A'RIS - PART 2
Tigilan mo iyang kakaalala mo sa kanya dahil hindi ko naman hahayaan ang apo ko na magpunta sa mundong iyon kung hindi pa siya handa."
Napatingin si Phoenix kay Lolo Jed ng magsalita ito. Simula kasi nang muling bumalik si Sabria sa mundong iyon upang harapin ang susunod na elemental guardian ay hindi siya mapakali at itinuon nalang ang pansin sa pag-eensayo. Si Lolo Jed mismo ang nagtuturo ngayon sa kanya pero hindi mawala sa isip niya si Sabria.
Sigurado kasi si Lolo Jed na nag-papalakas na rin ngayon ang dark prince upang maghanda sa nalalapit na muling paghaharap ng mga ito. At tama si Lolo Jed, kailangan din niyang maging malakas upang maprotektahan niya si Sabria.
Naupo muna si Lolo Jed sa isang malaking bato doon at siya naman ay naupo na lamang sa may lupa. Alam niyang pagod na ang matanda at kung tutuusin ay hindi na dapat siya nito tinuturuan pero nagulat na lamang siya ng hawakan nito ang kamay niya kanina at ganun nalang ang gulat niya nang makatayo ito ng maayos at inatake siya ng malakas.
Doon nalaman niya na may kakayahan ang matanda na kumuha ng lakas mula sa iba. Kaya naman nagawa nitong turuan siya at alam niyang sang malaking karangalan ang maturuan ng dating guro ng ina ni Sabria.
"Bago ko dinala sa mundong iyon si Sabria, alam kong handa siya," seryoso sabi nito sa kanya.
"Paano naman po kayo nakakasiguro? Ang sabi niyo ay ang mismong kapangyarihan niya ang hinaharap niya. At higit na malakas iyon sa kahit na anong kapangyarihan."
Iyon ang sinabi sa kanya ng matanda. Hindi basta-basta elemental guardian ang kahaharapin ni Sabria kundi ang mismong kapangyarihan niya. Ang kapangyarihan niya ng apoy, nagawa niya itong talunin kaya naman magagawa na niya itong gamitin ng walang limitasyon.
"Anak siya ni Shana Angelica Glacies, ang babaeng dahilan kung bakit nalasap muli ng mga wizard sa Magus World ang kalayaan. Ang babaeng siya dapat na namumuno sa mundong ito ngayon. At higit sa lahat, anak siya ni Kyle na anak ko."
Nagtaka naman siya kung anong espesyal doon? Ang alam niya lang ay si Lolo Jed ang pinakamatandang Lumen Wizard at naging guro ng dating Lumen Princess which is ang ina ni Sabria. Bukod doon ay hindi na niya alam kung ano pang espesyal doon. Tila nasagot ang tanong niya ng muling magsalit ang matanda.
"Kyle is the descendant of the previous Legendary Lumen Princess."
Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya rin maintindihan. Kung may descendant man ang dating Legendary Lumen Wizard, hindi ba dapat ang ina iyon ni Sabria dahil ito ang nagtataglay ng royal blood. Isa itong Glacies!
"Hindi ko maintindihan."
Ngumit lang ang matanda sa kanya.
"You see, katulad ni Shana ay ayaw ng responsibilidad ng Lola ko - which is the legendary lumen wizard kaya naman ipinasa niya ang pamamahala sa matalik nitong kaibigan. Ang ancestor ni Sabria. Simula noon ay pinalitan nila ang pangalan ng kaharian at isinunod sa apelyido ng mga ito - Glacies."
"Kaya ba si Sabri din ang sumunod na legendary lumen wizard?" tanong niya dito.
"Yes. Kung sanang naging babae noon si Kyle ay siya ang naging legendary wizard pero lalaki ito at babae ang naging anak niya kaya naman si Sabria ang nagmana ng kapangyarihan. Kaya naman wala kang dapat na ipag-alala dahil makakayang labanan ni Sabria ang mga elemental guardian na iyon."
Sana nga. Tanging naibulong niya sa sarili.
-
"f**k!" daing ni A'ris nang tamaan nanaman niya itong muli.
Sa laban na iyon ay lamang na lamang si Sabria pero hindi niya maintindihan ang sarili sa kabang nararamdaman niya. Para kasing may mali kaya naman hindi siya mapanatag sa kabila ng kaalamang lamang na lamang na siya sa laban.
Muli niyang sinugod ng tira si A'ris. Ginamit niya ang kaunting kaalaman sa pagkontrol ng lupa at ibinaon si A'ris dito hanggang sa ulo nalang niya ang nakalitaw. Pilit itong umaalis at ginagamit ang kapangyarihan pero baliwala lamang.
"AAAAAAHHHHHHHHH!!!!" malakas na sigaw ni A'ris ng paapuyin ni Sabria ang ilalim ng lupa at parang bulkan na sumabog iyon.
Dapat ay hindi niya papatayin si A'ris dahil ito ang magtuturo sa kanya. Sa ginawa niyang iyon ay ikamamatay ng sinuman dahil magiging abo ang sino man ang nasa pwesto ni A'ris pero sigurado siyang hindi si A'ris. At tama siya ng makita itong nakatayo sa harap niya at may kakaibang ngisi na naglalaro sa mga labi niya.
Tama si Ignis. Kailangan niyang mag-ingat dito dahil kakaiba ito. Hindi niya maipaliwanag kung paanong nakaalis ito sa pinagbaunan niya ng lupa at nakatayo ito na parang wala man nangyari at wala na ang mga sugat nito kanina. Parang bang tinangay ang mga sugat niya ng---hangin.
Natigilan siya sa naisip at napatingin muli kay A'ris na lalong lumawak ang ngisi na tila ba alam na nito kung ano ang kanyang iniisip.
"You really think its easy?" Sabi nito sa kanya.
Hindi niya maintindihan. Sa mga kaibigan ng ina, si Nikki Terrae ang may kakayahang magpagaling at isa iyong Terrae kaya hindi niya maintindihn kung paano ganun kabilis nawala ang sugat ni A'ris.
Ngumisi ito sa kanya at nagulat nalang siya ng bigla itong mawala sa paningin niya. Inilibot niya ang paningin pero kahit saan siya lumingon ay hindi niya ito makita.
"Where are you?!" Naiinis na sigaw niya.
"I'm everywhere Sabria." Narinig niya ang boses nito pero kahit saan siya tumingin ay hindi niya ito makita.
May kung anong malakas na hangin ang umihip papunta sa kanya. Gamit ang kaalaman sa paggamit ng hangin ay sinubukan niyang ilihis ang landas nito pero hindi niya ito nakontrol at tumama sa kanya.
"AHHHHHH!"
Napahawak siya sa may balikat niya. At naramdaman ang pag-agos ng dugo mula doon.
"s**t!"
Sumunod na tumama ang kakaibang hangin na iyon sa may pisngi niya at naramdaman niya ang kakaibang kirot mula doon. Hanggang sasunud-sunod ng tumama sa kanya ang hangin na iyon.
Napaluhod na lamang siya at napasuka ng dugo. Marami ng sugat ang katawan niya at ang malaking sugat doon ay ang nasa may tiyan niya. Sinusubukan niyang pagalingin ang ang sarili ngunit kailangan niya ng maraming oras upang tuluyang gumaling ang sugat na iyon at hindi niya iyon magawa habang pilit na iniiwasanan ang hangin na iyon.
"Can't take it anymore?"
Napatingin siya sa unahan at doon nakita niyang muli si A'ris na nakangisi lamang sa kanya.
"As expected, it will be easy to defeat you. I wonder kung paano mo natalo si Ignis kung ganyan ka kahina but then I remember, Ignis is just all talk. Hanggang salita lang naman siya at pagyayabang dahil napakahina lang naman niya," she said and even rolled her eyes.
Naikuyom nalang niya ang kamao. Ignis is not weak kaya nga nahirapan din siyang talunin ito. Sadyang mayabang lamang ang babaeng kaharap nito. At sa loob lamang ng maikling panahon ay naging malapit siya kay Ignis kaya naman hindi niya hahayaan ang babaeng ito na lait-laitin lamang si Ignis.
Muli siyang tumayo at tinignan ng masama si A'ris pero napanganga na lamang siya sa nakita. She didn't know that was possible. Ignis taught her how to become a fire dragon. Pero hindi niya akalain na maging sa hangin.
Mula sa paa ni A'ris ay unti-unti itong naglaho sa harap niya habang nanatiliitong nakangisi sa kanya. Hanggang sa tuluyan na lamang itong nawala muli sa harapan niya at isang malakas na hangin ang umihip hanggang sa maging isang malaking ipo-ipo na lamang ito.
"Shock? Tss. If you can only see yourself Sabria."
Gad hindi niya akalain na ganito kalalakas ang elemental guardian. Isang elemento lamang ang alam ng mga ito pero kahit pagsama-samahin pa ang kakayahan niyang kontrolin ang kahit anong elemento ay mahihirapan siyang talunin ang mga ito kung hindi niya gagamitin ang utak.
Ang kakaibang hangin na kanina pa umaatake sa kanya, ngayon lang niya naintindihan kung bakit hindi niya magawang kontrolin iyon dahil ang hangin na iyon ay si A'ris mismo.
--