SUSPICIONS
Nakatitig lang si Sabria sa mata ng kanyang mga magulang. Hindi makapaniwala sa mga sinabi nito. Kung tutuusin ay posible naman talaga na magkaroong ng isang anak ang isang dark wizard at isang lumen wizard. Pero ganun pa man ay nagulat pa rin siya at hindi makapaniwala.
"May sumusunod sa akin nitong nakaraang araw." Pag-amin niya sa mga magulang.
"Hindi ko alam kung sino siya pero alam ko na lagi lang siyang nakasunod sa akin. Sinubukan ko siyang hulihin noong minsan pero wala ding nangyari."
"Posibleng iyon ang dark prince." Napatingin silang lahat sa bigla nalamang pumasok sa kanilang hardin.
"Jelly? Anong ginagawa mo dito?"
"Magkakilala kayo?" gulat na sabi ng kanyang ina na lalong nagpalito sa kanya. Sa paraan ng tanong nito ay mukhang kilala to ng kanyang ina. Bigla ay napalayo siya kay Jelly.
"Jillian" tama nga ang hinala niya. Ito nga ang bestfriend ng kanyang ina na siya ring dark princess.
"Nagkakamali ka. Ako ang doppelganger ni Jillian. Ako si Qetsiyah." Pakilala nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala dahil ngayon lamang niya nalaman na totoo pàla ang mga doppelganger.
"Bakit mo kilala ang anak namin?" tanong sa kanya ni Kyle at inilayo kay Qetsiyah si Sabria.
"Matagal na akong nasa mundong ito. Hindi ko inaasahan na sa eskwelahan na papasukan ko ay makikita ko doon ang anak ninyo."
"Sinungaling" akusa ni Kyle sa kanya na hinayaan nalang ni Qetsiyah.
"Bukod sa sumusunod sa iyo, may isa pa akong pnaghihinalaan na maaaring ang dark prince kaya naman nagkita tayo sa iisang paaralan Sabria." Bigla ay nakaramdam ng kaba si Sab. Nararamdaman kasi niya na malapit na tao sa kanya ang tinutukoy nito.
"Si Phoenix" at hind nga siya nagkamali. Naramdaman niyang may kakaiba kay Phoenix pero alam ko na hindi siya ang wizard na hinahanap namin.
"Hindi siya iyon." Mariing sabi niya. Tumaas lang ang isang sulok ng labi ni Qetsiyah.
"At paano ka nakakasigurong hindi siya yon?" hindi siya nakasagot sa tanong na iyon. Basta ang alam lang niya ay hindi siya ang wizard na hinahanap nila.
-
"Tulala ka nanaman." Pansin sa kanya ni Rheya. Si Phoenix naman ay nakatingin lang sa kanya at hindi nagsasalita. Tumingin siya sa mata nito, na para bang doon ay hinahanap niya ang isang katibayan na hindi siya ang dark prince na hinahanap nila.
"Malusaw si Phoenix." Noon lang nawala ang tingin niya sa lalaki. Narinig pa niya ang pagngisi nito. Hanggang sa dumating na ang prof nila ay nakatuon lang ang pansin nito kay Phoenix.
"Ano bang iniisip mo?" biglang tanong nito sa kanya kaya naman napatingin ito sa kanya.
"Simula ng bumalik ka pagktapos mong mawala ng isang linggo lagi ka nalang wala sa sarili mo. May problema ka ba?" umiling lang siya dito. Iniisip niya kung ano nga ba ang dapat niyang gawin upang mapatunayan niya sa Qetsiyah na iyon at maging sa mga magulang niya na nagkakamali sila. Na hindi si Phoenix ang hinahanap nila.
"Paano kung pinaghihinalaan ang isang kaibigan mo na isa siyang criminal, ano ang gagawin mo?" biglang tanong niya sa dalawa. Bago pa sila makasagot ay bigla nalang umupo sa harap nila si Jelly/Qetsiyah.
"Ano ba namang tanong iyan?! Bakit maniniwala ka ba sa sinasabi ng ibang tao e ikaw mismo ang nakakakilala sa kanya. Isa pa hintayin mo lang ang paliwanag niya." napatingin siya kay Phoenix. Hindi niya pweding sabihin sa dito ang tungkol doon dahil paano nalang kung ordinaryong tao lang naman pala talaga siya?
"Hanapin mo ang lahat ng ebidensyang nagtuturo sa kanya." Napakunot ang noo niya sa sagot ni Phoenix. Maging si Qetsiyah/Jelly ay mukhang naging interesado sa susunod na sasabihin nito.
"Ano yun? Edi parang sinabi mo na rin na maniwala siya sa sinasabi ng iabng tao!" tutol sakanya ni Rheya.
"Hanapin mo ang lahat ng ebidensyang nagtuturo sa kanya hanggang sa ang matira nalang ay ang mga ebidensiyang nagpapatunay na inosente siya. Yun ba ang ibig mong sabihin?" tanong ni Qetsiyah kay Phoenix. Tumango naman ito bilang pag-sang-ayon.
"Sa ganoong paraan malalaman mo ang totoo. At kung ano man ang matuklasan mo, ikaw na ang bahala kung ano ang dapat mong gawin." Hanapin ang lahat ng ebidensiya? Napalunok siya sa sinabi ni Phoenix. Tama naman ito. Mas magandang siya na ang unang makaalam kung ito nga ang dark prince na hinahanap nila. Pero ano nga ba ang dapat na maramdaman niya kung sakaling ito nga ang dark prince na kanilang hinahanap?
-
"Phoenix!" tawag niya dito. Naisip niya na sumunod nalang dito kahit saan siya magpunta para naman makakalap siya ng ebidensiya na nagtuturong siya ang dark prince o ng mga ebidensyang nagsasabing isa lamang siyang ordinaryong tao.
"Pwedeng pasabay?" tanong niya dito. Umuulan kasi ngayon at hinintay talaga niya sa lobby ng building si Phoenix upang makisabay dito.
"Wala kasi akong payong e. Di ko nadala. Di ko naman kasi akalain na uulan ng ganitong kalakas." May payong naman siya sa bag pero pinili niyang magkunwaring wala siyang dalang payong. Mabilis namang pumayag si Phoenix at hinayaan makisuklob siya sa payong niya. May kaliitan nga lang ang payon ni Phoenix kaya naman medyo nababasa ang kanan balikat niya.
"Umusog ka dito." Nagulat siya ng biglang hapitin ni Phoenix ang bewang niya palapit sa kanya upang hindi ito mabasa. Parang dinaluyan n bolta-boltahen kuryente ang katawan niya dahil sa ginawa nito kaya naman napatingin nalang ito sa kanya.
"Malalakad ka lang ba pauwi sa inyo?" tanong nito sa kanya. Tumango lan siya dito habang nakatitig pa rin sa kanya. Napapaisip siya kung ano nga kaya ang gagawin niya kung sakali mang si Phoenix nga ang wizard na hinahanap nila? Kaya kaya niya itong labanan?
"Naniniwala ka ba na sa mundong ito, sadyang may iba na nakakagawa ng kakaibang bagay?" nakita niya ang pakunot ng noo nito na parang hindi siya nito maintindihan.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito sa kanya.
"I mean, kunwari sa mga magician?"
"Lahat ng ginagawa nila, may daya ang mga yon."
"Eh pano naman sa harry potter movie? Palagay mo meron sa mundong ito ang kaya talagang gumawa ng ganun?"
"Baliw lang ang maniniwala noon. Ano bang problema mo at ang weird ng mga tanong mo?" this time tumingin na ito sa kanya. Kaya naman napahinto siya sa paglalakad.
"Naisip ko lang. Tsaka sinusubukan ko lang kung sasagot ka na sa mga tanong ko." palusot niya sa kanya. Nginisian lang siya nito at nauna pang lumakad sa kanya kaya naman nabasa siya ng ulan.
"Phoenix!!" tawag niya at tumakbo palapit sa kanya.
-
"Malayo pa ba ang sa inyo?" tanong ni Phoenix sa kanya. Nasa isang waiting shed sila. Lumakas kasi ang ulan kaya naman naisipan nilang sumilong na muna.
"Mga 5 minutes na lakaran pa."
"Tatlong minuto lang kung lalakarin natin ang bahay namin. Doon nalang muna tayo. Tawagan mo nalang ang parents mo na sunduin aka nila doon." Tumango lang siya at sinugod na muli nila ang lakas ng ulan.
Habang palapit sila sa bahay nito ay kinakabahan siya. Ano nga kaya ang makikita niya doon? Posibleng kung totoo man ang hinala ni Qetsiyah ay nandoon ang taksil na Lumen Wizard. Pero nagtaka siya dahil pagdating nila doon ay mukhang wala namang ibang nakatira doon maliban kay Phoenix.
"Nasaan ang parents mo?" tanong nito habang pinupunasan ang buhok niya na nabasa ng ulan gamit ang twalyang binigay ni Phoenix.
"Wala na." simpleng sabi nito na para bang wala lang sa kanya. "Nasaan sila?" tanong nito sa kanya.
"My father was killed by I don't know who. Basta nakita nalang namin siya na wala ng buhay at may kung anong kakaibang sugat sa may palad niya. Ang ina ko naman ay namatay sa labis na depresyon."
"Kakaibang sugat sa palad? Anong itsura?" tanong niya dito. Umalis siya sandali na parang may kinuhang kung ano sa kwarto. Paglabas niya ay may letrato itong pinakita sa kanya kung saan ay nandoon ang isang palad na sa palagay niya ay sa ama nito at may nakaukit na kung ano sa palad nito. Pamilyar ang simbolong iyon sa kanya at hindi niya matandaan kung saan nga ba niya nakita ang bagay na iyon.
"Parang isang simbolo iyan na hindi nila maintindihan." Pinakatitigan niya ang letratong iyon at parang pilit na tinatandaan kung saan nga ba niya iyon nakita pero hindi niya malaman kung saan. Marahil ay itatanong nalang niya sa kanyang ama pagkauwi nila.
"Pwede ko bang makita ang picture ng mga magulang mo?" tanong niya dito. Tila nagtataka pa si Phoenix pero kalaunan ay pinakita niya rin ang larawan ng mga magulang nito. Dinala siya nito sa isang kwarto at doon ay nakita niya ang isang letrato kung saan nandoon ang sa tingin niya ay magulang ni Phoenix at maging ang batang Phoenix. Pasimple niyang iyon ng letrato.
"Pansin ko lang, bakit parang andami mong gustong malaman tungkol sa akin ngayon?" nagulat siya sa tanong nito kaya naman hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung ano ang dapat na isagot nito sa kanya.
"Ano...curious lang ako. Baka sakaling malaman ko kung kanino ka nagmana na tahimik." Ngumisi lang ito sa kanya. Inilibot niya ang paningin nito at sa tingin niya ay iyon ang kwarto ni Phoenix. Napako ang tingin niya sa isang bata na mahaba ang buhok at nakayakap sa binti ng kanyang ina.
"Ikaw ba to?" tanong niya at tumango lang ito bilang sagot. Natawa siya ng kaunti ng dahil sa haba ng buhok ni Phoenix doon ay nagmumukha na siyang babae. "Bata ka palang pala long hair ka na talaga."
"Gusto kasi ng ina ko na hinahaplos ang buhok ko at pinangarap din niya na magkaanak siya ng babae." Dahil sa mga nakita niya ngayon ay alam niya na malabong siya an dark prince na hinahanap nila. Nakaramdam siya ng kaunting saya ng dahil doon.
"Tinawagan mo na ba ang mga magulang mo?" tanong ni Phoenix sa kanya. Yun ang problema niya ngayon. Hindi niya matawagan ang mga magulang niya kaya naman malakas ang loob niya na bumalik ang mga ito sa Magus World.
"Hindi ko sila macontact." Nakayukong sabi nito. Nakita niya ang bahagyang pagkagulat sa gwapong mukha ni Phoenix kaya naman nakaramdam siya ng hiya. Alam na kasi niya ang kahihinatnan nito. Siguradong dito siya patutulugin nito.
"Paano ka niyan?" napakunot ang noo niya sa tanong nito. Ineexpect kasi niya na aalukin siya nito na dito nalang matulog.
"Anong paano ako? Hindi ba ako pwedeng dito matulog?" tanong niya rito.
"Hindi" mariin na sabi nito na nakapagpagulat sa kanya. So hahayaan nito na lusungin niya ang malakas na ulan sa labas.
"Pero wala akong payong!"
"Pahihiramin kita."
"Pero malakas ang ulan sa labas!"
"Malapit nalang naman siguro ang sa inyo dito. Pwede ka rin namang mag-abang ng taxi."
"Pero-"
"Sabihin mo nalang kung gusto mong matulog dito." Nakangising sabi nito na nakapagpapula ng husto sa mukha niya.
"Ang kapal mo naman! Ayoko lang mabasa ng ulan."
"Bakit hindi ba? Pwede ka namang matulog dito. Dito ka nga lang sa sala." Napasimangot siya. Sa totoo lang kasi ay kaya niyang umuwi ngayon dahil na rin sa ulan lang naman iyan at ang ulan ay tubig na siyang pangunahing elemento niya. Kung gugustuhin nga niya ay kaya niyang pahintuin ang ulan pero may parte sa kanya na gustong manatili muna sa lugar na iyon dahil nararamdaman niya na may masamang pweding mangyari.
"Dito nalang ako. Salamat ah! Napakagentleman mo!" nagdadabog na nahiga siya sa sofa na mahaba doon sa sala.
"Maligo ka muna. Basa ang damit mo, sandali at ikukuha kita ng damit." Naikot nalang ni Sab ang mata niya. May bait pa rin naman palang itinatago.
--