A REVELATION
"Shanel" napalingon si Shanel ng may tumawag sa kanya at laking gulat niya ng makita sina Jiro, Jana, Nikki at si Clyde. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng mga ito.
"Anong ginagawa niyo dito? Bakit biglaan pagdating ninyo?"
"May mahalaga kaming dapat sabihin sa iyo kaya naman hindi na namin ipinaalam pa. Asaan si Kyle?" sabi ni Jiro. Pinapasok na muna ni Shanel ang mga ito bago tinawag ang asawa. Wala pa ang anak niyang si Sabria dahil nasa paaralan pa ito.
"Spill it." Naiinip na sabi ni Kyle. Kanina pa sila nasa living room ng mansyon pero nanatili lamang silang tahimik.
"We found the Dark Prince." Simula ni Nikki. Napunta sa kanya ang atensyon ng mag-asawa kaya naman napayuko siya. Tinignan niya si Shanel at iniisip kung ano ang magiging reaksyon sa oras na malaman nito ang katotohanan. Alam niyang masakit para sa isang ina ang makitang nasasaktan ang iyong anak. Marahil wala pang alam ngayon si Sabria pero sa oras na malaman nito ang totoo alam niyang masasaktan ito.
"Where?" matigas na tanong ni Kyle. Tumingin si Nikki kay Jiro at parang humihingi ng tulong. Kaya naman si Jiro na mismo ang nagsabi ng katotohanan.
Unti-unting tumulo ang luha mula sa mga mata ni Shanel. Nasa mansyon na ngayon sina Jiro, Nikki, Clyde at Jana. Ibinalita na nga sa kanya ang kanilang nalaman at hindi niya maiwasang mag-alala para sa kanyang anak sa oras na malaman nito ang katotohanan. Alam niya kung anong pakiramdam na malaman na isang kalaban ang isang matalik mong kaibigan. At dala na rin siguro ng hormones niya dahil sa pagbubuntis kaya hindi niya maiwasang maging emosyonal.
"How did you knew about this?" tanong sa kanila ni Kyle. Ngumisi si Jiro pero bakas sa kanya ang inis.
"Kay Qetsiyah. Alam na pala nito kung saan matatagpuan ang Dark Prince pero nanatili itong tahimik at hinihintay lang pala na sumuko tayo at hingan siya ng tulong." Naikuyom ni Kyle ang kanyang kamao. Hindi niya gusto ang nangyayari. Alam niyang panibagong sakit nanaman ang mararamdaman ng anak sa oras na malaman ang tungkol dito. Kasasabi lang nito na isang Nephilim Wizard ang lalaking iniibig. Ngayon naman, ang pinakamatalik na kaibigan pa nito ang Dark Prince.
Hinagod niya ang likod ni Shanel upang pakalmahin ito sa pag-iyak. Makakasama iyon sa bata. Mabuti na lamang pala at hindi nito sinabi ang tungkol kay Phoenix dahil siguradong mas masasaktan ito para sa anak nila katulad na lamang ng nararamdaman niya ngayon.
"Kaya kayo pinadala dito ni King Shone?"
"Yeah. And we need to do something upang mailayo ang loob ni Sab kay Rheya. In that way, hindi siya masyadong masasaktan sa oras na malaman nito ang totoo?" sagot ni Nikki.
"Sab!" napalingon sila sa may pintuan at doon nakita nila si Diel na hinahabol ang tumatakbong si Sab. Right there, alam nila na narinig nila ang isapan ng mga ito. Napahilot nalang sa ulo si Kyle dahil sa hindi nila matapos-tapos na problema. Akala nila, ng mawala ang mga dark wizards ay tapos na ang lahat. Makakapamuhay na sila ng mapayapa pero heto sila ngayon at panibagong problema nanaman ang hinaharap.
-
"Sab!" patuloy lang sa paghabol si Diel pero laking gulat niya ng bigla nalang naglaho si Sab. Naglaho nalang ito na parang bula sa kanyang paningin. Biglang sumulpot ang gnome na si Zairen sa tabi niya.
"Nagaya niya ang kakayahan ko." nakangiting sabi niya. Mukhang nakuha ni Sa bang kakayahan ng kanyang ina na gayahin ang kapangyarihan at kakayahan ng ibang wizards.
"Come on Sab. Magpakita ka!" patuloy na sigaw niya pero hindi na niya mahanap ang babae. Sumunod na rin sa kanya ang mga magulang niya at si Jiro.
"Maybe you should let her first." Tapik sa kanya ng kanyang ama. Napabuntong hininga nalang siya at sinunod ang sinabi nito. Pinaalis na rin muna niya si Zairen at sinabihang hanapin ito.
Muli ng nagpakita si Sab ng nasa lugar na siya kung saan nandoon ang kanyang pakay. Hindi maipaliwanag na galit ang nararamdaman niya ngayon at the same time, nasasaktan siya.
"Sab!" tila gulat na sabi ni Rheya sa kanya o mas tamang tawaging dark prince. Kahit hindi siya pa siya pinapasok nito ay nagtuloy na siya sa loob.
"Anong meron? Surprise visit?" humarap si Sab dito at ganun nalang ang panlalaki ng mata niya ng bigla may lumabas na malakas na hangin mula sa mismong mga kamay ni Sab.
"Anong-aahhh!" hindi nito natuloy ang sasabihin ng makita nito ang pag-angat ng tubig sa aquarium sa bahay at kumutang iyon sa kamay ni Sab. Sumunod nalang na nangyari ay nasaboy na iyon sa mukha niya.
"What are you?!" takang sigaw pa ni Rheya na parang naiiyak.
"Oh come on. Para namang ngayon ka lang nakakita ng wizard e isa ka pa ngang pinuno." Nakita ni Sab na natigilan ito. Pero muli nanaman itong umarte na parang nagtataka. Nang akmang sasabuyan na ni Sab ng apoy ito ay bigla nalang itong nagpakawala ng itim na aura mula sa kamay niya dahilan para matupok ang apoy ni Sab.
"Ok you got me. Sa wakas." Tila bored pa na sabi nito. Lalong nagpuyos ng galit si Sab at walang pag-aalinlangan sinugod ang babaeng tinuring niyang isang kabigan. Bawat pagsugod niya ay naglalabas siya ng apoy at hangin upang mas maging maalab ang apoy niya pero nagagawa lang itong matupok ng itim na aura ni Rheya.
"Why don't you show your true form!" naiinis na sigaw niya. Sa tuwing nakikita niya ang mukhang ng taong itinuring niyang kaibigan ay mayroon pa rin sa puso niya na ayaw itong saktan.
"Why? You can't hurt me my dear friend? Too bad dahil wala ka naman talagang kaibigan na Rheya ang pangalan dahil simula pa sa una ay wala namang taong ganoon." Nakangising sabi nito. Muli siyang sinugod ni Sab pero laking gulat nalang niya ng isang napakalaking bola ng itim na aura ang papalapit sa kanya at wala siyang nagawa kundi ang hintayin na lamang na matupok siya noon.
Sa nanghihinang katawan, pinilit ni Sab bang tumayo pero hindi niya magawa. Unti-unti na ring tumulo ang kanyang mga luha dahil maliban sa sakit ng kanyang katawan ang nasasaktan siya sa mga nangyayari sa kanya. Noong una ay ang taong mahal niya at ngayon, ang taong inakala niyang kaibigan ang mismo na palang kalaban na naghihintay lang ng tamang tiyempo upang patayin siya.
"Hanggang diyang nalang ba ang kaya mo? Hindi ko akalaing ganyang pala kahina ang anak ng wizard na pumatay sa ama ko." naglakad ito papalapit sa kanya at naupo upang makita ang buong mukha niya.
"Ahhh..kawawa naman ang friend ko. Ano nga ulit yung wish mo kanina? Gusto mong makita ang totoo kong itsura? Okay pagbibigyan kita." Nakangising sabi nito. Tumayo ito at lumayo ng kaunti sa kanya. Unti-unting nawala ang maamong mukha ni Rheya at napalitan iyon ng isang lalaki. May pagkasingit na mata. Katamtamang tangos ng ilong at mapupulang labi. Mukha lang itong isang tao at kung isa man itong tao talaga ay siguradong pagkakaguluhan ito ng mga babae.
Ngumisi lang ito sa kanya at akmang susugurin nanaman siya ng may kung sinong yumakap sa kanya at hinarang ang katawan upang maprotektahan siya.
"Sabria." Napaangat ang tingin niya ng makilala ang boses na iyon at ganoon nalang ang gulat niya ng malamang si Phoenix mismo ang nagligtas sa kanya. Tumingin siya sa paligid. Wala na sila sa bahay ng dark prince na iyon pero hindi niya alam kung nasaan sila.
"Where are we?" tanong niya kay Phoenix na inililibot din ang paningin.
"I don't know." Hindi niya alam kung paanong nalaman nito na nasa kapahamakan siya pero alam niya kung paano sila nakaalis sa lugar na iyon ng ganoon kabilis. One of the nephilim's wizards ability is to teleport.
"How did you know na malapit ako sa kapahamakan at nandoon ako sa bahay ni...ni" hindi niya magawang sabihin ang pangalan nito dahil wala naman ngang ganoong tao ang nag-eexist sa mundo.
"I don't know. I'm thinking about you at nagulat nalang ako na mapunta ako sa ibang lugar at nakita kita na aatakihin ng lalaking iyon. Then I was thinking na maalis ka sa lugar na iyon."
"That's your power. Teleportation. Kayo lang ang may ganyang kakayahan." Tumingin ito sa mga mata niya at pinahid ang kaliwang pisngi niya gamit ang panyong kinuha niya sa bulsa. Noon lang naramdaman ni Sa bang hapdi mula doon. Maging sa mukha pala ay nasugatan siya.
Sumunod na pinunasan ni Phoenix ang mga sugat sa kamay niya. Napakislot pa siya dahil mahapdi pa ang mga iyon at ramdam pa rin niya ang panghihina ng katawan niya.
"Who's that guy?" tanong ni Phoenix sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin dito pero sinagot din niya ang tanong nito.
"That's Rheya. The Dark Prince. Inumbento lang niya ang katuhan ni Rheya at nakipagkaibigan sa akin." Nakuyom nalang niya ang kamao dahil sa galit na nararamdaman.
"Let's go back. Hindi pweding makatakas nanaman ang Dark Prince na iyon dahil siguradong mahihirapan nanaman kaming hanapin siya." walang emosyon na sabi ni Sab. Akmang aalis na siya at hahanapin ang daan pabalik ng hawakan ni Phoenix ang kamay niya at pigilan siya. Napasinghap pa siya ng maramdaman niya ang pagyakap ni Phoenix mula sa likod niya.
"It's hard for you to know all of this right?" hindi siya nagsalita at lumunok ng ilang beses upang pigilan ang muling pagbabadya ng luha sa mga mata niya.
"But you know. Andito pa rin naman ako. I maybe a Nephilim pero hindi naman ibig sabihin noon ay kalaban ako." napakalas si Sabria sa yakap nito at nagtatakang napatingin dito.
"Sa mga nakaraang araw na lumipas, I started to sort things out. I'm the last Nephilim right? Naisip ko na baka nga kaya ako nalang ang natitira dahil ako ang nakatakdang magbago ng paniniwala at layunin nila. And I know that being with you is the most right thing that I should do in my life." hindi na napigilan ni Sab ang mapaluha at yakapin ng mahigpit si Phoenix. Sa lahat ng nangyari sa araw na iyon, hindi niya akalain na pwedi pa rin pala siyang ngumiti at dahil iyon sa taong mahal niya.
"But really, we have to go back." Humiwalay na siya sa yakap ni Phoenix pero laking gulat nalang niya ng hatakin siya muli nito at hinalikan siya sa labi. Gusto niya pa sanang magprotesta dahil kailangan talaga nilang balikan ang Dark Prince pero lalo siyang hinapit palapit ni Phoenix dahilan para manghina ang kanyang mga tuhod.
"I can teleport right? I was thinking about you a while ago kaya napunta ako kung nasaan ka kaya naman pwedi ko rin gawin ulit iyon. I will just have to think about the Dark Prince and then poof!" natawa siya sa sinabi nito at siya na mismo ang humalik dito.
-
"f**k!!" lahat ng makita niya ay sinira niya dahil sa pagkabulilyaso ng kanyang mga plano. Masyadong napaaga ang pagkabuko niya. Hindi pa pweding malaman ni Sabria ang tunay niyang pagkatao dahil hindi pa niya nahahanap si Qetsiyah upang muling buhayin ang kapatid at ama niya. Ngayon ay siguradong magiging madali na lamang para sa kanila ang paghahanap sa kanya.
"Anak." Napatingin siya sa kanyang ina. Dahil sa kakayahan niyang magpalit ng anyo. May kakayahan din siyang palitan ang anyo ng ibang bagay maging ng tao. Upang itago ang kanyang ina, ginawa niya itong isang maalab na apoy sa isang lampara.
"Bakit ganoon ma? Hindi pa nila pweding malaman ang totoo kong pagkatao!!"
"Pero alam na nila. Ang kailangan mo nalang gawin ngayon ay gumawa ng bagong plano. Nararamdaman kong nasa kamay na nila si Qetsiyah kaya naman nagawa ka na nilang mahanap."
"Kung ganoong ano pa ang dapat kong gawin? Hindi pa ako pweding bumalik sa Magus World dahil sigurado akong marami ng nakabantay sa lagusan na iyon. At kailangan kong mapatay ay Sabria na iyon bago pa niya matutunan ang paggamit ng tubig! Iyon nalang ang natitirang elemento na kailangan niya matutunan at sa oras na natutunan niya iyon ay lalabas na ang kanyang espesyal na abilidad!"
"Kaya nga kailangan mong manatili dito. Tama ka, madali nalang sa kanila na malaman kung sino ka. Pero kilala mo si Sabria anak. Kapag emosyonal siya ay hindi siya nakakapag-isip ng tama. Nakikita ko sa mga oras na ito na mahina siya at madali lamang na wasakin siya." napangisi siya dahil sa sinabi ng kanyang ina. Tama ito.
"Dahil sa nalaman niya siguradong mas mawawalan siya ng control sa emosyon niya kaya mahihirapan siyang matutunan paggamit ng tubig." Nasabi na lamang niya. Ngayon ay nakaisip na siya ng panibagong plano.
Bago pa malaman ni Sa bang kanyang espesyal na kapangyarihan ay alam na iyon ng Dark Prince dahil nagawa ng makita ng ina nito kung anong mangyayari sa hinaharap. Ang kapangyarihan na iyon ang tanging kapangyarihan na makakatalo sa Dark Prince kaya naman ginagawa nila ang lahat para hindi iyon makamit ni Sabria.
--