SURPRISE VISIT
Napakunot ang noo ni Phoenix nang biglang huminto si Lolo Jed sa pag atake sa kanya at tumayo lang doon habang nakatingin sa kawalan. Nasa kalagitnaan sila ng pag-eensayo nila kaya hindi niya maintindihan ang biglang paghinto nito.
"What's wrong?" tanong niy dito pero nanatili lamang itong nakatingin sa kawalan pagkatapos ay napahawak sa dibdib.
"Master!"
Inalalayan niya itong maupo at tinignan ang mukha ng matandang wizard. Bakas dito ang pag-aalala.
"Ano pong nangyari? Ayos lang ba kayo? May masakit ba?" sunud-sunod na tanong niya dito pero umiling lang ito sa kanya at ipinikit ng mariin ang mga mata.
"She's in danger."
Siya naman ang napakunot ang noo sa sinabi nito. Sinong nasa panganib? Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba.
"S-sino?"
May ideya siya kung sino ang tinutukoy nito pero gusto niyang makasiguro at nananalangin siya na nagkamali siya nang hinala dahil hindi niya alam ang gagawin kung sakaling tama man ang hinala niya.
"Si Sabria. Nararamdaman kong nanghihina na siya."
Nakaramdam siya ng panghihina kaya naman napaupo nalang siya sa tabi ng matanda. Nasapo niya ang kanyang ulo dahil naramdaman niya ang pagsakit noon.
"Anong kailangan natin gawin?" mahinang tanong niya dito. Sapat lang upang marinig ng matanda.
"We can't do anything. Tanging magagawa lang natin ay hintayin siya." Napailing pa ang matanda.
"I can feel her power. Mahina nalang iyon and it takes time para muling maibalik ang lakas niya at alam kong hindi iyon hahayaan ng elemental guardian na kalaban niya."
"Pero baka may iba pang paraan?!" Nag-isip siya kung ano ang pweding gawin hanggang sa maalala ang kaibigan ni Sab.
"Si Diel? He can travel through time right? Baka pwede siyang maglakbay papunta kay Sab upang matulungan niya ito."
Sa totoo lang ay hindi siya komportable kapag magkasama si Sab at Diel dahil nararamdaman niyang gusto ni Diel ang babae pero hindi ito ang tamang oras para magselos siya. Kailangan ng tulong ng babaeng mahal niya at tanging ang lalaking pinagseselosan niya ang makakatulong dito.
"Ikaw na mismo ang nagsabi, Diel can travel through time but he has no ability to travel to two different world lalo na kung ang mundong pupuntahan niya ay tanging si Sabria lang ang may kakayahan pumunta doon. You see, Phoenix, wala tayong ibang magagawa kundi ang magtiwala kay Sabria na matatalo niya ang elemental guardian na iyon. Dalawa pa ang nakakaharap niya at siguradong mas mahihirapan siyang harapin ang natitirang dalawa pa."
Naihilamos nalang niya ang kamay sa mukha. Ang hirap ng situasyon lalo na at wala man lang siyang magawa kundi ang umupo at maghintay na lamang kung ano ang mangyayari.
"We just have to trust her. Alam kong makakaya iyon ni Sabria."
"Ang dali naman nito. I wonder kung ganito rin kahina ang ina mo kung sakaling nagkaroon din siya ng pagkakataon noon na kalabanin kami."
Gustong tumayo ni Sab pero masyado na siyang nanghihina para makatayo pa kaya naman nanatili na lamang siyang nakahiga. Kakaunting kapangyarihan na lamang din ang natitira sa kanya at alam niyang tuluyan na siyang mawawalan ng malay sa oras na ginamit niya ang natitirang kapangyarihan at lakas na meron siya.
She tried to attack her but how can she attack her if in the first place he can't even see her. Hanggang pakiramdam lang siya at sa oras na nararamdaman na niya si A'ris ay hindi man lang siya na ibigyan ng pagkakataon na atakihin siya dahil mauuna na siya nitong atakihin.
"Tapos na ang larong ito princess. Natalo na kita kaya mas mabuti pang bumalik ka na sa mundo ninyo."
Tinignan niya ng masama si A'ris. Hanggat may natitira siyang kapangyarihan at lakas, hindi pa tapos ang laban nila. Matatalo niya si A'ris. Matatalo niya ito.
"Hindi. Hindi pa tapos ito dahil hanggat hindi kita natatalo."
Napatingin si A'ris sa kanya pagkatapos ay tumawa ng tumawa.
"Hindi ko alam na marunong ka palang magpatawa. Ako matatalo mo? Ni hindi mo na nga maiangat ang mga daliri mo," masungit na sabi nito at tinalikiran siya.
Ipinikit niya ang mga mata niya. She will never give up. Hanggat may natitira siyang lakas ay hinding-hindi siya susuko.
Ang kaninang mataas na sikat ng araw ay napalitan ng makulimlim na ulap. Naramdman niyang napatigil sa paglalakad si A'ris kaya naman napangisi siya.
Bigla ding kumulog at kumidlat ng malakas at nagsimulang pumatak ang ulan.
"Hindi ka talaga susuko ano?" sabi ni A'ris sa kanya.
Pinilit niyang makatayo at nagpapasalamat siya ng magawa niyang tumayo. Lalo lang lumakas ang pagpatak ng ulan at sunud-sunod din ang pag-ulan at pagkidlat.
Muling nawala si A'ris sa harap niya pero hindi tulad kanina, ngayon nakikita na niya ito kahit pa isa nalang itong hangin. Dahil sa bawat pag-ihip ng hangin ay nag-iiba ang direksyon ng ulan. Nagagawa na niya ring iwasan ang tira nito.
"Argh!!!" inis na inis si A'ris sa kanya at muling bumalik sa talagang anyo nito.
Napangisi nalang siya at dinala sa kanya ang direksyon ng kidlat na hindi na niya nagawa pang iwasan.
"s**t!" Napaluhod ito dahil sa lakas ng pagtama ng kidlat sa kanya.
"You'll pay for this! AHHHH!" muli itong sumigaw ng muli nanaman siyang tamaan ng kidlat.
Tumakbo ito palayo pero hindi na hinayaan pang mawala sa kanya ang pagkakataon upang talunin ito. Gamit ang natitirang lakas ay muli niyang pinatamaan si A'ris. Doon na niya binuhos ang lahat ng meron siya hanggang sa mawalan na ng malay si A'ris at sumunod naman ang pagdidilim ng paningin niya.
-
"Sabria"
Nagising siya dahil sa boses na tumatawag sa kanya. Nang ilibot niya ang kanyang paningin, nalaman niyang nandoon siya sa kwarto niya sa Glacies Kingdom. Nakaupo sa tabi niya ang kanyang ina habang katabi nito ang kanyang ama. Nandoon din si Diel sa isang tabi. Hinanap ng mga mata niya si Phoenix pero wala ito doon.
"Dinala ka dito ng Lolo Jed mo nang makabalik ka. Wala kang malay kaya naman pinatawag ko agad si Nikki upang gamutin ka at bumalik ang lakas mo. Pinag-alala mo ako anak."
Niyakap ako ni Mama. Pinilit ko naman inalala kung ano ang nangyari.
"Natalo ko si A'ris?" Wala sa sariling naitanong niya. Tumango ang ama niya.
"Two more elemental wizards, anak. Pero please lang, mag-iingat ka. Nag-aalala kami ng mama mo sayo," sabi ng ama nitong si Kyle.
"We are proud of you, anak." Nakangiting sabi ng ina.
Dalawa nalang at magiging bihasa na siya sa paggamit ng kapangyarihan niya. Magiging malakas din siya tulad ng kanyang ina. Mas malakas pa dito. Pagkatapos ay magagawa na rin niya ang kanyang espesyal na abilidad. Kahit hindi niya pa alam kung ano iyon, nararamdaman niyang malakas iyon dahil sa hirap na kailangan muna niyang danasin bago ito makuha.
"Si Phoenix?" Tanong niya sa mga magulang. Gusto niya itong makita. Sa kanya lang siya kumukuha ng lakas at gusto niya din itong mayakap.
"Baka nasa garden."
Si Diel na ang sumagot sa tanong niya. Ngumiti siya dito bago maglakad palabas ng silid niya upang hanapin si Phoenix. At tama nga si Diel ng makita niya ito sa may garden.
Lalapitan na sana niya ito pero para siyang napako sa kinatatayuan ng makita niya si Julian na papalapit kay Phoenix. Naikuyom niya ang kamay. Alam niyang hindi pa siya ganoon kalakas para harapin ang dark prince.
"Isang hakbang pa Julian ngayon mismo matatapos ang laban natin." Napalingon si Phoenix sa kanya habang nakakunot ang noo. Alam niyang hindi nito nakikita si Julian pero siya, sa hindi malamang dahilan ay nakikita niya ito.
"So you can see me huh."
Doon na tuluyang nagpakita si Julian sa kanya. Agad namang tumayo si Phoenix para lumapit sa kanya at ihinarang ang katawan nito sa kanya pero agad siyang lumabas sa likod nito para harapin si Julian.
"Ang lakas ng loob mong magpunta dito." Sabi niya dito pero nginisian lamang siya nito.
"Well I didn't came here para manggulo. I just want to check on something." Pagkasabi niyon ay bigla nalang siyang nawala at hindi niya malaman kung saan napunta.
"Kainis!" Naiinis na sinabunutan niya ang sarili. Dapat agad niya nalang itong sinugod para matapos na pero naisip niya na hindi pa niya ito kayang talunin.
"Phoe-"
Nilingon niya si Phoenix pero nakita niya itong papalayo mula sa kanya.
"Phoenix sandali!" Humabol siya dito pero agad siyang napahinto ng tumigil sa paglalakad si Phoenix at hinarap siya.
"Please Sab. Leave me alone."
--