CANNOT BE
Ang pagtama ng sinag ng araw ang dahilan kung bakit nagising si Sab mula sa pagkakatulog. Tatayo na sana siya pero hindi niya magawang makatayo dahil sa isang kamay na nakapalupot sa kanya. Nanlaki pa ang mata niya ng mapagtantong may katabi siyang lalaki.
"D-diel?" nagulat siya ng makitang si Diel ang lalaking iyon pero agad siyang napangiti ng maalala ang kagabi. He comforted her habang siya naman ay iyak lang ng iyak. Ang ngiting iyon ay bigla nalang nawala ng makita niya ang isa pang lalaki sa may pintuan na matalim ang tingin sa kanila.
"I didn't know you have company. Kaya pala." Sabi ni Phoenix sa kanya na marahil ay tinutukoy ang sinabi niya dito kagabi. Gusto sana niyang sundan si Phoenix pero bigla nalang may humawak sa kamay niya.
"Don't"
"I need to follow him. Nakakahiya. Nakitulog nalang ako sa bahay niya may sabit pa ako." pabirong sabi niya dito. Ngumisi lang sa kanya si Diel.
"Iyon ba talaga ang dahilan?" hindi na sumagot pa si Sab at sinundan nalang si Phoenix na naghahanda ng kanilang agahan na para sa kanilang dalawa lang sana.
"Phoenix?" hindi nilingon ni Phoenix si Sab. Naninikip pa rin ang dibdib niya dahil labis siyang nasaktan sa nakita. Kagabi lang ay siya ang kahalikan ni Sab pero ngayon iba naman ang katabi nitong natulog. Sa sariling pamamahay pa niya.
"I'm sorry about Diel. Wala kasi siyang matulugan kagabi and ayoko namang istorbohin ang pagtulog mo ka-"
"Kaya sa tabi mo siya natulog? Kaya pagkatapos mong sabihin na gusto mo ako ay pinaalis mo ako? Yung totoo Sab? Naglolokohan nalang ba tayo dito? Kasi kung oo, tigilan mo na. Nasasaktan ako e!" iniwan nalang sa kusina ni Phoenix si Sab pero agad siyang sinundan ni Sabria.
"Gusto mong malaman ang totoo?" hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito at agad niya itong sinagot.
"Oo! Dahil sa tagal kitang kilala ganoon na rin kita katagal minahal!" nakita ni Phoenix ang unti-unting pagpatak ng luha ni Sabria kaya naman muli nanaman niyang naramdaman ang kirot sa kanyang dibdib. Mas masakit kesa noong nakita niya ang babae na kasama ang isang lalaking di niya kilala kilala sa iisang kwarto.
"Gusto kita e. Gustong gusto kita kaya naman ang sakit-sakit dito." Tinuro niya ang puso niya.
"Pero anong magagawa ko Phoenix? Hindi tayo pwede. Kahit anong gawin ko hindi tayo pwede dahil sa mata ng lahat, magkalaban tayo." Napakunot ang noo ni Phoenix dahil hindi nanaman niya maintindihan ang sinasabi ni Sab sa kanya.
"Yung sinasabi ko sayo na mga wizards? Isa ako sa kanila. Hindi totoong may kaibigan ako na wizard dahil ako mismo ay isang wizard. Isa akong prinsesa ng mga wizard na ikinubli dito sa mundo ng mga tao para malaman ko kung paano namuhay ang ina ko noon. Hindi naman ako dapat manatili ng matagal dito pero pinilit ko ang mga magulang ko na manatili dito dahil sayo!" lumunok ng ilang beses si Sab at umiling-iling.
"Ayokong kalabanin ka Phoenix. Ayoko dahil hindi ko kaya. Isa kang Nephilim wizard na mahigpit na kaaway ng buong Magus World. Kapag nalaman nila ang tungkol sayo-"
"Papatayin nila ako. Katulad ng ginawa nila sa ama ko tama?" pagtatapos ni Phoenix sa sasabihin ni Sab. Tumalikod siya dito dahil hindi niya kayang makita na umiiyak ito ng dahil sa kanya. At hindi rin niya alam kung kakayanin pa niyan makita si Sab ngayong alam niya na kabilang siya sa mga wizard na sinasabi nito na maaaring pumatay sa ama niya.
Hindi napigilan ni Sab ang sarili at tumakbo siya kay Phoenix at niyakap ito mula sa likod. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa binata. Alam niyang nasasaktan din ito kagaya niya. Kung bakit naman kasi hindi nalang sila naging ordinaryong taong dalawa. Bakit kailangan pang maging Nephilim wizard si Phoenix at maging prinsesa siya ng mga lumen wizard?
"I don't want to fight you dahil kapag ginawa ko iyon para ko na ring sinaktan ang sarili ko." humarap si Phoenix sa kanya at iniangat ang mukha niya. Walang emosyon si Phoenix habang nakatingin sa kanya.
"Sabi mo may dalawang uri ng wizard dito. Ang mga lumen wizard at ang mga dark wizard." Tumango si Sab sa kanya at pinunasan na ang mga luha niya.
"Saan ka kabilang?" tumingin siya sa mga mata ni Phoenix. Hindi niya nababasa ang iniisip nito. Kaya naman sinagot na lamang niya ang tanong nito.
"I'm a lumen wizard." pag-amin niya. Lumayo si Phoenix sa kanya.
"At posibleng isa sa inyo ang pumatay sa mga magulang ko tama?" tumingin si Sab sa kanya na nagbabadya nanaman ang mga luha at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"I don't know. Hindi ko alam kung mga dark wizards o lumen wizards ang pumatay sa kanila. May mga lumen wizard na nagbabantay sa portal papunta sa mundong ito kaya naman dapat alam nila kapag may mga lumen o dark wizards ang nagpunta dito."
"Pero malaki pa rin ang posibilidad tama?" hindi na napigilan ni Sab at napaupo siya sa sahig ng makita niyang tumulo na rin ang luha sa mga mata ni Phoenix. It's just too much. Labas na sila sa away ng Magus World at mga Nephilim Wizards pero bakit kailangan pati sila mahirapan ng ganito?
After that day, hindi na muling pumasok pa si Phoenix sa school. Hinahanap siya lagi ng mga mata ni Sab pero hindi niya ito makita. Si Diel naman ay nag-enrol na rin sa university na pinapasukan nila dahil utos daw mula sa Magus ang bantayan siya dito sa mundo ng mga mortal.
"Ako ang kaharap mo pero iba ang hinahanap mo. Pwede bang kalimutan mo muna siya kahit ngayon lang?" nabalik mula sa pagkakatulala si Sab ng marinig niya ang sinabing iyon ni Diel sa kanya. Napatingin siya kay Rheya at nakita niyang malungkot din ito. Alam niya iyon dahil kahit paano ay naging malapit na si Phoenix at Rheya sa isa't isa.
"I just can't stop thinking about him. Ano na bang ginagawa niya ngayon? Bakit hindi siya pumapasok? Dahil ba sa akin?" nag-iwas ng tingin si Diel sa kanya at pinagpatuloy nalang ang pagkain.
"Just stop thinking about him. Baka hindi mo alam pinaplano na niya kung paano maghiganti sa atin." Pabulong na sabi ni Diel sa kanya na hindi na narinig pa ni Rheya dahil katabi lang niya si Diel habang kaharap naman nila si Rheya. Napuno ng katahimikan ang table nila. Nabasag lamang iyon ng may marinig silang kung anong ingay mula sa labas.
"Ngayon na nga lang siya pumasok ulit nanggugulo pa." Narinig niyang sabi ng isang estudyante na nakasabay nila maglakad. Bilang lumakas ang t***k ng puso niya dahil sa hinalang tumubo sa isip niya.
Hindi naman siya nagkamali ng makita niya ang taong hindi nawala sa isip niya. Hawak nito ang collar ng isang lalaki habang nakangisi ito sa kanya.
"So ikaw nalang pala ang natitiraa sa kanila. As expected." Napakunot ang noo ni Sab ng marinig ang sinabi ng lalaki. Tumingin siya kay Diel upang itanong ku tama ba ang nasa isip niya at tumango lamang ito sa kanya. Ibig sabihin ay isang dark wizard nga ang lalaki na iyon. Ngayon lang niya ito nakita sa school nila.
"Posibleng isa siya sa mga nag-aabang sa'yo." Bulong sa kanya ni Diel.
Nagulat siya ng dako ang tingin sa kanya ng dark wizard na hawak ni Phoenix. Ngumisi ito sa kanya pero nagtaka siya ng biglang nawala ang ngisi nito at umiwas ng tingin. Para bang may nakita siya na hindi naman dapat. Muli siyang napatingin kay Diel at maging ito ay nakakunot ang noo.
Muli itong sinuntok ni Phoenix pero hindi iyon tumama dahil nahawakan nito ang kamao niya. Halos mapasigaw din siya ng maglabas ng apoy ang dark wizard na iyon at ipinatama kay Phoenix.
"Phoenix!!" Mabilis siyang tumakbo papunta dito. Hindi niya na pinansin pa ang pagpapanic ng mga tao dahil sa nakita nilang ginawa nito. Alam niyang nasa paligid lang si Zairen at siya na ang bahalang magbura ng mga alaala ng mga taong nakakita.
"Stay away!" Sigaw ni Phoenix sa kanya ng makalapit siya pero hindi niya ito pinakinggan at inalalayan niya itong maglakad para makapunta sa isang bakanteng room. Kailangan magamot ang natamo niyang sugat sa mukha nito. Mabuti na lamang àt naturuan na siya ng kanyang ina na gayahin ang kakayahan ni Nikki na gumamot.
"Leave me alone" muling taboy sa kanya ni Phoenix pero hindi siya nakinig. Nakaupo ito ngayon sa isang armchair sa bakanteng kwarto na iyon pero napili nitong tumayo sa may tapat na bintana nito. Kita doon ang reflection ni Phoenix kaya naman napabuntong hininga nalang siya ng makita ang lungkot sa mga mata nito.
"Let me heal you first Phoenix. Pagkatapos noon sige, aalis ako." Tumingin si Phoenix sa kanya. Hindi ito nagsalita at tumutol sa sinabi niya so she consedered it as a yes. Kaya naman lumapit siya dito at hinawakan ang pisnging nalapnos ng sunog.
"That guy is a dark wizard. Anong nangyari?" Tanong ni Sab sa kanya. Nag-iwas ito ng tingin pero dahil hawak ni Sab ang mukha niya ay muli niyang ibinalinh ito paharap sa kanya.
"Come on Nick." Napangisi si Phoenix dahil sa paraan ng pagtawag ni Sab sa kanya.
"That's the first time you called me by my nickname." Namula si Sab kaya naman nag-iwas siya ng tingin ngunit si Phoenix naman ang muling nagharap ng mukha niya sa kanya.
"That guy is watching you. Nakita ko rin kung paano siya bumuo ng isang pana gamit ang apoy. He was supposed to release that arrow but I stopped him." Nakita ni Sab ang pag-aalala sa mukha nito kaya naman hindi niya maiwasan ang mapangiti.
"You almost die because of that guy pero nagawa mo pang ngumiti ng ganyan." Kinagat nalang ni Sab ang kanyang labi upang mapigilan ang kanyang ngiti.
"Akala ko galit ka sa akin pagkatapos ng mga nalaman mo. But you still saved me. You just don't know how happy I felt." Naglandas ang luha sa pisngi niya na agad namang pinunasan ni Phoenix dahilan para titigan niya ito sa mga mata niya.
"Kahit naman gaano pa katindi ang galit ko sayo, mas mangingibabaw pa rin yung pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo. I love you Sab and it f*****g hurts. Mahal kita kahit na alam kong malaki ang posibilidad na isa sa inyo ang pumatay sa ama ko. Mahal kita kahit na alam kong magkalaban tayo at darating ang araw na isa sa atin ang dapat mawala sa dalawang mundong ginagalawan natin."
"I don't want to fight you."
"Pero kailangan, tama?" Nag-iwas nalang ng tingin si Sab. She can't stand seeing him this sad. At dahil lang iyon sa katotohanang kailangan na nilang harapin. Minsan kung sino pa ang taong mahal mo, siya pa ang taong dapat mong layuan dahil alam niyo pareho na hindi kayo magiging masaya sa piling ng isa't isa ngayong alam niyo na masasaktan din ang mga taing nakapaligid sa'yo.
Unti-unting linapit ni Phoenix ang mukha niya kay Sab. Gahibla nalang ng buhok ang pagitan ng labi nila ng pinili niyang huminto. Pinikit nalamang niya ng mariin ang mga mata niya.
"I love you so much Sab pero kailangan na nating tigilan kung ano man ang nararamdaman natin para sa isa't isa. I need to stop this feelings." Napili niyang lumayo na lamang at umalis pero hinawakan ni Sab ang kamay niya.
"I just want to say I love you, too. No matter what happen, kahit na kailangan pa kitang kalabanin, just remember that I love you" pagkasabi ni Sab noon ay siya na mismo ang unang umalis.
Ganun naman ata talaga sa pag-ibig, masasaktan at masasaktan ka. Bakit? Kasi iyon ang patunay na nagmamahal ka. Nasasaktan ka para sa taong mahal mo.
--