Chapter 9

2168 Words
THE DARK PRINCE "Masyado ng napapatagal ang paghahanap natin sa kanya. We need to hurry up." Sambit ni Clyde. Tinignan naman niya ang asawa na nakatanaw lang sa malawak na hardin ng Glacies Kingdom at mukhang malalim ang iniisip. Simula ng umalis si Diel sa Magus World ay lagi lamang itong tahimik. "Problem?" hindi niya natiis at nilapitan na lamang ang asawa. Maging sina Nikki ay nasa kanila atensyon. "I'm worried to Diel. Parang gusto kong magisisi na ipinadala ko siya doon." "Malaki na ang anak natin Jana." "Pero mapanganib ang misyon na iniatas sa kanya." Hindi kasi maiwasan ni Jana ang mainis. Simula pagkabata ay inensayo na siya upang maisama siya sa mga maghahanap noon kay Shanel. At nang mahanap na nila ito ay ang pagprotekta naman dito ang kanilang sumunod na misyon. Hindi niya akalain na maging ang anak niya ay magiging katulad niya. Kung poprotektahan ni Diel si Sab, sino naman ang poprotekta dito? "I know what you're thinking Jana but you don't have to worry. Kaya nga nandito dahil ang mga anak naman natin ang poprotektahan natin." Sabi ni Jiro sa kaniya. Napabuntong hininga nalang siya. "But for now, we need to hurry. Qetsiyah, wala ka ba talagang ideya kung sino ang Dark Prince?" Sabi ni King Shone. Napangisi na lamang si Qetsiyah. Ibang klase talaga ang kakayahan ni King Shone. "Meron. I just wanted to know kung hanggang saan ang kaya ninyo. Hindi ko akalain na agad pala kayong susuko. Oh well." Sinamaan siya ng tingin ng mga ito pero nginisian lang niya. "You should know that the dark prince is very close to your princess." Naparoll eyes nalang si Nikki. "Malamang! Kaschoolmate nga niya diba?" sinamaan siya ng tingin ni Qetsiyah habang tinakpan naman ni Jiro ang bibig ni Nikki. "Manahimik ka nalang. Sasabihin na e!" "As I was saying, the dark prince is very close to the princess. Mukhang like mother like daughter nga e." napakunot ng noo si Shone sa sinabi ni Qetsiyah. "Don't tell me, isa nanaman sa mga kaibigan niya?" ngumisi lamang si Qetsiyah sa tanong ng hari. "Here's the thing, kakaiba ang kakayahan ng dark prince. Marahil ay dahil kalahating dark wizard at lumen wizard ito. He has the ability na tanging siya lamang ang nakakagawa sa buong Magus World. The first time I saw him, I was shock too." "Transformation." Biglang sabi ni Elysse kaya napatingin silang lahat sa kanya. "You read my mind?" nakakunot na tanong ni Qetsiyah dahil walang kahit na sino ang may kakayahan na basahin ang nasa isip niya. "No. Just a wild guess. Sa lahat ng wizard dito sa Magus World, wala pa akong nakikitang may kakayahan noon. I once wished to have that powers but I know that's impossible but I think I was wrong." Hindi sila halos makapagsalita dahil sa nalaman. Indeed nakakagulat na may isang wizard ang may kakayahan noon at sa maling kamay pa napunta. "Your right Your Highness. He has the capability to transform in any form. Halaman, hayop, bagay o kahit sa anyo ng isang tao. May kakayahan din siyang gayahin ang anyo mo. Lahat ng nakikita mo sa mundong ito at sa mundo ng mga tao ay kaya niyang gayahin. Very powerful right?" kumuyom ang kamao ni Shone. Mukhang nahuhulaan na niya kung anong gustong sabihin ni Qetsiyah. "Before, I thought it was the Phoenix guy but I was wrong. Bakit nga ba hindi ko naisip na kakaiba tayo? We can do impossible things for ordinary people. Hindi ko nagawang makita ang isang napakahalagang bagay dahil masyadong natuon ang atensyon ko sa iba." "Can you just get straight to the point?" naiinis na wika ni Jana. Maging siya ay hindi pa alam kung sino ang dark prince at sa mga sinasabi ni Qetsiyah ay lalo lamang siyang nangangamba. "Tell me where is he?" utos ni King Shone gamit ang ma-otoridad na tono niya. "Tulad ng sabi ko, like mother like daughter. He's Rheya." Nanlaki ang mata nilang lahat. Kilala nila si Rheya bilang pinakamatalik na kaibigan ni Sabria kaya naman lahat sila ay nagulat. Ni minsan ay hindi nila ito pinaghinalaan dahil alam nila na lalaki ang hinahanap nila. Bakit ba hindi sumagi sa isip nila na kaya sila nahihirapan sa pagtunton sa dark prince ay dahil nagtatago ito sa isang huwad na katauhan? Tumulo ang luha ni Shone. Para sa isang hari, hindi siya pwedeng magpakita ng kahit na anong emosyon na nagsasabing mahina siya pero dahil sa pamangkin na niya ang involve ay hindi niya maiwasang maging emosyonal. Nakita niya noon ang kapatid ni Shanel kung paano nito halos wasakin ang lahat ng bagay na nakikita niya dahil sa nangyaring pagkawala ng babaeng itinuring niyang kapatid. Saksi din siya kung gaanong sakit ang naramdaman nito at nakita niya rin iyon sa mga kapatid. At nakita niya, kung paanong pagluluksa ang ginawa noon ni Shanel ng mawala si Jillian. Ngayon, ang pamangkin naman niya ang nakatakdang dumanas ng ganoong sakit. History repeats itself nga naman. Pero hindi na niya hahayaan pang masaktan pa ang kanyang pamangkin katulad ng kanyang kapatid noon. Kung noon ay nanuod lamang siya sa mga nangyayari, hindi na ngayon. Gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang kanyang pinakamamahal na pamangkin. "Jana, Jiro, Clyde and Nikki. Sundan niyo na si Diel sa mundo ng mga tao at ipaalam na sa kapatid ko kung ano ang nangyayari. Gawin niyo ang lahat upang malayo ang loob ni Sab kay Rheya o sa Dark Prince bago niya malaman ang lahat. Sa oras na malaman ni Sa bang katotohanan habang kaibigan pa niya ito, I know it would break her. So do something na mapaghihiwalay sa dalawa." Mabilis na sumunod ang apat. Kailangan din nilang maghanda para sa maaring mangyari. Masyadong makapangyarihan ang kanilang haharapin. Bago sila umalis ay napalingon si Clyde kay Qetsiyah. "You're not coming?" tumaas naman ang kilay ni Qetsiyah at umiling. "You know that the Dark Prince is looking for me. So bakit ako sasama?" maarteng sabi nito. Tumuloy nalang silang lahat sa may balon kung saan ang tanging lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Hindi na muling pumasok si Sab simula ng huli silang magkausap ni Phoenix, which is dalawang linggo na ang nakakaraan. Wala siyang ginawa sa araw na iyon kung hindi ang mag-ensayo ng mag-ensayo. Napansin iyon ng mga magulang niya pero hinayaan nalang siya. Nagawa na niyang mamaster ang martial arts. Kung minsan ay maging si Kyle ay nahihirapan ng labanan ang sarili niyang estudyante. Kaya naman ang tinuturo na sa kanya ngayon ni Kyle ay ang iba't ibang element na kailangan niyang malaman. At dahil noon pa man ay alam na niyang gamitin ang mga ito ay naging madali na lamang para sa kanya. Tanging mga spells at ang elemento ng tubig na lamang ang hindi niya natututunan. Ang sabi ng kanyang ama, hindi nito kabisado ang lahat ng spells. Ang reyna nila na si Elysse ang dapat na magturo sa kanya na siya ring naging guro ng kanyang ina. Pero dahil hindi pa nila nabibigyan ng panahon ang pagpunta sa Magus World kaya naman ineensayo nalang muna niya ang mga natutunan. Ang elemento naman ng tubig ay gusto niya na ang mismong ina niya ang magturo nito. Pinipilit siya ni Kyle na siya na ang magturo since siya rin naman ang nagturo sa kanyang ina pero mas gusto niya ang kanyang ina. Subalit hindi pa iyon maaari dahil binabawalan ni Kyle ang kanyang ina na gumamit muna ng kapangyarihan niya habang nabubuntis ito. "Payagan mo na kasi magturo si Mama, Papa. Pwede naman niya akong idictate nalang at wag nalang niyang ipakita sa akin kung paano ang dapat." "Bakit ba kasi ayaw mong ako nalang?" napabuntong hininga na lamang si Sab. "Si Mama kasi, main element niya ang tubig. Naging estudyante rin siya ni Master Jed. Basta! Gusto ko si Mama!" nakita niya si Kyle na parang nag-iisip at napangiti nalang siya ng marinig niya itong magbuntong hininga. "Okay, I'll let her teach you. But I'll accompany her." napatalon nalang siya at niyakap ang kanyang ama sa sobrang saya. Pero agad siyang inilayo nito. "Pero kailangan mong alisin lahat ng emosyon mo na iyan. Alam kong may pinagdadaanan ka kaya hindi ka na pumapasok at mas itinuon nalang ang pansin sa pag-eensayo. I'm giving you a week to clear your mind." "Pero Papa!" tinignan siya ng kanyang ama ng diretso sa mata. "Tubig ang pag-aaralan mo. Kung sa apoy ay ayos lang kung nakakaramdam ka ng galit dahil iyon talaga ang nagtitriger sa apoy. Kung sa lupa ay ang pakiramdam ng bigat ng loob kaya naging madali rin iyon para sa iyo. Ganun din ang sa hangin. Pero sa tubig, hindi pwede ang ganyan. You need to be calm. Yung tipong walang ano mang emosyon ang lalabas sayo para makontrol mo iyon ng maayos. Mastering water is very sensitive when it comes to emotion." Napayuko na lamang si Sab. "Come to school again Sab. You need to face that dahil hindi mo masosolusyunan iyan kung tatakbuhan mo lang." napapout nalang si Sab. Sa oras na pumasok siya sa school, malaki ang posibilidad na magkita sila ni Phoenix. Pag nagkita sila ni Phoenix, siguradong mararamdaman nanaman niya ang pakiramdam na parang gusto nalamang niya itong yakapin ng mahigpit at huwag ng pakawalan pa pero hindi niya magagawa dahil kailangan nilang ituring ang isa't isa na parang hindi kilala. At dahil doon, nasasaktan siya. Tuluyang tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata niya. Bakit ba kailangang maging napakalupit ng tadahana sa kanya. Hindi nga si Phoenix ang dark prince pero kailangan pa rin niya itong labanan. Hindi lang iyon. Sa oras na may makaalam na may isang Nephilim wizard pa na nabubuhay, siguradong manganganib ang buhay ni Phoenix. Lalo pa at hindi pa nga nito napapalabas ang kanyang kapangyarihan. Walang kalaban-laban si Phoenix sa oras na may magtangka sa kanya. Naramdaman ni Sab ang mainit na yakap ng kanyang ama kaya naman mas lalo siyang napahagulgol. Sa loob ng dalawang linggo ay ngayon lang niya nailabas lahat ng hinanakit niya. "I knew that for the past two weeks may dinadala kang mabigat diyan sa puso mo anak. But you know what, your mother and I will always be here for you to listen to your burdens and you know that we will never leave you right?" tumango siya at hinalikan naman ng kanyang ama ang kanyang noo. "What is it?" tanong sa kanya ng kanyang ama. Nagbuntong hininga siya at tumingin sa mga mata nito. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin nitong pagsasabi tungkol kay Phoenix. Pero mabuti ang kanyang ama at ina at alam niya na hindi sasaktan ng mga ito si Phoenix. "You knew about the Nephilim Wizards right?" napakunot ang noo ng kanyang ama. Marahil ay nagtataka ito kung bakit niya natanong ang tungkol doon. "What about them?" "Si Phoenix, isa siyang nephilim Papa and I hate the fact that I should fight him! But I just can't dahil kahit naman isang nephilim wizard si Phoenix, kahit kailan ay hindi ito gumawa ng masama. At hindi ko siya magagawang kalabanin dahil....dahil...." napapikit na lamang siya dahil hindi niya magawang ituloy ang sinasabi kaya naman ang mismong ama na niya ang nagtuloy dito. "You're inlove with him." Nakangising sabi nito dahilan para pamulahan siya ng pisngi pero nagtaka siya sa reaksyon ng ama. "Diba dapat galit ka sa akin Papa?" "Why would I? Loving someone is not a bad thing." "But I loved the wrong person." "There's no wrong person when it comes to love. Ang puso mo ang magdedesisyon kung tama ba na ang taong iyon ang minahal mo. Yes he's an enemy but what can you do? You cannot dictate your heart at sabihing, " Oy wag yan, hindi pwede dahil kalaban siya"." napayakap nalang ulit siya sa ama. "Malaki ka na talaga Sab. Kapag nalaman ng Mama mo na may mahal ka ng ibang lalaki bukod sa akin, sigurado mas kikiligin pa iyon sa iyo." Natawa siya sa sinabi ng ama. "But should I continue this feeling?" "Ikaw ang bahala anak. Kung yan ang ikasisiya mo. Phoenix might be an enemy dahil sa lahing pinanggalingan niya pero sa bawat hindi naman lahat ng Nephilim ay masasamang tao and I know that Phoenix is not bad. Kaya siguro siya nalang ang natitira dahil siya ang nakatakdang magbago sa baluktot na paniniwala ng mga Nephilim. You see anak, sa bawat lahi ng mga wizards, may isang taksil. Sa mga Lumen Wizards ay ang ina ng Dark Prince. Sa mga Dark Wizards ay si Jillian but in a good way dahil mabuting wizard siya and I know Phoenix is like that too." Napangiti na lamang siya sa sinabi ng kanyang ama. "Then I'll go to school tomorrow." Nakangiting sabi niya pero naalis iyon sa sumunod na sinabi ng ama. "Pero sa oras na piliin ni Phoenix na sundan ang yapak ng kanyang mga magulang, wala kang tayong magagawa kundi ang kalabanin siya at patayin Sab. I'm sorry for this." --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD