Chapter 4

1802 Words
Saydie     ITO ANG UNANG beses na kailangan kong magbantay ng kaluluwa. I don't know what exactly I have to do, but I can't fail this time. Pagbalik ko sa condo unit ni Van Kyle Chua, gising na siya at nasa harap ng refrigerator. Umupo ako sa upuan na nasa harap ng mesa para bantayan siya. Pero pagharap niya, nagulat siya at nabitawan ang boteng hawak niya. "Ay putang'na!" What a loser. However... It seems that he can really see me now. I think I'll watch over him from afar. Nag-warp ako paalis ng kanyang condo unit papunta sa katapat na unit kung saan kita ko siya mula sa bintana niya. Saglit kong tinignan ang aking death book at wala pa rin nagbabago sa mga impormasyon tungkol sa target ko. Pagbalik ko ng tingin sa bintana... hindi ko na makita si Van Kyle Chua. Nag-warp ako ulit sa loob ng unit niya at wala nga siya sa paligid pero sa likod ng isang pinto naririnig ko ang pag-agos ng tubig. Mukhang iyon ay ang banyo at siya'y naliligo. Nang tumahimik sa loob ng banyo, naisip ko na baka patay na siya kaya't nag-warp ako sa loob, pero hindi pala. Kaso takot na takot siya nang makita ako. Napaka-lampa niya. Paano kaya naging killer ang kaluluwa niya kung gano'n siya? Muli akong nag-warp palabas. I guess I have to watch his name on the death book instead whenever I can't see him. I stood at the top of an electric pole and stare at my target's name on the death book. But then I saw him leaving his place and went to a restaurant. One more thing I am curious about. What does food taste like? Muli kong sinilip si Van Kyle Chua at sinigurado ko na naka-distansya ako. Masaya siya sa kinakain niya. Bakit kaya? Ano ba ang pakiramdam ng kumakain? I guess I was too close. He saw me again and spit whatever he was trying to eat. I warped out again to the top of a building and decided to watch him from up top. Habang nagbabantay, biglang may dumaan na napakabilis sa itaas ko na dalawang lumilipad sa ere na tila naghahabulan na kasing tulis ng hangin. Tinignan ko nang mabuti kung ano iyon... It was Master Reeve and he's chasing something white. Nakita kong nakalabas ang espada ni Master Reeve kaya't naisip ko na sundan sila. Inilibas ko ang aking death scythe at paulit-ulit na nag warp sa ere hangang sa makalapit ako sa kanila. I lose count how many times they passed me whenever I try to warp in the air to where they are. They were really fast. Parang walang hanging pumipigil. Sa huli kong pag-warp, napunta ako sa harap ng hinahabol niya kaya't napahinto ito. It was a skeletal entity with a face covered in blood, wearing a white ripped cloak. Ihahampas ko sana ang death scythe ko dito nang biglang lumabas sa mukha nito ang dulo ng isang espada. Nagliyab ang entity at naglaho. Pagkatapos ay tumambad sa harap ko si Master Reeve na siya palang tumusok sa kalaban. "Saydie, what are you doing here?" Naglaho ang kanyang espada at bumaba si Master Reeve sa rooftop ng isang building. Pinaglaho ko rin ang aking sandata at sinundan siya, "Master Reeve. What was that?" "Since you saw it. I guess I have to tell you about it," sambit niya at nanatili akong tahimik na naghihintay ng sunod na sasabihin niya. "That was a Vengeful Spirit. Sila 'yong mga namatay na nangakong maghihiganti. Hangga't 'di nila nakakamtan ang hangarin nila, mananatili silang Vengeful Spirit. May kakayahan ang mga Vengeful Spirits na gumawa ng aksidente na ikakamatay ng taong paghihigantihan nila. Souls killed by vengeful spirits are drag down to hell without evaluation or judgement from the Death God which is not right. All souls should have the right to be judged." "Iyan ba ang sinasabi mong mission if you leveled up to be a Death Grim Reaper, Master Reeve?" tanong ko. Tumango siya. "Yes... A vengeful spirit does not appear on Death Books, that's why they can wander in the living world." "Which contradict to the rule of the afterlife that all souls of the dead should be in paradise or hell," sabat ko. "Right... And only Grim Reapers that were granted weapons are the only one who can extinguished this Vengeful Spirits, so their names can appear on the Death Book and then we can send their souls to the afterlife," sambit ni Master Reeve at tumapat siya sa akin. "I'm telling you about this because you are my student. But remember that this job is only for Death Grim Reapers. So leave it if you saw one." "Understood, Master Reeve." Tumalikod siya at akala ko aalis na siya pero bigla siyang huminto. "By the way, Saydie." Humarap siya sa akin at may iniabot na isang crystal cube na kasing laki ng mata. "I've arrested a Grim Reaper recently who were using that. It seems this thing can make us human for a period of time.” "It's an illegal artifact why are you giving it to me?" tanong ko. "Alam ko kasi na gagamitin mo lang 'yan kapag kailangan. Kung dumating man ang oras na 'yon, kaya kitang pagtakpan sa mga kasamahan ko upang 'di maaresto. Siguraduhin mo lang na gagamitin mo 'yan para makapasa sa challenge ng Death God. To use it, just destroy it. Para magbalik naman sa pagiging Grims, palabasin mo lang ito ulit. It’ll be in good shape again then destroy it." Kinuha ko ang crystal cube at itinago sa bulsa ng pants ko. "I won't fail, Master Reeve." "Good luck, and may the power of death be with you," paalam ni Master Reeve. "And to you too." At naglaho siya. Mukhang ang pagiging Death Grim Reaper ay mas maraming mission kumpara sa amin. Kaya siguro pinili iyon ni Master Reeve. Pero ang pagsilbi kay Death God ay mukhang isang paulit-ulit na gawain lamang kahit madagdagan pa. Tingin ko... mas gusto kong malaman ang pakiramdam ng mabuhay. I warped to Van Kyle Chua's condo unit. Natutulog lang siya ng mga sandaling iyon kaya't lumabas na lang ako at binantayan ang pangalan niya sa Death Book.       AT A BOWLING center. He saw me again and this time, he totally freaked out. Sinubukan niya akong kausapin at hawakan. Stupid guy! Wish he'll die now. Tapos ay nagpa-panic siyang lumabas ng gusali. I checked my Death Book but there wasn’t any changes yet. I think I will let him go crazy this time. Pero nang tignan ko ulit ang Death Book... may lumabas na bagong impormasyon sa ilalim ng pangalan ni Van Kyle Chua.   Van Kyle Chua Date of Death: OCTOBER 30, 20XX Cause of Death: Death in his sleep. 10,000th soul challenge: Soul needed to die at exact date and exact cause. Soul dying in an accident, killed, or suicide will deemed this challenge as failed. Grim's soul collection will reset to zero, and target's soul will be punished in hell for 50 years before evaluation if failed. Sincerely yours, The Handsome Death God   October 30... That's less than a month from now. I don't care if his soul will be punish in hell but I can't afford to fail. I want to be reincarnated. I have to safeguard this loser until the day of his death. Agad akong nag-warp sa labas at nang makita ko si Van Kyle Chua... patawid siya at may sasakyang mabilis magpatakbo na papalapit sa kanya. Agad kong naisip na kailangan ko siyang iligtas. Pero… I can't save him in my current form since I can't touch him. I have to use the crystal cube. Hindi na ako nagdalawang isip pa at binasag ko sa kamay ko ang crystal cube. Pagkatapos ay mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at inihagis ko ang aking sarili para iiwas siya. Nahagkan ko siya, at nakaiwas kami sa sasakyan. Nagpagulong gulong kami sa kalsada nang tatlong beses hanggang sa huminto kami at nasa ibabaw ako ng katawan niya. Tumitig siya sa akin at napagaya ako. Ilang saglit pa, nanlaki ang mga mata niya at sumigaw siya. Tumayo ako at napahawak sa aking tainga dahil may naramdaman akong hindi kanais nais doon nang marinig ko ang tono ng sigaw niya. Siya nama'y biglang tumakbo palayo. Bago ko siya habulin, napatingin ako sa paligid at ang mga tao'y nakatingin sa akin. Napatingin ako sa kotseng muntik makabangga sa amin at may nakita akong kulay puting bagay na mabilis na umalis. Was that a vengeful spirit? Ipinagpaliban ko muna ang pagiisip kung tama ba ang nakita ko dahil nakalayo na si Van Kyle Chua. Hinabol ko siya at nang makarating kami sa lugar na maraming nakahinto na sasakyan... "Van Kyle Chua!" Huminto siya sa tawag ko at dahan dahang humarap sa akin. "N-Nag sasalita siya? Totoo ba ito? H-Hinde... this could be a dream!" Umiling ako. What a loser. I think he needs something to snap out of it. Nilapitan ko siya at sinapak ko siya sa kaliwang pisnge. Pero nakapagtataka... nakaramdam ako ng kung ano sa kamao ko. Is this what it is to be a human? Is this what they called pain? "Oh fu—bakit mo ako sinuntok?" reklamo niya habang nakahawak sa pisngi. Tapos ay tumingin siya ulit sa akin nang nanlalaki ang mga mata. "Pero wait. Sinuntok mo ako at naramdaman ko. Tapos nagsasalita ka at narinig ko? Who the hell are you? Why am I the only one who can see you?" "My name is Saydie and I am a Grim." "G-Grim? Anong pinagsasasabi mo?" Takot niyang tanong. "Grim means Grim Reaper." "G-Grim Reaper? Tell me... was that a prank? And you pulled it with my friend Kobe? Dinamay niyo pa 'yong Janitor, a. Paano mo nagawa 'yong kanina na 'di kita mahawakan? Magician ka ba?" I felt something inside that made me frown. It seems that for me, all his questions was idiotic. I think I have to tell him everything. "Do you remember when I hit you with this?" Inilabas ko ang aking Death Scythe at napaupo siya. Good thing that I can still use my powers while in this form. "This is a Death Scythe and this is my weapon as a Grim Reaper. I use this to rip souls of people who's about to die." "Y-You mean, totoo 'yon at hindi panaginip?" nanginginig niyang tanong. "A-And... About t-to d-die? Does it mean I'm dead?" "Not yet, idiot. But you are going to die and I am here to wait until your soul can be collected," sagot ko. "Holy sh—," naputol niyang sambit at bigla siyang natumba sa sahig. Nakapikit siya at tila nawalan ng malay. What a loser. I wonder who this guy killed that made him a killer's soul.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD