Santana’s POV Ngayong araw, nag-message na ako kay Mayor Castiel na pag-meet-an na niya kami ng asawa niya. Kahit busy si Mayor Castiel, sinunod niya ang gusto kong mangyari. Nagkita-kita kaming tatlo sa isang coffee shop malapit sa munisipyo. Pagdating ko sa harap ng coffee shop, bumaba na ako sa sasakyan ko. Kasama ko si Luis dahil siya pa rin ang available na driver ko. Nasa labas palang ako, nakita ko agad na inaaninag na ako ni Alaya sa loob ng coffee shop na kinaroroonan nila ng asawa niyang si Mayor Castiel. Wala siyang idea na ngayong araw, makakaharap na niya ako. Pero ang tanong, makikilala ba niya ako? Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng coffee shop. Bawat galaw at bawat lakad ko, sinisikap kong maging elegante. Ang gusto ko kasi, maglaro muna kami ni Alaya sa una. Siya an

