Santana’s POV Mayor pala ang asawa ngayon ni Alaya. Siya ang napili kong next target ko. I mean, next babalikan. Next paghihigantihan. Next na paglalaruan. Isa si Alaya sa mga malaki ang naging kasalanan sa akin. At hindi rin puwede na hindi ko siya mababalikan. Ngayong araw, mag-isa lang akong umalis sa manisyon. Mag-isa lang akong gumawa ng lakad ko. Alam naman nila ito, lalo na sina Reon at Luis. Oo, pati si Luis dapat ko na rin sabihan ng mga lakad ko kasi ang kulit niya. Palagi niyang inaalam kung saan ako pupunta. Ewan ko ba, pakiramdam ko, nahulog na rin talaga ang loob ni Luis sa akin. Dahil sa mga nangyari sa amin, wala, pati siya nahulog na rin sa mga kagagahan ko. Nakasuot ako ng cap at shades. Tapos, naka-jacket din ako. Today, nagpanggap ako na manghihingi ng tulong kay May

