Chapter 5

3137 Words
Van     HINDI KO ALAM kung paano pero pag gising ko nasa condo na ako at umaga na. Naaalala ko ang mga nangyari kagabi. Muntik akong mabangga at iniligtas ako ng gothic-look girl na akala ko'y multo. Pagpunta ko sa dining room nandoon siya at nakaupo sa upuan ng mesa ko. Hindi ko pa rin maintindihan kung sino siya pero ang naalala kong sinabi niya ay isa siyang grim reaper at sinusundo niya ang kaluluwa ko. Isang malaking kalokohan pero aalamin ko ang katotohanan. Umupo ako sa tapat niya at tinitigan ang blankong ekspresyon ng mukha niya. Her face looks like a doll. But what's up with the gothic get up? "Van Kyle Chua, stay here and don't do anything." Tatayo dapat siya pero pinigilan ko. "Wait a second, gothic girl! First of all don't call me by my whole name. It's weird. Second... who the hell are you again and why are you here?" "It's either you are deaf, or too stupid to understand. Once again I am Saydie and I am a Grim or a Grim Reaper. You're going to die soon and I am here to collect your soul." Ano'ng pinagsasabi ng wirdong 'to? "Ms. Naka-drugs ka ba? Cut the crap and tell me the truth." Hinintay ko siyang magsalita pero nakatitig lang siya sa akin at hindi ko mabasa ang mukha niyang poker face, samahan pa ng mga mata niyang kulay abo na nakakasindak. Ilang saglit pa... bigla siyang nawala at halos mapatalon ako sa gulat kasabay ng biglang pagkabog ng puso ko at sa tila saglit akong nahirapang huminga. Tumayo ako at hinanap siya sa paligid. Ilang saglit pa, bigla siyang lumitaw sa tapat ng pinto ng banyo tapos bigla ulit nawala. Napaatras ako at nilakihan ko ang mga mata ko na halos manginig pa ako sa takot. Naisip kong lumabas pero... Bago pa man ako makarating sa pinto... bigla siyang lumitaw doon nang nakahalukipkip at nakasandal. Natigilan ako at talagang gulat na gulat sa nangyari. Nawala siya ulit, at paglingon ko... nakaupo na siya ulit sa mesa. "W-What the— paano mo na gawa 'yon? Is t-that street magic like D-David Blaine? Or C-Criss Angel?" Natataranta kong tanong habang nilalapitan ko siya. Tapos ay napagtanto ko na tama ako at dinuro ko siya. "Tama! That explains it! The gothic look and the tricks. You idolized Criss Angel." Tumayo siya at gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya, blanko at parang walang emosyon. Pero hinawakan niya ang daliri ko at binali ito. "Aray! Aray! Aray!" Hindi ko pa tapos maramdaman ang sakit ng ginawa niya na umabot sa siko ko, hinawakan niya naman ako sa likod ng kwelyo ng T-Shirt ko at sa isang iglap... Napunta kami kung saan maraming puno at bundok sa paligid. Naramdaman kong wala akong tinatapakan at pagtingin ko sa baba... ang taas ng lalaglagan ko kaya't agad akong humawak sa braso niya habang napapasigaw pa sa lula. "What the hell! Oh my god! Oh my god!" Napapikit ako at bigla akong nakaramdam ng tila pag-usog ng katawan ko. Pagmulat ko... nasa condo unit ko na ulit kami. Binitawan niya ako at napaupo ako sa sahig. Pagtingala ko sa kanya... she was looking down at me but I saw a slight smug on her lips. "Do you believe me now?" Tumango-tango ako nang mabilis sa tanong niya at dahan dahan akong tumayo. Nakakatakot siya. I've never been scared to a girl like this before. Pero tiyak kong hindi siya tao. Umupo siya ulit sa upuan. Napalunok naman ako at umupo rin sa tapat niya. "S-So you mean... you really are a G-Grim Reaper?" Tumango siya sa tanong kong utal. What on earth? I can't believe that this is real. Is it really real? Jeez! "I uh... read about Grim Reapers when I was a kid on comic books or children's books. Aren't you supposed to look like a skeletal figure in hooded black cloak?" "That's the Death God. Kaming mga Grim Reapers ay alagad niya." "D-Death God? A God exist? Okay that doesn't make any sense. How about what you said that you are here to collect my soul 'cause I'm about to die? Am I really dying?" "Yes," sagot niya. Napalunok ako at tila bahagyang nahirapan huminga. Ayoko pang mamatay. Twenty five years old pa lang ako at marami pang dapat maranasan, e. "But why? Don't you think I'm too young to die? Healthy naman ako. Tsaka ganito ba lahat ng mamamatay? Nakakakita ng Grim Reaper?" Sumandal siya at ipinatong ang mga braso niya sa mesa habang nakapatong ang kanang kamay niya sa kaliwa. "Kapag oras mo nang mamatay, oras mo na. Hindi mahalaga kung ilang taon ka nang nabubuhay." Napalunok na naman ako. Mas lalo akong natatakot sa tuwing naglalabas siya ng mga salitang malamig ang tono na nagpapahiwatig na wala siyang paki-alam. "W-What will happen if I die and you take my soul? Saan mo dadalhin ang kaluluwa ko?" "Dadalhin ko ang kaluluwa mo sa Death Collector Society kung saan lilitisin ka kung sa paradise o sa hell ka mapupunta. That's all you need to know ‘cause you're gonna die anyway," sagot niya. Napatitig ako sa mukha niya at nasindak ako. "But I want you to stay here and be safe. Until the day you'll die which is this coming October 30. Kapag namatay ka nang hindi sa tamang petsa. Susunugin ka sa impyerno ng limangpung taon." "O-October... t-thirty... i-impyerno?," napayuko ako at nakaradam ng pagbasak ng katawan na tila nawalan ng ganang gumalaw. That's less than a month from now. Ibig sabihin konti na lang ang oras ko sa mundo? Hindi pwede. Hindi dapat. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na kalokohan lang ang lahat. But after everything she showed me, there's no way that she could have making it up. Mamamatay na talaga ako. Pero... hindi pwede. I don't want to. "Stay here and don't go anywhere. I have to go somewhere for your own sake," sambit niya at bigla akong nabuhayan. "My own sake? Do you mean pwede pa akong makaligtas sa kamatayan?" "No. But we don't want souls to get punished right away. All souls should be evaluated first. Again... stay here. I will tie you up and lock you here if I caught you outside," sagot niya at bigla siyang nawala. "What the hell?! Talagang what the hell? Holy cow!" Napahawak ako sa aking ulo at pilit iniintindi ang lahat. I don't want to die and there must be another way. Kung taguan ko kaya siya till October 31? Baka gano'n 'yon? Jeez! Sana panaginip lang 'to. Naisip kong tawagan si Kobe at agad niya naman itong sinagot. "My man! Kamusta? Wala ka na bang tama?" Mahinahon ko siyang sinagot sa phone. "Hey, bro. I'm okay. May itatanong sana ako." "Mukhang seryoso 'yan, a. Tungkol saan?" "Kobe..." bumuntong hininga ako para maramdaman niyang seryoso ako dahil seryoso naman talaga ako.  "May alam ka ba sa mga Grim Reapers?" Hindi siya sumagot agad pero ilang segundo pa... Narinig kong tumawa si Kobe nang malakas sa kabilang linya. "What the hell, dude? Pahingi naman ako ng tinitira mo. Mukhang matindi 'yan, e." Binaba ko ang tawag at initsa ko ang phone ko sa mesa. Damn it! Kahit kailan talaga hindi ko makausap nang matino 'to si Kobe. Anong gagawin ko? Ayoko pa talagang mamatay. Bakit pa kasi ako ang napili ni kamatayan na mamatay nang maaga. Sana iba na lang. Nang masabi ko sa isip ang salitang kamatayan... bigla kong naalala 'yong matanda sa car park. Sinabi niyang bibisitahin ako ni kamatayan at nangyari nga. Hindi kaya may alam siya? Baka alam niya rin kung paano ako makakaligtas? Or maybe she's some kind of a witch and she's the one behind this. I gotta find that crazy old hag.           SUDDENLY, EVERYTHING I believed that isn't true become real to me. If Grim Reapers are real maybe witches like that old hag are real too. That gothic girl said I need to stay here but I won't just wait for my death, I have to do something. Pumunta ako sa night club at nagtanong tanong sa mga guard kung kilala ba nila 'yong matandang babae na nakapasok sa car park no'ng isang gabi. Ang sabi nila, nandoon daw sa paligid ang matandang 'yon tuwing gabi at namamalimos. Pero 'di nila alam kung saan ito nakatira. I thought about driving around the vicinity. If that old hag beg for alms every night, she must be just around. I have to find her before that Grim Reaper Gothic Girl comes back. Isang oras akong paikot-ikot sa pagmamaneho ng sasakyan sa paligid ng night club at sa mga katabing gusali, pero wala akong makitang matandang pulubi. Hanggang sa nag-park ako sa harap ng isang fast food restaurant para mag pahinga at mag-research na lang muna sa internet ng tungkol sa mga Grim Reapers gamit ang phone ko. I even searched for things like: how to escape death from grim reapers, how to hide from grim reapers, and many more. But every time I thought that the stuff I saw from the internet will work, something will come up in my mind on how those stuff won't work. Jeez! I think I have to know everything from her. Pero sa itsura niya mukhang hindi siya magbibigay ng iba pang detalye. I was busy scrolling on my phone when I heard three knocks on my car window. It was a beggar, a boy asking for money. Akala ko 'yong matanda na, sayang. Bahagya kong binuksan ang bintana ng kotse ko para marinig ako ng bata. "Hoy, alis! Baka bigwasan kita diyan." Umalis naman ang bata pero bigla kong naalala na pulubi nga pala 'yong matanda at baka kilala siya nung bata. Tuluyan kong binuksan ang bintana ng kotse ko at tinawag ang bata, "Hoy bata! Bumalik ka dito bibigyan kita ng limos!" Bumalik ang bata at pinakitaan ko siya ng isang daang pisong buo. Kukunin niya na dapat pero agad kong iniwas. "Not so fast, kid. Ibibigay ko lang sa 'yo 'to kapag tinulungan mo ko." "Ano ba 'yong gagawin, kuya?" "Una sa lahat 'wag mo ko'ng tatawaging kuya, 'di kita kapatid. May hinahanap akong matandang babae na pulubi," sagot ko. "Baka kilala mo?" "Ano po bang itsura?" Inalala kong mabuti ang itsura ng matanda. Medyo hindi ako sigurado dahil lasing ako nu'n pero ang sabi ko sa bata nakakatakot ang matanda at 'yong isang mata bulag na. "Ay si aling Nona po 'yon," sambit ng bata. "Kilala ko po 'yon." "Good! Saan siya nakatira? Kailangan ko siyang makita," tanong ko. "Ituturo ko po, pero gawin niyo nang 200 'yong bayad niyo." Walanghiyang batang 'to. Mautak, a. "Okay sige. Kapag siya talaga 'yong hinahanap ko 500 pa ibibigay ko sa 'yo." "Ay sigurado po ako na siya talaga 'yon! Tara po sundan niyo ako, malapit lang po siya dito." Bumaba ako ng sasakyan at sinundan ang bata. Dinala niya ako sa likod ng fast food restaurant at kaonting lakad pa, nakarating kami sa isang tulay. Sa gilid ng tulay ay may hagdang kahoy pababa sa tuyong ilog. Bumaba siya doon at sumunod ako. Maraming mga bata ang nandoon at naglalaro sa lupang mabuhangin. Lahat sila'y napatingin sa akin nang ako'y dumaan. Medyo nakaka-kilabot. First time ba nila makakita ng tao? Paglagpas namin sa mga bata, lumiko kami pakanan at nakita ko ang isang bahay na gawa sa trailer ng truck na kulay itim. Paglapit namin doon, pumalad ang batang kasama ko. "Sir, akin na 500 ko. Doon muna ako sa malayo. Takot ako kay aling Nona, e. Baka abugbog ako. Dati kasi abugbog Nona ako, e." Binigay ko ang 200 pesos na buo sa bata. Kinatok niya nang malakas ang pinto ng bahay at kumaripas ng takbo palayo. Hinintay ko namang bumukas ang pinto at nang makarinig ako ng kalabog sa likod nito... napalagok ako sa kaba. Dahan dahang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang matandang namalimos sa akin nung isang gabi. "Mr. Van Kyle Chua, hinihintay talaga kita," nakangiti niyang sambit. Nagulat naman ako na alam niya ang pangalan ko, "P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?" And wait! She said she's waiting for me? Creepy. "Pumasok ka at ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat." Kahit nakakatakot ang boses garalgal at ang itsura ni Aling Nona, pumasok ako sa bahay niya. Umupo siya sa rocking chair niya at nanatili naman akong nakatayo habang tinitignan ang paligid. Hindi gaya ng naiisip ko na nakakatakot ang bahay niya, maayos naman ang loob nito. Fully carpeted ang sahig at may mga dekorasyon sa paligid na para bang mga anito na galing sa Baguio. Kaso nga lang wala siyang kuryente at mga lamparang de langis lang ang ilaw sa paligid. "Kamusta, pogi? Nakita mo na ba si kamatayan kaya ka nandito?" Tila agad na umakyat ang dugo ko at nagpintig ang mga tainga ko nang marinig ko 'yon. Sinunggaban ko siya at hinawakan sa kwelyo. "Sabi ko na ikaw ang may kagagawan nu'n! Sinumpa mo ko 'no? Bawiin mo 'yon! Walang hiya kang matanda ka!" Bigla niya akong hinipan at sa isang iglap... Napunta ako sa labas at nakapalad sa akin ang batang lalaking kasama ko kanina, "Sir, akin na 500 ko. Doon muna ako sa malayo. Takot ako kay aling Nona, e. Baka abugbog ako. Dati kasi abugbog Nona ako, e." What the... he said that earlier. Nanaginip lang ba ako nang gising o parang bumalik ang oras? Binigay ko ang 500 pesos at kinatok ng bata ang pinto ng bahay ni Aling Nona saka kumaripas ng takbo. Parehas na parehas sa nangyari kanina. Pagbukas ng pinto, nakangiti si aling Nona. "Ano pogi? Kaya mo bang huminahon para papasukin kita ulit?" I don't know how and what exactly she did but it seems that she made me go back in time for a bit. Parang sa mga comics at fantasy films. Who the hell is this old hag? Napalunok ako at huminga nang malalim. "S-Sige. Sabihin mo sa akin lahat. Pakiusap." Pinili kong magpakabait. Hindi ko alam kung ano pang kaya niya at baka ikapahamak ko pa kapag kinalaban ko siya. Pumasok ako ulit sa bahay ni Aling Nona, this time umupo na ako sa bangkito habang siya'y nakaupo naman sa kanyang rocking chair. "P-Paano mo nagawa 'yong kanina? Sino ka?" Tumawa siya nang matining, parang mangkukulam. "Hindi 'yon importante, Mr. Chua. Ang importante ay ang nalalapit mong pagkamatay. Tama ba?" "P-Paano mo nalaman?" Nakakatakot ang matandang 'to. Lahat alam niya maging ang pangalan ko. "Bakit parang alam mo ang lahat ng tungkol sa akin?" Tumawa nanaman siya nang matingin at sinimulang iuga ang kanyang rocking chair. "Una sa lahat, hindi ako ang may kagagawan kung bakit ka binisita ni kamatayan. Sadyang nakatakda ka lang talaga mamatay. Nakita ko lang ang hinaharap mo nang hawakan kita kaya't binalaan kita." Nakaka-curious talaga itong matandang 'to. Hindi ako maniniwala sa sinasabi niya kung 'di niya napatunayan 'yon kanina. Kung ano man siya hindi 'yon ang pinunta ko dito. Hindi na ako dapat magpaligoy ligoy pa. Hindi na importante kung paano nalaman ng matandang 'to ang tungkol sa lahat lahat sa akin. Ang mahalaga ay malaman ko kung paano makakaligtas sa kamatayan. "Sabihin mo, paano ko matatakasan ang kamatayan? May paraan ba?" "Alam kong itatanong mo 'yan. Oo... may paraan." Napatayo ako sa kinauupuan ko, nilapitan ko siya, at lumuhod sa tabi niya, "Paano? Pakiusap. Gagawin ko ang lahat para makaligtas at mabuhay pa." Tumawa ulit siya nang matining at suminga ng sipon sa panyo. Pagkatapos ay nagsalita na... "Makinig kang mabuti... Ang mga Grim Reapers ay sinanay na maging walang emosyon upang maging walang awa. Dahil kapag sila'y nagkaroon ng emosyon at awa, maaari nilang burahin ang pangalan ng mamamatay sa tinatawag nilang libro ng kamatayan. Kapag nabura ang pangalan, makakaligtas sa kamatayan. Gano'n lang kasimple." Tumayo ako at inisip ang mga sinabi niya. "Ibig sabihin kailangan kong magmakaawa sa babaeng 'yon para burahin niya ang pangalan ko sa libro. Tama ba?" Tumango siya. "Iyan ay kung magkakaroon siya ng emosyon tsaka kung maaawa siya sa 'yo. Nakakaawa ka ba? Buong buhay mo hindi maganda ang ugali mo. Kaya sigurado nang mamamatay ka." At muli siyang tumawa nang matining. Nakakainis! Ako kailangan mag makaawa? Never in my life that I had to beg for something. But this is life and death... what should I do? Napaluhod ako at nakaramdam ng bigat sa loob. Naalala ko ang mukha ng babaeng grim reaper na 'yon. She's cold and cruel. There's no way I can beg for my life. "Pero may iba pang paraan..." Napatingin ako kay Aling Nona nang sabihin niya iyon at nakaramdam ako ng pagkasabik at pag-asa. "Anong paraan Aling Nona? Sabihin mo sa 'kin, please. Lahat gagawin ko!" "Nag anyong tao ang Grim Reaper mo para protektahan ka hanggang sa nakatakdang araw ng kamatayan mo. Gumamit siya ng pinagbabawal na crystal para magawa 'yon. Ang kapalit nu'n ay unti unti siyang magiging tao hanggang sa panahong ibalik niya ang sarili sa pagiging Grim Reaper. Kaya't posible ng magkaroon siya ng emosyon dahil mas nakakaramdam na siya. At ang kailangan mo lang gawin ay bigyan siya ng... wagas na pag-ibig." "P-Pag ibig? What the hell? Ano 'yon fairy tale? Seryoso ba 'yan? How'd that become--" Bigla kong naisip na may point siya. I remember the girls who were head over heels with me. They do anything and everything for me. So come to think of it... it does make sense. "If she will love me and became obsessed with me, she'll let me live. Tama! At Kung pag papa-ibig lang ang usapan, expert ako diyan. All I have to do is to make her fall in love with me. I don't have to love her. Kayang kaya! Mabubuhay ako!" "Tama, pag-ibig! Pag-ibig ang sagot sa lahat ng problema," tumatawang sambit ni Aling Nona. "Ayayay pag-ibig. Nakaka-kilig. Ay sobra." Nakuha pang kumanta ng matandang 'to. But she gave me good news. Hinawakan ko ang kamay ni Aling Nona at inalog-alog ito. "Maraming salamat, Aling Nona. Ano'ng pwede kong gawin para makabawi sa 'yo?" "Wala. Gusto ko lang mapanood kung saan hahantong ang gagawin mo. Siya nga pala... parating na ang grim reaper mo at ilang saglit na lang ay nasa labas na siya ng pinto." Naku lagot na! Mabilis na kumabog ang loob ng dibdib ko dahil sa kaba. Kaya't nagmadali akong lumabas pero... tumambad agad ang Grim Reaper Gothic Girl na ‘yon sa harap ko. Wala siyang ekspresyon pero alam kong lagot ako dahil naabutan niya ako sa labas. If I remember it right, she said she'll tie me and lock me up. Ngunit hindi ito ang oras para matakot. Kailangan ko nang simulan na siya'y paibigin. And this is my first step towards escaping death. "Ikaw pala..." Nilapitan ko siya at hindi nagdalawang isip na siya'y yakapin. "Na-miss kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD