Chapter V

2048 Words
Sean Krisher Juntura   Nawili ako sa panunuod namin ni Sir ng movie. Ang bilis nga ng oras eh. Ayoko nga sana matapos yung oras na kasama ko si Sir eh. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag kasama ko siya. Minsan nga pinag-aawayan na namin ng girlfriend ko ang pagpunta ko sa bahay nila Sir. "Sir, bukas. 2pm sa tapat ng school, bawal ang may dalang sasakyan" sabi ko kay Sir nung aktong uuwe na ako. Nauutal pa nga ako eh. Yung parang nahihiyang ewan. Hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit ko rin nasabi iyon. Basta naramdaman ko lang na gusto kong sabihin. Hindi ko na inantay na sumagot si Sir at dumiretso na ako sa pag-uwe. Sana naman pagbigyan niya ako sa pagyaya ko sa kanya. Naupo ako sa labas ng bahay namin. Naglabas ako ng maliit na lamesa at ipinatong ko ang redhorse na iniinom ko. Nag-iisip. Nalilito. Pumili ako ng kanta sa cellphone ko at pinatugtog ko iyon. Kasabay ng kanta ay mas lalo akong napapaisip. Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa sarili ko. Simula kasi nung tinawag ako sa recitation ni Sir ay parang gumulo ang nararamdaman ko. Para akong masisiraan ng ulo sa pag-iisip kung bakit ako nagkakaganito. "Cheska..." text ko sa girlfriend ko. "Cheska?" sagot niya sakin. Hindi ko kasi siya tinawag sa tawagan namin. Parang hindi na ako sanay. Parang hindi ko na feel ang tawagin siya sa bie. Tinitigan ko ng matagal ang screen ng cellphone ko. Hindi ko kasi alam kung ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya. "Anong problema?" natanggap kong mensahe ulit mula sa kanya. Binaba ko ang cellphone ko at hinayaan ko na lamang itong tumutugtog. Hindi ko na muna sinagot ang mga mensaheng natatanggap ko mula kay Cheska. Tanong ng tanong kung bakit ako nagtext, hindi ko rin naman kung bakit ako nagtext. Maagang akong dumating sa sinabi kong lugar kay Sir. Pakiramdam ko kasi na ang saya ng araw ko - excited ako. Naupo muna ako sa waiting shed habang inaantay ko ang pagdating ni Sir kahit hindi ako siguradong dadating siya. Napatayo ako ng makita kong naglalakad na ang taong inaantay ko at palinga-linga sa paligid. Alam kong ako ang hinahanap nito. Ang sabi ko kasi sa kanya ay sa tapat pero andito ako nakaupo sa waiting shed. Kinawayan ko siya at nilapitan. "Kanina ka pa?" tanong niya sakin. "Kararating ko lang din" sabi ko sa kanya kahit dalawang oras na akong nakaupo sa waiting shed. Baka kasi isipin nya na excited ako. Kahit halata naman sakin na excited ako. Umabot kasi hanggang tainga ang pagkakangiti ko nung makita ko siyang padating buti nalang at hindi niya nakita. Pumara na ako ng sasakyan para makarating na kami sa gagalaan namin. Magkatabi kami sa sasakyan at hindi kami nag-uusap. Nakatingin lang si Sir sa bintana at nakasalpak ang isang earphone sa kaliwang tainga. Ano kaya ang pwede kong itanong kay Sir para kausapin niya ako? Baka naman isipin niya na papansin ako? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Nahihibang na ba ako? "Oh eto" sabi niya sakin sabay salpak ng isang earphone sa tainga ko. Tig-isa kami ng earphone. Ang sweeeeeeet! Hahaha! Lihim ko ikinatuwa iyon. Tumaba yata bigla ang puso ko at lumakas ang kabog nito. Nakikisabay narin ako sa kantang pinapakinggan namin. Pumasok na kami sa loob ng mall. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil first time ko lang din naman magyakag ng gala na dalawa lang kami. Kahit ang girlfriend ko kapag nagala kami ay kasama ko sila Mark at Michael. Sabay kaming naglalakad at pilit ko siyang sinasabayan. Medyo mabilis kasing maglakad si Sir. "Kumain ka na ba?" tanong sakin ni Sir. Tumango ako senyas na kumain na ako. Parang nahalata niya yata na hindi ako sanay sa galaan na ganito kaya naramdaman kong siya na ang gumagawa ng paraan sa pupuntahan namin. Pumunta kaming second floor at dun nagsimulang maglakad-lakad. "Gusto mo ba ito?" tanong niya sakin sabay turo sa showing na nakakatakot. Kaiba talaga ito. Gustong-gustong nanunuod ng nakakatakot pero kapag naman nanunuod naman nagtatakip ng mukha. Hahaha! May naisip akong magand kaya pumayag ako at umoo ako sa kanya. "Ako na Sir" sabi ko sa kanya nung aktong pipilila na siya para sa movie ticket. "Ako na" tutol niya. "Sir ako ang nagyakag, kaya ako na" paggigiit ko sa kanya. Pumayag na siya ay sinabi kong antayin nalang ako sa gilid para hindi na siya pumila. Pagbalik ko sa kay Sir ay may hawak na itong dalawang softdrinks at isang malaking popcorn. Hindi naman masyadong ready si Sir. Nginitian ko siya at sinabi kong pumasok na kami sa loob. Eksakto naman ang pagpasok namin at magsisimula pa lang ang movie. Sa pinakadulo kami pumuwesto para mas kita namin ang pinapanuod. Third Eye ang pamagat ng movie. Mukha ngang nakakatakot. Nagsimula na ang palabas. Pinatay na yung mga ilaw at ang tanging nagbibigay ng liwanag lang ay ang malaking screen na nasa harapan namin. Tunog palang ng palabas ay mukhang nakakatakot na. Kita kong titig na titig si Sir sa screen samantalang ako ay nakatitig lamang sa kanya. "Whaaaaa!" sigaw ni Sir. Bigla akong nagulat nung napasigaw siya. Napatawa pa nga ako at dahilan iyon ng pagtingin niya sakin. Nahiya siya. Hahaha! Kapag alam niyang nakakagulat yung susunod na eksena ay nagtatakip siya ng mata o kaya ay kunwari titingin sa kinakain naming popcorn. Dahan-dahan kong inangat ang kanang kamay ko at ipinatong ko iyon sa itaas ng upuan niya. Hindi niya iyon napapasin dahil sa sobrang atensyon niya sa pinapanuod niya. Nagugulat pa nga rin ako sa tuwing mapapasigaw siya. Dapat sa susunod love story naman ang panuorin naming dalawa. Sana may susunod pa. at sa susunod hahawakan ko naman ang kamay niya. Ayieeee! Ay! Ano ba itong mga iniisip ko. Mali! Mali! Mali! Matapos naming manuod ay niyakag ko siyang kumain sa isang fastfood. Hindi naman kasi ako mayaman para mapakain siya sa isang mamahaling restaurant. Saka na, kapag official na kami. Eto nanaman ako sa mga kakaibang naiisip ko. Nagpapantasya na ba ako? Nababaliw na ba ako? Whaaa! Ang sarap neto! "Hindi ba pantay ang ilong ko?" bigla akong napabalikwas nung narinig ko iyon sa kanya. Napapatitig kasi ako sa mukha niya. Nakalimutan kong nakain na nga pala kami. Pinagpatuloy ko nalang ang kinakain ko para hindi masyadong nakakahiya. Napapasin na niya yata ako. Masyado ba akong halata? Bulong ko saking sarili. "Thank You Sean" sabi ni Sir sakin nung hinatid ko siya sa harapan ng bahay nila. Ngumiti ako senyas ng pagtanggap ko ng pagpapasalamat niya. Aktong tatalikod na ako nung tinawag niya ako. Dahan-dahan siyang lumapit sakin. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Iniangat niya ang dalawa niyang kamay. Yayapusin ba niya ako? Hahalikan niya ba ako? Yan ang pumapasok sa isip ko. Malapit na kasi yung dalawang kamay niya sakin eh. Pakiramdam ko nga ay parang nag-s-slow motion ang buong paligid ko. "Yung jacket ko..." sabi niya sakin. Ako kasi ang nagdala ng jacket niya kanina kasi nahalata kong nahihirapan siya. "Ay.. Oo nga pala" sabi ko sa kanya nung medyo malayo na ang kamay niya. Namula talaga ako nun. Kung anu-ano kasi ang pumasok sa isipan ko. Ang lawak talaga ng utak ko. Pero yung slow motion? Oo! Totoo yun. Yun yung nararamdaman ko habang papalapit yung dalawang kamay ni Sir. Uunahan ko na nga dapat yapusin siya kundi nga lang jacket pala ang dahilan. Haaaay... sayang! Katulad kagabi ay naupo na muli ako sa labas ng bahay namin. Nasa harapan ko uli ang maliit na lamesa at alak habang tumutunog ang playlist ng cellphone ko. Napapangiti nga akong mag-isa eh. Pano ko nalaman? Dumaan kasi yung pinsan ko at nakita niya akong nangiting mag-isa, naloloko na nga daw ako eh. Binato ko nga siya ng tsinelas. Masama bang tumawa mag-isa? Masabang ngumiti mag-isa? Hindeeeeee! Nag-iimagine lang naman ako. Masama ba yun! Naiimagine ko kasing tinawag ako ni Sir sa recitation. Siyempre tumayo ako at inaantay ko ang tanong niya. Nakatitig lamang ako sa mga mata niya habang papalapit siya. Papalapit ng papalapit. Tapos dahan-dahan niyang itataas ang dalawa niyang papunta sa leeg ko at hihilahin ko naman siya hanggang sa magkalapit na ang katawan namin tapos hindi ko na siya papakawalan. "Nag-aadik ka ba?" bigla akong bumalik sa katinuan ko nung marinig ko kay OMAYGAD!! Kay Sir! Napatitig lang ako sa mukha niya habang binabalikan ko ang mga scenarion sa isipan ko kanina. Pakiramdam ko ay parang katotohanan na ang mga nangyayari. Nasa scenariong iaangat na niya ang dalawang kamay niya at hihilahin ko na siya palapit sa malaki kong katawan. "Ay may sapi pala talaga ito" narinig kong muli sa taong nasa harapan ko. Ang pakiramdam ko ngayon ay parang high na high ako. Yung hindi maipaliwanag, yung parang ang saya-saya. Yung pakiramdam ng excited sa bagay na hindi mo naman alam kung bakit. "Araaaay!" sigaw ko nung tinuktukan niya ako. "Bakit ba Sir!" sabi ko sa kanya. "Kanina ka pa parang tanga diyan! Ano bang problema sa mukha ko at may pangiti-ngiti ka pa diyang nalalaman" mahabang sabi niya sakin. Ramdam ko sa sarili ko na nag-init ang buong mukha ko. Buti nga hindi katawan ko ang nag-init eh. Hahaha! Ang naughty! Dejokelang. "Pwede bang maupo?" sabi niya sakin. "Saan Sir?" sagot ko sa kanya. "Anong saan? E di dito sa upuan!" sagot niya sakin. Akala ko kasi kung saan niya gustong maupo. Kung anu-ano na nga ang pumapasok sa isipan ko. Ganito ba talaga ang tama? Patay tayo niyan! Napuruhan ang puso ko. Gusto ko sanang sabihin kay Sir na pwedeng-pwede siyang maupo basta sa tabi ko. Ayieeee! Naupo si Sir at binigyan ko siya ng maiinom. Lalasingin ko talaga siya. Hahaha! Nilabas ko narin ang speaker ko na nasa kwarto. Kahit mahirap ilabas iyon tiniis ko, para sa kanya. Gusto ko kasi magpatugtog ng lovesongs para sa kanya. Ano nga ba itong nangyayari sakin. Juskolord! "Bakit mo naman naisipan magpunta dito Sir?" basag ko sa katahimikang bumabalot samin. Ang totoo nga ay gusto kong isagot niya na namimiss na niya ako eh. "Wala kasi akong magawa sa bahay kaya naisipan kong dumaan dito" sagot niya sakin. Nagkwentuhan kaming dalawa ng kung anu-ano. Ako nga palagi ang nag-o-open ng topic para hindi mahinto ang usapan naming dalawa. Yung tipong hindi ako nauubusan ng kwento. Kahit nga walang kakwenta-kwenta ay kinukwento ko sa kanya para lang magtuloy tuloy ang usapan namin. "Oh eto bumili ka pa" sabi niya sakin sabay abot ng pera. "Ako na Sir" tanggi ko sa kanya. Ayoko nga pagastusin si Sir. Gusto ko kapag magkasama kami ay ako ang gagawa ng paraan. Syempre. Points ko rin yun nu! Paano niya ako magugustuhan kung ganoon. Gentleman to no! Bumili pa ako ng maiinom namin at sinabi ni Sir na tagay tagay nalang daw at hindi naman daw siya maarte. Pinagpatuloy namin ang pag-iinom naming dalawa. Pakiramdam ko nga ay parang walang pasok bukas. Pinatong ni Sir ang kanyang cellphone sa lamesang ginagamit namin. "Saglit lang aa.. May bibilihin lang ako sa tindahan" sabi niya sa akin at tumayo sa upuan. Hindi naman sa pagiging pakialamero tiningnan ko cellphone ni Sir. Wala naman kasing password. Ang cute na sana ng wallpaper kaso kasama niya si Reynier. Pareho silang naka-wacky shot. Mas magiging cute to kung ako makakasama ni Sir at pareho naming gagawing wallpaper ang picture namin. Diba ang sweet ng ganun! biglang tumunog ang cellphone ni Sir. Message iyon at hindi ko naman inaasahan na ma-o-open ko. "Palagi naman tayong ganito diba? Hindi mo kasi mapanindigan yang nararamdaman mo kasi wala kang tiwala sa sarili mo" nabasa ko iyon at nakalagay doon ang pangalan ng sender. Si Reynier iyon. Lalo akong napaisip nung nabasa ko iyon. Totoo kaya ang hinala ko na may relasyon silang dalawa? Iniisip ko palang parang dinudurog na ang puso ko. "Sir may message ka. Hindi ko sinasadyang napindot at nag-open" sabi ko sa kanya nung aktong uupo na siya. Nginitian niya lang ako at dinampot ang kanyang cellphone. Alam kong nirereplayan niya yung message na iyon kasi nakitang gumagalaw ang kanyang daliri at sumeryoso ang mukha niya. Matapos iyon ay inilapag na niya ang kanyang cellphone. Nakita kong iba na ang wallpaper niya. Iniba niya. Siya nalang magisa ang nasa screen ng kanyang cellphone. Inabutan ko siya ng tagay at mabilis niya iyun ininom. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Gusto ko kasing malaman kung ano ang isinagot niya sa message na natanggap niya kanina. Mas naging interesado ako sa isasagot niya. "May gusto ka ba sakin?" sabi sakin ni Sir.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD