Pasado alas dose na ng gabi pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Lubhang tahimik na rito sa kwarto ni Sir Adhriel dahil tulog na rin siya. Paniguradong kapag bumaba naman ako, wala na rin akong aabutan dahil maagang nagpapahinga sina ate Cora.
Sinubukan kong alisin 'yong makapal na comforter na bumabalot sa akin habang nakahiga sa sofa. Pumunta ako r'on sa glass window na siyang paboritong pwesto ni Sir Adhie at hinawi 'yong kurtina. Hindi ko maiwasang mamangha habang tanaw na tanaw ko ang bilog na bilog na buwan.
Tama nga ang sinabi ko ng boss. Hindi ito nakakasawang pagmasdan. Kahit paano ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko.
Kinabukasan, inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ng mansyon. Hindi naman ito sakop ng trabaho ko pero gusto ko lang talaga na malibang para hindi na ako masaktan sa mga iniisip ko.
Since last night, I was bombarded with my thoughts. Hindi ko makalimutan 'yong sinabi sa akin ni mama. Hindi ko naman siya pwedeng hayaan na manatili r'on sa Canada lalo pa at hindi ko kilala kung sino 'yong napangasawa niya. Gusto ko lang makampante na nasa maayos siyang kalagayan kahit na iniwan na niya ako. Mas lalo ko tuloy pinagbubutihan ang pagta-trabaho dahil gusto kong mag ipon ng pamasahe para masundan ko siya r'on.
Pagsapit ng hapon, sinabihan ako ni Sir Adhie na pupunta kami ng mall para makabili ako ng mga formal na damit na gagamitin ko sa trabaho. I will also be his secretery the moment he came back to work next week.
"Have you heard about our company before?" tanong niya habang nagmamaneho ako ng kotse.
"Nag research ako," sagot ko na hindi na nag abalang lumingon pa sa kanya sa takot na mabangga kaming dalawa. Gusto kong ifocus lang ang mga mata ko sa pagda-drive lalo pa at hindi pa ako sobrang bihasa rito.
"What is it then?"
"Your company focuses on building new hotels and new car models. Iyon siguro ang dahilan kung bakit gusto mo ang pagpapatakbo ng kotse."
"I'm glad you knew," huling sagot niya bago inabala ang sarili sa paggamit ng cellphone. Mukhang may ka-text na naman ito.
Dalawang linggo na lang ang natitira bago magsummer. Second year college na ako sa susunod na buwan at pinili kong mag evening classes dahil paniguradong hindi ko kakayanin ang dami ng gagawin ko sa araw. Mabuti nalang at pumayag si Sir Adhriel at tita Iris na ipagsabay ko ang trabaho ko sa pag aaral ko.
I am planning to take 3 subjects per night at siguro ay tatagal lang 'yon ng tatlong oras.
Pagkarating namin sa mall, iniwan ako ni Sir Adhriel sa isang saleslady dito sa clothing store. May sinabi siya r'on na hindi ko naman napakinggan bago ito umalis. Habol tingin maman sa kanya ang mga customers at saleslady dahil masyado siyang agaw pansin. Kahit na nakacasual na damit at shades lang ito, umaapaw pa rin ang hindi maipaliwanag niyang karisma.
'Try this one mam," utos sa akin ng isang saleslady.
May iniabot siya sa aking isang coat, dress skirt, dresses, 2 inches heels. Marami siya sa aking.ipinasukat kung kaya't pabalik balik ako ng fitting room. Halos lagnatin naman ako ng makita ko 'yong mga presyo dahil lampas iyon ng libo libo.
"Ms, pwede bang isang pares nalang? Hindi ko ito kayang bilhin."
Naglakas loob akong magreklamo pero sa halip na sungitan, isang malawak na ngiti ang iginawad niya sa akin.
"Don't worry, mam. All of your expenses here are already paid by your boyfriend."
Hindi naman ako makapaniwalang iyon din ang iniisip niya. Mukha ba talaga akong girlfriend ng boss ko?
"Hindi naman—
Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko dahil kaagad na nagtama ang mga mata namin ni Sir Adhriel na papalapit na pala rito.
"What took you so long?" masungit na sagot nito.
"Isang pares nalang," kaagad ko namang tinanggap 'yong black formal dress at heels na hawak n'ong saleslady bago ako muling pumasok sa fitting room.
Binilisan kong kumilos dahil baka mamaya ay bugahan na naman ako ng apoy ng boss ko. Madali ko namang naisuot 'yong damit at heels. Natagalan lang ako sa pagzi-zipper sa likod dahil hindi ko maabot 'yong likod ko.
Maya maya pa, bigla nalang akong nagulat ng may humawi ng kurtina. Kaagad na nagtama ang mga mata namin si Sir Adhriel. Pareho kaming nakatitig lang at hindi makapagsalita sa loob ng ilang segundo hanggang sa ako na mismo ang sumubok basagin 'yong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"H-Hindi pa ako tapos..."
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napalunok ako. I admit that he's too high from me kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit inisip ng mga kaibigan niya at saleslady dito na girlfriend niya ako kahit na napakalabo naman niyang pumatol sa akin.
"It suits you, Aracelli. Move quickly because we have still places to go."
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Did he just compliment me?
Mabuti nalang at nasa mood siya ngayon. Maganda siguro ang gising kaya hindi pa ako nasusungitan.
Pagkatapos naming makapamili ng damit ko, siya naman 'yong nagsukat sa fitting room. Umupo nalang ako habang naghihintay sa kanya. Hindi ko alam kung bakit magmula n'ong dumating kami rito, mas lalong dumami ang mga customers. Kitang kita ko pa ang mga bulungan nila lalo na ng lumabas mula sa fitting room si Sir Adhriel. Hindi ko inaasahang lalapit at hihinto siya sa harapan ko.
"What do you think?"
I was left speechless seeing him wearing a charcoal gray suit. Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganito ang epekto niya sa akin. Masama yata ang pakiramdam ko.
"B-Bagay sa'yo," pag amin ko dahil iyon naman talaga ang totoo.
Kahit na suotin niya pa lahat ng suit dito, bagay lahat iyon sa kanya. Hindi ko tuloy masisi lahat ng mga babae rito kung bakit sila nagkakaganito. Hindi man artista si Sir Adhriel pero talk niya pa 'yong ibang mga aktor sa lakas ng karisma niya.
"Girlfriend niya ba 'yan?"
"Naku hindi naman siguro. Ang chaka e."
"Hindi naman siguro gan'on kababa ang standard ng mga gwapo."
"Mukhang kasambahay. Pananamit pa lang halatang naghihirap na."
Hindi ko inaasahang hanggang dito pala ay susundan pa rin ako ng mga marites. Sa sobrang sama ng mga salitang lumalabas sa bibig nila, parang gusto ko nalang siguro 'yong lagyan ng muriatic acid.
Pagkalabas ni Sir Adhriel, kaagad akong lumapit sa kanya. Dumapo ang kamay ko sa suot nitong itim na shirt at nagkunwaring pinagpagan iyon dahil may dumi. Pagkatapos n'on, plastik kong nginitian 'yong mga babaeng nakatingin sa amin. Ramdam ko namang halos mamatay sila sa inggit.
"Saan pa tayo pupunta?" tanong ko bitbit ang kaliwa't kanang paperbags laman ang mga pinamili namin kanina.
"Somewhere," sagot naman nito habang nag aayos ng relo.
Habang naglalakad kami papalabas ng mall, marami pa rin ang tumitingin sa kanya. Kailangan ko na sigurong ihanda ang sarili ko at mag ipon ng maraming pasensya sa dami ng mga masasamang bagay na maririnig ko mula sa ibang tao dahil malapit ako sa taong hinahanggan nila.
"Your short legs can't even move quickly. Do you want me to fire you, Aracelli?"
Nagkamali pala ako sa sinabi ko kanina. Hindi pala maganda ang mood niya ngayon dahil nagsisimula na naman siyang magsungit sa akin. Mas lalo kong binilisan para makasabay ako sa malalaki niyang hakbang. Mas maganda pa yata n'ong nasa wheelchair siya dahil hindi siya ganito kabilis kumilos kumpara sa akin.
Iniwan namin 'yong mga pinamili namin sa likod ng kotse at pagkatapos ay sumunod muli ako sa kanya. Huminto kami sa isang barbershop. Noong una, akala ko ay siya lang ang magpapagupit. Hindi ko naman inaasahang pati pala ako.
"I want you to look presentable on work," sabi niya sa akin na tinanguan ko naman.
Besides, nasa plano ko na rin talaga na magpagupit dahil bukod sa sobrang dry ng buhok ko, masyado na rin itong mahaba.
"Naku, Sir. Mabuti naman at nakabisita ulit kayo rito. Mukhang ibang babae na ata itong kasama niyo ngayon ah," puna ng isang bakla bago ngumiti sa akin.
Hindi ko maiwasang mapaisip kung sino 'yong babaeng dinala rito ni Sir Adhie noon. Siguro ay girlfriend niya.
"Do something with her hair. Make sure it suits her."
"Aye, captain! Don't worry. Mas lalo naming pagagandahin itong kasama mo," excited na wika nila bago ako pinaupo at binalutan ng tela para hindi madumihan ang damit ko.
Bigla namang may tumawag sa cellphone ni Sir Adhriel kung kaya't lumabas siya at iniwan ako. Sana lang ay hindi siya mainip kakahintay sa akin. Besides, siya naman ang nagdala sa'kin dito. Siguro rin ay nahihiya na siya sa tuwing katabi ako dahil mukha talaga akong mahirap at walang ibubuga.
"Girlfriend ka ba ni Sir?"
Inaasahan ko na ang tanong na 'yon mula sa kanila kung kaya't mabilis kong nilinaw na hindi ako papatulan ng boss ko.
"Personal maid niya ako."
"Totoo ba? Naku, ang swerte naman ng trabaho mo!"
"Kung ako ang nasa posisyon mo siguro kahit wala akong sweldo papatusin ko na 'yan!"
Patuloy sila sa pagbibiruan habang inaayos ang buhok ko. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong magtanong sa kanila.
"Iba't ibang babae ba talaga ang dinadala ni Sir Adhie dito?"
"Sa pagkakatanda ko lagpas lima na ang nadala niya rito. Gan'on siguro pag gwapo no, mabilis magpalit ng babae."
Hindi na ako nagulat pa ng sabihin niya 'yon. First impression ko na talaga sa boss ko na mahilig siya sa iba't ibang babae.
"Kaya, huwag na huwag ka talagang magpapadala sa karisma ng gwapo mong boss. Masakit pag hindi ka nasalo," nagtawanan muli sila.
Hindi man lang ako kinabahan nang marinig ko iyon. Itaga ko man sa bato, hinding hindi mahuhulog ang loob ko sa boss ko kahit na siya pa ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo.