Santana’s POV Gusto ko sanang mag-enjoy, kaya lang napaharap ako bigla sa laptop ko dahil sa sunod-sunod na pagtawag sa akin ng mga network na gustong ipalabas sa tv ang trending kong mga bake shop at cake shop. Sa dami ng alok, hindi ko tuloy alam kung sino ang dapat kong patulan. Mabuti na lang at saktong nandito si Reon. Kahit na lang may tampo ako sa kaniya, nanghingi pa rin ako ng opinion kasi alam kong dito siya magaling. Hinayaan kong siya na ang mag-reply sa mga email na natanggap ko. Aalis dapat ako para maligo muna sa swimming pool, kaya lang bigla niyang hinawakan ang braso ko. “Dito ka lang sa tabi ko, na-miss kita, e,” sabi niya at saka ako tinignan ng malagkit. Napataas ang isang kilay ko. Kakirihan niya. Pagkatapos nilang maging okay ni Luella, lalandi-landi naman siya nga

