Chapter 16

2529 Words
Saydie     MABUTI NA LANG at hindi ko pa nababasag ang crystal nang muli kong maramdaman kung nasaan si Van. Muntik na 'yon. Akala ko talaga patay na siya. Ano man ang dahilan kung paanong bigla ko ulit siyang naramdaman, ang mahalaga may pag-asa pa. Ngayon tuwang tuwa siya dahil nandito na ako para iligtas siya. "You guys are so screwed! Go, Saydie! Upakan mo 'yang mga 'yan!" Napangiti ako sa sinabi niya at isa-isa kong tinignan ang mga kalaban. Lahat sila'y nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin at mukhang lahat sila ay mga Vengeful Spirits. Wonder if they're all here to seek revenge to Van. "Get lost, Grim Reaper! I will claim my vengeance!" Napatingin ako sa nagsalita at namukhaan ko siya. Siya 'yong kaibigan ni Van, si Kobe. It seems that he was the one who were possessed by the main enemy. And if they're all possessed... I can't kill them. I had to draw the lurking souls inside them out first. Which means I have to give them all a punch. Pero sigurado akong manlalaban sila. I think I may have to blind them first. Tapos ay kailangan kong ilayo si Van dito. "You pick the wrong soul to take. His soul is mine," sagot ko at ibinuwelo ko sa likod ang patalim ng sandata ko para sa isang malakas na paghataw. Bigla namang may pumasok sa silid na isa pa kaya't naging lima na sila. They positioned themselves in a reverse V shape. Dahil du’n nakabuo ako ng plano na isa-isahin sila nang mabilis at pa-zigzag. Stupid vengeful spirits... they made themselves an easy target. They all hissed with angry faces like wild animals. "Kill her!!" Bago pa man sila makahakbang... inihataw ko nang pahaba ang aking sandata sa hangin na ubod nang lakas. Nakalikha ako ng malakas na biglang ihip ng hangin na tumama sa kanilang lahat dahilan para sila'y magtigil at mapapikit. Itinarak ko sa sahig ang patalim ng death scythe ko at nag-warp ako agad sa pinakamalapit na kalaban sa gawing kanan ko. Dahil malaki siya, sinuntok ko siya sa sikmura at nag-warp ako agad paglapat ng kamao ko sa kanya. Sunod ay lumitaw ako sa kaliwa ng lalaki na nasa gawing kaliwa ko kanina. Sinuntok ko siya sa mukha bago pa man lumapag sa lupa ang mga paa ko. Agad akong nag-warp ulit matapos maitulak nang kamao ko ang mukha niya at lumitaw ako sa likod ng ikatlong lalaki na nasa likuran ng sinuntok ko sa sikmura. Mabilis ko naman siyang sinuntok nang malakas sa likod. At para mabilis ko silang maubos, hindi ako nag-aksaya ng kahit isang segundo. Nag-warp ako sa itaas ng lalaki sa kaliwa na nasa likod naman ng kalabang sinuntok ko sa mukha. Habang nasa ere... sinuntok ko siya sa bunbunan. At sa huli kong pag-warp, inilitaw ko naman ang sarili sa harap ni Kobe. Pero nakita niya ang pagdating ko kaya't binigyan niya ako ng isang hook mula sa kanan niyang kamao. Ngunit naramdaman ko 'yon kaya't mabilis akong yumuko at nakaiwas. Tapos ay binigyan ko siya ng right uppercut kung saan tumalsik siya hanggang sa kisame nang tumama ang kamao ko sa baba niya. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at sinubukan kong abotin si Van kahit 'di ko alam kung saan ko siya mahahawakan dahil nakatingin ako sa kalaban. Hanggang sa may nakapa akong mahaba... at matigas. Nang tignan ko siya... nakahawak na pala ako... sa braso niya. Inisip ko agad na mag-warp papunta sa condo unit niya. Ngunit... nang igala ko ang paningin sa paligid, napunta lang kami sa pwesto ko kanina kung saan ko iniwan ang Death Scythe ko. "Uhm... Saydie... I think its best if you teleport us back to my place. We'll be safer there," sambit ni Van. It was my intention but my warping suddenly malfunctioned. Kaya't hindi ko na lang siya sinagot. Bumaling ako sa kanya at ginamit ko ang lakas ko para punitin ang mga gapos niya sa braso't paa. "Thanks, Saydie. Mabuti na lang at dumating ka," sambit ni Van nang makatayo siya habang minamasahe niya ang kanyang mga braso. Pero tila ba bigla na lang siyang natigilan at nanlalaki ang mga mata niyang diretso ang tingin. "S-Saydie... w-what are those?" Tinuro niya ang mga kalaban kaya't bumaling ako doon. Ang mga kalabang napabagsak ko ay tila nawalan ng malay ngunit unti-unting nilalabasan ang mga katawan nila ng puting usok na pumoporpa ng kung anong hugis. "What have you done to them? Bakit umuusok sila?" tanong ni Van na tila takot na takot. "Shut up!" saway ko. "They're coming out." "W-What's coming out?" Ang mga puting usok ay naging kulay puting kalansay na may kanang kamay na kasing laki ng aking katawan. Pagkatapos ay nagkaroon sila ng ripped cloak na kulay puti rin, at ang mga daliri nila sa kanang kamay ay nagkaroon ng mala patalim na mga kuko na kasing haba ng braso ng isang bata. At sa huli, ang kanilang mga ulo ay napuno ng dugo maliban sa isa. Ang Vengeful Spirit na lumabas sa loob ni Kobe bagama't kulay puti rin at may suot na ripped cloak, magkabilang kamay nito ang malalaki at may matutulis na kukong patalim. Ang mukha nito ay mukha ng isang babaeng may blankong ekspresyon, may mahabang buhok na tuwid at kulay itim, at ang mga mata nito ay wala na parang mga butas lang ngunit lumuluha ng dugo. Mas malaki siya kumpara sa mga kasama niya at natatandaan ko siya. She defeated me before but this time I'll be more careful. Maybe... the reason that I can't warp away from here is that I need to defeat them all. So that once and for all, I can stop the biggest threat on Van Kyle Chua's soul. But I don't know if I can beat them without Master Reeve who seems to be not answering when I tried to summon him before I even got here. "Saydie ngayon na! Dapat tumakas na tayo! Mga halimaw na sila!" Hindi ko siya pinansin at binuhat ko ang aking sandata. Pero nagulat ako at nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko na may pumulupot sa bewang at tiyan ko kasunod ng kung anong mainit na nakadampi sa buong likuran ko. "Saydie let's go. Gamitin mo ulit ang teleport or instant transmission mo na parang kay goku. Tumakas na tayo dito," dinig kong sambit niya at sobrang lapit ng boses niya sa akin. Pagtingin ko sa tiyan ko nakapulupot pala ang braso niya at nakayakap pala siya sa akin. Nagpumiglas ako pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin. "Saydie stop! Don't fight them... You... you might get hurt... and... I've seen enough people getting hurt. So please... let's just go." Natigilan ako at tila nagtayuan ang mga balahibo ko sa braso kasabay nang pag-init ng mga pisngi ko at paglakas ng t***k ng puso ko. Ngunit bumalik ang diwa ko nang sumigaw ang limang Vengeful spirit na para bang mga halimaw. Nagtipon-tipon sila at tila malapit nang gumawa ng hakbang para pabagsakin ako. "Van..." Nilingon ko siya nang may bahagyang ngiti sa mga labi. "...let go. They're souls have suffered enough. Kailangan na silang maihatid sa kabilang buhay at ako lang ang makakagawa nu'n." Bumitaw naman siya at umatras. "O-Okay. Basta... mag ingat ka." Tumango ako. "Find a place to hide and please... do what I will tell you. Don't come out until I've vanquished them and don't ever try to escape. They might turn to you and fulfil their vengeance if you do." Tumango naman siya at mukhang seryoso ang mukha niya. "I will. Thank you, Saydie." Bumaling ako sa mga kalaban kasabay nang marinig ko ang nagmamadaling mga yapak ni Van. Tumuro ang babaeng vengeful spirit sa direksyon ko at nag-growl ito na para bang isang halimaw. Tila sumunod naman sa utos ang dalawang Vengeful spirit at mabilis silang bumulusok papunta sa akin nang magkasunod. Agad ko namang iniangat ang sandata ko at inihanda ito sa isang mabilis at malakas na paghiwa. Nang makita kong sapat na ang distansiya nilang dalawa, inihataw ko ang aking sandata nang pahalang. Ngunit... tumarak lang ang patalim ng sandata ko sa lupa nang bigla silang maghiwalay. Inihanda ko ang sarili ko para depensahan ang atake nila pero nilampasan lang nila ako. Agad akong kinutuban na aatakihin nila si Van kaya't binunot ko agad ang aking sandata. Tapos ay sinundan ko sila at pahaba ko silang hiniwa ng aking sandata. Tinamaan sila at nahiwa sa kalahati. Nagliyab sila at naglaho. Ipinatong ko sa aking balikat ang aking Death Scythe at humarap sa tatlong natitirang kalaban. "I told you earlier... you can't have him. You're gonna get through me first." The lady vengeful spirit hissed. "So be it, Grim Reaper! The two of you will die together!" Magkasabay akong sinugod ng dalawa niyang alagad gamit ang kanang kamay nilang malalaki at may matutulis na kuko. Sa bilis nila, hindi ko na nagawang paikutin ang aking sandata para sila ay i-repel, bagkus ay ginamit ko na lang ang hawakan nito bilang pang sangga. Muli nilang ibinuwelo ang kanilang mga kuko para ako'y atakihin ngunit bago pa man ako tamaan, nag-warp ako limang hakbang ang layo sa likuran nila. Ibinuwelo ko ang patalim ng aking sandata sa kanan ko at dahil abot na sila ng sandata ko sa distansyang iyon, inihataw ko ito ng pahaba sa kanila. Tinamaan ang isang kalaban kaya't napugutan ko ito ng ulo ngunit ang isa ay nakailag. Sumugod ito sa akin nang mabilis. Nawalan naman ako ng oras para ihanda ang sandata ko dahil sa haba at laki nito kaya't lumiyad na lang ako para ilagan ang atake. Ang mga kuko niya ay dumaan sa harap ng mukha ko. Pero matapos kong makitang lumagpas na ito, tumayo ako nang tuwid. Ngunit agad akong napapikit nang tamaan ng matigas na kung ano ang mukha ko. Napaatras ako ng tatlong hakbang. Sumakit ang noo ko at pagmulat ko ng mga mata ko, nakita kong sinuntok niya pala ako na para bang nauntog ako sa isang matigas na bagay. Muli akong napapikit na parang makuryente ang ulo ko sa sakit. Inalog ko ang aking ulo at muling dumilat ngunit pagtingin ko... nasa harap ko na ulit ang kalaban. Sumalag ako gamit ang mga braso ko kaya't binitawan ko ang aking sandata. Tapos ay agad akong nag-warp palayo. Lumitaw ako sa likod ng kalaban mga sampung hakbang ang layo sa kanya. Pero bigla akong nakaramdam ng hapdi sa kaliwang braso ko na parang sinunog. Pagtingin ko... nagdurugo na ito at may tatlong mahahabang sugat. Ako pala ay nakalmot ng kalaban bago nakapag-warp. Hindi pa man ako nakakabawi... nakita ko agad ang kalaban na pasugod sa akin. Agad ko namang itinapat ang palad ko sa kanya at pinalabas ang lubid ni kamatayan. Initusan ko ang lubid na pigilan ang kalaban at agad naman itong napuluputan nang mabilis. Tiniis ko ang hapdi sa braso ko at nag-warp ako kung nasaan ang sandata ko. I picked up my death scythe and warp again over the enemy's head. Pinaikot ko nang tatlong beses at mabilis sa itaas ang aking sandata, saka hinataw nang pahalang ang kalaban. Nahati ito sa gitna mula sa kanyang ulo pababa. Nagliyab ito at naglaho. Tila nanghina ako sa ginawa ko at naghabol ng hininga. I was about to turn to the last enemy when I felt sharp blades sliced my back like a razor wind. It gave me a burning sensation right away and then I found myself lying down on the floor. "Saydie!!" dinig kong sigaw ni Van. Iniangat ko ang aking ulo, at nakita kong tumatakbo siya papalapit sa akin. Kahit tila nawalan ako ng lakas at may nararamdamang hapdi sa likod, kasabay ng pagbigat ng mga mata ko, sinubukan ko siyang pigilan, "Van... no! Stay... away!" Tila umakyat ang dugo sa bibig ko at tumulo ito sa labi ko pero napahinti ko si Van sa paglapit. Nakatingin lang siya sa akin at tila nanginginig. "Bakit mo siya tinutulungan? Bakit mo tinataya ang sarili mo para sa kanya? Hindi mo ba alam na masamang tao 'yan?" dinig kong tanong ng isang malapit na boses. Boses ng isang babaeng galit na galit. Tinig na mukhang nanggagaling sa Vengeful Spirit. "Manloloko siya! Wala siyang paki-alam sa iba kundi ang sarili lang niya! Dapat siyang mamatay!" "He will... die... but not... tonight. All souls... have the right... to be judge... equally... by... the... Death God," hirap kong sagot na para bang mas lalong nanghihina at bumibigat na ang mga mata. "And he... he's helping... me feel... what it... feels like... to be... a human." I won't die with this wound but if my mortal body pass out... there won't be anything between the Vengeful Spirit and Van. I have to... get up. "Ang pagiging tao ay hindi maganda. Sa una lang masaya pero puro pighati at paghihirap lang. At kapag minalas ka pa... makakatagpo ka ng isang masamang tao na katulad ni Van Kyle Chua," sagot ng Vengeful Spirit. Ginamit ko ang aking sandata para gawing tukod upang makatayo. Nagawa kong lumuhod pero biglang bumigay ang binti ko. "Saydie!!" dinig kong tawag ni Van pero agad kong pinakita ang palad ko sa kanya upang hindi siya lumapit. "Give up, Grim Reaper. Let me kill him and stop the suffering for both of us," sambit ng Vengeful Spirit. Pinilit kong tumayo at unti-unti kahit nanginginig ang mga binti at tila wala ng lakas ang buong katawan... nagawa ko habang ginagawang tukod ang aking sandata. "You're... gonna... get through me... first," hamon ko. "So be it," sagot ng vengeful spirit. Napatingala ako sa kanya nang itaas niya ang kanyang mga kamay. Tila bumubwelo siya na ako'y atakihin. Death God... please... lend me strength. "Paula stop!!" sigaw ni Van. Bubuhatin ko sana ang aking sandata para kunin ang pagkakataon at hiwain ang kalaban ngunit tila bumigat ito at ako'y napaluhod. Hanggang sa tila 'di ko na maramdaman ang buo kong katawan. "That's enough, Paula! Ako ang pakay mo, 'di ba? Lumapit ka sa akin!" dagdag pa ni Van. "Van... stop. Tumakas ka na. Tumakbo ka na. She can't... kill me," sambit ko at tuluyan na akong bumagsak sa sahig na tila ba wala ng lakas. "I had enough people getting hurt for me... even a Grim. So if you want to hurt someone... hurt me instead. Kung gusto mo... patayin mo na rin ako. Kung 'yan ang paraan para matahimik ang kaluluwa mo!" sambit pa ni Van at mukhang seryoso siya. Gumalaw ang vengeful spirit papunta kay Van. Sinubukan ko itong hawakan pero parang papel lang na nalanta ang kamay ko. Bumibigat pa ang mga mata ko. Van... don't do it... run! Those are the words I wanted to say but even my tongue can't find its way. It seems that there was something in her claw that immobilized me. "I'm sorry, Saydie. I have done enough damage to this woman. She have every right to kill me," sambit ni Van habang nakatingin sa akin. I can't let this happen. I have to stand. I have to fight. I have to save his soul with all my might. Power of death... please be with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD