IGNIS
"It is greater than God, more evil than the devil, the poor have it, the rich need it, and if you eat it, you will die? What is it?"
"Kung ganoon ay kailangan mo lang masagot ang bugtong na iyan at pagkatapos ay papapasukin ka na niya?" tanong sa kanya ni Lolo Jed
"Opo. Pinabalik niya muna ako pansamantala upang mahanap ang sagot o humingi ng tulong."
"Greater than God. Wala namang hihigitpa sa Diyos," sambit pa ni Lolo Jed.
"Naisip ko pong humingi ng tulong kay Diel," suhestiyon niya na agad namang sinang-ayunan nito.
-
"Diel! Tulong naman," pakiusap niya dito. Naabutan niya ito sa library ng kanilang mansyon. "You are good in answering riddle at kailangan kong masagot ang bugtong na ito bago pa matapos ang tinakdang oras."
"Ano ba yan?," tanong nito. Umupo na si Sab sa tabi niya.
"It is greater than God, more evil than the devil, the poor have it, the rich need it, and if you eat it, you will die? What is it?"
Kumunot ang noo ni Diel.
"Alam mo?" tanong ni Sab.
"It's my first time hearing that riddle," sabi nito habang kumukuha ng papel at isinulat doon ang bugtong na ibinigay ni Sab. "Greater than God and more than the devil. Nothing is greater than God and if there's anything more than the devil it's God right?"
Tumango lamang si Sab dito.
"Lahat ng meron ang mayayaman, wala ang mga mahihirap. Pero ang sabi dito, 'The poor have it, the rich need it.'" dugtong pa ni Diel.
"Sabi if dito you eat it, you will die. Ano yan, lason?" natatawang sabi pa ni Sab.
May kung ano pang sinulat ni Diel sa papel. Nakatingin lamang si Sab dito ng may maisip siya. Mabilis niyang kinuha ang papel kay Diel.
"I think alam ko na ang sagot." Muli niyang binasa ang riddle. Hindi siya pweding magkamali. Sigurado siyang iyon ang sagot kaya naman mabilis siyanh tumakbo paalis. "Salamat pala!"
"I have to go back," magbilis na sabi niya kay Lolo Jed. "Alam ko na po ang sagot"
Hinakawakan ni Lolo Jed ang kanyang noo kaya napapikit siya. Sa muling pagdilat niya ay nanroon na siyang muli sa lugar na iyon at nasa harap ng malaking gate na iyon ang higanteng tagapagbantay nito.
"I assume, alam mo na ang sagot dahil maaga ang pagbabalik mo dito."
Tumango lamang siya bilang sagot.
"Paalala lang, meron ka lang isang pagkakataon na sumagot. Sa oras na mali ang sagot mo. Kailanman ay hindi ka na makakapasok dito," muling paalala nito sa kanya. "Ngayon, ano ang sagot mo?"
Lumunok muna siya ng ilang beses at pauli-ulit na nagdasal na sana ay tama ang sagot niya. "Its nothing. Wala ang sagot."
Dumaan sandali ang katahimikan bago dumagunding sa lugar na iyon ang malakas na tawa ng higante.
"Mukha atang hindi mo sineryoso ang sinabi ko. Iyan na ba talaga ang sagot mo?" paninigurong tanong nito sa kanya.
"Sigurado ako. Sabi mo, 'It's greater than God, more than the evil'. Wala namang hihigit sa Diyos and nothing is more than the evil.
'The poor have it, the rich need it'. The poor have nothing at wala na rin namang kailangan ang mga mayayaman. Sabi mo pa, 'If you eat it, you'll die'. If you it nothing, you will die."
Tinignan lang siya ng higante.
"My answer is nothing," matapang na sagot niya. Hindi sumagot ang higante at ngumiti lamang ito sa kanya.
"Correct," nakangiting sabi nito. Unti-unti itong naglalaho. "You can enter now. Ihanda mo na rin ang sarili mo para harapin ang apat sa mga elemental guardians"
"Pero bakit ka naglalaho?!"
"My mission is already accomplish kaya naman hindi na ako kailangan dito. Goodluck"
At tuluyan na nga itong naglaho. Kasabay nang paglalaho nito ay ang pagbubukas ng malaking gate.
Pumasok siya sa loob at doon ay nakita niya ang apat na pintuan.
"Kailangan mong pumili sa apat na pintuan na iyan. Nasa loob ng bawat pintuang iyan ay ang mga elemental guardians," narinig niyang muli ang boses ni Lolo Jed. Muli siyang tumingin sa bawat pintuan sa harapan niya. Sa bawat pinto ay kakaiba ang nararamdaman niya.
Napili niyang pasukin ang ikalawang pintuan. Pagbukas pa lamang nito ay nakaramdam na siya ng kakaibang init na nanggagaling mula sa loob.
"Nagawa mong sagutan ang mga bugtong ng tagapagbantay ng Big Gate," sabi ng isang lalaki.
Kakaiba ang suot nito na kulay pula. Meron din ito napakaamong mukha. Kung titignan ay mukha lamang siyang normal na wizard ngunit ang tenga nito ay pahaba katulad ng tenga ng isang gnome.
Inilibot niya ang tingin. Para siyang nasa impyerno dahil sa kakaibang init na nararamdaman niya. Nasa malapit din ang isang bulkan na naglalabas ng lava.
"I'm Ignis. Ang elemental guadian ng apoy."
Ignis. Iyon din ang apelyido ni Diel at ang ama nito na si Clyde Ignis. She assumed na ang pangalan ng bawat elemental guardian na haharapin niya ay ang pangalan ng bawat kaharian sa Magus World.
"Why did you choose this door?" Tanong ni Ignis sa kanya.
Sa totoo lang ay hindi niya din alam. Basta dinala nalang siya ng mga pa niya sa pintuan na iyon.
"Mahalaga pa ba ang dahilan kung bakit ito ang napili kong unang pasukin? Why don't we just start the training?" Kumunot ang noo ni Ignis pero ngumisi din.
"Training? Hindi ba nasabi sayo ng matandang si Jed na kailangan mo muna akong labanan bago ko ituro iyo lahat ng pasikot-sikot ng kapamgyarihan ng apoy?"
Napalunok siya. Nakalimutan niya ang sinabi ni Lolo Jed. Kailangan niya nga muna palang matalo ang bawat elemental guardian bago siya turuan ng mga ito.
Nagulat siya ng tumama sa kanya ang isang kidlat dahilan mapaluhkd siya. Hindi niya inaasahan iyon pero ang ikinagukat niya ay ang kidlat na tumama sa kanya.
"Kidlat?" Ngumisi sa kanya si Ignis at ipinakita ang kamay nito na may hawak na apoy na nababalutan ng kuryente. Ngayon lang niya nakita ganoong klase ng kapangyarihan.
"I can teach you how to do this. But you have to fight and win over me."
Muli siyang inatake nito. Ngayon ay gumamit siya ng tubig upang matalo ang bola ng apoy na ibinato sa kanya ni Ignis pero laking gulat niya ng maging kidlat ito at iyon ang tumama sa tubig na ginawa niyang panangga. Dahil sa tubig na iyon ay muli nanaman siyan nakuryente at mas doble sa sakit na naramdaman niya kanina.
"AHHHHHHHH!!!!" malakas na sigaw niya.
Hindi pa siya nakakabawi pero muli nanaman siyang inatake ni Ignis.
"Akala ko pa naman matalino ka dahil nasagot mo ang mga bugtong ng Tagapagbantay."
Pinilit niyang makatayo kahit na hirap na hirap siya sa sakit ng katawan niya. Tumingin siya kay Ignis na nakangisi lamang sa kanya.
"Bakit hindi mo gamitin ang talinong meron ka upang magawa mong manalo sa laban na to?" Tanong nito sa kanya.
Ayun na nga ang problema. Sa palagay niya kasi ay natsambahan lang niya ang mga bugtong noong higante na iyon. Ngayon ay kailangan niyang mag-isip ng paraan para matalo si Ignis.
Ang elemental guardian na kayang kontrolin hindi lamang ang apoy kundi maging ang kidlat.
--