Chapter VI

2674 Words
Miguel Ashley Castro        "Sir, bukas. 2pm sa tapat ng school, bawal ang may dalang sasakyan" sabi niya sakin nung malapit na siya sa gate at binirahan niya ng takbo. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Gusto niyang gumala kaming dalawa. Date. Alam ko yun. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman iyon sa kanya. Kaso naunang magyakag si Reynier eh. Magdamag kong pinagisipan kung sino nga ba ang sasamahan ko. Pero at the end mas napili ko si Sean. Pinag-awayan namin ni Reynier yung tungkol dun. Nagdahilan nalang kasi ako sa kanya. Habang naglalakad-lakad ako ay nakita kong parang tangang nakatulala si Sean at pangiti-ngiti sa tapat ng bahay nila. Muntanga nga eh. Tinawag ko siya ng ilang beses pero hindi siya sumasagot. Kaya nilapitan ko na siya. Tinuktukan ko siya dahil hindi parin nagbabago ang kinikilos niya. Bumalik siya sa kanyang sarili nung nakaramdam siya ng sakit mula sa kamay ko. Parang tanga ang kasi. May pataas-taas pa ng kamay at pangiti-ngiti pang nalalaman. Adik na yata to eh. Umupo ako at nagkwentuhan kami habang may nakahain na alak sa harapan namin. Sa totoo lang gusto ko talagang maginom. Kapag daw kasi nag-iinom ay mas nakakapag-isip ka ng maayos at magiging kampante daw ang pakiramdam mo kasi iisipin mong may tama ka ng alak. "May gusto ka ba sakin?" tanong ko kay Sean. Kung makatitig kasi inam at parang adik. Hindi siya makapagsalita. Natigilan siya at hindi makatingin ng maayos sakin. Ininom niya ang alak na dapat ay sakin. "Joke lang. To naman di na mabiro. Parang adik ka kasi" sabi ko sa kanya at napansin kong bumalik siya sa kanyang katinuan. Ngumiti siya sa akin at wala akong narinig na kahit na ano mula sa kanya. Nagpatuloy kami sa pag-iinom. Ako naman ngayon ang bumabasag sa katahimikan na bumabalot sa amin. Nagkukwento ako at panay naman ang tango sakin ni Sean. "E kayo ng girlfriend mo, musta kayo?" tanong ko sa kanya. Napansin kong medyo nag-iba ang pustura ng mukha niya nung narinig niya sakin iyon. "Okay lang naman Sir" maikling sagot niya sakin. "Oh yung cellphone mo nagriring" sabi ko sa kanya nung nakita kong may tumatawag sa cellphone niya. Nakapatong kasi iyon sa lamesang ginagamit namin. Tinaob niya ang kanyang cellphone at hinayaan niya lang itong tumutunog. "Bakit ayaw mong sagutin?" sabi ko sa kanya. "Wala lang yan Sir. Mangungulit lang yan" sagot niya sakin pagkatapos ngumiti. Nagpatuloy ang aming kwentuhan. Ang dami ko nga naikwento eh. Dala narin siguro ng alak. Pati yung tungkol kay Reynier ay naikwento ko narin. Hindi na ako nahiya. Sigurado naman na napapansin din nila kung paano ang turingan namin ni Reynier. "Mali kasi eh" sagot ko sa tanong niya. "Paano mo naman nasabing mali?" "Una, teacher ako. Pangalawa, alam kong hindi kami pwede." "Alam mo Sir, pagdating sa pagmamahal wala yang pinipili, wala yang bawal bawal, kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi mo iintindihin ang mga alam mong sasabihin ng ibang tao" mahabang sabi niya sakin. Seryoso nga ang mukha niya eh. May pinaghuhugutan! Hahaha! "Wow ha! Whogoat!" sagot ko sabay tawa naming dalawa. Natapos ang gabing iyon na halos napagkwentuhan namin ang lahat ng pwedeng pagkwentuhan. Nakarecieve ako ng message mula kay Jacob. Gusto daw niyang magkita kami. Gusto daw niya ng makakausap eh. Simula nung matapos ang camping namin ay naging malapit kami ni Jacob. Nagpapalitan ng text messages at kung minsan ay nagpupunta kaming dalawa sa bar. "Oh musta?" sabi ko sa kanya nung nakita ko siyang nakaupo sa kanilang garden. Okay lang. Ikaw musta na pagtuturo?" sabi niya sakin. Pinaupo niya ako at nilapagan niya agad ako ng alak. Lagi naman kasi ganito ang scenariong nagaganap sa tuwing magkikita kami. Hindi nawawala ang alak. "I'm going..." mahinang sabi niya sakin habang nakatingin sa malayo. Tiningnan ko siyang maigi. Seryoso nga siya. Napagkwentuhan na namin ang ibig niyang sabihin kaya hindi na ako masyadong nagulat. "Are you sure?" sabi ko sa kanya. Mukha kasing hindi siya sigurado sa kanyang sinasabi. "Gusto ko kasi masigurado kung talagang mahal ko siya" sagot niya sakin at nananatili parin siyang nakatingin sa malayo. Si Lelay ang tinutukoy niya. Sabi kasi sakin ni Jacob ay malalaman mo lang daw na mahal mo ang isang tao kapag nawala siya at hinanap-hanap mo siya. Kaya yun ang gusto niyang subukan. Sa totoo lang totoo naman kasi ang kasabihan na iyon kaso mali ang subukan mo ang iyong nararamdaman. Hindi mo na kailangan subukan ang nararamdaman mo, kung alam mo naman sa sarili mo na mahal mo ang isang tao, yun na yun. Pagmamahal na iyon. "How about her?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo ba naiisip kung ano yung mararamdaman niya?" dugtong ko sa sinabi ko sa kanya. Sigurado kasing mas masasaktan si Lelay sa gagawin ni Jacob. Wala na akong narinig pa kay Jacob tungkol doon. Ang pagkakaintindi ko lang ay talagang aalis na siya after his birthday. Walang ibang nakakaalam kundi ako. Kaya kapag nagkabukingan, ako ang maiipit. Hahaha! Wawa naman ako. "Ikaw naman, how about that boy?" tanong niya sakin. "Boy? Sino?" takang tanong ko sa kanya. "Yung kasama natin sa camping. I know he likes you" bigla akong namula sa sinabi niyang iyon. "Naku! Jacob, estudyante ko yun! Saka ganoon lang talaga iyon" segwey ko sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang dapat kong isagot. Oo naman, ramdam ko rin naman na gusto ako ni Sean kaso katulad ng sinabi ko, mali. Pinilit kong ibahin ang pinaguusapan naming dalawa ni Jacob. Ayoko kasing pag-usapan ang mga bagay na alam kong hindi pwedeng mangyari. Gusto ko kasi nasa reality lagi ang pinag-uusapan at isa pa kaya rin naman ako nagpunta dito sa kanila ay para pag-usapan namin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Lelay. "Oh kanta ka muna!" sabi sakin ni Jacob habang hawak niya ang kanyang gitara. Nagsimula na siyang sumipra ng gitara at natunugan ko naman kung ano ang kanyang tinutugtog. "Gusto kita.. sa puso ko'y ikaw lang ang mahalaga" panimula ko sa kanta. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Pakiramdam ko ay sobrang ganda ng boses ko. Hahaha! "Gusto kita.. pagkat ang kilos mo'y sadyang ibang-iba" pagpapatuloy ko. Ano ba yan kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. Ganito pala epekto ng kanta sa isipan. Nakakagulo paminsan-minsan. Hahaha! Nagiging makata na ako, epekto yan ng pagkanta. "Kahit sabihin na mali ako, alipin mo o bihag mo ako'y iyong-iyo" patuloy sa pagsipra si Jacob ng mapansin kong nakatapat sakin ang camera ng cellphone niya. Tumingin siya sakin at nginitian niya ako. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Bini-video niya ako. Teka, teka! Scandal to! Hahaha! "Ang damdaming kong ito, sa akin ay gusto kita" pagtatapos ko sa kanta. Mabilis kinuha ni Jacob ang cellphone niya at alam kong isinave niya iyon. Hindi nga niya pananuod sakin ang scandal ko na iyon eh. Hahaha! "Oh pano? See you on my birthday" sabi niya sakin bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan ko. Hindi naman kami naglasing sa kanila. Sa totoo nga lang ay nabitin ako sa inuman na iyon. Kaya dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng beer in can. Sa bahay ko nalang iinumin para may music. Ipinark ko ang sasakyan ko at kinuha ko na ang binili kong beer in can. Naglakad papasok ng bahay. Natigilan ako nung may nakita akong taong pasilip-silip sa bahay namin. Aba! Anong oras na at may tao pa! dahan-dahan akong lumapit sa eskinita namin. "Huy! Anong ginagawa mo dito? Pasado alas dose na ah!" sabi ko kay Sean. Mukhang tanga kasing pasilip-silip eh wala naman siyang masisilip sa bahay namin. "Ah.. Eh.. Isasauli ko lang sana tong naiwan mo sa bahay nung nag-inom tayo" sabay abot niya sakin ng panyo ko. "Eto lang ang pinunta mo dito? Pwede naman ipagpabukas, gabing gabi na" sabi ko sa kanya. Umoo lang siya senyas na iyon nga lang ang dahilan niya. Grabe naman tong taong ito. Panyo lang tapos ganitong oras isasauli. Kakaiba ah! Pinapasok ko muna siya sa bahay namin. Pinaupo ko siya. Sinabi ko nalang na huwag ng mag-iingay dahil sigurado akong natutulog na ang mama ko. Nagbihis muna ako at hinagisan ko siya ng isang beer in can. Binuksan niya iyon at mabilis na uminom. "Anong oras ka pa sa tapat ng bahay?" tanong ko sa kanya habang napili ako ng kanta sa cellphone ko. 'Mga 8 o 9 yata" maikling sagot niya sakin. Grabe ah! Almost 4hours siyang pasilip-silip dahil lang sa panyo? Kaiba! Mabilis namin tinapos ang iniinom namin dahil may pasok pa kinabukasan. Lumipas ang mga araw na halos parang kakaiba palagi ako sa loob ng classroom. Parang may mata laging nakatitig sakin at parang may taong nakadungaw palagi sa bintana ng ibang room na pinupuntahan ko. May nagpapadala ng pagkain sa table ko pero wala naman nakalagay na pangalan kaya palaging libre ang lunch and merienda ko. Napagod din ako kagabi at medyo naparami ang inom ko kina Jacob. Birthday niya kasi kagabi at nandoon lahat kami. Ang saya at nakasama ko muli ang mga bago kong naging kaibigan. Alam ko rin na sa oras na ito ay papunta na sa ibang bansa si Jacob at iiwanan niyang walang kaalam-alam si Lelay. Naaawa tuloy ako kay Lelay. Ramdam ko kasing mahal na mahal niya si Jacob. "Sir..." bigla akong napalingon mula saking likuran. "Oh Sean" sabi ko sa kanya. Naupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng isang sandwich. Nakaupo kasi ako sa field at nagpapalipas ng oras. Simula kasi nung gabing nag-away kami ni Reynier ay bihira na kami magkita. Nakukunsensya nga ako eh. Hindi ko kasi maipaliwanag sa kanya kung bakit ganito ang sitwasyon namin. "Salamat" sabi ko kay Sean. "Nga pala Sir tumawag sakin si Jake. May outing daw nextweek at iniimbitahan tayo" sabi ni Sean habang kinakain ang hawak niyang sandwich. "Tinawagan narin ako ni Matt at nabanggit narin niya sakin. Hindi nga ako nakatanggi eh" sagot ko naman sa kanya. "Eh di sabay tayong pupunta don Sir?" tanong niya sakin habang nakangisi. Ngumiti nalang ako sa kanya sabay tayo mula sa field. Nagsimula na akong maglakad palabas ng gate ng school. Wala akong dalang sasakyan. "Sabay tayo Sir ha" habol sakin ni Sean. Sumabay na siya sakin sa pag-uwe at dahil sa kakakulit niya ay pumayag na akong sumabay sa kanya sa pagpunta sa darating na outing namin. Maaga akong nakauwe ng bahay. Nag-ayos na agad ako ng gamit at nagshower na. Sanay kasi akong maligo pagkagaling ko ng school. Yun nga ang palagi namin pinag-aawayan ni mama eh. Pagod na pagod daw ako tapos sasabayan ko daw ng paliligo. "Nga pala Ash, tumawag si Joan. Tawagan mo daw siya" sabay abot sakin ni mama ng kapirasong papel na may nakasulat na number. Ash ang tawag sakin ni mama. Kakaiba nga eh. Pinangalan pa ako sa abo. Mabilis kong tinawagan ang number na iniwan ni Joan kay mama. Sinabi sakin ni Joan na sumunod daw ako sa kanila sa bar at nandoon daw ang buong tropa, ako daw ang kulang. Maniwala naman sa babaeng iyon. Lagi naman ganoon iyon eh para lang pumunta ako. Sinabi kong susunod ako pagkatapos kong kumain ng hapunan. "Ma, alis muna ako" paalam ko. "Umuwe ka agad, baka abutin ka nanaman ng umaga" sabi sakin ni mama. Grabe! Baby ang peg ko sa nanay ko. Matanda na ako nu! Hindi ko lang masabi sa kanya. Hindi rin nagtagal ay dumating ako sa pinag-usapan naming lugar. Sinasabi ko na nga ba eh, hindi lang ako ang wala. Gusto lang talaga ako papuntahin ng impaktang si Joan. Bestfriend ko si Joan at mahilig ito sa night out. "Your'e late!" sabi niya sakin habang nakanguso pa. "Huh? Late!? Pasalamat ka nga at dumating pa ako eh" sagot ko sa kanya. Pinaupo na niya ako at ayun kwentuhan na. May mga kasamang hindi ko kilala si Joan. Ang dami nga eh. Ilan ilan lang ang kakilala ko kaya hindi ako masyadong nakikipag-usap. "Musta ka naman Ash?" tanong sakin ni Joan. Nagkwentuhan kami habang ang iba naman ay nagkaroon din ng kanya-kanyang pinagwiwilihan. "Mga kaibigan ko yang mga iyan, yung nakanta naman sa stage ay nakilala ko yan nung nasa Newyork pa ako" sabay turo niya sa lalaking nakanta na nasa stage. Maganda rin naman ang boses niya at mukhang sanay sa larangan ng pagkanta. "Lloyd this is my bestfriend Ash" pagpapakilala sakin ni Joan. "Nice meeting you," sabi sakin ni Lloyd. Inabutan niya ako ng isang shot. Hindi ko nga matandaan yung tawag dun sa shot na iyon eh. Parang ang bastos kasing pakinggan. "Maganda boses niyang bestfriend kong iyan' sabi ni Joan kay Lloyd habang nakaangat ang shot na iinumin nila. "Talaga?" sagot naman ni Lloyd. Aba! Marunong naman pala itong magtagalog. Hayup na ito! Pwede ko naman pala itong kausapin ng tagalog. Panis na laway ko dito aa! Hahaha.. Bigla akong napabalikwas nung narinig kong tinawag sa stage ang pangalan ko. Naghiyawan ang mga kasama ni Joan at nagsabay sabay tingin sakin. Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa unahan at hawakan ang mikroponong inaabot sakin ng walang pakundangang si Lloyd. Feeling close. Tinawag pa ako sa mikropono. Tinanong ako nung mga tumutugtog sa stage kung anong kanta daw ang kakantahin ko. Wala naman talaga akong naiisip na kanta eh. Sa totoo lang napipilitan lang akong tumayo dito sa unahan ngayon. Kung alam ko lang sana hindi nalang ako nagpunta dito. Haaaay naku! Nagsimula ng tumugtog ang banda. Binulong sakin nung pianist kung anong kanta ang tinutugtog nila. Gusto ko nga sanang tuktukan eh. Syempre alam ko yun, alam ko naman yung intro ng kantang What about Love. "What if I took my time to love you?" panimula ko sa kanta. Naramdaman kong biglang nagtahimikan ang buong tao sa loob ng bar na kinalalagyan namin. Wala akong naririnig maliban sa nagpipiano. "What if I put no one above you" yan dapat ang isusunod ko sa lyrics pero may taong sumingit sa kanta ko. Napatitig nga ako sa kanya kasi talagang maganda yung boses niya. Tumingin siya sakin na sensyas na ako na ang susunod na kakanta. Nakuha ko naman iyon at pinagpatuloy ko ang pagkanta. "What about love? What about us?" sabay naming kanta sa mikropono. Nananatiling tahimik parin ang buong paligid. Pakiramdam ko nga ay nasa isang concert ako at ina-idol ako ng mga taong nakakarinig sakin. Nasa kalagitnaan kami ng pagkanta nung bigla akong napatitig sa pintuan ng bar nung nakita ko kung sino ang pumasok mula roon. Alam kong nakatingin siya sakin at sa taong kasama kong kumakanta. Nakita kong kinawayan siya ni Lloyd. Magkakilala pala silang dalawa. Buhay nga naman. Matapos ang kanta ay mabilis bumaba ng stage si Lloyd at sinalubong si Sean. Niyapos niya ito at pinaupo sa upuan na nakalagay sa table namin. Naiwan ako mag-isa sa stage. Binulungan ko ang gitarista at nakuha naman niya ang ibig ong sabihin. Sinumulan ko na ulit ang pagkanta. Feel na feel ko ang pagkanta. Lalo ko ngang ginagalingan nung nakita kong nakatingin sakin si Sean pati ang mga kasama nito eh. Pakiramdam ko nga sa sarili ko ay nagpapasikat ako. Nang matapos ang pagkanta ko ay bumalik na ako sa upuan ko. Kaharap ko si Joan sa kaliwa ko si Sean at sa kanan ko naman si Lloyd. Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Alam na pala ni lloyd na teacher ako ni Sean. Naikwento na agad ng mokong ang tungkol sakin. Ayoko nga sana ipaalam na teacher ako eh. "By the way, kapatid ako ni Sean" sabi ni Lloyd sakin na kinabigla ko talaga. Hindi pa kasi naikukwento sakin ni Sean ang tungkol kay Lloyd. Natapos ang inuman namin ng halos abutin kami ng alas dos ng madaling araw. Wala akong dalang sasakyan kaya eto nag-aabang ng sasakyan pauwe. Saktong sasakay na ako ng bus nung may narinig akong nabusina mula sa likuran ko. Bumaba ulit ako ng bus at hinayaan ko na umalis iyon. Tumigil sa harapan ko ang isang magandang sasakyan. Bumukas ang bintana nito at nakita ko ang mukha ni Sean at ni Lloyd. "Hatid na kita" sabi sakin ni Lloyd. Ano pa nga ba ang magagawa ko? E di sumakay ako ng sasakyan niya at nagpahatid na ako hanggang sa eskinita namin. Ang awkward nga ng scenario namin sa loob ng sasakyan. Wala ni sinumang nagsasalita maliban kay Lloyd na panay ang kwento. Nagagandahan daw siya sa boses ko. Aruuuy! Sana nga totoo sinasabi niya. "So, see you tomorrow. Goodnight" sabi sakin ni Lloyd bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD