Santana’s POV Nakaharap ako sa bintana ng maliit na café sa Baguio habang hawak ang tasa ng mainit na tsaa. Mula sa kinaroroonan ko, tanaw ko ang malalawak na taniman ng mga pine tree, na kung titignan ay sobrang nakaka-relax dahil sa sobrang ganda. Kaya lang, dahil may demonyo akong kasama, nawawala ang relax ko kapag nakikita ko ‘tong basag na mukha ni Alaya. Namaga pa lalo ngayong araw ang mukha niya. Kapag nakikita ko ang mukha niya, natatawa ako na palagi ko ring pinipigil kasi baka mahalata niya ako. Hindi niya puwedeng malaman agad na ako si Ana. Ang dating ginawan niya ng kalokohan. Gusto ko pang mag-enjoy na laruin siya. Tulad ngayon, hindi ko mapigilang ngumiti nang palihim. Ang kapeng dala ko kay Alaya kanina ay may kakaibang sangkap — isang bagay na sinadya kong ilagay. S

