Chapter 15

2221 Words
Van   NAGISING AKONG NAKAUPO habang naririnig sa kung saan ang tunog ng pagpatak ng tubig at naaamoy ang tila bagong sementong kapaligiran. Pagmulat ko ng aking mga mata, agad akong napapikit nang maramdaman ko ang kirot sa aking batok. Sinubukan kong hawakan ito pero nang angatin ko ang mga kamay ko... naramdaman ko na nakagapos ako nang mahigpit sa braso at sa mga paa. "What the?" Nakagapos ako ng duct tape na tila ubod nang kapal. Sinubukan kong magpumiglas pero sa sobrang higpit ng gapos halos 'di ko naigalaw ang braso't binti ko. Paglinga ko sa paligid, ako pala ay nasa isang madilim na silid na walang bintana at tanging dalawang bumibilyang hindi maliwanag lang ang nagsisilbing liwanag. Ang isa ay nasa itaas ko at tila ba ito'y malapit nang mapundi. Ang isa naman ay iniilawan ang isang lamesa na may nakahigang babae. Hindi ko makita kung sino siya dahil ang likod ng ulo niya ang nakaharap sa akin. Where the hell am I? And who's that girl? "Help! Somebody help me! Help!" sigaw ko na nag echo habang sinusubukang kumawala sa gapos. Bumaling ako sa babae at nakita kong wala siyang gapos. Naisip ko agad na kapag nagising siya baka pakawalan niya ako. "Miss! Miss wake up! Come on, please! Wake up!" It was to no avail. Kaya't itinuloy ko na lang ang paghingi ng tulong. "Help! Somebody, help!" Tumigil ako nang bigla na lang akong nakarinig ng kalabog sa 'di kalayuan na para bang pintuang bakal na binuksan. "Sino'ng nandiyan? Tulungan mo ko, please!" Ilang saglit pa... nagliwanag ang buong paligid kasabay ng tunog ng pagbukas ng fuse box na akala mo'y pinagbanggang bakal at plastic. Nasilaw ako agad kaya't napapikit. Tapos ay nakarinig ako ng mga yapak papunta sa akin kaya't dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Naaninag ko sila. Lima sila at mga lalaki. "Van... Kyle... Chua..." Dinig kong pagtawag ng lalaki sa gitna sa akin. Unti-unting naglinaw ang aking paningin at tuluyan kong nakita ang nasa harap ko. "K-Kobe? Ano'ng ibig sabihin nito?" Hindi siya sumagot at nanlilisik lang ang tingin niya sa akin. "What the f*** is wrong with you? Is this a prank? Pakawalan mo ako dito ngayon na!" "Kobe is not here, my dear Kyle," sambit ni Kobe. "Hoy, naka-drugs ka na naman yatang abnoy ka, e. Anong dear Kyle? Bakla ka ba? Pakawalan mo nga ako dito," utos ko. Umiling siya at masama pa rin ang tingin niya sa akin. "Ah gano'n, a. Kapag ako nakawala dito yari sa 'kin 'yang mukha mong butas-butas. Tigilan mo na 'to habang may pasensya pa ako," pag-aangas ko. Luminga ako sa paligid at nakita ko na napapalibutan pala kami ng mga bakal na tubo at parang bagong semento ang mga pader. Iyon pala ang naaamoy ko kanina. Parang nanggaling na ako dito pero 'di ko matandaan kung kailan. "Where are we, Kobe? This place... looks familiar." Patuloy akong luminga sa paligid at napansin ko ulit ang babae sa mesa. "Sino 'yong babae? Bakit tulog 'yan diyan? Ano'ng ginawa mo? Tsaka..." Sinubukan kong mag pumiglas pero ayaw talaga. "...pakawalan mo na nga ako! Kung ano man 'tong ginagawa mong kagaguhan, wag mo akong idamay." "Ah siya ba?" Pumunta si Kobe sa babae. "Siya ang una kong sinaniban pero dahil 'di siya makalapit sa 'yo, lumipat ako sa katawang ito." Iniharap niya sa akin ang ulo ng babae at nang makita ko kung sino ito... "B-Bea?" ...nanlaki ang mga mata ko at tila nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. "S-Si Bea 'yan, 'di ba? Bakit siya nandito? Bakit wala siyang malay?" Bumilis ang t***k ng puso ko na para bang hinahabol ako ng kung ano at kinutuban ako nang masama nang hindi ko maipaliwanag. "Hoy, Kobe whatever the hell you're doing... s-stop it now. H-Hindi na maganda 'tong... t-trip mo," nautal kong sambit. Muling lumapit sa akin si Kobe. "Kobe... is not here!" sambit niya na may boses na parang sa demonyo at bigla niya akong sinampal. Napangiwi at napalingon ako sa lakas ng sampal niya at agad humapdi ang pisngi ko. "Van Kyle Chua, you will pay for what you did to me. Tonight I shall see you suffer," sambit ni Kobe at garalgal na ang boses niya na parang katunog nung nagbanta sa akin sa telepono na papatayin ako. Haharap pa lang ako ulit sa kanya para itanong kung bakit niya ako sinampal nang biglang ang isa sa mga lalaki niyang kasama ay sinuntok ako sa sikmura. Napadura ako at tila biglang nahirapang huminga na parang bang sumikip ang lahat ng nasa parte ng tiyan ko. "Simula pa lang 'yan, Van. Dinala kita dito para lunurin ng paulit-ulit. Gaya kung paano ako nalunod sa pagmamahal sa 'yo..." sambit ni Kobe at bigla niya akong sinampal ulit. "...pero biglang iniwan mo!" Hindi ko ito masyadong naramdaman dahil ramdam ko pa ang sakit at sikip ng aking sikmura. "What... are you... talking about?" "Natatandaan mo ba ang lugar na 'to? Dito tayo nagkikita noon dahil hindi ako pwedeng makita ng mga paparazzi. Marami tayong pinagsaluhang sandali dito noon. Pero dito mo rin tinapos ang lahat sa atin nang biglaan kung kailan handa na akong iwanan ang pag-aartista para sa 'yo," sambit ni Kobe kita ko ang mata niyang nanlilisik at lumuluha ng dugo. "Isipin mong mabuti kung sino ako!" "What... the... hell..." With Kobe's face talking like a girl whom I left before, it was really hard to imagine what's really going on. But suddenly, I thought about what Saydie said about the vengeful ghost or whatever. She said that it can possess a human. And then what Kobe said about paparazzi and being an actor made me remember the girl that I used to see in this place. Now I suddenly remember this place. "P-Paula?" "Yes... my dear kyle," sagot niya pero parang dalawang boses ang narinig ko. Boses ni Kobe at isang boses babae na pinagpatong. "H-How?" "Hindi na mahalaga kung paano... ang importante mamamatay ka nang nahihirapan. Ipaparanas ko sa 'yo ang katumbas ng paghihirap ko nu'ng ginago mo 'ko!" Tumabi si Kobe at ang isa sa mga tauhan niya ang pumalit sa harap ko. Tapos ay bigla ako nitong tinadyakan sa dibdib. Sa lakas, natumba ako kasama ang kinauupuan ko at parang pinalo ng matigas na bagay ang likod ko nang bumagsak ako sa sahig. Pagkatapos ay bigla na lang may nagtakip ng puting tela sa buong mukha ko. Sinubukan kong umiling-iling para tanggalin ito pero bigla na lang may humawak sa magkabilang gilid ng ulo ko at sa sobrang higpit nito hindi na ako nakapalag. Sinubukan kong magsalita at sumigaw. But the only thing I was able to produce are muffled sound. Sobrang higpit ng telang nakatakip sa mukha ko at tanging liwanag lang sa ilaw ang nakikita ko. Kasabay nu'n ay naging mas mahirap ang paghinga at para bang hinahabol ko na ang hangin na sinamahan pa ng mabilis na pagkabog ng aking dibdib. Mas lalong lumakas ang aking kaba nang marinig ko ang matining na tunog ng pagkiskis ng bakal na parang binuksang gripo. Pagkatapos ay sumunod ang tunog ng umaagos na tubig. "Lulunurin kita! Lulunurin kita! Lulunurin kita!" dinig kong sambit ni Kobe nang may kasamang babaeng boses ulit. Tila galit na galit siya at nanginig naman ako sa takot na halos iihip ko na ang bawat paghinga ko nang mabilis na mabilis Then I felt the water starts pouring in my face. Binasa nito ang tela at ang iba ay nainom ko pa. Sinara ko ang aking bibig ngunit hindi nagtagal... mas lalong humirap ang paghinga na para bang walang hangin ang paligid at para bang ang mukha ko'y nalulunod sa malalim na tubig. Sinubukan kong iluwa ang tubig na patuloy ang pag-agos sa mukha ko pero para bang walang space at bumibigat pa ang tela. Sumikip ang pakiramdam ko at tila ba nawawalan na ng hangin sa katawan habang basang basa. Pero nang tila malapit nang mawala ang diwa ko... tumigil ang pag-agos ng tubig kasabay ng pagkawala ng tela sa mukha ko. Iniluwa ko agad ang tubig na nasa loob ng bibig ko at ako'y naubo-ubo. Nakapikit lang ako at tila hindi ako makadilat sa bigat ng mukha ko. Pero bigla ko na lang naramdaman na tinayo nila ang kinauupuan ko. Tapos ay nakaramdam ako ng sabunot na nagdala sa ulo ko para itingala ako. Doon ako napadilat nang kaonti kung saan ko nakita ang mukha ni Kobe na malapit sa mukha ko. "Naramdaman mo ba? Ganyan na ganyan, Van! Ganyan na ganyan ako nalunod sa pag-ibig ko sa 'yo pero isa ka lang palang gago na inasahan kong magbibigay ng kulay sa buhay ko!" Hindi ako nakasagot dahil para bang hinang-hina ako at hinahabol ko ang hininga ko. "Minahal kita, Van! Binigay ko sa 'yo ang lahat! Tinalikuran ko ang lahat para sa 'yo! Pero isa lang pala ako sa mga biktima mo! Sinira mo ako! Nawalan ako ng career dahil sa 'yo! Nagpakamatay ako dahil sa 'yo! Ngayon katapusan mo na at isasama kita sa impyerno!" Tila tumagos sa puso ko ang sinabi niya. Hindi ko alam... Hindi ko alam na may nagawa na pala akong mali. Hindi ko alam na nagpakamatay pala siya dahil sa akin. Hindi ko alam na hindi ko pala iniisip ang iba at ang sarili ko lang pala ang mahalaga sa akin. Ngayon heto na ang karma ko. "Any last words?" "P-Paula... I'm sorry." "Too late for forgiveness, Van. I will see you in hell." Muli akong tinadyakan ng isa sa mga tauhan niya at natumba ako ulit sa sahig. Pagkatapos ay tinakpan nila ulit ng basang tela ang mukha ko at muli kong naranasan ang pagkalunod sa umaagos na tubig. Pero nang akala ko'y katapusan ko na... biglang tumigil ang pag agos ng tubig at naalis ang basang tela sa aking mukha. Agad na tinayo ang upuan ko at doon ako napaluwa ng tubig. Umubo-ubo ako. Ang sakit sa dibdib na parang may umipit. Muli akong nakaramdam ng sabunot para itingala ang ulo ko. "Kulang pa, Van! Kulang pa! Pahihirapan pa kita! Dapat mong maramdaman ang pakiramdam ng walang taong nariyan para sa 'yo! Dapat mong malaman kung ano ang pakiramdam ng walang sasagip sa 'yo! Katulad ko na umasa sa 'yo pero iniwan mo!" Gigil na gigil at garalgal ang boses na aking naririnig. Minulat ko ang aking mga mata at tila ba nakikita ko ang mukha ni Paula na lumuluha ng dugo. "No one can save you. Even the Grim Reaper who was guarding you." Binitawan niya ang ulo ko at nanatili lang akong nakayuko. Thinking about everything that I have done up to this point. Including Saydie... kung 'di ko sana siya tinakasan at niloko... wala sana ako sa ganitong sitwasyon ngayon. "Remove his shirt," dinig kong utos ni Paula sa mga tauhan niya. "Put a hole in his body and fill it up with water." Pinunit ng isa sa mga tauhan niya ang t-shirt ko at nakita ko ang anting-anting na binigay sa akin ni detective. Naisip ko bigla... If only I can have this removed or destroyed... Saydie will find me and she will come to save me. Tumawa ako na kunwaring hindi natatakot sa kanila. I have to trick them on removing my necklace para mahanap ako ni Saydie. "What's funny? Natutuwa ka ba dahil sa ginawa mo sa 'kin? Hayup ka talaga! Papatayin kita!" sambit ni Paula. "I'm sorry. It's just hard to imagine everything that you're trying to say when you're using the ugly face of my friend." Sumigaw siya na parang galit na galit. Susunggaban niya sana ako pero mabilis akong nagsalita. "You've just made a terrible mistake. Now that my necklace has appeared, my Grim Reaper will come and save me. And she will reap your heads off," sambit ko. Natigilan siya at hinawakan niya ang kwintas ko. “That’s right. That’s a magical necklace.” "Gano’n pala, ha. Only... if you have this," sambit ni Paula at hinila niya ang kwintas ko. Pagkatapos ay binitawan niya ito. Paglapag nito sa sahig, tinapakan niya ito at narinig ko ang pagkabasag ng maliit na salamin. Muli niya itong pinulot at binigay sa isa niyang tauhan. "Itapon mo 'to. Mabilis!" Kinuha naman ng tauhan niya ang kwintas at nagmamadali itong lumabas ng silid. "You're last hope is gone, Van," sambit ni Paula at pinakitaan niya ako ng patalim. "Huwag kang mag alala... sasamahan kita sa impyerno!" Tumabi si Kobe at ibinigay niya sa tauhan niya ang patalim. Ang isa namang lalaki ay hawak ang hose na patuloy na nilalabasan ng tubig. Jeez! Where the hell is Saydie? She should have been here by now! "This will surely kill you now, Van. And I'll be watching you suffer until you die," sambit ni Paula. "Lay one finger on him and I will drag you all down to the Death God's presence!" Isang pamilyar na boses ang nag echo sa buong silid at ako'y napangiti. Napalingon silang lahat sa kanilang likuran at nakita ko ang nag iisang dahilan kung bakit ako biglang nabuhayan. Ipinakita niya ang palad niya at lumabas ang mahaba niyang karit. Pinaikot niya ito sa itaas nang ilang beses saka niya itinarak ang dulo nito sa sahig at nanlilisik siyang tumingin. "Vengeful spirits... your time in this world is up!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD