Santana’s POV Nagkita kami ni Ellery ngayong araw dito sa isang Korean restaurant. Ewan ko, gusto niya raw makipag-usap sa akin. Pero, alam ko naman agad kung anong dahilan. Simula kasi nung magsara na lahat ng business niya, hindi na rin niya ako tinigilan sa pagmamakaawa na ibalik ko raw lahat ng binigay sa akin ng namayapa niyang asawa. Walang araw na hindi siya nagmakaawa. Walang araw na hindi siya nag-message. Walang tao dito sa Korean restaurant, sakto dahil makakapag-usap kami ng maigi. Tinignan ko siya. Ni hindi na niya makuhang mag-ayos ng sarili. Halatang stress na stress siya sa nangyayari ngayon sa buhay niya. Sa totoo lang, maawain akong tao. Dati ‘yon, hindi na ngayon. Saka, kung si Ellery ang kaaawaan ko, hindi niya deserve. Kahit saan ko kasi tignan na banda para kaawaa

