Chapter 2

1898 Words
BACK "A b c d e!!!!" naparoll eyes nalang si Sab sa tumawag sa kanya. Mali kasi ang pagkakabigkas niya sa pangalan niya at ayaw na ayaw niyang natatawag ng pangalawang pangalan niya. "It's Ab.si.di! And please lang! Tumigil ka sa kakatawag sa akin ng ganyan!" Dumila lang sa kanya si Jinny. Si Jinny ang anak nina Jiro at Nikki. 15 years old palang siya. Sa ngayon ay nasa Magus World na sila. Sa totoo lang ay wala talaga siyang balak na sumama sa kanila pero wala siyang magawa. "Princess" yumuko sa kanya ang bawat makasalubong niya sa Glacies Kingdom pero hindi niya pinansin iyon at nanatili lang siyang nakasimangot habang naglalakad kasunod ng kanyang mga magulang. Ito kasi ang ayaw niya sa lahat. Ang ituring siyang mas mataas kung ikukumpara sa iba. Kung tutuusin kasi ay hindi naman siya ang makapangyarihan, hindi naman siya ang nakatalo sa dark princess noon kung hindi ang kanyang ina. So bakit kailangan na tingalain din siya? Dahil anak siya nito? "Abcdee." Napalingon siya sa tumawag sa kanya at ganoon nalang ang ngiti niya sa kanyang labi ng makita ang taong iyon. "Diel!!!" patakbo siyang lumapit dito at mabilis na niyakap ng mahigpit. Kung meron mang taong malapit sa kanya dito sa Magus World, si Diel iyon. Isang rason na doon ay dahil hindi niya ito itinuturing na prinsesa katulad ng iba. Si Diel ang anak nina Jana at Clyde. "Komusta na? Kaya mo na ba kontrolin kapangyarihan mo?" habang tinuturuan kasi siya ni Master Jed na kontrolin ang kapangyarihan niya ay tinutulungan din siya ni Diel. "Ayos na. Hindi naman kami babalik sa mundo ng mga mortal kung hindi ko pa kayang kontrolin." "E bakit kayo nandito?" napasimangot naman siya at humiwalay na sa yakap nito. "May kakaibang nangyari kasi doon kaya kinailangan naming bumalik dito." Kumunot ang noo ni Diel. Gwapo si Diel pero mas nakakasiguro siya na mas gwapo si Phoenix dito. Katulad kasi ng mga magulang nito ay madalas na tahimik lang siya. Sa tuwing magkasama nga silang dalawa ay siya lang madalas ang nagsasalita sa kanila. "May kung anong anino ako nakita sa mundo ng mga mortal." Wala siyang nakuhang reaksyon kay Diel. "Hindi ko alam, kahit nina Mama kung ano bang klasing nilala iyon. Noong una ay akala ko namamalikmata lang ako hanggang sa magpakita ulit iyon sa pangalawang pagakataon. At noon ay tatlo na silang nagpakita sa akin." "Dark wizards?" napailing siya. "Imposibleng dark wizard iyon dahil wala ng kahit isa ang nabubuhay na dark wizards hindi ba?" napatango nalang si Diel sa kanya. "Pero paano kung meron." Sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang t***k ng puso niya ng sabihin iyon ni Diel. Paano nga kung meron? "Pero paano naman mangyayari iyon? Wala na ang dark lord at ang dark princess na pinagkukunan nila ng lakas dahilan kaya naglaho na silang lahat!" napailing nalang si Diel. "Mga dark spirits." Napatingin sina Shanel at Kyle kay Master Jed. Nakahiga nalang ito ngayon dahil nanghihina na rin siya. Maging sina Jiro, Nikki, Jana at Clyde ay nandito. Wala sina Shone at Elysse dahil na rin sa ginagawa nilang paghahanda para sa nalalapit na kasal nila. "Dark spirits? Posible ba iyon?" tanong ni Kyle. Tumango lang si Master Jed. "Sila ang mga dark wizards noon na namatay at isinumpang paglilingkuran ang Dark Lord hanggang sa kabilang buhay." Napabuntong hininga nalang si Shanel dahil na rin sa pag-aalala. "Ikaw ang hanap nila Shanel" hinawakan nito ang kamay ni Shanel at matamang tinitigan siya sa mata. "At ang anak mo." Doon na natakot si Shanel. Takot hindi para sa mga dark spirits na iyon kung takot para sa kanyang anak. Marahil ay nakokontrol na ni Sab ang kanyang kapangyarihan pero hindi niya pa alam ang tamang paggamit nito kaya naman ayaw pa itong ipagamit ni Kyle. Napaupo nalang si Shanel sa may upuan ng makaramdam siya ng panghihina ng tuhod. "Anong kailangan kong gawin?" nag-aalalang tanong niya. "Mas makabubuti kung mag-ensayong muli si Sab. Para malaman niya ang bawat pasikot-sikot ng kanyang kapangyarihan. Kailangan gisingin nating muli ang kapangyarihhan niya. Isa pa, hindi pa rin lumalabas ang special ability niya." Natahimik sila dahil naalala nila kung paanong pagpupumilit ang ginawa nila para makumbinsi si Sab na sumama sa kanila dito. "Ang problema si Sab." "Ayaw ni Sab dito Papa." Malungkot na sabi ni Kyle. "Sa mundo ng mga tao niyo siya turuan. Sa mundo ng mga tao niyo siya hayaang matutunan ang kapangyarihan niya." Napatingin sila ng magsalita si Jana. Nakita rin nila ang kakaibang ngisi sa mga labi ni Clyde. Marahil iyon ang nakatakdang mangyari at tulad ng dati ay nakita iyon ni Jana. "Kung ganon ay dapat na kaming bumalik sa mundo ng mga mortal." Umiling si Jana. "Bakit hindi nalang kayo bumalik pagkatapos ng kasal ng kapatid mo Shanel? Isang linggo nalang naman at ikakasal na sila ni Elysse." Suhestiyon ni Jana kaya naman sumang-ayon nalang din si Shanel. "Asar ka naman!" tinulungang tumayo ni Diel si Sab. Kasalukuyan sila ngayong nag-eensayo ng silang dalawa lang. "Kailan man ay hindi mo ako matatalo Abcdee." Nakangiting sabi ni Diel na nagpasimangot lang kay Sab. Muling sumugod si Sab at nagpakawala ng malalakas na suntok at sipa pero parang wala lang na sinanggga iyon ni Diel. "Arrrrgghh!!" sa sobrang inis ni Sab ay nagpakawala siya ng maraming tubig na naging yelo pero balewala lang iyon dahil tinupok lang iyon ng apoy ni Diel. Kung ikukumpara sa lakas ng apoy ni Clyde ay mas malakas ang apoy ni Diel dahil na rin sa namana niya ang kapangyarihang hangin ni Jana. Sa pinagsamang apoy at hangin ay mas lalong nagliliyab ang apoy na mayroon si Diel. "Hindi mo pa alam gamitin talaga ang kapangyarihan mo Abcdee. Noong nagpunta kayo dito ay nag-uumapaw ang kapangyarihan mo dahilan para hindi mo makontrol, nagawa mong talunin ang apoy ko. Pero mukhang dahil sa ginawang pag-eensayo mo kasama si Master Jed ay muling natago ang kapangyarihang iyon mula sa iyo." Kumunot ang noo ni Sab. "Ang sabi ni Master Jed kaya ko ng kontrolin?" umiling si Diel sa kanya. "Marahil ay hindi mo alam. May inilagay na spell sayo si Tita Elysse upang muling matulog ang iyong kapangyarihan." "Kung ganon ay paano ulit magigising iyon?" napaisip si Diel. "Marahil sa tamang panahon kung kalian kailangan ay magigising din iyan. Alam mo na ba ang special ability mo?" napasimangot muli si Sab. "Hindi pa. Teka, ikaw ano ang special ability mo?" ngumisi naman si Diel sa kanya at lumapit sa may bandang tenga niya sabay bulong na... "Secret." Sa inis ni Sab ay pinagyelo niya an buong katawan ni Diel pero parang wala lang iyon na nagawa niyang tunawin. Kaya naman tawa ng tawa si Diel sa kanya. "Diel!" napahinto sila sa kanilang ginagawa ng may tumawag kay Diel. "Mom" tinanguan lang ni Diel ang kanyang ina. "Can we talk?" nagpaalam lang si Diel kay Sab at sumunod na sa kanya ina. Nagpunta sila sa kwarto niya dito sa Glacies Kingdom. "I told you to stay away from her." Napayuko nalang si Diel sa sinabi ng kanyang ina na si Jana. Matagal ng sinabi ng kanyang ina na lumayo siya kay Sab pero hindi niya iyon magawa. Hindi niya kaya. "I can't. Ma alam mo kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya." "I know! Kaya nga pinapalayo kita sa kanya para mawala na iyang nararamdaman mo para sa kanya." "Pero ma!" "Hindi siya para sayo Diel! Masasaktan ka lang kapag nagpatuloy ka pa!" huminga ng malalim si Diel. "Nakita mo ba?" tanong niya rito. Nag-iwas ng tingin si Jana kaya naman agad napagtanto ni Diel na nakita ng kanyang ina ang nakatakdang mangyari sa kanya. "Alam kong mahirap iwasan kung ano ang dapat mangyari. Iilang pangyayari lang sa buhay natin ang kaya nating iwasan at sa palagay ko ma, itong nararamdaman ko para sa kanya ang isa sa mga pangyayaring hindi ko na kanyang iwasan pa. Kung masaktan man ako ng sobra sa huli, wala akong pakialam. Tatanggapin ko ng buong buo ang sakit." Walang nagawa si Jana para sa anak kaya naman niyakap nalang niya ito ng mahigpit. Kasalukuyang nilalaro, laro ni Sab ang tubig. Nandito siya ngayon sa Water Zone. Iniisip niya pa rin kasi ang sinabi ni Diel kanina. Paano nga ba niya magigising ang kanyang kapangyarihan? Ayaw man niyang aminin ay natatakot siya para sa kanyang sarili. Natatakot siya na muli nanaman siyang makontrol ng sarili niyang kapangyarihan. Noong araw na magising ang kanyang kapangyarihan ay muntik na niyang mapatay ang kanyang minamahal na ina na si Shanel. Napabuntong hininga nalang siya pero laking gulat niya ng makita ang fountain na naging isang matigas na yelo. Bigla ay napaatras siya. "Katulad na katulad ka ng iyong ina." Napalingon siya sa nagsalita. Nagulat nalang siya ng makitang si King Shone pala iyon. Wala sa sariling napayuko siya. "King Shone." "Ano ka ba? Tito mo ako kaya tito nalang ang itawag mo sa akin." Ikinumpas ni Shone ang kanyang kamay kaya naman muling nanumbalik sa normal na itsura ang fountain. "Naalala ko noon ang ina mo. Noong magising ang kapangyarihan niya, lahat ng makita ng mga mata niya ay sinisira niya. That was her debut party with her bestfriend." "Ang dark princess?" naikwento sa kanya ni Diel na ang dark princess na dahilan ng kaguluhan noon ay walang iba kung hindi ang matalik na kaibigan ng kanyang ina. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Diel iyon dahil nasisiguro siyang walang sino man ang nakakaalam noon kung hindi ang malalapit lang sa kanyang ina. "Paano mo nalaman?" "Si Diel po ang nagsabi sa akin." Napakunot ang noo ni King Shone. "So ano po nangyari doon sa birthday?" pag-iiba nalang niya ng usapan. "Hindi pa alam ni Shanel noon na si Jillian ang dark princess kaya naman sobra ang naramdaman niyang galit ng kinuha ang kaibigan niya ng mga dark wizards. Dahil sa nilamon siya ng galit niya ay nagising ang kapangyarihan niya at sinira lahat ng makita niya. Pero alam mo ba kung paano naming siya napatigil?" "Si Papa?" tumango siya. "Katulad mo siya. Kapag hindi nakokontrol ang emosyon nawawalan din ng control sa kapangyarihan" napangiti nalang si Sab. "Pwedi niyo po ba akong turuan?" ngumiti lang ang mahal na hari sa kanya. "I can't do that. May nakatakdang magturo sa iyo kung paano gamitin iyan." "Pero kailangan ko pa po bang malaman kung paano gamitin ito? Wala na rin naman po ang mga dark wizards?" "Hindi naman porket walang dark wizards ay wala ng masasama. Wala ng posibleng kumalaban sa iyo. Minsan hindi natin inaasahan na ang inakala nating mapagkakatiwalaan natin ang siya palang kalaban natin. Kaharap lang pala natin siya." Napatango nalang siya. "Kaya maraming tao ang hindi marunong magtiwala kasi natatakot sila na masira lang iyon at masaktan sila." "May pinaghuhugutan?" pagbibiro niya dahil sa sobrang kaseryosohan ng hari. Ngumiti lang ito. "Kung naaalala mo, napunta sa kamay ng mga dark wizards ang Glacies Kingdom dahil sa isang taksil na pinagkatiwalaan ng lolo at lola mo. Hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung buhay pa ba ang nilalang na iyon." "Hindi ba siya kasama sa mga naglahong dark wizards?" "Hindi rin namin alam. Kung kasama siya sa mga lumen wizards na naging dark wizards ay siguradong wala na siya. Pero hindi namin siya nakita noon sa laban. Kaya maaring nanatili siyang lumen wizards at patuloy na nabubuhay." --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD