Santana’s POV Nakahiga ako sa kama ko dito sa lumang manisyon dito sa La union, ito ‘yung isang manisyon na nakuha ko kay Renlen. Ang mga mata ko ay nakatuon sa ceiling fan na paurong na umiikot sa itaas. Tila ba ang mundo ko ay umiikot din kasama nito—mabilis, puno ng hangin at ingay. Pero sa mga oras na ito, ako ang nababalot ng katahimikan, bagama’t ang aking isip ay punung-puno ng mga pag-aalala. Naghihintay ako sa daloy ng mga balita mula sa social media. May mga panibagong trending topics at ang pangalan ko—Santana—ay isa sa mga iyon. Nang mga nakaraang oras, naisip ko na sana ay hindi na ako bigyan ng dahilan para muling mag-trending. Pero heto ako, natameme sa kuwarto ko, ang mga kamay ko ay nakadikit sa aking cellphone, sinisilip ang mga balita tungkol sa akin. Dumampi ang mga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


