Chapter VII

2484 Words
Sean Krisher Juntura             "Sean! Sean!" binaba ko ang hawak kong cellphone dahil sa walang tigil na pagtawag ng taong nasa tapat ng pintuan namin. Nakakainis naman oh naatake pa naman ako sa COC eh. Wala pa namang pause ito. Nagulat ako sa pagbukas ko ng pintuan. Bumungad sa harapan ko ang kapatid ko. Ang kapatid kong once in a blue moon lang umuwe dito sa pilipinas. "Hey! Musta!?" bati nya sakin. Halata sa mukha nito ang saya ng muli naming pagkikita. Wala halos akong masabi nung makita ko siya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa pag-uwe niya. "Dapat sinabi mong uuwe ka para nasundo kita sa airport" tanging nasabi ko sa kanya. Kinuha ko na agad ang kanyang mga dala at pinasok ko na sa loob ng bahay. Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Nalaman kong dito muna siya maglalagi dahil bakasyon pa naman daw siya. Gusto daw niya ienjoy ang bakasyon niya dito. Nilabas niya lahat ng pasalubong niya sakin. Ang dami nga eh. ORIG! Hahaha.. kung anong meron siya, meron din ako. "Alis muna ako Sean, magkikita kasi kami ni Joan ngayon" paalam sakin ni Lloyd. Kakarating niya palang aalis na agad. Diba? Ganoon siya. Hindi yata yan mapapakali kapag nasa bahay lang. Gusto lagi ay gimik. Naiwan nanaman ako mag-isa dito sa bahay. Kaya eto COC lang ang inaatupag ko ngayon. Hindi ko kasi makuha yung reward na gems kailangan kasi maka-250 na trophies ako. "Sean sunod ka dito sa bar" mensahe na natanggap ko mula kay Lloyd. Sinabi nya sakin yung lugar ng bar. Wala rin naman akong gagawin kaya naisipan kong sumunod na nga lang. Para narin makapagbonding kaming dalawang magkapatid. Para makabawi sa kanya. Kahit kasi madalang umuwe ng bahay si Lloyd ay hindi niya ako pinapabayaan. Siya ang nagpapaaral sakin at lahat ng bagay na kailangan ko ay ibinibigay niya. Kahit nung mga bata pa kami ako palagi ang iniisip niya. Kaya napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung paano ko matutumbasan yung mga ginawa niya sakin. Pumasok na ako ng bar. Naririnig kong kumakanta si Lloyd. Hindi ako pwedeng magkamali boses niya iyon. Lalo akong napatitig sa pinaggagalingan ng boses nung marinig ko pa ang isang boses ng nakanta. Napatigil pa nga ako sa kinatatayuan ko. Hindi malabo ang mata ko para magkamali ako. Si Sir yun, sigurado ako. Sinalubong ako ni Lloyd at pinaupo sa upuan. Pinakilala niya ako sa mga kasama niya doon. Nakita kong naiwan magisa si Sir sa stage at nagsimula na ulit kumanta. Damang-dama ko ang pagkanta niya. Matapos iyon ay umupo si Sir sa harapan namin ni Lloyd. Lumipat ako sa tabi ni Sir habang busy siya sa pakikipagkwentuhan at ganoon din si Lloyd. Hindi naman kami gaanong nag-inom doon. Ang dahilan lang talaga ng pagpunta doon ni Lloyd ay ang makipagkita sa kanyang mga kaibigan. Kaibigan pala ni Sir si Joan. Madalas ikwento sakin dati ni Lloyd si Joan kapag nag-uusap kami gamit ang skype. Puro kalokohan nga daw yung babaeng iyon eh. Mundo nga naman, napakaliit para samin dalawa ni Sir. "Hatid na kita" sabi sakin ni Lloyd habang papalabas na ako ng pinto para pumasok sa eskwelahan. "Huwag na. Baka may gagawin ka pa" sagot ko sa kanya. Hindi siya pumayag at itinulak ako papasok sa loob ng kanyang sasakyan at sinimulan na niyang paandarin ito. "So, teacher mo pala yung bestfriend ni Joan" sabi niya sakin habang nagpapatakbo ng sasakyan. Tumango ako sa kanya kasunod nun ang pagkakangiti kong wagas. Nakita kong napangiti rin si lloyd sa inasal ko. Nagpatuloy pa siya sa pagkukwento at ang dami niyang tanong sakin. Hindi talaga ako pinababayaan ni Lloyd. Laking pasasalamat ko nga at lagi siyang nasa tabi ko. "Sunduin nalang kita mamaya" hindi na niya inantay ang sagot ko at bigla nalang umalis. Mukhang nagmamadali pa nga siya eh. Pumasok na ako sa klase ko at nagsimula nanamang magdaydream. Aminado na kasi ako sa sarili ko na gusto ko si Sir. Wala akong pakialam sa sasabihin sakin ng ibang tao basta nagiging totoo ako sa nararamdaman ko. Nakipaghiwalay nanaman ako sa girlfriend ko. Hindi ko narin kasi maramdaman na mahal ko siya at ayokong umasa pa siya, hanggat maari ay ayokong masaktan siya. Sinabi ko sa kanya ang totoo dahil ayokong magdahilan lamang sa kanya. Gulat na gulat pa nga siya nung malaman niya yung totoo pero ipinaliwanag ko sa kanyang mabuti. Kasabay ko ngayon na naglalakad sila Mark papunta sa room namin. Nagkaroon kasi kami ng 20mins free time kanina para gumawa ng isang group activity para sa filipino. Nakita naming naglalakad narin si Sir papunta sa room. "Patay tayo!" sabi ni Jen habang kasabay namin sa paglalakad. "Bakit?" sabay-sabay naming sabi. "Hindi niyo ba nakikita yung hawak-hawak ni Sir?" sabay turo sa kamay ni Sir. "Patay nga tayo diyan!" sabi ni Mark. Palatandaan kasi namin kay Sir ay sa tuwing dala itong red ballpen ay siguradong may recitation. Hindi pa naman ako nakapagreview, ang haba pa naman ng lesson namin nung nakaraan. Tahimik kaming lahat sa pagpasok sa loob ng room. Wala ni sinumang nagawa ng kahit na anong ingay kahit ang section na kasama namin. "Mukhang may toyo si Sir" bulong sakin ni Michael. Tiningnan kong maigi ang mukha nito. Normal lang naman pero hindi masyado itong nagsasalita ngayon. Tahimik na nakatayo sa unahan namin at inaantay niya na maging maayos ang lahat. "10" halos hindi marinig ang boses ni Sir sa biglaang pagtawag niya ng number. Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking katabi ko. Si Carlo. Dahan-dahan siyang tumayo at tumingin kay Sir. "it is very difficult to trust other people, believing they will use you, or take advantage of you" unang tanong ni Sir. Hindi ko masabi kung anong mood meron si Sir ngayon. Hindi nakangiti at hindi rin nakasimangot, diretso ang tono ng pananalita at malamlam ang mga mata. Halata kay Carlo na hindi niya alam ang isasagot kay Sir dahil nakayuko lang ito at nakatingin sa ibaba. Tahimik parin ang buong paligid. Walang ingay. Walang kahit ano bukod sa paghampas ng hangin sa mga puno lamang ang maririnig. "Ok. Next. 29" sunod na tawag ni Sir. Meron ngang hindi tama. Hindi siya nagalit kay Carlo kahit hindi nakasagot. Tumayo agad si number 29. Galing siya sa kabilang section. "Same question" mahinang sabi ni Sir kay Jhon. Nasagot yung tanong ni Sir at nagpatuloy na muli ang pagtawag niya sa mga number. Bakas sa mukha ng mga classmates ko ang kaba o nerbiyos dahil baka sa pagtawag ng number ni Sir ay baka number nila ang matawag. "feel that you don't have a strong sense of who you really are, and others may describe you as very changeable" mahabang tanong ni Sir kay Jen. Alam namin na hindi alam ni Jen ang sagot kasi palagi naman ganoon yun eh. Balak pa nga niya magcutting kanina kaso pinigilan namin. Nakatingin sa kanya si Sir. Hindi na halos mapakali si Jen sa kanyang pagkakatayo. Mahiyain kasi itong taong ito eh. Hindi sanay na tinitingnan siya ng maraming tao. "If I'm not mistaken it's BPD or Borderline Personality Disorder" sabay-sabay kaming napatingin sa pinaggalingan ng boses na iyon. "It's already time. Ayaw mo bang magpahinga?" dugtong ni Lloyd sa kanyang sinabi. Nanatili lamang nakatingin si Sir kay Lloyd at wala ni anumang sinasabi ito. "Okay class, we'll continue this tomorrow. You may go" sabi ni Sir. "Sean, natawag ka na ba ni Sir?" tanong sakin ni Lloyd. "Buti nga hindi eh" sagot ko sa kanya sabay tawa. Bakit kaya nandito si Lloyd. Ang aga naman yata kung susunduin niya ako. Sabe ko kasi sa kanya ay mamaya pa ang out ko mga 6pm. Nag-alisan na lahat ng mga kaklase ko at kami na lang ang naiwan sa room. Nag-aayos narin ng gamit si Sir at paalis narin. "Sir Migs, may gagawin ka ba?" narinig kong tanong ni Lloyd kay Sir. Katabi niya kasi ako nung tinanong niya si Sir habang palabas ito ng pinto. Dahan-dahan itong tumingin. Nakita kong ipinakita ni Lloyd ang kanyang cellphone kay Sir. "Oh Sean, ikaw na bahalang mag-uwe ng sasakyan" sabay hagis sakin ni Lloyd ng susi. Hindi ko naintindihan yung nangyari. Wala naman akong narinig na sagot mula kay Sir. Saka bakit sasama si Sir kay Lloyd? Matagal na ba silang magkakilala? "Dahan-dahan lang Sean hindi ka mauubusan ng daan" sabi sakin ni Mark. Medyo napapabilis kasi ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. May kung ano kasing napasok sa isipan ko. Kay Lloyd at kay Sir. Sinama ko si Mark hanggang sa bahay. Inilabas ko ang lamesa at bumili ako ng emperador at juice. Gusto ko kasi mag-inom. Gusto ko malasing. Hindi kasi ako mapakali sa kakaisip kung saan ba sila nagpunta at bakit bigla nalang napapayag ng basta-basta si Sir. "Bakit ngayon ko lang yata nakita ang kapatid mo?" tanong sakin ni Mark. Hindi kasi ako nagsasalita. Nakatingin lamang ako sa labas at inaabangan ko ang pagdating ni Lloyd. "Huy! Okay ka lang?" bigla akong napapitlag nung tinapik ako ni Mark. "Ano nga ba ulit yun?" sabi ko. "Sabi ko bakit ngayon ko lang yata nakita ang kapatid mo?" "Simula nung grade school pa ako ay hindi na yun nagtitigil dito. Nandun kasi ang mga magulang niya sa ibang bansa" mahabang sabi ko sa kanya. "Mga magulang niya?" "Oo" "Adik ka ba! Eh di magulang mo rin yun" sabi ni Mark. Hindi ko naman kasi totoong kapatid si Lloyd. Taga probinsya ako at namatay sa aksidente ang mga magulang ko. Nag-iisang anak lang ako. Dahil sa sobrang kahirapan ay hindi ako nagawang kupkupin ng ibang mga kamag-anak ko. Narinig ko pa nga dati na dagdag pa raw ako sa gastusin sa kanila. Simula noon ay nagpasya akong bumalik sa bahay namin sa probinsya at sinubukan kong mabuhay mag-isa. Araw-araw akong naiyak dati, laging kong tinatanong sa itaas kung bakit napakaagang namatay ang mga magulang ko. Pagbebenta ng prutas ang kinabubuhay ko dati pati ang pagbebenta ng kahoy para sa mga turista ang pandagdag sa kita ko, para iyun sa bonfire.   "Magkanong isa?" tanong sakin ng isang turista. "sampung piso lang po" sagot ko sa kanya.   Binili niyang lahat ng tinda ko. Napakasaya ko nun kasi naubos ang tinda kong kahoy. Napatingin ako sa kasama ng taong bumili sakin. Ang saya nila. Isang buong pamilya. Kita ko sa ngiti ng isang bata ang sobrang sayang nararamdaman niya.   "Daddy, tara na. Gusto ko na maligo" narinig kong sabi nung bata. Hindi nalalayo sa edad ko ang batang iyon. Nakakaramdam nga ako ng inggit ng mga oras na iyon eh. Kung nabubuhay lang ang mga magulang ko sigurado ako na ganun din akong kasaya.   "Bata laro tayo" sabi sakin nung bata habang naglalako naman ako ng mangga. Pinapayagan naman ako ng may-ari na maglako ng tinda ko sa loob ng resort. Kilala kasi ako doon at alam din nila ang nangyari sa mga magulang ko. Dala siguro ng awa kaya ako hinahayaan na magpaikot-ikot doon para makabenta.   Ibinaba ko ang hawak kong basket na may lamang mangga at nakipaglaro ako sa bata. Naghabulan kami at nagbasaan sa tubig.   "Anong pangalan mo?" tanong sakin nung bata habang nakaupo kami sa isang tabi. Nagtatalop kasi ako ng mangga. Wala naman kasi akong ibang maiaalok sa kanya kundi itong bitbit kong mangga.   "Ako nga pala si Sean" sagot ko sa kanya sabay abot ko sa kanya ng mangga. "Ikaw anong pangalan mo?" dugtong ko sa sinabi ko. "Ako nga pala si Lloyd" sagot naman niya sakin at nagpatuloy na kami sa paglalaro at kwentuhan. Hindi ko na nga namalayan ang oras at inabot na ako ng hapon sa loob ng resort. Hindi ko tuloy naubos ang tinda tinda kong mangga.   "Nasaan ang magulang mo Sean" tanong sakin nung tatay ni Lloyd kasabay nun ay ang pagabot niya sakin ng pagkain. Niyakag kasi ako ni Lloyd na pumunta sa cottage na tinitigilan nila. "Wala po" maikling sagot ko sa kanya. "Bakit nasaan sila? Nagtitinda rin ba sila?" dugtong na tanong sakin na nanay ni Lloyd. "Wala na po sila. Namatay po sila sa aksidente nung isang buwan" mahabang sagot ko sa kanila. "Eh sinong kasama mo?" tanong naman ni sakin ni Lloyd "Wala. Ako lang mag-isa sa bahay" sabay na napatingin sakin ang mag-asawa at damang-dama ko ang awang nararamdaman nila para sakin.   "Daddy, punta tayo sa bahay ni Sean" yakag ni Lloyd sa kanyang daddy. Nakita ko nanaman na nagkatingin ang mag-asawa. Nagpasya silang sumama sakin sa bahay. Pinapasok ko sila sa loob at pinaupo ko sila. Naglabas ako ng isang pitsel na tubig at tinapay. Nakipagkwentuhan sila sakin at lagi naman sa tabi ko si Lloyd. Kulit ng kulit sakin. Gusto daw niya na tabi kaming matulog at lagi raw kaming maglalaro.   "Sige po. Salamat po sa paghatid. Ingat po kayo" sabi ko sa kanila habang papalabas na kami ng bahay ko. Naiwan na akong mag-isa sa bahay at inayos ko na ang ginamit namin sa pagkain. Inayos ko rin ang mga manggang hindi naubos pwede ko pa kasi itong ibenta bukas ng umaga sa mga turistang dadating.   Maaga akong gumising para makapagsibak ng kahoy na ilalagay ko sa lamesa sa labas. Sigurado kasing madaming turista ngayon kasi linggo. Habang nagsisibak ako ng kahoy ay nagulat ako sa biglang nagsalita sa likuran ko.   "Uuwe na kami" bigla akong napalingon sa likuran ko. Nakita ko si Lloyd na nakaupo sa isang lamesa habang nagkukuyakoy ng paa. "Oy Lloyd, kumain ka na?" yun lang ang tanging nasabi ko sa kanya. "Uuwe na kami" sabi naman ng tatay ni Lloyd habang nakaupo sa tapat ng pintuan ng bahay ko. Nginitian ko nalang siya at biglang lumabas sa loob ng bahay ko ang nanay ni Lloyd na may bitbit na mga bag. "Uuwe na tayo Sean" hindi ako nakapagsalita sa narinig ko. Bigla nalang tumulo ang luha ko. Alam ko ang ibig nilang sabihin. Tumakbo palapit sakin si Lloyd at niyapos ako nito.   "Simula ngayon, magkapatid na tayo" sabi sakin ni Lloyd bago kami tuluyang sumakay sa kanilang sasakyan.   "Ang laki pala talaga ng utang na loob mo kay Lloyd" sabi ni Mark na halatang may sanib na ng alak. Halos lahat nalang kasi ng gamit ko pati itong bahay na tinitirahan ko ay galing sa pamilya ni Lloyd. Lahat lahat. Sila rin ang nagpapaaral sakin simula nung sa kanila na ako tumuloy ay hindi ko nararamdaman na iba ako sa kanila. "Pwede ba kaming makiupo?" "Sige upo lang. Aantayin natin ang pagdating ni Sir ko" "Sean, nandito na kami" bigla kong naiangat ang ulo ko at lalong namula sa nakita ko. Nakatitig kasi sakin si Sir at si Lloyd naman ay inaayos ang upuan na uupuan nila. Pumasok ako sa loob ng bahay para ikuha sila ng maiinom. Vodka. Nakakahiya naman na painumin ko sila ng emperador. Nagsimula ng magkwento si Lloyd. Bakas sa mukha nito ang saya dahil sa kanyang pagkakauwe. Masaya rin naman ako dahil nagkasama muli kami ng kapatid ko. "Paano? Uuwe na ako. Next time nalang uli" paalam ni Sir. "Uwe na ako Sean" dugtong nito sa kanyang sinabi. Yumuko nalang ako. Hindi ko siya tiningnan. Gusto ko kasing maramdaman niya na nagseselos ako. Maaga akong gumising. Ngayon na kasi yung sinasabing outing at sabay kaming pupunta dun ni Sir. Inayos ko na ang gamit ko at sinigurado kong wala akong nakalimutan. "Oh kanina ka pa namin inaantay ah! Tara na, nag-aantay na daw sila Paul sa venue"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD