A'RIS - PART 1
"You're a fast learner," nakangiting sabi sa kanya ni Ignis.
Kasalukuyan ngayong nilalabanan ni Sab ang mga Dark Wizards na bihag ni Ignis. Ang mga dark wizard daw na iyon ay mga nakakapagtakang bigla nalang nagkaroon ng kakayahan na kontrolin ang apoy kaya naman mabilis silang binihag ni Ignis upang malaman ang dahilan na iyon. Pero hanggang ngayon ay hindi nito malan ang dahilan.
Malakas na kuryente ang pinakawalan niya kaya naman tuluyan nang naging abo ang mga dark wizard na iyon. Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi ni Ignis, tanda na natuwa siya sa kanyang ginawa.
"You're ready," nakangising sabi nito sa kanya.
"Ready? Ready saan?" Takang tanong niya. Kung ang sinasabi ni Ignis ay tungkol sa pagharap niya sa dark prince ay malabo iyon. Mahina pa rin siya kahit na namaster na niya ang kapangyarihan ng apoy.
"To face her. A'ris." Natigilan siya sa sinabi nito. So so A'ris na ang sunod niyang makakalaban?
Sa loob ng dalawang linggong pag-eensayo niya sa kamay ni Ignis, marami siyang nalaman. Nalaman niya na ang isang araw sa mundong iyon ay katumbas lamang ng isang oras sa Magus World. Nalaman din niya na kahit na alin sa apat na pintuan na nasa labas ang piliin niya, ang elemental guardian na handa naniyang harapin ang siyang magpapakita sa kanya.
"Magpasalamat dahil ako ang una mong nakaharap dahil kung siya ang una mong nakaharap, siguradong mahihirapan ka."
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Maliban sa nagagawa niyang makalipad dahil sa kapangyarihan niyang hangin wala siyang makitang espesyal sa kapangyarihan niyang iyon.
"Bago pa ako natutong gumamit ng kidlat, lagi akong talo kay A'ris. You see, kung pagsasamahin ang apoy at hangin, mas lalagabgabang apoy. Mas malaki ang apoy na malilikha namin pero isipin mo kung ano ang magyayari kung ang isang kandila ay tinakpan ng baso."
"Mamatay ang apoy," sagot niya na hindi makapaniwala.
Hindi niya agad naisip iyon! Kaya ba mas tinuruan siya nito sa paggamit ng apoy? Kung sakali ngang si A'ris nga ang una niyang nakalaban, siguradong hindi na siya makakabalik sa lugar na iyon.
"Tanging maipapayo ko lang sayo sa pakikipaglaban mo kay A'ris, mag-iingat ka. At wag kang magpapadala sa magandang anyo niya dahil sa likod ng magandang anyo ng babaeng iyon ay isang walang awa na elemental guardian."
Nakaramdam siya ng panlalamig sasinabi ni Ignis. Nararamdaman din niya ang bahagyang panginginig ng tuhod niya habang inihahatid siya ni Ignis palabas.
"Do your best Sabria. Sa'yo nakasalalay ang buong Magus World."
Iyon ang huling sinabi ni Ignis bago ito muling pumasok sa isa sa mga silid na iyon. Siyan naman ay naramdaman ang malamig na hangin na nanggaling sa silid na nasa likuran niya kaya naman nilingon niya iyon.
"Kaya mo yan Sab. Nagawa mo ngang talunin si Ignis diba? Magagawa mo rin iyon kay A'ris," pagkausap niya sa sarili.
Pagkapasok niya sa silidna iyon ay nagulat na lamang siya nang wala siyang maapakan kaya naman tuluy-tuloy lamang siyang nahulog. Pero ilang minuto ang lumipas ay patuloy lamang siyang nahuhulog kaya naman ginamit niya ang kakayahan na kontrolin ang hangin at lumipad pataas.
"Hello, Princess"
Napatingin siya sa nagsalita. Tila nahugot ang kanyang hininga ng makita kung gaano kaganda ang babaeng nasa harapan niya.
"I believe you knew me. Marahil ay nasabi na sayo ni Ignis kung sino ako."
Napatango na lamang siya bilang sagot dito. Kung titignan ang babae. Mukhang napakaamo ng mukha nito.
Nagulat siya ng sa isang kisap mata ay nasa harapan na niya ang babae at matamis na nakangiti sa kanya.
"You know, dapat simulan na natin ang laban na ito at ng matapos na."
Sa sobrang gulat, hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. Isang malakas na hangin ang tumama sa kanya at nagawa pa nitong sugatangang tagiliran niya.
"Argh!" Napadaing nalang siya at hinawakan ang bahaging iyon na nasigatan siya upang patigilin ang pagdugo niyon at pagalingin.
"Ahhh!" Sigaw niya ng sa isang iglap ay nasugatan ang kamay niyang may hawak sa sugat.
"Na-ah. I won't let you heal yourself," nakangising sabi nito.
"Tanging maipapayo ko lang sayo sa pakikipaglaban mo kay A'ris, mag-iingat ka. At wag kang magpapadala sa magandang anyo niya dahil sa likod ng magandang anyo ng babaeng iyon ay isang walang awa na elemental guardian," naalala niyang sabi ni Ignis sa kanya.
Mukhang tama ito. Wala nga itong awa. Alam din nito ang mga kakayahan na meron siya. Alam kaya nito kung ano ang mga natutunan niya kay Ignis?
"You're beautiful," papuri niya dito. Ngumiti naman ng matamis sa kanya si A'ris.
"Really? Well, thank you," nakangising sabi nito. Hindi nito inaasahan ng bigla siyang malabas ng malakas na apoy na tumama sa mukha nito.
"Ahhhhhh!!! My face!!" Sigaw nito ng masunog ang kanang parte ng mukha nito.
"You'll pay for this" sinugod siya nito na mabilis naman niyang sinangga ang mga mga tira nito. Pero sa bawat suntok nito ay may kasama itong malakas na hangin na hindi niya magawang sanggain.
Muling sinapo ang sugat sa tagiliran na wala pa rin tigil sa pagdugo.
"Tss. Yan ba ang nakatalo kay Ignis?" Nang-uuyam na sabi nito.
Pilit niyang pinapagaling ang sugat sa tagiliran. Wala itong tigil sa pagdugo at marami nang dugo ang nawala sa kanya dahilan para manghina siya.
"You're so weak."
Nagpakawala nanaman ito ng malakas na hangin pero mabilis siya nalabas ng apoy dahilan para lumagabgab iyon at tumungo sa direksyon ni A'ris. Pero laking gulat niya nang bigla na lamang itong mawala.
Napakunot noo siya at ngumisi naman si A'ris sa kanya. Malakas siyang napasigaw nang bigla nanaman siyang bumalusok pababa. Sinubukan niyang lumipad muli pero hindi niya magawa. Tila ba nawalan siya ng kakayahan na kontrolin ang hangin.
Nagulat siya nang makita ang isang maliit na lupain. Siguradong doon ang bagsak niya at patay siya pag nangyari iyon. Kaya naman ginawa niya ang isa sa mga itinuro sa kanya ni Ignis.
Gamit ang kapangyaraihan ng apoy ay gumawa siya ng papak at lumipad pero laking gulat niya nang bigla na lamang nawala ang pakpak na iyon patuloy siyang bumulusok pababa.
"...You see, kung pagsasamahin ang apoy at hangin, mas lalagabgabang apoy. Mas malaki ang apoy na malilikha namin pero isipin mo kung ano ang magyayari kung ang isang kandila ay tinakpan ng baso."
Naalala niya ang sinabi ni Ignis. Nakalimutan niya ang bagay na iyon. Marahil iyon din ang dahilan kung bakit biglang nawala ang napakalakas na apoy na tatama sana kay A'ris.
"Wala ka nang ibang magagawa. Mahuhulog ka sa lupa na iyon at mamamatay nang hindi mo man lang ako nalalabanan ng maayos," nakangising sabi nito.
Tumingin siya sa lupang kababagsakan at nag-isip kung paano siya hindi mamamatay sa oras na bumagsak siya doon.
Huminto sa ere si A'ris nang makita ang kanyang ginawa.
Kaya niyang kontrolin ang tubig tulad ng kanyang ina pero hindi kasing bihasa nito. Pero isang bagay ang hindi kayang gawin ng kanyang ina na kaya niya. Iyon ay ang maglabas ng tubig.
"I don't know you can do that."
Mabilis siyang bumaba sa lupain na kababagsakan sana niya. Sinundan naman siya ni A'ris at tila nayayamot na tinignan siya.
Pagkaapak ng mga paa niya sa lupa ay mariin niyang tinignan si A'ris.
"Wag mo akong tignan na parang kayang-kaya mo akong talunin."
Ngumisi nalang siya sa sinabi nito. Kakayanin niya na talunin ang malditang babae na ito.
"This will be the start," nakangising sabi niyaat sinugod si A'ris.
--