THE TIME TRAVELER
"Wow" yan lang ang nasabi ni Diel habang nakatingin kay Sab na sukat-sukat ang damit na susuotin niya para sa kasal nina King Shone at Elysse.
"You really look like your mother." Sabi ng ama nito na tinitignan din kung ayos lang ang susuotin nito. Ganun pa man ay parang walang narinig si Sab at malalim ang iniisip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ng hari sa kanya noong isang araw. Maging siya ay napaisip kung nasaan na nga ba ang taksil na lumen wizard na iyon.
"Hey" nagulat pa siya ng may maramdamansiyang tumakip sa balikat niya.
"You're spacing out."
"May iniisip lang ako." Sabi lang niya kay Diel.
"Bakit hindi nila hinahanap ang babaeng iyon?" Inis na tanong ni Sab kay Diel. Nasabi kasi ni Sab ang tungkol sa taksil na iyon kay Diel and it turns out na alam pala iyon ni Diel.
"Hinanap nila ito, pero dahil wala silang makita, inisip nila na namatay na ito sa kamay ng mga dark wizards. Maari ring namatay siya na isa rin sa mga dark wizards."
"Pero kahit na! Paano kung buhay pa pala siya?"
"Abcdee, kung buhay pa ang lumen wizard na iyon ay siguradong mahina na iyon sa sobrang katandaan at isa pa, isa lang siyang mahinang lumen wizard na tagasilbi ng reyna." Kahit anong sabihin ni Diel sa kanya ay hindi mawala ang masamang kutob niya sa lumen wizard na iyon.
"Pero paano mo nga ba nalalaman ang lahat ng iyan? I mean ang dami mong alam tungkol sa nakaraan?" Napabuntong hininga si Diel.
"Nagkakaroon ng visions ang mama ko."
"Yeah I know. So what? Nakikita mo rin ang future? Nagkakavision ka din?" Tumango si Diel sa kanya.
"Pero hindi iyon nasagot ang tanong ko?" Nakataas ang kilay na sabi ni Sab.
"I can travel through time Abcdee. Kung si mama ay nakakakita ng mga visions, ako? Kaya kong bumalik sa nakaraan at kaya kong magpunta sa hinaharap." Napanganga si Sab. Ang pagkakaroon ni Jana ng abilidad na makita ang hinaharap ay nakapagpabilib na sa kanya pero hindi niya akalain na mas higit pa doon ang kapangyarihan ng anak nito na si Diel. Ang kakayahang maglakbay sa nakaraan at hinaharap ay sadyang nakapagpabilib lalo sa kanya.
Saglit ay napaisip siya. Kaya nitong maglakbay sa nakaraan, kung ganon ay alam nito ang bawat ditalye ng tungkol sa nangyari noon. Simula sa pagtataksil ng babaeng iyon hanggang sa mismong maglaho na ang bawat dark wizards sa kanilang mundo.
"Kung ganon ay alam mo kung nasaan ang babaeng iyon!! Nasaan siya Diel?" Inalog alog pa niya ang binata para lang sagutin nito ang katanungan niya.
"Abcdee, maaring alam ko kung nasaan siya pero hindi ko pweding sabihin sayo iyon dahil magugulo nito ang nakatakdang mangyari sa hinaharap. May mga bagay na kailangan namin ipaalam sa inyo upang mabago natin at maiwasan ang isang masamang pangyayari. Pero may mga bagay na kaylangan natin hayaan nalang dahil magugulo nito ang bawat balanse ng lahat."
"Hindi ko maintindihan." Naguguluhang sabi ni Sab.
"Bawat pangyayaring nakatakda na binago natin ay may kapalit. Isa na doon ang pagkamatay ng dark princess." Napakunot ang noo lalo ni Sab.
"Hindi siya dapat namatay noon Sab. Sa laban na iyon ay dapat mapasakamay ng tuluyan ng mga dark wizards ang magus world kaya naman sinabi ni mama noon na wag hahayaan na si master Jed ang magturo sa kanya sa paggamit ng kapangyarihan niya. Pero alam mo ba ang naging kapalit non? Namatay ang lola mo. Ang ina ni Tita Shanel, maging ang bestfriend niya. At hindi lang iyon.." Nagbuntong hininga si Diel.
"Ano pa?" tanong niya.
"Hindi ko maaring sabihin sa iyo."
"Ano nga? Sabihin mo na!"
"Bago ang laban, nagkavision muli si Mama, sa vision na iyon ay muling lalakas ang Dark Lord pero muli nilang pinigilan iyon. Sinabi ni Mama iyon kay Kyle maging ang paraan kung paano mapapatay ang dark lord. At nagtagumpay sila, napatay nila ang Dark Lord pero ang kapalit naman noon ay nagawang mabuhay ng isang nilalang na hindi naman dapat."
"Hindi ko maintindihan." Umiling-iling si Diel.
"Hindi mo na kailangan pang intindihin. Basta tandaan mo Shanel, bawat nakatakdang bagay na binabago natin ay may kapalit. At alam ko na sa oras na sinabi ko sayo kung nasaan ang babaeng iyon o kung buhay pa ba siya ay gagawa kayo ng isang hakbang na hindi naman dapat mangyari."
"Ngayon ko lamang nakita ang ganyang ngiti ni Elysse simula ng makilala ko siya." bulong ni Kyle sa asawa. Kasalukuyang naglalakad ngayon si Elysse sa gitna habang hinihintay naman siya ni King Shone sa dulo. Ngayon ang araw na masisimulan na nila ang pagbuo ng isang pamilya. At ngayon din ang araw na kokoronahan si Elysse bilang bagong reyna ng Magus World.
"That's love Kyle. Hindi mo namamalayan na nagbabago ka na pala. Hindi mo namamalayan na kaya palang baguhin ng nararamdaman mo ang buong pagkatao mo. Alam natin si Elysse bilang isang napakatahimik na tao pero hindi natin kilala dahil isang tao lang ang lubos na nakakakilala sa kanya. Si Shone iyon." Napangiti nalang si Kyle sa asawa at hinalikan ito sa noo.
"Mahal mo nga ako."
"Talaga!"
"Kase kung hindi mo ako mahal, hindi mo masasabi ang mga salitang iyan. At walang Sabria Abcdee ngayon." Pabirong pinalo naman siya ni Shanel. Napatingin naman si Kyle sa kanyang anak na si Shanel na nakaupo ngayon sa harapan.
"Whenever I look at our daughter, ikaw ang nakikita ko sa kanya which always remind me how much I love you." sandaling hinalikan ni Kyle si Shanel sa labi bago muling tumingin sa harapan kung saan inaabot na ni Elysse ang kamay ni Shone.
Natapos ang kasalan ng matiwasay at ngayon ay si Elysse na ang bagong reyna ng Magus World. Abala sila sa kasiyahan kaya naman hindi nila inaasahan ang pagdating ng dark wizards na sisira sa kasiyahang nararamdaman ng lahat.
"Dark spirits." Bulong ni Sab sa hangin. Nagsimula ng magkagulo ang lahat ng magsilabasan ang napakaraming dark spirits.
"Masyado silang marami!" sigaw ni Jiro. Si Sab naman ay pilit na tinatalo ang bawat dark spirits na lumalapit sa kaniya pero nahihirapan siya dahil na rin sa hindi pa niya alam gamitin ang kapangyarihan niya.
"Diel!!" tawag niya sa kaibigan ng malapit na siyang matalo ng isang dark spirits.
"Ayos ka lang?" tanong ni Diel sa kanya kaya naman tumango na lamang siya. Walang magawa si Sab kung hindi ang magtago sa likod ni Diel habang tinatalo nito ang mga dark spirits at pinoprotektahan siya. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil wala man lang siyang magawa upang makatulong sa kanila. Pakiramdam niya ay wala siyang kwenta.
Nang magawa nilang talunin ang lahat ng mga dark spirits ay tila nakahinga silang ng maluwag pero doon sila nagkamali. Lumabas ang isang nilalang na hindi na dapat nabubuhay pa. Isang nilalang na dapat ay naglaho nang parang bula.
"Isang dark wizard?" takang takang sabi ng ngayon ay bagong reyna na si Elysse. Ngumiti lamang ang nag-iisang dark wizard na iyon sa harap nila bago nagsimulang maglakad palapit sa kanila. Sinubukan nila itong lusubin ngunit may kung anong harang ang pumoprotekta sa kanya.
"Anong ginagawa ng isang nilalang dito na dapat ay matagal ng naglaho?" tanong ni King Shone sa kanya pero hindi siya nito sinagot at pinagpatuloy ang paglapit kay....Sab. Ngumisi pa ito kay Sab.
"Ang nag-iisang anak ng lumen princess na siyang dapat namumuno dito ngayon." Bumaling naman ito ngayon kay Shanel.
"Kung inaakala mong natalo mo na kami dahil sa pagkawala ng dark princess ay nagkakamali ka. Simula palang ang kanina. At kung iniisip niyo na ako nalang ang nag-iisang dark wizard na nabubuhay ay nagkakamali kayo. Mas makabubuti sa inyo kung maghanda na lamang kayo." Pagkasabi niya noon ay bigla nalamang siyang naglaho na parang bula.
"Anong ibig sabihin nito?!" naguguluhang tanong ni Shanel. Niyakap naman siya ng asawa upang pakalmahin.
"Shana huminahon ka."
"Kyle buhay ang mga dark wizards! Isa lang ang ibig sabihin noon! Maaring buhay pa si Jillian!" natigilan ang lahat sa sinabi ni Shanel. Tama ito, maaring buhay pa si Jillian kaya naman nariritong muli ang mga dark wizards.
"Imposible." Napatingin sila kay Nikki.
"Imposible iyon Shan! Nakalimutan mo na ba kung paano siya namatay sa harap mo dahil sa pagliligtas kay Kyle? Dahil ako? Hindi ko makalimutan kung paano naging abo ang dark wizard na kalaban ko noon."
"Tama si Nikki." Sang-ayon naman ni Jiro.
"Kung ganon bakit nandito ulit sila? Bakit nabuhay ulit sila? Hindi ba posible na baka nabuhay muli si Jillian kaya sila nandito?"
"Kung ganon ay paano ulit siya nabuhay?" napatingin silang lahat kay Clyde.
"Mayroon ba kayong kilalang nilalang na kayang bumuhay ng isang patay na?"
"Meron." Sagot ni Elysse na siyang nagpakunot ng noo sa kanilang lahat.
"Si Qetsiyah. Siya lang ang kilala kong nilalang na kayang bumuhay ng patay. Maaaring buhay si Jillian."
"Kung ganoon ay buhay si Jillian?" tanong ni Sab kay Diel. Kasalukuyan silang nasa may tabi ng balon kung saan ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao.
"Pweding oo, pweding hindi. Hindi tayo sigurado."
"Pero ikaw alam mo kung buhay siya o hindi." Nginisian lang siya ni Diel kaya naman naiinis na sinabunutan niya ito.
"Tama na yan, oras na para umalis tayo." Napatingin sila kay Kyle. Kasunod nito ang ina ni Sab.
"Babalik na tayo sa mundo ng mga mortal?!" masayang tanong ni Sab. Tumango naman si Shanel sa kanyang anak.
"Pero hindi para mamuhay doon anak. Doon ka namin sasanayin ng papa mo sa paggamit ng kapangyarihan mo." Nagulat si Sab sa sinabi ng kanyang ina.
"Kailangan mong matutunang magamit iyon lalo pa ngayon na buhay pa pala ang mga dark wizards."
"Hindi po ba masyadong mapanganib kung sa mundo ng mga tao siya mag-eensayo?" umiling si Kyle kay Diel.
"Mas magiging mapanganib kung dito siya mag-eensayo. Malalaman ng mga dark wizard kung anong lakas ang meron si Sab. Hindi katulad noon, ay naramdaman ni Queen Elysse, maging ako, kung gaano na kalakas ang mga dark wizards ngayon kaya mas makabubuting manatili muna kami doon." Walang nagawa si Diel kundi ang sumang-ayon kay Kyle.
--