TRAGEDY
"Abcdee!!!" pagdating ni Diel sa bahay ni Rheya ay wala siyang ibang nadatnan doon kung hindi ang isang lalaki.
"Tignan mo nga naman." Nakangising sabi nito sa kanya. Napakunot noo lang siya pero ang hindi niya inaasahan ay ang itim na aurang pinakawalan nito na muntik na niya hindi naiwasan kaya naman nadaplisan siya sa may balikat.
"s**t!!" ngayon ay may ideya na siya kung sino ang kaharap niya.
"Diel Ignis! Malakas ang loob mo para sumugod dito ng mag-isa ka lamang. Para karing si Sabria na isang tanga! Sabi ko na nga ba at nababagay kayong dalawa."
"Dark Prince."
"Ako nga! Dark Prince Julian. Ang anak ng yumaong Dark Lord at nag-iisang kapatid ng dark princess" kumuyom ang kamay niya at sinugod ito, ngunit baliwala lang ang mga atake niya at kahit gaano pang kalakas na apoy ang pakawalan niya ay parang wala lang kung iwasan nito iyon.
Tanging itim na aura lang ang inilalabas nito sa mga kamay. Hindi malaman ni Diel kung anong elemento ang lumalabas doon. Hindi apoy, tubig, lupa o hangin. Wala sa apat na elemento iyon.
Hinihingal na tumigil siya sa pag-atake dito at tinitigan lamang siya. Kung ipagpapatuloy niya pa ang paglaban dito ay wala ring mangyayari. Hindi niya makita kung ano ang kahinaan nito. Sumasakit na rin ang balikat na tinamaan nito kanina.
Napatingin siya sa tama niya sa balikat. Kanina ay parang daplis lang iyon ng kutsilyo, pero ngayon ay parang unti-unting nalalapnos ang balat niya. Kung tama ang hinala niya, ay mahihirapan silang kalabanin ito.
Inilibot niya ang kanyang paningin at naghahanap ng isang bagay na pwede niyang magamit. Mula sa isang mesa ay may nakita siyang gunting doon. Mabilis siyang tumakbo at kinuha ang bagay na iyon at inihagis papunta kay Julian.
"Tss. Wala ka ng ibang maisip?" tulad ng kanyang hinala ay nagawa nitong lusawin iyon. Dahan-dahan siyang tumayo.
"Asido huh?" sabi niya dito. Ngayong alam na niya ang kapangyarihan nito pwedi silang maghanap ng kahinaan nito pero alam niyang magiging mahirap iyon sa kanila. Nagtaka siya ng ngumisi ito sa kanya.
"So you're trying to figure out kung ano ang kapangyarihan ko? Bakit di mo nalang sinabi?" nakangising sabi nito. Nagulat siya ng magawa nitong pagalawin ang tubig mula sa aquarium doon. Maging ang lupa ay nagawa din niyang pagalawin. Nakapaglabas din ito ng hangin at apoy.
"You see, katulad ni Sabria ang at nanay niya ay kaya ko ring kontrolin ang lahat ng bagay, ang kaibahan lang..." nakapagpalabas ito ng kidlat at maging ang asido na ginamit nito kanina.
"Mas bihasa ako. Mas marami akong nalalaman kaya kahit kidlat at asido ay nagawa ko ng kontrolin. Pero kung sa bagay. Sa oras na makita ito ni Princess Shanel ay siguradong madali na lamang niyang magagaya ang aking kakayahan." Ngumisi ito ng nakakaloko. Hindi alam ni Diel pero nakaramdam siya ng kakaibang kaba ng makita niya ang ngising iyon. Nagulat siya ng mabilis itong umalis sa bahay na iyon kaya naman hinabol niya ito.
Habang naghahabulan ay nagpapalitan ang mga ito ng mga atake sa isa't isa. Hindi niya alam kung saan nito balak pumunta pero base sa daan na tinutungo nito ay papunta ito sa mansyon. Kailangan niyang masabihan ang mga nandoon pero hindi niya alam kung paano.
"Anong binabalak mo?!!!" Sigaw niya dito bago nagpakawala ng isang malaking bola ng apoy pero gamit ang kamay ay pinalis lang nito iyon at natupok ang kabilang puno. Nakalolokong ngumisi lamang ito sa kanya at hindi na niya namalayan na nasa mansyon na sila.
"Mama!!" sigaw niya upang maalarma ang mga nasa loob. Mabilis na nagsilabasan ang mga ito at inatake si Julian pero para wala lang napatumba nito ang kaniyang ama at ina maging ang mga kasama nito na sina Jiro at Nikki.
"So here you are princess." Nagawa nitong pumasok sa loob at doon ay nakita si Shanel na pinoprotektahan ng kanyang asawa.
"Ako ang kalaban mo!" tawag pansin niya dito pero muli ay sinabuyan lang siya nito ng asido dahilan upang mapatumba siya. Tinamaan ang kaliwang paa niya kaya naman hindi na niya magawang makatayo pa.
"Now, you saw how I use acid. Sigurado akong kaya mo na ring gumamit ng acid ngayon ng ganoon lang kadali."
"Get away from here!" inatake siya ng tubig ni Kyle pero nagpakawala ito ng kuryente at tinamaan si Kyle.
"Kyle!!!" iyak ni Shanel ng makita nakahandusay na rin ang asawa. Napakalakas ng Dark Prince na hindi man lang niya nagawang pigilan ito.
"What do you want from me?!" galit na sabi ni Shanel.
"Nothing. I want nothing from you. Pero dahil sa taglay mong espesyal na abilidad, mas makabubuting mawala ka na dito."
"No!!!" sigaw niya pero wala na siyang nagawa pa.
Hinawakan ni Julian sa leeg si Shanel at walang sabing ibinalibag ito.
"Ahhhh!!!!" daing nito sa sakit. Nagsimula na ring tumulo ang dugo sa kanyang binti.
-
"Mommy!!!!!!!!!!" malakas na sigaw ni Sab ng makita ang ginawa ng lintik na Dark Prince na iyon sa kanya ina. Tumulo ang luha niya ng makita niyang tumulo ang dugo sa hita ng kanyang ina. Ang kapatid niya.
"YOU'LL PAY FOR THIS!!!!!!!" galit na galit na sigaw niya at naging kulay puti na ang kanyang mga mata. Ang kapangyarihan na ni Sab ang mismong kumokontrol sa kanya katulad ng nangyari kay Shanel noon kinuha si Jillian ng mga dark wizards ng birthday nila. Lahat ng makita niya ay winawasak nito.
Mabilis na kinuha ni Phoenix ang ina ni Sab maging ang mga kasama nito at dinala sa ligtas na lugar. Nang muli siyang bumalik sa mansyon ay wala na ang Dark Prince at tanging si Sab nalang na walang tigil sa pagwasak sa mga bagay na nakikita niya ang nandoon. Walang pagdadalawang isip na lumapit siya dito at niyakap siya ng mahigpit.
"I'm here Sab" at doon na ito kumalma. Nanghihinang napaupo ito sa sahig at walang tigil ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.
"Si Mommy. Yung baby." Paulit-ulit na sabi lang niya. Niyakap lang niya ito at dinala sa pinagdalhan niya sa mga magulang nito.
"f**k Nikki! Hindi tumitigil ang pagdugo niya!!!" sigaw ni Kyle kay Nikki habang pilit itong pinapagaling. Ayon dito ay mahina na ang t***k ng bata kaya naman nahihirapan siyang pagalingin ang dalawa.
"I'm trying to do my best Kyle pero ang pinakabest na gawin ay ang alisin nalang ang bata!"
"No!" protesta ni Shanel. Muli itong napangiwi ng maramdaman nanaman ang masakit na pagtahip sa kanyang puson.
"Please do everything iligtas mo lang ang anak ko!" pakiusap niya pa kay Nikki.
"But you'll be in danger." Naluluhang sabi ni Nikki. Napatingin siya kay Kyle at umiiling lang ito. Katulad niya ay mukhang naiiyak na rin ito sa nangyari sa mag-ina niya.
"I don't care! Just...just save my child." Umiiyak na pakiusap ni Shanel. Muling lumapit si Kyle sa kanya at hinawakan ang kamay nito.
"Shana, I can't lose you." madamdaming sabi nito. Ngumiti lamang si Shanel sa kanya at hinawakan sa pisngi ang asawa.
"But our baby. Mas importante siya kesa sa akin."
"You are both important pero hindi ko kakayanin sa oras na ikaw ang mawala."
"Kaya hahayaan mong ang anak natin ang mawala. No Kyle." Pahina ng pahina ang boses ni Shanel.
"Kyle we need to hurry up. Pahina ng pahina ang t***k ng puso nila. If we didn't save one of them in time, you will lose them both."
"The baby." Tuluyan ng nawalang malay si Shanel. Napapikit nalang ng mata si Kyle. Alam niyang kamumuhian siya ng asawa sa desisyon niya.
"Niks. Save my wife. Please." Napatitig pa saglit si Nikki sa kanya at ginawa na ang nararapat. Nagawa niyang maalis ang bata sa sinapupunan ni Shanel at pinagaling na ito gamit ang kanyang kapangyarihan.
-
Napatingin si Kyle sa 6 months old na anak nila na wala ng buhay. Kung hindi lang sana nangyari ito ay meron na silang baby boy ni Shanel. Nakaramdam siya ng pagtapik sa kanyang balikat.
"Tama lang ang desisyon mo na ang asawa mo ang iligtas." Sabi ni Jiro sa kanya.
"She will hate me for this."
"No. She will undertstand. Kung ang baby ang pinili mong iligtas, kukunin din siya sayo dahil mas maliit ang chansa nito na mabuhay kahit pa gamitin ni Nikki ang buong kapangyarihan niya." Napabuntong hininga nalang si Kyle at pinunasan ang mga luha.
Lumapit siya sa kanyang anak na katabi ang Nephilim Wizard na si Phoenix. Alam niyang kalaban nila ang lahi nito pero dahil sa ginawa nitong pagliligtas sa kanila kanina ay may utang na loob siya dito. Nakikita rin niya sa mga mata nito ang nararamdaman niya para sa anak niya kaya naman nasisiguro niyang kakampi nila ito.
"Sab" tawag niya sa anak pero tulala lang ito habang tumutulo pa rin ang luha sa kanyang mga mata. Nanghihina rin ito dahil sa lakas ng kapangyarihang inilabas nito kanina.
"Ate na sana ako ngayon." Mahinang sabi niya. Sinenyasan niya si Phoenix na siya na ang bahala sa anak niya. Tumabi siya dito at kinabig payakap sa kanya.
"Kung hindi lang ako nagpadalos-dalos. Kung hindi ko lang sana siya sinugod." Umiyak ito sa bisig niya.
"Don't blame yourself. Wala kang kasalanan. Mana ka lang talaga sa nanay mo na agad nanunugod kapag galit." Sinubukan niyang magpatawa. She remembered noong una niyang makita si Shanel sa school nila. Unlike the other students, siya lang ang may kakayahang sagut-sagutin siya nito.
"Wala na si baby boy." Malungkot na sabi niya.
"Masakit mang isipin pero baka iyon talaga ang kapalaran niya. Kung sakaling nabuhay man siya, it will also be hard for him and for your mother sa oras na magkaharap na muli ang mga lumen at dark wizard."
-
"One down. Now, Sab is very very vulnerable." Nakangiting sabi ni Julian sa kanyang ina. Ibinalik na niya ang dating anyo nito dahil alam na rin naman nila kung sino siya. Although pwede ulit siyang magpalit ng anyo at gumawa ng isang panibagong pagkatao. Pero hindi niya ginawa dahil iba na ang plano niya. Uunti-untiin niya lahat ng malalapit kay Sab hanggang sa wala ng matira pa dito.
"You must be very careful son."
"I'm careful mother." Nakangising sabi nito sa seryosong ina.
"You don't know the real power of Sab yet. Nakita mo naman noong nagalit siya. She could ruin everything!"
"Yes she can, pero kapag nasa state siya na ganoon, ang mismong kapangyarihan na niya ang kumokontrol sa kanya. Sa oras na magtuloy-tuloy siya na ganoon ay mauubusan siya ng lakas. Manghihina siya at unti-unting mawawalan ng buhay. Her own powers can kill her." nakangising sabi nito pero hindi pa rin mapalagay ang kanyang ina.
"As long as hindi niya pa natutunan ang paggamit ng tubig at hindi pa nagigising ang espesyal niyang kapangyarihan ay walang problema."
"You killed Shanel's child." Mariing sabi ng kanyang ina.
"I know. Iyon naman talaga ang balak ko." napabuntong hininga ang kanyang ina na pinagtaka niya dahil mukhang hindi ito masaya sa kanyang ginawa.
"Alam mo ba kung bakit hindi pa rin matutunan ni Sab ang pagmaster sa tubig?" kumunot ang noo niya pero napakuyom ang kamay niya sa reyalisasyon. Bakit hindi niya naisip iyon?! Nagpadalusdalos siya!
"Hindi ka nag-ingat anak. Nagpadalusdalos ka. Dapat ay bumuo ka muna ng isang konkretong plano. Hindi matutunan ni Sa bang paggamit ng tubig dahil ang ina nito ang gusto niyang magturo mismo sa kanya. Ngunit dahil sa bata sa sinapupunan ni Shanel ay hindi nito magawang turuan ang anak. Ngayon, dahil sa ginawa mo ay magiging madali nalamang kay Shanel para turuan ang anak nito."
"Ahhhh!!!" galit na galit na sigaw niya. Nawala sa isip niya iyon!!!! Pero maya-maya ay muli siyang napangisi.
"Matuturuan nga niya si Sab, yun ay kung kaagad niyang makakalimutan ang sakit sa pagkawala ng kanyang anak."
--