Santana’s POV Tawag nang tawag sa telepono ko si Reon habang masaya kaming nagbabad dito sa swimming pool dito sa bataan. Nandito kami ngayon nila Kuya Luis, Mimi, Sassa, Kuya Mando at ng glam team ko sa resort na binigay sa akin ni Renlen. Nagpasya akong ituloy dito ang celebration nang naging masayang opening ng mga business ko. Nang ayain ko nga sila, agad-agad ay nagtanguan ang mga ito. “Bakit hindi mo sagutin at sabihin na nandito tayo sa Santana’s Beach resort,” sabi ni Kuya Luis nang makitang tinitignan ko lang ang cellphone ko habang panay pa rin ang tawag sa akin ni Reon. “Hayaan mo siya, maninikis ako ngayon. Binalewala niya ang mahalagang opening ng business ko kaya ngayon ko rin siya babalewalain,” sagot ko sa kaniya. “Ang mabuti pa, mag-enjoy na lang tayo dito sa beach reso

