"Bagay ba?" tanong ko matapos niya akong madatnan dito sa pagupitan.
My hair was shortened and dyed. Hanggang leeg ko lang ito at kulay ash brown ang kulay. Mariin ang titig sa akin ni Sir Adhriel at hindi ko alam kung ano ba 'yong tumatakbo sa isip niya.
"Pwede na," tipid na sagot nito bago ako nilampasan para bayaran 'yong pagpapaayos ko ng buhok.
"Double your efforts on work so you can repay me." Tumango ako rito bago kami pumasok pareho sa kotse para bumalik ng mansyon.
He hates on eating on public places. Mas gusto niya 'yong lutong bahay kaya umuwi na kami dahil marami palang niluto si ate Cora. Hiyang hiya naman ako nang makita nila ako dahil panay sila papuri sa akin.
"Hindi kita nakilala, Eira. Ang ganda ganda mo," papuri rin ni Yvette.
"Nagdate ba kayo ni Adhriel?" pag usisa naman ni ate Cora na panay tusok pa sa tagiliran ko habang nanunukso.
"Hindi ho. Marami lang kaming pinamili."
Mabuti nalang at tinigilan na nila ako ng bumaba si Sir Adhie para kumain. He was using his phone while eating again. Gaano ba kaimportante 'yong pinagkakaabalahan niya para isabay niya sa pagkain?
Sa halip na pakaisipin, inayos ko muna 'yong mga nabili naming damit ko kanina sa closet bago ako kumain.
A day after, nagpaalam ako sa boss ko na aasikasuhin ko muna 'yong enrollment ko. Bumili na rin ako ng mga kakailanganin kong gamit kaya medyo nagtagal ako.
"Eira, kamusta ka na?" bati ni ate Julia nang magkasalubong kami sa hallway.
Alam kong busy din siya sa pagpa-praktis ng sayaw para sa gaganapin nilang contest kaya hindi ko na siya masyadong natatawagan.
"Okay lang, ate. Kayo ka kamusta kayo?"
"Ayos na ayos naman. Bugbog kami palagi sa praktis kasi marami pang dapat i-polish."
"Goodluck. Kaya niyo po 'yan. Pasabi na rin kina Riva at Shea na galingan nila at magpraktis nang maayos," sambit ko nang maalala ang dalawang mabait naming juniors.
"Makakarating sa kanila. Magsabi ka lang ha kapag kailangan mo ako. Marami lang akong aasikasuhin," nakangiti akong tumango rito.
"Ingat, ate." Kumaway ako rito na siyang ginawa niya rin.
Matapos ang halos dalawang oras kong enrollment at pamimili ng gamit sa national bookstore, napahinto ako sa tapat ng watson. Kagabi ay nagtext sa akin si Jorgea at nangangamusta kaya naalala ko 'yong lipstick na inilagay niya sa akin.
Sir Adhriel wants me to look presentable on work next week kaya bumili ako ng mga make up kahit na hindi ako marunong maglagay n'on. Mabuti na lang at mayroong YouTube channel si Jorgea. Puro mga make up tutorials and lifestyle ang contents niya kaya alam kong marami akong matututunan tungkol r'on.
Pagkatapos kong makapamili ay lumabas na ako para sana umuwi dahil nagtext na sa akin si Sir Adhie. Sa kamalas malasan, may nakasalubong pa akong bruha sa daan.
"Wow, Eira. Asensado kana talaga ah. What kind of spell did you cast on Tripp, huh?"
I know he was pertaining to Sir Adhriel. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit gan'ong pangalan ang tawag nila sa boss ko pero hindi na ako nag abalang magtanong pa.
"Ingat ka. Nakakamatay mainggit."
"What did you just say—
Akmang sasampalin na niya sana ako kung hindi ko lang nahawakan 'yong kamay niya.
"Ang sama talaga ng ugali mo e no! You're just nothing in my eyes Eira. Don't be so full of yourself!"
Inis kong binitawan ang kamay niya nang magsimula na kaming pagtinginan ng mga tao rito. Gusto kong hablutin ang buhok niya pero hindi ko pala pwede 'yong gawin ngayon dahil baka madumihan ang kamay ko.
"And I'm giving you warning. Don't you ever plan to do something on Tripp. Kapag nalaman kong may iba kang intensyon, ako ang makakaharap mo."
I just realized something because of what she said. Mukhang may gusto siya kay Sir Adhriel. Halata ko iyon sa mga kilos at galaw niya.
"Don't worry, kahit tulog babantayan ko siya. Hindi naman mahirap gawin iyon dahil nasa iisa kaming kwarto."
Kita ko ang gulat sa mga mata niya ng sabihin ko iyon. A smile curve on my lips. Walang kahirap hirap ko siyang nilampasan habang naiwan pa rin siyang nakatulala dahil sa lahat ng sinabi ko.
Hapon na nang makauwi ako sa mansyon. Kaagad kong pinutahan si Sir Adhriel sa kwarto na ngayon ay nakahiga na at halatang hinihintay ako.
"What took you so long?"
Halata sa boses niyang naiinis na naman ito.
"May ipagagawa ka ba?"
He raised his arms kaya dumako ang tingin ko r'on.
"I can't move it. Can you do a massage?"
Tumango ako sa sinabi niya bago kumuha ng mag ointment na gagamitin sa loob ng medicine kit. Pagkatapos n'on, umupo ako sa kama niya.
Bahagyang umalis naman ito mula sa pagkakahiga at sumandal sa headboard ng kama niya.
"Sorry, Sir. Natagalan lang sa enrollment."
He gave me his hand after. Kumuha ako ng ointment bago iyon sinimulang imasahe. Siguro ay sumakit ito dahil sa maya't maya niyang paggamit ng cellphone. Kung wala sana siyang maraming tine-text, hindi ito sasakit.
"Really? Is it about the enrollment or it's about you date someone during the time of your work?"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Paano nasali ang bagay na 'yon dito?
"Hindi ako interesado sa pagbo-boyfriend," pagdepensa ko.
"Really Aracelli? If I caught you dating someone then you're automatically fired."
Napaisip ako kung bakit ganito siya kahigpit. Sa pagkakaalam ko, wala namang nakasaad na bawal 'yon sa pinirmahan kong kontrata.
"Gusto mo bang tumanda akong dalaga?"
"Of course."
Bigla akong nainis dahil mabilis siyang sumagot. Is this how he wants me to work? Kontrolado niya 'yong buhay ko? Bagamat lihim na naiinis, hindi nalang ako nagsalita pa at itinuloy ko nalang ang pagmamasahe hanggang sa braso niya.
Nang matapos ko iyon, muli ko siyang hinarap para sana lumipat sa kaliwang bahagi ng kama dahil 'yong isang kamay naman niya ang mamasahihin ko pero nagulat ako nang makita ko kung saan ito nakatingin.
Is he staring on my chest?
"A-Anong ginagawa mo?"
Aalis na sana ako pero mabilis niyang nahawakan 'yong palapulsuhan ko. The next thing I knew, I can already feel his breath on my neck.
"Your scent is familiar," aniya bago ako pinakawalan.
Bigla kong naalala na gumamit nga pala ako ng perfume tester kanina sa mall. Sino naman kaya sa mga babae niya ang naalala niya sa akin?
"Stop using that perfume. I was reminded of her."