Chua... Thank you for helping me experience what it's like to be a human. And I'm sorry for your soul. This is my last day too... as a human.