THE LEGENDARY LUMEN WIZARD
Halos hindi na siya makagalaw sa sobrang pagod at sakit ng katawan niya. Marahil ay may apat na oras na silang naglalaban pero ni isa sa mga tira niya ay hindi man lang natamaan si Ignis. Sa halip ay siya ang napupuruhan nito.
"I can't believe na ganito pala kahina ang anak ni Princess Shanel," nanunuksong sabi nito sa kanya.
Muli ay sinubukan niyang tumayo na nagawa naman niya pero pakiramdam niya ay ano mang oras ay muli nanaman siyang matutumba. Kanina niya pa din iniisip kung paano niya ba ito lalabanan. Napakalakas nito at hindi sapat ang mga kaalaman na naituro sa kanya ng kanyang ama at maging ni Diel.
Muling naglabas si Ignis ng kuryente na agad iniwasan ni Sab. Nagpapasalamat nalang siya dahil nagawa nga nitong iwasan ang tira niya dahil kung sakaling hindi niya naiwasan iyon ay baka tuluyan na siyang hindi makatayo at matalo sa laban. Napapalibutan si Ignis ng kuryente kaya naman nahihirapan siyang atakihin ito. Kapag inaatake naman niya ng tubig ay mabilis nitong napapalitan ng apoy ang nakapalibot sa kanya. Bihasang bihasa ito sa paggamit ng kapangyarihan niya at masasabi niyang alam na niya ang pasikot-sikot nito. Dahil sa kaalamang iyon ay mas lalo lamang nadagdagan ang kagustuhan ni Sab na matalo ang elemental guardian na ito.
" Ano na? Iiwas ka nalang ba?"
Hindi pinansin si Sab ang sinabi nito at itinuon ang pansin sa pagpapagaling sa sarili at pag-iisip ng plano. Sa totoo lang ay kanina pa may nabuong plano sa isip niya pero nagdadalawang isip siya na gawin iyon dahil sa oras na pumalpak siya ay siguradong siya nanaman ang tatamaan. At hindi siya pwedeng matamaan muli ng kidlat nito dahil sigurado siya na hindi na niya kakayanin pa kaya naman may isang pagkakataon lamang siya para maisagasa ang plano niya.
'Pero walang mangyayari kung hindi ko susubukan.' Sabi ng kanyang isip.
Napagdesisyunan niyang gawin ang plano. Walang mangyayari kung iiwas lamang siya. Gamit ang kaunting kakayahan sa paggamit ng tubig ay naglabas siya ng maraming tubig. Hindi upang itira kay Ignis, sa halip ay naglabas siya ng maraming tubig at hinayaan lamang itong umapaw dahilan upang bahain na ng kaunti ang lugar na iyon.
"Hmmm..you're already using your brain." Nakangising sabi nito.
Nagulat nalang si Sab ng magkaroon si Ignis ng pakpak at magawa nitong makalipad at makaahon sa kaunting bahang kanyang ginawa na hanggang tuhod lamang. Hindi miya inaasahan na kayang gawin iyon ni Ignis pero hindi siya papatalo. Susundin pa rin niya ang planong nasa isip. Mahirap pero tamang timing lang ang kailangan.
Huminga siya ng malalim bago bumuo ng pana gamit ang apoy at itira kay Ignis. Tulad ng inaasahan ay sinalo lamang niya iyon at ginawang kidlat upang itira sana sa kanya pero bago pa man nito naitira kay Sab ang kidlat ay mabilis na napalitan ang pana ni Sab ng tubig at itinira dito dahilan upang makuryente ito dahil hindi na nito nagawa pang palitan ng apoy ang kuryenteng nababalot sa kanya
"AHHHHHH!!!!" dahil sa sakit na naramdaman, hindi na nakontrol pa ni Ignis ang kanyang kapangyarihan kaya naman nahulog ito sa bahang ginawa ni Sab hanggang sa tuluyan itong mawalan ng malay dahil sa sarili nitong kapangyarihan.
Napangiti na lamang si Sab at inalis na ang bahang kanyang ginawa at lumapit na kay Ignis upang daluhan ito. Muling napangiti si Sab ng marinig niya ang sinabi nito sa nagihirapang tinig.
"You won."
Mas lumapit pa si Sab dito at hinawakan ang kamay niya, pinagaling niya muna ito bago bumalik sa tunay na mundo kailangan muna nilang magpahinga bago nito ituro sa kanya ang panibagong kaalaman sa paggamit ng kapangyarihan niya.
Nagpunta si Phoenix sa sinasabi nilang pinakamatandang lumen wizard upang hanapin si Sab. Nahirapan pa siya na hanapin ito dahil ito ang unang beses na nagpunta siya sa Magus World, ang mundo kung saan talaga siya kabilang.
Ilang araw na niyang hindi nakikita si Sab at hindi niya mapigilan ang sariling mamiss ito. Maayos na rin ang ina nito at mabuti na lamang ay wala pang pag-atakeng ginawaga ang dark prince.
"Master Jed," tawag niya sa matanda na nakaupo lamang at tila may hinihintay. Bakas din sa mukha nito ang pag-aalala pero napalitan agad iyon ng makita siya. Dahil ito ang pinakamatanda sa lahat at pinakamaraming nalalaman tungkol sa mga wizards na nabubuhay sa mundong iyon ay nasisiguro niyang alam na niya kung anong klaseng wizard siya.
"Kung ganoon ay tama pala ang kutob ko na meron pa ring isang natitira sa mga lahi ninyo, Nephilim." Napabuntong hininga siya. Hindi niya ito masisisi. Sa mundo kung nasaan siya ngayon, mapa-dark o lumen wizard man ay kalaban ang turing sa kanya.
"Marahil ay isa akong nephilim pero hindi nila ako katulad at wala akong intensyon na ipagpatuloy ang misyon nila dahil may sarili akong misyon kung bakit ako nandito sa mundong ito."
"Kung ganoon ano ba ang misyon mo, Nephilim?"
Napangiti siya ng maalala ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa mundong iyon kung saan ay wala siyang kilala na kahit sino at iba't ibang uri ng nilalang ang kanyang nakita.
"Ang protektahan ang babaeng minamahal ko," matalang na sabi niya. Nakita niya ang bahagyang pagngiti ng matandang wizard. Kung ngiti nga bang matatawag ang pagtaas ng sulok ng labi nito.
"Nasa ibang munda ngayon si Sabria."
Napakunot noo siya. Simula ng malaman niya na isa siyang Nephilim na wizard, nalaman niya din na meron palang dalawang mundo, ang mundo ng mga tao at ang Magus World.
"Nasa mundo na siya ng mga tao?" Umiling ang matanda.
"Nasa Elemental World siya. Tanging ang mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa ng mga lumen wizard ang may kakayahan lamang na magpunta sa mundong iyon. Isang mundo kung saan nabubuhay ang mga Elemental Guardian na sina Ignis, A'ris, Terrae at Glacies kasama ang higanteng tagapag-bantay."
"Kung ganon bakit siya nandoon?" Kung tama ang hinala niya, ang mga binanggit nitong mga nilalang ay mga makapagpangyarihang nilalang na kahit siguro ang kasalukuyang hari ng mga lumen wizard ay mahihirapan kapag ang mga ito ang nalabanan.
"Naroon siya upang mag-ensayo, magpalakas, at kalabanin ang mga ito."
Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya at nilamon ng kaba. Magsasalita pa sana siya ng bigla nalang sumulpot ang babaeng dahilan ng kabang nararamdaman niya ngayon at mas lalong tumindi iyon ng makita ang itsura nito.
Isang ngiti ang pinakawalan ni Sabria bago ito tuluyang nawalang ng malay kaya mabilis siyang lumapit dito at sinalo ito. Halata sa mukha nito ang pagod at puno ng mga sugat at paso angkatawan niya. Maging ang damit nito ay nagkapunit-punit na.
Nilingon niya si Master Jed at bakas dito ang pag-aalala sa apo pero may kaunting saya din siyang nakita sa mga mata nito. Itinuro nito ang isang mahabang upuan na gawa sa kahoy at doon niya inihiga si Sab.
"Ngayong nakabalik na siya ay isa lamang ang ibig sabihin noon." Muli siyang napatingin sa matanda at kita niya sa mukha nito ang adoration para sa kanyang apo.
"Nagawa niyang matalo ang unang elemental guardian na nakaharap niya. At sa muling pagbabalik niya doon ay masisimulan na niya ang pag-eensayo sa elemento ng apoy."
Kung ganon ay nagawa nitong talunin ang isang elemental guardian? Hindi pa ganoon kabihasa si Sab. Marahil ay nagawa na siyang turuan ng kanyang ama at maging ang mga kaibigan nito pero alam niya na kumpara sa ina nito na naging estudyante ng matandang kasama niya ay marami pa siyang dapat matutunan.
Kung sinasabi ni Master Jed na nagawa nitong talunin ang isa sa mga elemental guardian, ibig sabihin ay ganoon ito kalakas. At kung iisipin, sa oras na matalo niya ang lahat ng elemental guardian, ay maaring siya na ang maging pinakamalakas na wizard na nabuhay.
Bigla ay napatigil siya sa realisasyon na nabuo sa kanyang isip. Nang minsang napadpad siya sa library sa mansyon nina Kyle ay may nakita itong libro na tungkol lahat sa mga lumen wizard. At isa na doon ang alamt tungkol sa Legendary Lumen Wizard na kung saan ay siyang pinakamalakas sa lahat dahil nakuha nito ang kapangyarihan ng lahat ng elemental wizard.
Napatingin siya kay Sab.
"Siya ang Legendary Lumen Wizard"
--