Santana’s POV Puno ng mga customer ang cake shop ko ngayong hapon. Katatapos lang naming magbukas ng bago naming cake flavor at mukhang patok na patok ito sa mga tao. Ang saya ng pakiramdam ko habang naglalakad sa shop, binabati ang mga suki namin at pinagmamasdan ang bawat isang ngumingiti habang tinitikman ang mga cake. Isang linggo na rin simula nung huli kong makita si Alaya sa bahay ni Mayor Castiel. Hindi ko makakalimutan ang itsura niya nang mahuli niya kami ni Mayor na naghahalikan. Yung galit at pagkamuhi sa mga mata niya—nakakapagbigay ng kakaibang kasiyahan sa akin. Pero alam kong hindi pa iyon ang katapusan. Kilala ko si Alaya, hindi siya basta-basta magpapatalo. Kung may isang bagay na natutunan ko mula sa mga araw na pinagsamahan namin bilang magkakilala, ito ay ang kato

