DOPPLEGANGER
"Dalawang linggo kang nawala. Saan ka bananggaling?" Tanong ng kaibigan niyang si Rheya. Napaisip naman siya,dalawang linggo pala ang inilagi nila sa magus world. Sigurado siyang maramingmga bagay na agad ang nangyari sa mundong ito.
"May bago bang happenings?" Nagkibitbalikat lang sa kanya ang kaibigan.
"Bukod sa may isa tayong bagongkaklase?"
"Bagong kaklase?"
"Yup. Nakalimutan ko na kung saan siya galinge. Pero nagtrasfer daw siya dito dahil lumipat na sila ng mama niya sa malapitsa school natin."
"Okay. Bakit daw sila lumipat?" Tumigilsa paglalakad si Rheya kaya naman napatigil di siya.
"Alam mo ang weird nga eh. May hinahanap dawkasing tao ang mama niya na mahalaga." Biglang bumilis ang t***k ng pusoniya. Hindi niya alam kung bakit pero nang makapasok sila sa room nila, ayganoon na lamang ang pamumutla niya ng mahagip ng mata niya ang sa palagayniyang sinasabing bago nilang kaklase.
"Ayan si Jelly pala. Jelly si Sabria. Kaklasedin natin siya. Nawala lang siya ng dalawang linggo" hanggang ngayon aynakatulala pa rin siya sa mukha ng sinasabing Jelly ni Rheya.
Hindi siya pweding magkamali. Ang mukhang iyon angnakita niya sa isang letrato ng kanyang ina kasama ang bestfriend niya. SiJillian. Pero, kamukha lang ba talaga niya ito? Maaari bang magkaroon sila ngiisang mukha? O si Jillian talaga ang kaharap niya? Pero imposible yon dahililang taon na ang lumipas peri bakit hindi man lang ito tumanda? Para bangkasing edad lamang niya ito.
"Sab? Sab? Sabria!" Noon lang siyanabalik sa tamang pag-iisip niya.
"Oh sorry. May naalala lang ako. May kamukhaka kasi. Nice meeting you Jelly." Ngumiti pa ito sa kanya. Naupos na siyasa upuan niya ng magsimula ng magpasukan sa loob ng room nila ang mga kaklaseniya. Tanda na paparating na ang prof nila.
"Good morning everyone" bati nito sakanila. Akmang babati sila ng makita nila ang isa pa sa kaklase nila napapasok. Lahat ay natahimik ng masilayan ang lalaking iyon.
"You've got to be kidding me." Hindimakapaniwalang sabi ni Sab habang nakatingin sa lalaking papasok at naupo na satabi niya.
"Phoenix! You're right in time. So let's getstarted?"
Sa buong klase nila ay na kay Poenix ang atensyonni Sabria. Nawala lang siya ng dalawang linggo ay ang laki na ng pinagbago nglalaking kayabi niya at gusto niyang maging kaibigan. Ang dating mahaba nitongbuhok ay pinaikli na niya kaya naman kitang kita na ngayon ang gwapo nitongmukha. Yun lang ang nagbago pero parang ang laki na ng ipininagbago noo sakanya kahit na nakikita pa rin niya ang isang tahimik at masungit na Phoenix.
"Kung pwede lang, kanina pa ako natunaw." Nagulatsiya ng bigla siya nitong kausapin. Ito ang unang beses na si Phoenix angnaunang nagsalita sa kanilang dalawa. Madalas kasi ay siya ang unang magsalitaat magtanong sa kanya na kung minsa ay hindi pa siya pinapansin nito.
"Naninibago lang ako sa'yo. Bakit ka nagpagupit?"tanong niya dito. Ngayon ay tumingin na si Phoenix sa mga mata niya at mataman itongtinitigan. Akala niya ay sasagot na ito pero ngumiti lang ito sa kanya atnag-iwas na ng tingin.
"Ginupit kasi yung buhok niya."
"Huh?"
"Noong mga mean girls. E kasi nga di ka pumapasokng dalawang linggo diba? Kaya ayun, sinasabi ng mga bruha na baka daw deads kana or buntis ka." Nanlaki ang mata ni Sab sa sinabi ni Rheya. Ang mean girls nasinasabi nito ay ang dalawang babae na inis na inis sa kanya dahil hindi nilaito mahigitan sa lahat ng bagay.
"Nawala lang ng dalawang linggo buntis agad?!!"
"Kaya nga nagalit si Phoenix." Natahimik namansiya sa sinabi nito. Nagalit si Phoenix dahil sa sinabi ng mga babaeng iyon?Ibig sabihin ba noon ay may makialam na ito sa kanya?
"Sa palagay ko, kahit naman tahimik lang iyon ayitinuturing ka na niyang kaibigan. Kaya ayun, pinagtanggol ka. E sakto naman nakasama ni Crissa yung boyfriend niya at ang barkada nito kaya namanpinagtulungan siya. Napagtripan ni Crissa buhok niya kaya ginupitan iyon." Walasiyang masabi. Si Crissa ang isa sa mgamean girls.
Pagkatapos ng klase nila ay hindi niya alam kungpaano pasasalamatan si Phoenix kaya naman bigla na lamang niya itong hinilapaalis sa room nila at dinala sa may hagdanan na hindi na masyadong dinadaananng mga estudyante.
"Bakit?" tanong nito sa kanya. Napayuko namansiya. Hindi kasi siya sanay na magsabi ng thank you at sorry kaya naman parangang hirap para sa kanya ang magpasalamat kay Phoenix.
"Sinabi sa akin ni Rheya yung nangyari. T-thanky-you." nauutal na sabi niya.
"Wala yun." Sandali ay natulala siya ng makita angtipid na pagngiti nito sa kanya.
"Ikaw lang naman kasi ang tao dito na lagingkumakausap sa akin kahit na hindi kita pinapansin e."
"Bakit ba kasi ang sungit mo?" hindi mapigilangtanong niya.
"Ayoko lang kasi na magtiwala sa mga tao sapaligid ko." napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Magtatanong pa sana siyapero umalis na ito sa harapan niya.
"Focus Sab!" napapikit naman siya ng muli siyangsinigawan ng ama. Ngayon kasi ay sinimulan na nila ang training niya. Inunamuna nila ang pisikal na lakas ngunit hirap na hirap siya dito.
"Bakit kasi kailangan pang malaman ito? Pwedenaman yung paggamit ko na ng kapangyarihan agad?"
"Hindi ka dapat dumepende sa kapangyarihan mo Sab.Paano nalang kung mawala yan or humina ito dahil sa labis na paggamit mo?"natahimik naman si Sab dahil sa sinabi ng kanyang ama. Tama kasi ang sinabinito. Hindi porket malakas ka ay malakas ka nalang lagi dahil may mgapagkakataon na hihina ka din.
Simula ng mag-ensayo sila ng kanyang ama ay maramina siyang natutunan dito. Hindi pa nito tinuturo ang paggamit sa kanyangkapangyarihan dahil dinidisiplina pa siya nito. Tinuturuan kung paano kontrolinang kanyang emosyon at maging ang pag-abuso sa kanyang kapangyarihan. Subalitang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi pa rin lumalabas ang specialability niya. Ayon sa kanyang ama ay kusa lamang itong lalabas kapag kailangangkailangan na niya ito katulad na lamang noon sa kanyang ina.
"Wait lang papa! Pagod nako!" napailing nalang angkanyang ama. Hindi kasi siya nakakatagal kahit tatlong oras lamang sa kanilangpag-eensayo.
"Tsk tsk" hinayaan nalang ni Kyle ang kanyang anakat pinahinto na muna sa pag-eensayo. Isang linggo na ang lumipas simula ngsimulan niya ang pag-eensayo sa anak. Sa mga susunod na araw ay sisiguraduhinniyang mahihirapan na ang kanyang anak.
"Tulog nanaman?" narinig niyang tanong ng kaibiganna si Rheya sa kanyang katabi na walang iba kung hindi si Phoenix. Sa mganakaraang araw kasi ay sobrang pagod siya dahil sa training niya sa ama kayanaman pagdating sa school ay natutulog siya pero iniiwasan niya iyon kapagdumadating na ang professor nila. Hindi niya narinig sumagot si Phoenix.Marahil ay dahil tinanguan lang siya nito.
Napansin niya simula ng muli siyang pumasok angpagiging malapit ng dalawa niyang kaibigan. Noon kasi ay takot si Rheya kayPhoenix samantalang ngayon ay madalas na silang nag-uusap. Siguro dahil na rinsa konting pagbabago ni Phoenix.
"Ano ba kasing ginagawa mo at lagi ka nalang pagodat natutulog bago ang klase?" tanong sa kanya ni Rheya. Kasalukuyan silang nasacanteen kasama ni Phoenix na ngayon ay tahimik lamang na kumakain sa harapannila.
"Wala naman. Wag mo nalang ako pansinin." Masungitna sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi kasi siya komportable dahilpakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya.
"Kasungit naman nito. Nag-aalala lang naman kasikami sayo. Baka napapabayaan mo na pag-aaral mo." Umiling lang siya. Pasimpleniyang inilibot ang tingin sa paligid pero wala naman siyang nakitang hindikaaya aya.
"May hinahanap ka ba?" tanong ni Phoenix sa kanya.Umiling nalang siya at pinagpatuloy nalang ang pagkain.
Simula ng bumalik sila sa mundo ng mga tao aypakiramdam niya palaging may nakasunod lang sa kanya. Hindi niya pa itonasasabi sa kanyang mga magulang dahil abala ang mga ito sa paghanap kay Qetsiyah maging sa taksil na naging dahilan ng pagbasak ng Magus World noon sa kanya ngmga dark wizards.
Hindi din niya maintindihan ang sarili niya dahilsa palagay niya ay may mali sa mga nangyayari. Malakas ang kutob niya na walana talaga si Jillian. Nasabi sa kanya ang kung paano namatay ito. Namatay siyadahil niligtas nito ang kanyang ama at bago ito tuluyang bawian ng buhay aynagkapatawaran pa sila ng kanyang ina. Kaya naman kung sakaling buhay pa ito aynasisiguro niyang hindi niya uutusan ang mga dark wizards na sugurin sila.Bigla ay naalala niya ang mukha ng bago nilang kaklase na si Jelly. Kamukhangkamukha nito si Jillian. Posible kayang nagkaanak noon si Jillian? Pero paanonaman nangyari iyon?
Hanggang sa pag-uwi niya ay nararamdaman niyangmay sumusunod sa kanya kaya naman inihanda niya ang kanyang sarili kung sakalimang sugurin siya nito pero hanggang sa malapit na siya sa kanilang mansyon ayhindi naman siya nito sinugod kaya naman huminto siya sa paglalakad.
"Sino ka ba at lagi mo nalang akong sinusundan?"tanong niya pero para lang siyang baliw na kinakausap ang sarili dahil walanamang sumagot sa kanya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinakiramdamankung may tao sa paligid.
Sa loob ng isang linggong pag-eensayo niya kasamaang kanyang ina, nalaman niya kung paano malalaman kung ilan ang taongnakapaligid sayo gamit lamang ang pakiramdam sa hangin. Ang kanyang ina angmagtuturo sa kanya sa lahat ng element na kailangan niyang matutunang gamitinmaliban na lamang sa tubig na mismong ama niya ang magtuturo.
Naramdaman niyang may isang tao ang nasa likod ngposte na malapit lamang sa kanya kaya naman agad siyang nagtungo doon perolaking gulat niya ng wala naman siyang nakita doon. Ganoon na lamang angpagtataka niya dahil sigurado siyang merong tao doon at lagi lamang itongnakasunod sa kanya.
"Qetsiyah..." ngumisi lamang ang babae sa kanya.Hindi akalain ni Clyde na sa mismong mundo pa ng mga tao niya makikita. SiClyde at si Jiro ang naatasan na maghanap kay Qetsiyah sa mundo ng mga taokasama na din sina Kyle at Shanel. Habang ang iba naman ay sa Magus Worldnaghanap.
Napahawak si Shanel sa braso ni Kyle ng masilayannito ang mukha ni Qetsiyah. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng kulay sa mukhahabang nakatitig lamang ito sa kanya.
"Anong ginagawa ng isang katulad mo sa mundongito?" tanong sa kanya ni Jiro. Nawala ang ngisi nito at tumingin kay Shanel.
"Napag-alaman ko na hinahanap ninyo ko. Naisip kona mahihirapan kayong hanapin ako kung dito sa mundong ito ako magtatago peronagkamali pala ako dahil mas maliit ang mundong ito kesa sa Magus dahil madaliniyo lamang akong nahanap."
"Madaling mahanap ang taong gustong magpahanap."Napatingin sila ng magsalita si Clyde.
"Anong dahilan mo at ayos lang sayo na magpakitaka sa amin? Sa pagkakaalam ko sa Qetsiyah na kilala ko ay madalas siyangmagtago sa mga tao at maging sa mga wizards." Nawala ang ngisi nito sa labi.
Si Qetsiyah ang sinasabi nilang may kakaibangkapangyarihan sa lahat. Katulad ni Diel, may kakayahan itong maglakabay sanakaraan at sa hinaharap. Hindi rin ito tumatanda kaya naman nagawa niyangmabuhay ng libo libong taon at napapanatili pa rin ang anyong bata nito. Siyalamang din ang may kakayahan bumuhay ng isang tao o wizard na namatay na kayanaman marami ang naghahanap sa kanya para abusuhin ang kakayahan niyang iyon.Isa rin sa dahilan kung bakit nila ito hinahanap ay dahil sa kagustuhan nilangmapatay ito.
Bukod sa kakayahan nitong bumuhay ng patay, saoras na mapatay mo siya ay magiging isang immortal ka. Iyon ang sumpa sa kanyang mga naunang lumen wizards. Isang sumpa dahil sa kapangyarihan na taglayniya.
"Alam ko ang dahilan kung bakit ninyo akohinahanap." Tumingin siya kay Shanel na ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya atparang hindi makapaniwala sa nakikita.
"Marahil ay nagtataka kung bakit kamukhang kamukhako siya." napakunot ng noo si Shanel sa kanya.
"Ako ang doppelganger ni Jillian." Pakilala nitosa kanya. Hindi naman makapaniwala si Shanel dahil totoo palang na merongnilala na ganoon.
"Iyon ang dahilan kung bakit una palang ay inakalana naming si Jillian ang nawawalang Lumen Princess noon. Alam namin na hindisiya ordinaryong tao." Paliwanag ni Jiro sa kanya.
"At iyon ang dahilan kung bakit bigla nalang naminkayong nilapitan noon una tayong magkita."
"Kung ganon na alam mo na pala ang dahilan kungbakit ka namin hinahanap, bakit hindi mo pa sagutin ang tanong namin? Binuhaymo bang muli si Jillian?" baling ni Clyde kay Qetsiyah. Pero umiling ito sakanila kaya naman lalo silang naguluhan.
"Wala akong dahilan para buhayin ang doppelganger ko. Mas mabuti nga na wala na siya."
"Kung ganon bakit ganito? Naglabasan ang mga darkspirits at may mga dark wizards na nabubuhay pa rin na dapat ay matagal ngnaglaho." Naguguluhang sabi ni Kyle.
"Paano kung hindi naman pala talaga si Jillian angdahilan pagbabalik nila?" napabaling sila kay Shanel.
"Tama ka. Hindi si Shanel ang dahilan ng mga ito."napatingin silang muli kay Qetsiyah.
"Kaya ako nagpakita sa inyo dahil nais konghumingi ng tulong sa inyo."
"Anong klaseng tulong?"
"Totoong wala na si Jillian kaya hindi siya ang dahilanng muling pagbabalik ng mga dark wizards. Ang dahilan ng lahat ng ito ay angDark Prince." Napakunot ang noo ng apat. Lahat sila ay walang alam tungkol sadark prince at alam nilang maging si Master Jed na siyang pinakamatanda sa mgalumen wizards ay walang alam tungkol dito.
"Dark prince? May kapatid si Jil?" takang tanongni Shanel. Tumango si Qetsiyah sa kanila.
"Pero namatay ang ina ni Jillian noong ipinanganaksiya nito" mariing sabi ni Jiro
"Sino bang nagsabi na iisa ang kanilang ina?"napaisip silang muli. Hindi makapaniwala sa balitang kanilang nalaman. Maykapatid ang dark princess?
"Nang magising ang kapangyarihan ng dark prince aymuling nabuhay ang mga dark wizards."
"Sandali lang, kung may kapatid man si Jillianibig sabihin ay dapat kasama ito ng mamatay si Jillian. Dapat ay matagal na rinsiyang naglaho dahil sa pagkamatay ng tagapagmana ng kapangyarihan ng dark lorddahil isa rin siya sa kanila." Takang paliwanag ni Shanel.
"Sino bang nagsabi na isa siya sa kanila." Nabalotng katahimikan ang paligid dahil sa pagtataka. Hindi ito isa sa kanila?
"Hindi purong dugo ng dark wizard ang nananalaytaysa ugat ng dark prince."
"Anong ibig mong sabihin?"
"May dugo ng lumen wizard ang nananalaytay sakanya kaya naman hindi siya kasama sa mga naglahong dark wizards noon."
---