SHADOWS
"Ano ba yan! Mali naman ginagawa mo e!" natawa nalang si Kyle sa inakto ng anak nila. Dalawangpu't isang taon mahigit na ang lumipas simula ng maglaho ang mga Dark Wizards at sa loob ng napakahabang panahon na iyon ay nagawa nilang mamuhay ni Shanel ng mapayapa sa mundo ng mga tao. Ang lugar kung saan din lumaki ang kanyang mahal na asawa.
"Ganito kasi iyon Papa!" ikunumpas nito ang kamay upang mapagalaw ang tubig sa pool at mula roon ay nakalikha siya ng isang malaking octopus na nakapalibot sa kanya.
"Ang galing talaga ng anak ko." ginulo pa nito ang buhok ng kanyang anak na agad namang inalis ang kamay niya.
"Pa! Hindi na kaya ako bata! 19 na kaya ako!" napangiti si Kyle. Totoo ang sinabi ng anak nito. Hindi na siya bata. Noong maglabing walong taong gulang ito ay nagising ang natutulog na kapangyarihan nito at lahat ay hindi makapaniwala dahil sa lakas ng kapangyarihan na nagising sa kanya. Kinailangan pa nilang bumalik sa Magus World upang matutunan nitong kontrolin ang kapangyarihan niya at sa kabutihang palad ay nagawa naman niya at ngayon nga ay kababalik lang nila sa mundo ng mga tao.
"Halika na sa loob at baka kanina pa tayo hinihintay ng Mama mo." Natuwa naman ang kanyang anak at masiglang sumunod sa kanya papasok sa loob ng mansyon. Ang mansyong tinuluyan nila noong hinahanap palang nila si Shanel ang siyang naging bahay na rin nila dito sa mundo ng mga tao. Kung dati ay napakadumi nito at tila walang buhay ay iba na ngayon. Napakalinis na nito at buhay na buhay dahil na rin sa masayang pamilyang naninirahan dito.
"Mama!" masayang yumakap ang kanilang anak kay Shanel. Si Sabria Abcdee Gallens o "Sab" ang kanilang kaisa-isang anak pero ngayon ay ipinagbubuntis ni Shanel ang magiging pangalawang anak nila ni Kyle.
"Hi Baby" yumuko pa si Sab upang mahalikan ay may umbok ng tiyan ng kanyang ina.
"Ano nanaman bang ginagawa niyong mag-ama sa may garden? Baka mamaya pagurin niyo nanaman si Zairen sa pag-aayos ng garden na iyon." Sermon ni Shanel sa mag-ama pero tinawanan lang siya ng dalawa. Kung meron mang nakuha si Sab kay Shanel ay ang pisikal na anyo lamang nito dahil kaugaling-kaugali nito ang ama niyang si Kyle kaya naman silang dalawa ang madalas na magkasundo.
"Si mama talaga. Para naman napapagod talaga si Zairen eh ginagamitan lang naman niya ng kapangyarihan iyon." Bigla namang sumulpot si Zairen sa harapan nila, isang garden gnome mula sa Magus World na kasa-kasama nila simula pa ng manirahan sila sa mundo ng mga tao.
"Oo nga naman po. Isa pa po ay trabaho ko ang paglingkuran ang pamilya ng master ko." wala ng nasabi pa si Shanel at hinayaan nalang sila. Masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang hapunan. Ang pamilya nila ang larawan ng isang masayang pamilya. Although nagkakaproblema kung minsan ay agad nilang ginagawan ito ng paraan.
"Sab!" tawag ng ama sa kanya. Palabas na siya ng gate ng tawagin siya ng ama nito at mukhang alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit tinawag siya nito.
"Bakit po?"
"Yung paalala namin. Don't ever use your power. Kahit pa kailangan mo na itong gamitin ay wag na wag mong gagawin maliwanag? Nasa mundo tayo ng mga tao at walang sino man ang nakakaalam sa mundo natin at may mga katulad natin kaya mag-iingat ka."
"Kahit pa meron ng namamatay sa harapan ko di ko pa rin gagamitin?" ngumiti sa kanya ang ama nito.
"No. Dahil kung yun na talaga ang oras niya ay wala tayong karapatan upang makialam. Maliwanag ba?" tumango lang siya bago mabilis na sumakay ng taxi na kanina pa naghihintay sa kanya.
Sa daan patungo sa paaralang kanyang pinapasukan ay may isang tila anino siyang nakita. Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang ang naging reaksyon ng katawan niya. Tumayo ang mga balahibo niya sa batok at bumilis ang t***k ng puso niya. Dahil ba sa kaba? Maging siya ay hindi niya rin alam ang dahilan pero isa lang ang sigurado siya. Nakaramdam siya ng takot. Takot na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya.
Nang huminto ang taxi na kanyang sinasakyan ay mabilis siyang nagbayad at bumaba. Hindi siya komportable. Kakaiba ang nararamdaman niya. Para bang nararamdaman niya na may mangyayaring hindi maganda sa susunod na mga araw. Nawala lang ang kaba niya na iyon ng mabilis niyang narating ang room nila.
"Sab!" masayang bati sa kanya ng kaibigan na si Rheya pero ngumiti lang siya dito dahil hindi pa rin niya makalimutan ang nakita niya kanina. Naikwento sa kanya ng kanyang mga magulang na minsan ng nabuhay ang mga Dark Wizards sa Magus World pero nagawang puksain ng kanyang ina ang Dark Princess na naging dahilan upang maglaho ang lahat ng Dark Wizards sa mundong nila at sa mundo ng mga tao.
Kaya naman napapaisip siya kung ano ang nakita niya kanina. Imposibleng dark wizard iyon dahil nga naglaho na silang lahat at wala ng natira kahit isa. Alangan namang multo? Hindi siya isang batang paslit para maniwala na meron talagang multo. Napahinga nalang siya ng malalim. Marahil ay pinaglalaruan lang siya ng isipan niya.
Bigla naman nanahimik ang lahat ng pumasok ang isang lalaki. Nakaitim itong t-shirt. Itim na pants at itim na sapatos. In short, para siyang namatayan. May kahabaan din ang buhok nito. Lahat ng daanan nitong kaklase niya ay lumalayo sa kanya maliban sa kanya. Naupo ang lalaki sa upuan na katabi ng kanya. Sa lahat ng kaklase niya ay siya lang ang kumakausap dito hindi dahil sa katabi niya ito ng upuan kundi dahil na rin sa alam niyang mabait naman ito.
"Hi Phoenix!"Tumingin ito sa kanya at ngumiti ng bahagya. Si Phoenix Renee ay isang irregular student at sa isang subject lang niya ito kaklase. Kung hindi siya nagkakamali ay matanda ito ng dalawang taon sa kanya.
"Alam mo ba kanina? May nakita akong anino. Natakot nga ako e. Akala ko multo siya." tumingin sya kay Phoenix pero wala naman itong reaksyon o senyales na interesado siya sa sinabi niya kaya naman nanahimik nalang siya.
Noong break time nila ay sumama nalang siya kay Rheya sa cafeteria. Habang kumakain sila ay nakita niya na mag-isa lang si Phoenix kaya naman agad niyang hinila si Rheya patungo sa pwesto nito. Wala namang nagawa ang kaibigan niya kung hindi ang sumunod sa kanya.
"Hi Phoenix! Pwedi ba kaming makishare?" kahit hindi ito pa ito nagsasalita ay naupo na siya. Siniko naman siya ni Rheya at bumulong dito.
"Sab ano bang naisip mo at naupo ka dito? Tignan mo nga siya nakakatakot siya." pinalo naman niya ito kaya naman nanahimik nalang siya.
"Saan ang subject mo after nito?" tanong niya kay Phoenix na abala lamang sa pagkain. Ang katabi naman niya ay halos hindi makakain.
"2ND floor." Napatango nalang si Sab.
"Ang gwapo ng boses niya." bulong ni Rheya sa kanya kaya naman kinurot niya ito.
"Alam mo feeling ko ang gwapo ni Phoenix! Boses palang e!" Naparoll eyes nalang sya sa sinabi ng kaibigan.
"Gwapo man siya o hindi, gusto ko siyang maging kaibigan. Nararamdaman kong mabuti siyang tao. Hindi katulad ng iba diyan na, gwapo nga, mabait ba?"
"Ito naman! Alam mo napapansin ko lang ah. Lagi mong pinagtatanggol si Phoenix. Nilalayuan siya ng lahat pero ikaw nilalapitan mo pa rin siya at pilit na kinakaibigan. Don't tell me gusto mo siya?!"
"Oh e ano naman ngayon kung magkagusto ako sa kanya? Wala namang masama doon? Isa pa, hindi niyo lang nakikita pero gwapo naman siya. Mas inuuna niyo kasi ang panghuhusga." Inirapan lang siya ni Rheya at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa room nila para sa susunod nilang subject.
Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maalis sa isipan ang nakita niyang anino kanina. Pilit nalang niyang iniiwasang maisip iyon ngunit kapag naman ginagawa niya iyon ay si Phoenix ang naiisip niya. Totoo kasi ang sinabi niya kay Rheya. Gwapo ito. Minsan kasi ay nahuli niya itong natutulog sa klase at naisipan niya hawiin ang buhok na laging tumatakip sa mukha niya at ganoon nalang ang gulat niya ng makita ang maamong mukha nito.
Matangos na ilong, mahahabang pilik mata, manipis na labi at may jaw line din ito. Lahat ata ng hinahanap ng isang babae para sa pisikal na anyo ng lalaki ay na kay Phoenix na. At tulad ng sinabi din niya kay Rheya ay gusto niya ang lalaki. Hindi kasi tulad ng iba, hindi natatakot si Phoenix ipakita kung sino ba talaga siya.
Nagising lang siya mula sa malalim na pag-iisip ng maramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya naman inilibot niya ang paningin sa klase pero bigo siya dahil lahat ng mga kaklase niya ay nakatuon sa professor nila ang atensyon. Napatingin siya sa labas at ganoon na lamang ang gulat niya ng makita nanaman ang anino. Kung kanina ay isa lang ang nakita niya, ngayon ay lima na sila. Ngayon ay hindi siya pweding magkamali. Hindi siya nilalaro ng mga mata niya dahil totoo ang mga nakikita niya. Ngunit anong klasing nilalang ang mga iyon kng wala ng mga dark wizard?
"Princess, huminahon ka. Gumagawa na ang mga magulang mo ng paraan tungkol sa mga iyan." Mula sa kung saan ay narinig niya ang boses ni Zairen. Nandoon pa rin ang mga anino pero maya-maya lamang ay nagsimula ng maglaho ang mga iyon isa-isa.
"Ano ba ang mga yon Mama? Akala ko ba wala na ang mga dark wizards?" ito agad ang tanong ni Sab pagkauwi niya sa bahay nila. Sinundo na sya ng kanyang ama dahil nag-aalala rind aw ito para sa kanya.
"Ako rin anak, hindi ko maintindihan. Matapos mamatay ni Jillian ay wala na ni isang dark wizard ang nabuhay." Isang nakakabinging katahimikan ang dumaan sa kanila ng magsalita si Kyle.
"Mas mabuti pa sigurong bumalik na muna tayo sa Magus. Sigurado akong alam ng mga iyon kung ano ba ang nangyayari." Sumang-ayon si Shanel. Wala naming magawa si Sab kung hindi ang sundin ang kanyang mga magulang.
"Mas mabuti rin sigurong doon na tayo. Tutal doon naman talaga tayo nabibilang" Doon ay hindi na ssumang-ayon si Sab.
"Pero Papa?! Paano naman ang pag-aaral ko? Tsaka ag mga kaibigan ko dito?"
"Sab, hindi tayo nabibilang dito. Kaya lang tayo nandito dahil gusto ng mama mo na maranasan mo kung gaano kasaya ang maging isang ordinaryong tao katulad ng naranasan niya."
"Kung ganon bakit ko pa kailangan maranasan iyon? Bakit kailangan niyo akong sanayin sa isang bagay na pansamantala lang pala?"
Napabuntong hininga nalang si Kyle ng biglang umalis si Sab sa harapan nila. Nilapitan naman agad siya ni Shanel at niyakap siya mula sa likuran.
"Sabi ko naman kasi sayo mali na dito tayo manirahan e." mahinang sambit ni Kyle sa asawa. Iniharap naman siya ni Shanel sa kanya at matamang tinitigan sa kanyang mga mata.
"Hindi mali Kyle. Hindi mo ako masisisi. Masaya ang mamuhay bilang isang normal na tao. Yung walang responsibilidad na nakapataw sayo. Yung wala kang isang mundong inaalalang iligtas. Gusto kong maranasan ng anak natin iyon." Hindi na nagsalita si Kyle dahil sa sinabi ni Shanel. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Sa mundo nila, tinitingala ng lahat ang anak nila dahil siya ang anak ng nag-iisang Lumen Princess at nararamdaman niyang ayaw ni Sab iyon. Kilala niya ang anak niya. Gusto niya ay pantay-pantay lang ang trato sa isa't isa.
"Pero kailangan nating bumalik Shana. Hindi natin alam kung ano ang mga nilalang na iyon at kung ano ang kailangan nila sa anak natin." Tumango nalang si Shanel at yumakap sa asawa.
-