Chapter 7

1974 Words
THAT FEELING  Kahit saan bumaling si Phoenix ay hindi siya makatulog. Hindi dahil hindi siya komportable sa kanyang hinihigaan, iyon ay dahil hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Sab sa kanya. Kalokohan mang iisipin pero may parte sa kanya na gustong maniwala dito pero sa tuwing maiisip niya na ang sinasabi ni Sab na pumatay sa mga magulang niya ay isa lamang sa likha ng imahinasyon ng tao na isang malaking kalokohan.    Naisipan na lamang niyang tumayo at nagtungo sa may kusina upang uminom ng tubig. Kailangan niyang papagpahingahin ang kanyang utak dahil marami pa silang ginagawa sa school. Nagulat pa siya ng pagdating niya sa kusina ay nakita niya doon si Sab na umiinom ng tubig. Hindi man lang niya napansin na pumunta ito sa kusina.    "Pinakialaman ko na ang ref mo. Nauhaw kasi ako." sabi nito sa kanya. Napansin naman niya ang pamumutla nito pero binalewala niya at kumuha nalang ng baso.    "Sige. Goodnight." Tumango lamang siya pero mabilis siyang napatakbo palapit dito ng makita niyang matutumba ito. Naramdaman niya ang init ng katawan nito.    "You're burning!" sabi niya habang inaayos ang pagkakahawak dito. Hindi na rin kasi makatayo ng maayos si Sab. Sa huli ay napili niyang buhatin ito.    Dinala niya ito sa kanyang kwarto at maayos na inihiga sa kama. Bumaba siyang muli upang kumuha ng mainit na tubig at bimpo. Hindi niya alam kung bakit ganito nalang ang nararamdaman niyang pag-aalala pero noong makita niya ang namumutlang mukha ni Sabria ay bigla nalang nagwala ang sistema niya.    Kinuha niya ang upuan sa may study table niya at sinimulan niyang punasan ng maligamgam na tubig ang mukha ni Sab. Napakaamo ng mukha nito kapag tulog kumapara sa makulit na mukha nito kapag gising. Napapangiti nalang siya kapag naalala niya ang mga pangungulit nito sa kanya.    "Phoenix" nagulat siya ng lumabas nalang sa mga labi nito ang kanyang pangalan. Ibig sabihin ba nito ay napapaniginipan niya siya? Hindi niya maiwasang mapangiti sa kaisipang iyon.    "Phoenix" muling tawag nito sa kanya at itinaas pa ang isang kamay kaya naman iniabot niya ito.    "I'm here" malambing na sagot niya at hinagkan ang noo nito. Muli siyang tinawag nito.    "Ayoko Phoenix" napakunot siya ng noo.    "Ayokong kalabanin ka."    "Anong pinagsasabi mo?" hindi niya maiwasang tanong dito. Pilit niyang ginigising ito dahil nagsimula na itong umiyak.    "Gusto kita." Mahinang lang ang pagkakasabi nito doon pero sapat na para marinig niya at matigilan siya. Unti-unting dumilat si Sab at sinalubong siya ng luhaang mata nito.    "Phoenix" tawag nitong muli sa kanya. Nakatitig lang siya dito at hindi makapaniwala sa sinabi nito.    Inaamin niya sa sarili niya na unang kita palang niya kay Sab ay may kakaibang naramdaman na siya dito. At habang tumatagal na kasama niya ito ay hindi niya maiwasan na magustuhan ito dahil ito lang naman ang bukod tanging laging kumakausap sa kanya. Sa tuwing hindi siya kinukulit nito ay nakakaramdam siya ng inis sa sarili dahil hindi niya maiwasan maisip na baka nagsawa na ito sa pangungulit sa kanya.    Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at tinawid niya ang distansya ng kanilang labi. Hinawakan niya ito sa batok upang palalimin ang halik niya. Hindi tumutugon si Sab marahil dala ng pagkabigla pero ng magtagal ay tumugon din ito sa kanya. Mabilis niyang naiupo ito at naikandong sa kanya. Si Sab ang unang humiwalay sa kanilang dalawa.    "This is wrong" sabi nito na nagpalito nanaman sa kanya.    "Anong mali dito? Hindi kita maintindihan maging ang mga sinasabi mo kanina habang natutulog ka." Umiling-iling lang ito sa kanya.    "Anak ka ba talaga ng mga magulang mo?" sandaling natigilan si Phoenix pero sa huli ay tumawa lang ito.    "Alam mo Sab, hindi ka pala dapat nauulanan. Nagiging weird ka. Kanina tungkol sa mga wizards na hindi naman nag-eexist ang sinasabi mo ngayon naman pinagdududahan mo akong ampon?" tinignan lang sya ng masama ni Sab na nagpawala sa ngiti niya.    "Hindi ako ampon. Tunay nila akong anak. Noong minsan na kinailangan ko ng dugo ay ang ama ko mismo ang nagbigay sa akin." Hindi niya alam kung bakit nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mata ni Sab.    "So gusto mo ako?" pagbibiro nalang niya para naman mawala ang lungkot na nararamdaman nito. Hindi ito sumagot. Umalis ito sa pagkakakandong sa kanya at muling nahiga sa kama.    "Kalimutan mo na. Kalimutan mo na rin yung nangyari kanina."    "No!" mabilis na sagot niya. Bakit niya kakalimutan ang isang magandang bagay na nangyari sa araw na ito? Iyon ang first kiss niya na ibinigay niya sa babaeng gusto niya at nararamdaman niyang iyon din ang first kiss ni Sab. Hindi sumagot si Sab. Napabuntong hininga nalang siya at kinuha ang basin at bimpo bago lumabas ng kanyang kwarto. Naisip niya na marahil nilalagnat lang si Sab kaya nasasabi niya ang ganoong bagay.      Akala ni Sab masakit isipin na hindi ka magawang magustuhan ng taong gusto mo dahil hanggang kaibigan lang ang tingin niya sayo pero ngayon narealize niya na mas masakit pala kapag abot kamay mo nalang ang taong iyon, yung pareho kayo ng nararamdaman pero hindi pwede dahil isa siyang kalaban.    Nawala ang pag-asa niya na baka ampon lang si Phoenix kaya hindi na niya kailangan pang kalabanin ito pero isa palang malaking pagkakamali na umasa siya. Ngayon ay hindi niya alam ang gagawin niya kapag nalaman ng mga magulang niya o kahit sinong wizard na may isang Nephilim wizard pa rin na nabubuhay. Hindi na rin niya alam ang gagawin kapag nalaman ni Phoenix na isa siyang Lumen wizard. Sugurado siyang magagalit ito lalo na at nasabi niya dito na posibleng lume wizard o dark wizard ang pumatay sa ama niya.    Napahawak nalang siya sa sintido niya. Mainit iyon kaya alam niyang nilalagnat pa rin siya. Marahil dahil sa sobrang pag-iisip kaya siya nilagnat. Dahil sa sakit na nararamdaman ay naging madali para sa kanya ang matulog ng muli.    Nagising lamang siyang muli ng maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Akala niya si Phoenix iyon pero iba ang nararamdaman niya kaya naman idinilat niya ang mga mata niya. Mula sa bintana ay makita siya anino na parang nakaharap sa kanya at pinapanuod siya.    "Sino yan?" tanong niya pero hindi ito sumagot. Nawala na lamang itong bigla kaya naman napatayo na siya at binuksan ang bintana upang malaman kung saan ito nagtungo. Pro bigo siya dahil wala siyang nakita mula doon.    "Show yourself! Wag kang duwag!" hindi mapigilang sabi niya. Hindi niya masyadong nilalakasan ang boses niya dahil natatakot siya na baka makita siya ni Phoenix.    May naramdaman siyang presensya sa likod niya kaya naman mabilis siyang humarap para sana atakihin ito pero pagharap niya ay bigla na lamang siyang niyakap ng kung sinong nilalang na iyon.    "Ano ba?!" pilit siyang kumakawala dito pero hindi niya iyon magawa.    "Nasasaktan ako Abcdee" napatigil siya ng marinig niya ang boses na iyon.    "Nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan. Malungkot."    "D-diel?" hindi makapaniwalang sambit niya. Hindi naman kumibo ang lalaking nakayakap pa rin ng mahigpit sa kanya ngayon pero pinili nito na pakawalan na siya mula sa yakap nito. Doon ay nasilayan niya ang mukha ng kaibigan na malungkot.    "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.    "I've been following you around."    "So ikaw yung nararamdaman ko na laging nakasunod sa akin?" bahagya siyang tumango. Nagulat siya ng punasan nalang nito ang pisngi niya.    "Umiyak ka." Pansin nito sa natuyong luha sa pisngi niya. Nag-iwas siya ng tingin.    "Nakakainis kasi." Parang batang sumbong niya sa matalik na kaibigan.    "Sa lahat ng lalaking magugustuhan ko yung kalaban pa natin." Muli siyang niyakap ni Diel.    "Kaya ka ba umiiyak?" tumango lang siya habang yakap nito.    "Kung tayo lang ang para sa isa't isa kinuha na kita at inilayo sa kanya. Gusto kong ipilit ang sa atin pero kapag ginawa ko iyon maraming masamang bagay ang mangyayari."  Mahinang sambit nito na hindi na nagawa pang marinig ni Sab    - "Kailangan nating makita ang mga Nephilim Wizard na iyon" sambit ni Kyle.    "Pero hindi natin alam kung nasaan sila." Sagot naman ni Nikki. Napatingin si Shanel kay Qetsiyah na tahimik lamang at parang may iniisip.    "Bakit hindi ka muling maglakbay sa hinaharap o sa nakaraan para malaman natin kung nasaan ang mga nephilim na iyon Qetsiyah." Suhestiyon niya na nakakuha ng atensyon ni Qetsiyah. Lahat sila ay napatingin kay Qetsiyah.    "Susubukan ko." ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinawakan ang kwintas na suot niya na siyang dahilan kung bakit nagagawa niyang maglakbay mula sa kasalukuyan at sa hinaharap. Sa isang iglap lang ay nasa nakaraan na siya. Kung saan nakikita niya ang paglalaban ng isang dark wizard at nephilim wizard. Mabilis siyang natago upang hindi makita ng mga ito.    Sa kabilang banda naman ay hawak ng isang babaeng nephilim ang isang bata at tumatakbo sila palayo sa lugar na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon din ang batang nephilim na kanyang nakita.    "Ahhhh!!!" isang sigaw na umagaw sa atensyon niya. Kasalukuyan nang inuukit ng dark wizard ang isang simbolo sa palad ng nephilim. Paalis na ang dark wizard noon ng mapalingon ito sa gawi niya na siyang ikinagulat niya.    "Dark prince." Mahinang sambit niya. Sigurado siya na iyon na nga ang dark prince base sa kulay pulang mga mata nito na katulad ng kay Jillian noon. Susugurin na sana siya nito pero mabilis niya hinawakan ang kanyang kwintas upang makaalis sa oras na iyon.    Sumunod niyang nakita ay ang babaeng nephilim na may hawak na lubid. Alam na niya kung ano ang gagawin nito. Kaya naman tahimik siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng batang nephilim. Kasalukuyan nitong inihahanda ang kanilang hapunan. Nang mag-angat ito ng tingin ay hindi siya napangisi na lamang siya. Hindi na siya nagulat ng ang mukhang iyon ang kanyang nakita.    Bumalik siya kung saan nakita niya ang babaeng nephilim na ngayon ay wala ng buhay. Gamit ang kanyang mahabang kuko ay sinugatan niya ang palad nito upang makakuha ng dugo mula dito. Ito lang naman ang kailangan nila upang mahanap ang dark wizard na iyon. Hindi pa ito ang panahon upang malaman nila kung sino ang batang nephilim na kanyang nakita.    "Qetsiyah" tawag sa kanya ni Shanel ng makabalik na ito. Iniabog niya dito ang maliit na bote na naglalaman ng dugo ng babaeng nephilim kanina.    "Namatay sila. Kaya naman naisipan kumuha nalang ng dugo mula doon." Nakatingin lang ang Reyna na si Elysse kay Qetsiyah. Nababasa niya sa isip nito na may itinatago siya pero hindi niya malaman kung ano ang bagay na iyon. Iniabot ni Shanel ang bote kay Elysse.    "Ang locator spell na ito ay malalaman natin kung nasaan siya nanatili pero hindi ko makikita kung ano ang itsura niya. Alam kong nakita mo na ang itsura niya kanina Qetsiyah kaya mapapadali na lamang sa atin ang mahanap siya sa oras na malaman natin kung saan siya nananatili."    Sa mga sangkap na una ng pinagsama-sama ni Elysse, naglagay siya ng tatlong patak ng dugo ng nephilim duon.    "Princeps tenebrarum me docebis"    "Clever University" sambit ng reyna. Napakunot naman ng noo sina Shanel at Kyle.    "Doon pumapasok si Sabria." Narinig nila ang pagngisi ni Qetsiyah.    "This is interesting. Sa ilang araw na pananatili ko doon ay nagawa kong libutin ang campus pero ni minsan ay hindi ko nagawang makita ang pagmumukha ng dark prince na iyon." Sambit nito.    "Hindi kaya nag-ibang anyo siya. Katulad nalang ng sinabi mo. Maaring si Phoenix iyon." Sabi naman ni Jiro    "Sigurado na akong hindi si Phoenix ang dark prince."   "Paano ka nakakasiguro?" tanong ni Clyde dito na hindi na sinagot pa ni Qetsiyah.    "Ang maiging gawin natin ay bantayan ang bawat tao sa university na iyon." Suhestiyon ni Jana.    "Ipadala natin si Diel" sabi ni Nikki. Umiling lang si Jana dito.   "Hindi na kailangan dahil matagal ko ng ipinadala si Diel sa mundong iyon bilang bantay ni Sabria. Ang kailangan nalang nating gawin ay ang maging estudyane siya ng paaralang iyon." --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD