ANOTHER WAY
"Wala ka bang planong mga hakbang?" Tanong ng ina ni Julian. Nakatingin lang siya sa kalangitan habang may hawak na kopita ng alak.
"Let's wait for her to master her powers except water. Para naman kahit paano ay mahirapan akong labanan siya. Kung ngayon ko siya lalabanan ay baka magawa ko siyang talunin sa isang pitik lamang"
Alam niya na nasa ilalim ng pag-eensayo ngayon si Sabria. Alam niya ang pagounta nito sa Elemental World upang labanan ang mga guardian doon at upang maging bihasa sa paggamit ng kapangyarihan nito.
Malaki ang posibilidad na magawa na nito ang special powers niya kaya naman kailangan na niyang paghandaan ang bagay na iyon. Naniniwala siya na may ibang paraan pa upang magawa niya itong kalabanin.
"Maybe you can travel to time para malaman kung may paraan para matalo ko siya kung sakaling mangyari ang di inaasahan," tanong niya sa inq nq qgad naman sinang-ayunan nito.
Unti-unti niyang idinilat ang mga mata. Napansin niyang nasa kwarto na niya siya. Ang huli niyang natatandaan ay pinagaling niya muna si Ignis bago siya nagdesisyona bumalik na. At dahil sa dami ng lakas na nawala sa kanya ay nawalan siya ng malay pero ang huli niyang nakita ay ang mukha ng lalaking mahal niya.
"You're awake," sabi ng pamiliyar na boses. Inilibot niya ang mata at nakita niya sa kanyang tabi ang nakangiting mukha ni Phoenix.
"Magaling na rin ang mga sugat mo," sabi nito habang sinusuri siya at tinitignan ang pasa at sugat niya. Nakatingin lang siya sa mukha nito.
"What will happen kung hindi niya nagawang natalo ang elemental guardian na iyon?" tanong nito kay Master Jed na nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy nasa harapan niya.
"Hindi pwedeng tapusin ang laban ng walang natatalo sa kanila. Sa oras na sumuko si Sabria o matalo siya, hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataon para muling makabalik sa mundong iyon dahil tuluyan na iyong magsasara para sa kanya."
"I have to go back Lolo," sabi niya sa matanda at akmang tatayo na nang pigilan siya ni Phoenix.
"No. Mahina ka pa. Ngayon ka pa lang bumabawi ng lakas."
"Pero kailangan ko ng bumalik doon upang maturuan na ako ni Ignis at nang makapasok na ako ulit sa susunod na pintuan," naiinis siya ng umiling ito. Pilit siyang tumayo pero pinipigilan talaga siya ni Phoenix kaya naman ginamit niya ang kapangyarihan ng hangin upang paliparin ito palayo sa kanya.
"F*ck!!" mura nito ng tumama siya sa isang bato. Nakaramdam siya ng pag-aalala dito pero hindi niya iyon pinansin dahil sa inis na nararamdaman niya.
"Hindi mo kasi ako maintindihan! Ako ang inaasahan nila na tatalo sa Dark Prince. Ako ang inaasahan nina Mama, Papa, mga kaibigan ko at ng lahat dahil anak ako ng ina ko. Anak ako ng babae na minsan ng iniligtas ang buong Magus World."
Naramdaman niya ang pagpatak ng luha niya na agad niyang pinunasan. Hindi niya maiwasan maging emosyonal dahil na rin sa inakala niya na hindi na niya mgagawang talunin pa si Ignis. Sa kanya nakasalalay ang lahat at isa iyong napakabigat na responsibilidad na hindi maintindihan ni Phoenix dahil ngayon lang naman niya nalaman ang tungkol sa kanila at sa tunay nito pagkatao.
"I understand you responsibility as the princess of this world. Naiintindihan ko naman iyon. Ang gusto ko lang naman ay ang magpahinga ka kahit sandali lang at ng magkaroon ka ng panibagong lakas sa oras na bumalik ka na doon," sabi nito sa kanya.
Hindi na nito hinintay pa ang sagot niya at basta nalang umalis sa lugar na iyon. Naihilamos nalang niya ang palad sa mukha sa inis na nararamdaman. Bakit naman kasi kailangang siya pa ang umako ng ganoong kalaking responsibilidad. Masyado pa siyang bata!
On the second thought, halos kasing edad lang niya ang kanyang ina ng hawakan din nito ang ganoong kalaking responsibilidad. Napabuntong hininga nalang siya at tumayo na.
"I really need to go Lolo." Ngumiti lang ang matanda sa kanya. Lumapit siya dito at hinawakan naman nito ang noo upang makabalik na siya sa mundong iyon.
-
Pagmulat ng mata niya ay nasa na niya si Ignis. Hindi na siya dumaan pa sa malaking gate na iyon dahil nandito na mismo siya sa lugar kung saan sila naglaban ni Ignis at nandoon lang ang elemental guardian na hinihintay siya.
"Pinagaling mo ako. Salamat," parang nahihiya pang sabi nito kaya naman nginitian na lamang niya.
"Maybe you should start teaching me."
Nginisian lang siya nito.
"Hanggang saan na ba ang nalalaman mo sa paggamit ng apoy?" Tanong nito sa kanya.
"Ahm, my friend and also my father taught me about fire."
Ipinakita niya ang kaya niyang gawin dito pero hanggang bola ng apoy at pagbuga lang ng malakas na apoy ang kaya niya.
"Diel tried teaching me some other things pero hindi ko talaga magawa. Maybe because its not may element."
"Wrong. Ikaw ang Lumen Princess. May your grandparents came from A'ris and Glacies Kingdom pero dahil ikaw ang Lumen Princess, katulad ng iyong ina, kaya mo rin kontrolin ang kahit na anong elemento. Ibig sabihin ay hindi lang tubig ang elemento mo. At kung ano ang kaya nilang gawin, kaya mo din. Kaya nga maging ang kakayahan ng iyong ina na manggaya ng kapangyarihan ay nakuha mo e," mahabang paliwanag ni Ignis sa kanya.
Muli ay ginawa ni Ignis ang paglipad gamit ang apoy nitong pakpak. Namangha nanaman siya dito. Hindi pa niya nakita si Diel na gawin iyon pero nagagawang lumipad ni Diel dahil namana rin naman nito ang kapangyarihan ng ina na Hangin.
"You can do this too. Even this one."
Nanlako ang mata ng makita ang kaninang lalaki na may pakpak ay naging isang malaking dragon. Napaupo pa siya dahil sa panghihina ng mga tuhod niya.
"I will teach you this first bago kita turuan kung paano ang magpakawala ng kidlat."
Napatayo si Julian nang makitang nakabalik na ang ina. May ngiti sa labi nito na nagpangiti din sa kanya. Mukhang may sagot na sa bagay na pinoproblema nila.
"So dear mother? Komusta ang paglalakbay?" Salubong niya dito.
"You can fight her. Kahit pa makuha na niya ang espesyal niyang abilidad ay magagawa mo pa rin at isang paraan lang para magawa mo iyon."
"Ano?"
"You have to drink even the last drop of the blood of a nephilim wizard."
--