Chapter 6

2309 Words
NEPHILIM WIZARDS  Inilibot ni Sab ang tingin sa loob ng cr. Para sa isang lalake ay napakaorganized naman lahat ng gamit niya. Hindi niya maiwasang humanga sa lalaki. Tinignan niya ang sarili sa salamin at hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti dahil sa natuklasan niya. Ngayon ay mapaptunayan na niya hindi talaga si Phoenix ang hinahanap nila. Pero agad ding nawala ang ngiti na iyon ng maalala niya ang nakaukit na simbolo sa palad ng ama nito. Hindi niya matandaan kung saan nga ba niya nakita ang bagay na iyon.    "Sab!" napatalon pa siya sa gulat ng biglang kumatok si Phoenix mula sa labas.    "Nandito sa may kama yung damit mo." Narinig niyang sabi nito.    "Sige. Salamat!" biknusan niya ang shower at nagsimula na siyang linisin ang sarili. Habang naliligo siya ay nilaro-laro pa niya ang tubig. Minsan ay gagawin niya itong matigas na yelo tapos ay muling ibabalik sa normal na anyo nito.    Ibinalot niya ng twalyang binigay ni Phoenix ang kanyang katawan bago lumabas ng banyo. Pagkalabas niya ng banyo ay sumilip muna siya para siguraduhing wala si Phoenix doon. Nang makita niyang wala naman siya ay tuluyan na siyang lumabas at kinuha na niya ang damit na ipinahiram ni Phoenix.    Isang malaking shirt at malaking jersey short ang nakita niya doon. Kahit malaki sa kanya ay sinuot na rin niya kesa sa wala naman siyang maisuot. Ang problema lang ay wala siyang panloob. Mabuti na lamang ay makapal ang t-shirt na ibinigay sa kanya ni Phoenix.    Nasa kalagitnaan siya ng pagbibihis niya ng may mapansin siyang kakaiba sa may bedside table nito. Lumapit siya doon at kinuha ang bagay na iyon. Hindi siya pweding magkamali. Alam niya kung ano ang bagay na iyon.    "Tapos ka na bang magbihis?!" nagulat siya may sumigaw si Phoenix mula sa labas ng pinto kaya naman dali dali niyang tinapos ang pagbibihis.    "Oo tapos na!" sagot niya dito at ilang segundo lang ay nasa harapan na niyasi Phoenix.    "Mukha kang jejemon" natatawang sabi nito na nakapagpasimangot sa kanya. Bigla ay naalala niya yung nakita niya kaya naman kinuha niya iyon at ipinakita kay Phoenix.    "Kanino ang kwintas na ito?" nakita niya ang panlalaki ng mata ni Phoenix. Agad niya kinuha iyon mula sa kamay niya at itinago sa isang drawer na may susi.    "Wag kang makialam ng kung anu-anong gamit dito!"    "Pero..kanino ba ang kwintas na iyon?" pilit na tanong niya. Kailangan niyang malaman.    "Sa pamilya namin. Bago mamatay ang ina ko ay ibinigay niya sa akin ang kwintas na iyon." Hindi makapaniwalang nakatingin si Sab sa mga mata ni Phoenix. Kung kanina ay masaya siya dahil sigurado siyang hindi si Phoenix ang dark prince naglaho iyon dahil sa inamin nito sa kanya.    Ang kwintas na iyon ay pagmamay-ari ng isa pang grupo ng mga wizards sa mundo nila. Ang mga wizards na iyon ay siyang mahigpit na kaaway hindi lamang ng mga lumen wizards kundi maging ang mga dark wizards. Sila ang tinatawag na Nephilim Wizards. Ang alam ng lahat ay wala ng natitira ni isa sa kanila pagkatapos silang talunin ng mga dark at lumen wizards noon kaya naman hindi niya akalain na meron pa rin palang nabubuhay. Si Phoenix. Maaring isa siya sa kanila, pwedi ring hindi dahil may posibilidad na hindi naman siya tunay na anak ng kanyang mga magulang.    Mas malala pa ang mga nephilim wizards sa mga dark wizards. Kung ang mga dark wizards ay nais lamang na mapasakanila ang Magus World. Ang mga ito naman ay gusto nilang mawasak ang Magus World dahil sa kadahilanang hindi naman daw dapat ito naroroon. Naniniwala sila na hindi pweding magkaroon ng dalawang mundo. Ang mundo lamang ng mga tao ang nararapat na naroroon. Kaya naman ang kanilang layunin ay wasakin ang Magus World at sakupin ang mundo ng mga tao upang sila ang mamuno doon.    Isang baluktot na paniniwala. Kaya naman ginawa ng mga lumen wizards noon ang lahat ng kanilang makakaya upang mawala ang lahi ng mga wizards na iyon. Maging ang mahigpit na kaaway ng mga ito na dark wizards ay nakiayon sa kanilang mga plani. Iyon ang unang pagkakataon na nagkasundo ang dalawang mortal na magkaaway. Pero ngayon ay hindi niya akalain nasa harap niya ang isa sa bunga ng mga nakaligtas sa mga wizard na iyon at ang masaklap ay ang tao pang nagsisimula na niyang magustuhan.    Ngayon ay naaalala na niya ang simbolo na iyon. Ang simbolo na iyon ay inuukit ng mga lumen wizard sa palad ng mga nephilim na iyon. Ang mga Nephilim wizards ay hindi mo basta-basta mapapatay. Kailangan nilang iukit ang simbolo na iyon at pagkatapos ay may isasagawang ritwal ang mga wizards na bihasa sa mga spells upang mawala ang mga iyon ng tulyan. Minsan na niyang nakita iyon sa isang libro na nagsasabi tungkol sa kasaysayan ng Magus World.    "Naniniwala ka ba sa mga wizard?" diretsang tanong ni Sab sa kanya. Tumingin siya sa mata nito. Nakita niya ang bahagyang pagkagulat sa nito sa tanong niya.    "Sabi nila may dalawang klase ng wizards, ang mga lumen at dark wizards. Saan ka kabilang doon?" nakakuyom na ang kamao ni Sab. Wala rin pala siyang magagawa kundi ang kalabanin na lamang ito. Pero hindi niya inaasahan ang naging reaksyon nito. Bigla nalang itong tumawa ng tumawa na kung saan ay hawak-hawak pa nito ang kanyang tiyan.    "Ibang klase ka rin magjoke Sab. Sakit ng tiyan ko doon ah!" sabi nito na tumatawa pa rin. Napakunot naman ang noo ni Sab dito. May posibilidad na kilala na siya nito bilang anak ng Lumen Princess. Marahil ay sinadyang nitong kuhanin ang kanyang atensyon upang mapalapit sa kanya.    "Sa palagay mo ba nagbibiro ako? Alam ko kung kanino ang kwintas na iyan. Isa yang kwintas ng mga Nephilim wizards! At ang simbolo sa palad ng ama mo ay isang simbolo na inuukit ng mga lumen wizard sa palad ng mga nephilim sa oras na mamatay ang mga ito upang maiwasan ang muli nilang pagkabuhay!" tumigil si Phoenix at tinignan lang siya nito ng maigi.    "Seriously Sab. Nakakatawa ang joke mo." Nakangiting sabi pa nito.    "I'm not joking!"parang nafrufrustrate na sigaw niya dito.    "Then you're crazy! At hindi pa ako isang baliw para maniwala sa iyo? Wizards? Walang ganun Sab! Those were just your imagination! Nanuod ka ba ng harry potter? Ang galing ng mga wizards doon diba? Parang totoo sila. Parang may kapangyarihan talaga pero hindi totoo iyon! Effects lang iyon ng movie at imahinasyon ng author!"    Napabuntong hininga nalang si Sab. Mukhang wala talagang alam si Phoenix. Hindi niya alam kung dapat siyang matuwa na wala itong alam dahil alam niyang may posibilidad na manganib ito sa oras na malaman ng ibang lumen at dark wizards na may nabubuhay pang isang nilalang na katulad niya. Napahilot nalang siya sa ulo niya.    "Isa ka ba sa kanila?" biglang tanong nito kaya naman napaharap siyang muli dito.    "Anong ibig mong sabihin?"    "Ikaw mismo ang nagsabi, hindi ka nagbibiro. Meron talaga ng mga wizards na sinasabi mo. Paano ka nakakasiguro na meron nga? May kaibigan ka ba na ganoon o isa ka sa kanila?" napalunok si Sab ng makita ang galit sa mga mata nito.    "H-hindi."    "Kung ganoon bakit mo nasabi na totoo sila? At sa mga sinabi mo, para bang kilalang-kilala mo na sila." Hindi niya mahanap ang tamang sasabihin. Hindi niya alam kung dapat niyang sabihin dito na isa nga siya sa mga wizards na sinasabi niya kanina na pumapatay ng mga Nephilim wizards na katulad ng ama nito.    "Meron lang akong kakilala na isang mababang uri ng wizard. May naipahiram siyang libro noon sa akin tungkol sa history ng mga wizard kaya naman alam ko ang mga bagay na iyon." Tinignan siya ni Phoenix ng masinsinan na para bang sinusuri siya nito kung totoo nga ba ang sinasabi niya.    "Mabuti naman. Dahil kung totoo nga ang sinasabi mo, at totoo na ang mga iyon ang pumatay sa ama ko, hindi ko alam ang gagawin ko sayo kung isa ka man sa kanila." Lumapit ito sa kanya at nanigas nalang siya ng hawakan nito ang mukha niya.    "You are important to me now. Simula ng kulitin mo ako ng kulitin naging importante ka na sa akin." Lumayo na ito sa kanya at kumuha ng kumot at unan. Nagtaka siya ng lumabas ito ng kwarto.    "Saan ka pupunta?" tanong niya dito.    "Sa sala. Baka sabihin mo ungentleman ako kung doon kita patutulugin. Diyan ka nalang. Wag ka nang mahiya." Nakangising sabi nito at tuluyan ng lumabas ng kwarto.    Ibinagsak nalang niya ang katawan niya sa malambot na kama ni Phoenix. Hindi pa rin siya sigurado kung isa nga bang Nephilim si Phoenix. Maaaring inampon lang siya ng mga kinikilala nitong mga magulang pero malaki ang posibilidan na isa nga itong Nephilim wizard.    Napabuntong hininga nalang siya. Tumagilid siya ng higa at sinubukang matulog pero hindi niya magawa dahil naiisip niya si Phoenix. Kung isa nga siyang Nephilim, bakit wala itong alam? Nagmukha pa tuloy siya tanga at pinagtawanan pa siya nito kanina.      - "May natuklasan na ba kayo na maaaring makapagturo kung nasaan ang dark prince?" tanong ng bagong hirang na hari na si Shone.    "Wala pa." mabilis na sagot naman ng kapatid niya na si Shanel.    "Pero may dalawa kaming tao na pinaghihinalaan na posibleng maging dark prince?" nakangising sabat ni Qetsiyah. Gusto siyang pigilan ni Kyle sa maaring sabihin nito. Ayaw niyang masaktan ang kanyang anak. Nararamdaman niya na malapit si Sab kay Phoenix na pinaghihinalaan nilang dark prince.    "May kung sinong sumusunod kay Sab sa mga nakalipas na araw pagkatapos nilang makabalik sa mundo ng mga tao. Maaring iyon ang dark prince. Hindi pa siya nakikita ni Sab dahil masyadong mailap ito." paliwanag ni Kyle.    "At sino naman ang isa?" tumingin muna si Qetsiyah kay Kyle at ngumisi bago sagutin ang katanungan ng hari.    "Ang kaibigan ni Sab na si Phoenix."    "Pero..." hindi natuloy ang protesta ni Shanel ng tignan siya ni Shone sa mga mata na para bang sinasabing hayaan na munang magsalita si Qetsiyah.    "Matagal na akong nakatira sa mundo ng mga tao at matagal ko na ring sinusubaybayan si Phoenix. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang pakiramdam ko sa tuwing malapit ako sa kanya. Para bang ano mang oras ay makakaya niya akong pasuin."    "Parang kay Clyde?" tanong ni Jiro dito pero umiling lamang si Qetsiyah.    "Ibang pagkapaso. Para bang kaya niyang higupin ang lakas na meron ako. Naisip ko na kung siya ang dark prince, maaring isa iyon sa mga kakayahan na maari niyang taglayin."    "Pero humahanap pa si Sab ng ebidensya na maaring magsabi na siya nga ang dark prince." Protesta ni Kyle.    "Alam ko. Pero malakas ang kutob ko na siya iyon." Giit pa rin ni Qetsiyah. Natigil ang pagtatalo nila ng dumating ang ama ni Kyle na inaalalayan ni Nikki.    "Mahirap ang magbintang. Kailangan nating makahanap ng isang matibay na ebidensya pati na rin ng isang bagay na siyang makakapagpabilis ng paghahanap sa kanya."    "Wala bang katulad ng Lumen Necklace para naman malaman natin na iyon nga ang hinahanap natin?" tanong ni Nikki.    "Ikinalulungkot ko pero wala. Pero may isang bagay na maarin nating gamitin upang matunton natin ang dark prince. Iyon nga lang ay kakailanganin natin ang tulong ng Reyna." Napatingin sila sa kanilang bagong reyna na si Elysse na nasa tabi lamang ng hari.    "Kailangan namin ng isang malakas na locator spell mahal kong reyna." Mungkahi ni Master Jed. Narinig na ni Kyle ang spell na iyon pero kailan man ay hindi pa siya nakakita ng isang wizard na gumagawa noon. Ang sabi kasi, isang makapangyarihan lamang na wizard na bihasa sa mga spells ang siyang makakagawa noon.    "Hindi ko na maaring gawin ang bagay na iyon." Napakunot ang noo ng lahat sa sinabi ng reyna. "Hindi ko maintindihan. Bihasa ka sa lahat ng spells at kung hindi ako nakakamali ay nagawa kang turuan ng iyong una tungkol sa spell na iyon bago pa man ito mamatay sa kamay ng mga dark wizards noon." Wika ni Master Jed. Napayuko nalamang si Elysse ng maalala ang kanyang mga magulang pero agad siyang nakabawi.    "May isang importanteng bagay ang kasama sa spell na iyon pero wala na ang bagay na iyon sa mundong ito maging sa mundo ng mga tao."    "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kyle sa kanya.    "Dugo ng Nephilim Wizard." Silang lahat ay hindi alam ang tungkol sa wizard na sinasabi nito. "Anong klaseng wizard ang mga iyon?" hindi mapigilang tanong ni Shanel. Tinignan niya ang kanyang asawa. Doon ay nakita niya na maging ito ay walang ideya kung anong klaseng mga wizards ang mga iyon.    "Mga wizards na mortal na kaaway ng mga lumen at dark wizards. Wala na ni isang nephilim wizards ang natitira sa mundong ito matapos silang talunin ng mga dark at lumen wizard kaya naman hindi ko na magagawa pa ang spell na iyon lalo na't nawawala ang isang bagay na kailangan dito. "Sigurado ba kayong ni isa sa mga nephilim na iyon ay wala ng natitira?" tanong sa kanila ni Qetsiyah.    "Bakit mo naitanong iyan? Sa pagkakatanda ko ay nagawa silang talunin ng yumaong magulang nina Haring Shone at Prinsesa Shanel maging ng dating Dark Lord."    Saglit na napaisip si Qetsiyah na para bang may isang bagay na pilit nitong inaalala.    "Hindi ako maaring magkamali. Noong maglakbay ako sa isang nakaraan para magtago ay nakita ko ang dalawang Nephilim na wizard na nakatakas pagkatapos ng matinding laban nila. Hindi ko iyon pinansin dahil abala ako sa pagtatago ng akong sarili. May isa rin akong nakita batang Nephilim na wizard ng maglakbay ako sa hinaharap. Sinundan ko ang batang iyon pero nawala nalamang siya sa aking paningin."    "Sinasabi mo bang may mga Nephilim nagawang makaligtas noon?" tanong ni Master Jed sa kanya. "Posible. At malaki ang posibilidad na ang batang nakita ko noon ay kasing edad lamang ng anak ninyo Shanel." --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD