Chapter 12

1892 Words
THE BIG GATE    "Siya dapat ang pinili mo." Mariin na sabi ni Shanel sa asawa. "I know. But I can't lose you, call it selfish pero hindi ka pweding mawala sa akin, you're my life. At kung sakaling si baby man ang pinili ko, mahihirapan din siyang mabuhay dahil kulang pa siya ng ilang buwan." Nagsimula nanamang lumuha si Shanel at walang nagawa si Kyle kundi ang yakapin na lamang ang asawa. Sab is silently crying habang pinagmamasdan ang kanyang mga magulang na magkayakap. Ngayon na alam na nila kung sino ang Dark Prince, mahihirapan nanaman sila sa paghahanap dito. Hindi niya pweding hayaan iyon kaya naman kailangan na niyang matutunan kung paano ang paggamit ng tubig. Pero hindi niya alam kung paano kung nasa ganoong situwasyon ang kanyang ina. "Still thinking about the baby?" nabigla siya sa biglang pagtabi sa kanya ni Phoenix. Bahagya siyang tumango dito bilang sagot. Iniisip rin naman niya ang kapatid sana niya pero ngayon, mas naiisip niya na kailangan na niyang matutunan ang huling elemento. "Pero mas iniisip ko na kailangan ko ng matutunan ang huling element ko. I'm sure na mahihirapan na kami sa paghanap sa kanya." "Tayo. Kasama mo na ako diba?" napangiti siya sa sinabi nito sa kanya. Suddenly, she felt tired sa dami ng mga nangyari sa araw na iyon. "I need to learn my last element Pa." napabuntong hininga nalang si Kyle. Hindi niya tinuturuan ang anak hindi dahil sa request nito sa kanya na ang ina nito ang magturo dito. Ito ay dahil ang ina naman talaga nito ang nakatakdang magturo sa kanya. Pero dahil sa pinagdadaanan nilang pagkawala ng kanilang anak ay hindi pa nito pweding turuan ang kanilang anak. "Alam ko naman na nagluluksa pa rin tayo sa pagkawala ni baby pero kailangan nating magmadali." Tumingin siya sa mga mata ng anak. Doon ay nakita niya ang nararamdaman nito. She felt betrayed dahil matalik lang pala niyang kaibigan ang dark prince na matagal na nilang hinahanap. If her emotion will continue to be like this, mahihirapan ang kanyang anak na kontrolin ang tubig. "You should go to master Jed first." Tukoy niya sa kanyang ama. Alam niyang makakatulong ito upang matutunan ni Sab ang pagkontrol sa emosyon niya. "Why?" "You need to deal with your emotion first." "Pero mahina na si Lolo!" reklamo nito. Napahawak nalang sa sintido si Kyle. Nakalimutan niya na mahilig nga palang magreklamo ang kanyang anak. "I know. He will not be the one to teach you. He will just teach you on how to deal with your emotions. Dahil sa ngayon, galit ang nakikita ko sa mga mata mo anak." Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "Sabria." Bati sa kanya ng kanyang Lolo. Ngumiti lang siya dito at naupo sa tabi niya. "I need your help Lo." "I heard what happened." Sabi nito sa kanya pero hindi na niya pinansin. Sisiguraduhin niya na siya mismo ang tatapos sa Dark Prince na iyon. Pagkatapos ng ginawa niya sa kanyang ina at sa kanyang kapatid, hindi niya ito mapapatawad. "And I can see kung bakit ka dinala dito ng ama mo. Come here." pinalapit pa siya nito dito at hinawakan ang kanyang balikat. "You need to let go of that anger Sabria. That's the only way. Hindi mo magawang kontrolin ang tubig dahil hinahayaan mong kontrolin ka ng iyong emosyon. Let it flow. Parang tubig. Hayaan mo lang itong umagos hanggang sa mawala na iyon ng tuluyan." "Pero Lolo, paano na niyan? Paano na si Mama?" "Alam kong kayang lampasin ng ina mo ang pagsubok na iyon. Pero may mahalaga akong sasabihin sa iyo." Kumunot ang noo niya. Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng kaba. "Hindi ang ina mo ang nakatakdang magturo sa iyo." Lalo siyang naguluhan. Ang sabi ng kanyang ama, maging si Diel ay ang mama niya ang dapat magturo sa kanya pero iba ang sinasabi ng matandang lumen wizard. "Po?" "In every elements may elemental guardian na nagbabantay dito. Nang ang ina mo ang nag-aaral pa lamang dito ay hindi niya nagawang makita ang mga elemental guardians dahil tanging sa huling Lumen Princess lamang sila nakatakdang magpakita." Elemental Guardian. Nabasa na niya iyon noon sa isang libro. Hindi niya lang matandaan kung anong libro iyon pero dati na niyang nakita iyon sa library ng Glacies Kingdom. Sa bawat elemento ay may isang guardian na nagbabantay. Bibigyan ka niya ng isang pagsubok at sa oras na malampasan mo iyon ay pwede kang humiling sa kanya na may kinalaman sa elemento niya. Noong una ay akala niya ay hindi totoo ang mga iyon dahil wala namang nasabi ang kanyang ama at maging ang kanyang ina tungkol sa mga ito. Perong ngayong ang mismong Lolo na niya ang nagsasabi. "Huling Lumen Princess?" hindi niya maintidihan ang parting iyon na sinabi ng kanyang Lolo. "Yes. Ikaw na ang huli. Ikaw na ang pinakahuling anak na babae na isisilang na may dugong Glacies. Sa oras na matapos mo ang misyon mo na ito makukuha mo ang isang kapangyarihan na katatakutan lahat ng wizard." "Hindi ba't iyon ang kapangyarihan ni Qetsiyah? Kaya nga gusto siyang makuha ng Dark Prince." Umiling siya. "It's the kind of power na hindi aakalain ng mga wizards na nag-eexist sa mundong ito." Kumunot ang noo niya. Pinalapit siya nito kaya naman lumapit siya dito. "First, kailangan mong malampasan ang isang napakalaking gate at kapag nagawa mo iyon, may makikita kang apat na pintuan." Hinawakan ni Master Jed ang kanyang ulo. Nakaramdam siya ng kakaibang sakit mula sa pagkakahawak nito sa kanya kaya naman napapikit siya. Sa muling pagdilat niya ay wala siyang ibang nakita kung hindi kulay puti. Wala siyang kahit anong makita maliban sa isang napakalaking gate na nasa harapan niya. "Where am I?" natanong nalang niya sa sarili. "May tagapagbantay din ang malaking gate na iyan." Narinig niya ang boses ni Master Jed pero kahit saan siya lumingon ay wala siyang ibang makita kundi kulay puti lamang maliban nalang sa malaking gate na nasa harapan niya. "Sa oras na makapasok ka diyan, hindi na kita pweding kausapin pa." "Pero paano ako makakabalik diyan?" "Sa oras na mabuksan mo iyan ay makakabalik ka dito. Bawat gate na mabuksan mo ay makakabalik kang muli sa mundong ito." naglakad siya patungo sa gate na iyon pero nakakaisang hakbang pa lamang siya ng bigla itong bumukas ang maglabas ng kakaibang liwanag. "Kung ganon ay isinilang na pala ang kahuli-hulihang Lumen Princess." Isang boses na nanggaling mula sa liwanag. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mata at ganon nalang ang gulat niya sa nilala na nasa harapan niya. Isang higante na may katawang tao pero ang ulo naman ay isang lobo. "What do I have to do?" tanong nito sa kanya. "Sagutin mo lahat ng bugtong na ibibigay ko sayo. Sa oras na masagot mo ang lahat ng ito. Maari ka ng makaraan sa gate na ito." napangiwi siya. Isa sa mga kahinaan niya ay ang pagsagot ng mga ganitong bugtong. Naalala niya noon ay mahilig silang magbuntungan ni Diel at halos wala siyang masagot sa mga tanong niya. "Unang tanon." napalunok siya at tahimik na nagdasal na sana magawa niya itong sagutin. "As I was going to St. Ives. I met a man with seven wives. The seven wives had seven sacks. The seven sacks had seven cats. The seven cats had seven kits. Kits, cats, sacks and wives. How many were going to St. Ives?" napakunot noo siya tapos ay napangisi. Sa totoo lang mas mahirap pa ang mga bugtong na binibigay ni Diel sa kanya. "Isa. Ikaw lang ang pupunta sa St. Ives. Sabi mo nga, "As I was going to St. Ives". So that meant you were going when you met all those things." "Correct" nakangising sabi niya. "Next one. There is a small town in the midwest with exactly 2 barbershops, one on each side of town. The barbershop on the west side of town is pristine. Its floors are spotless, the windows are always perfectly clear, and the air always smells fresh. The barber has a friendly smile, shined shoes, a well-groomed head of hair, and a fancy shirt. The barbershop on the east side of town is a mess. Its floors and windows are dirty, and the air smells of garbage. The barber always has a grimace on his face. His skin is oily, his hair is short and ragged, and he has food on his clothes all the time. A man travelling through the town realizes he needs a haircut. Knowing the stories of the two barbers, the man decides to go to the dirty barbershop on the east side of town. Why does he do this?" Napahawak siya noo niya. Naging mahirap para sa kanya. Kung siya ang tatanungin, mas pipiliin niya sa malinis na barbershop. Sino ba naman ang may gusto na pumunta sa isa maduming lugar? "...exactly 2 barbershops" Naalala niyang parte ng katanungan. Bigla ay naalala niya si Diel. "Ang gulo naman ng kwarto mo!" reklamo niya ng minsang puntahan niya si Diel. Kalat-kalat lang ang gamit nito. Para din itong walang narinig na reklamo mula sa kanya. "Oy!" "Busy kasi ako. Maraming ginagawa kaya hindi ko na nalilinis." "Alam ko na!" masayang sabi niya. Bakit nga ba hindi niya agad naisip yun? "Kung dalawa lang nga ang babers doon edi sa isa't isa sila nagpapagupit. So if the dirty guys hair is a mess and the clean barbershop is nice, that means the guy that owns the dirty one is the best barber. Kaya din madumi ang barber shop niya dahil sa sobrang busy niya sa mga customers na dumadating sa kanya. Wala na siyang time para maglinis." "Magaling." nakangising sabi nito. "Ngayon naman, gusto kong basahin mo ito." may iniabot itong papel sa kanya na mabilis naman niyang kinuha. "May 30 segundo ka para basahin at sagutin iyan." mabilis niyang binasa ito. "This is a most unusual paragraph. How quickly can you find out what is so unusual about it? It looks so ordinary; you'd think nothing was wrong with it. Actually, nothing IS wrong with it. But it is not as ordinary as you might think. If you think about it for a bit, you will find out why it is truly so unusual. So what is it? What is so unordinary about this paragraph?" Binasa niya ito ng paulit-ulit. Tama naman lahat. Lalo na ang grammar. "10 seconds." Mabilis niyang binasa ito. Tama ang grammar pati mga spell-. Napatigil siya ng may mapansin. "Walang letter e." sagot niya. "Wala siyang letter e. At iyon ang pinakacommon sa English language." tinitigan siya ng higante. Napalunok siya. Sa totoo lang hindi siya sigurado sa sagot niya. "Tama." napangiti siya. "Pwede na akong pumasok?" masayang tanong niya. "Last riddle. Kapag hindi mo nasagot ito, kailanman ay hindi ka na makakapasok dito. Pwede mo itong pag-isipan sa loob ng isang araw. Ibabalik kita sa mundo ninyo at pagkatapos ng isang araw ay bumalik ka dito at ibigay sa akin ang tamang sagot. Siguraduhin mong tama ang iyong sagot." Bibigyan siya ng isang araw? Ibig sabihin, mahirap ang bugtong na ibibigay niya. Pero kung bibigyan siya ng isang araw, pwede siyang makapagpatulong kay Diel. "It is greater than god, more evil than the devil, the poor have it, the rich need it, and if you eat it, you will die? What is it?" --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD