DREAM
Para siyang napako sa kinatatayuan niya habang nakatingin lamang sa papalayong bulto ni Phoenix. Hindi alam ni Sab kung bakit bigla na lamang ganoon ang iniasal nito sa kanya. Kaninang paggising niya, siya ang unang hinanap ng mga mata niya kaya naman hindi niya maiwasang masaktan nang sabihin ni Phoenix sa kanya iyon.
Wala siyang natatandaang maling ginawa niya kaya naman kahit gusto ni Phoenix na iwan niya ito ay sinundan pa rin niya ito.
"Ano ba kasing problema?" Tanong niya muli ng maabutan niya ito at hinawakan ito sa braso.
"Sabi ko iwan mo muna ako!" sigaw nito sa kanya. Humarap din ito kaya naman nakita niya ang galit nitong mukha.
"Galit ka," mahinang sambit niya.
"Hindi ako galit," sagot nito at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"No. Galit ka. Galit ka sa akin. Bakit? May nagawa ba ako."
Nakita niya ang paglunok nito at pagkuyom ng kamao. Napapikit din ito na parang pinigilan ang sarili na sobrang magalit.
"Ano bang problema, Phoenix?"
Hindi ito sumagot at tinabig ang kamay niya na nakahawak sa braso nito.
"Walang problema Sab. Kung meron man, ako ang problema. Hindi din ako galit sa'yo dahil nagagalit ako sa sarili ko!"
Nakita niya ang paglamlam ng mukha nito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kaliwang pisngi niya.
"Nag-aalala ako sa'yo. Nang sabihin ng Lolo mo na nasa panganib ka, hindi ko alamang gagawin ko. Gusto kong puntahan ka sa mundong iyon pero sabi ng Lolo mo ay ikaw lang ang may kakayahang magpunta sa lugar na iyon. Wala akong magawa kung hindi ang umupo lang doon at hintayin ka. Hindi mo kasi alam ang pakiramdam na wala kang magawa kung hindi ang maghintay lang doon e. Ni hindi ko alam kung makakabalik ka ng ligtas."
Inalis na niya ang kamay na nasa pisngi ko at nakatingin nalang siya sa akin ngayon.
"Anong gusto mong gawin ko?" mahinang sambit ko. "Alam mo namang kailangan kong gawin ito dahil ito ang ibinigay na responsibilidad sa akin. Wala akong choice."
"Alam ko. Kaya nga nagagalit ako sa sarili ko dahil gusto ko na itigil mo na kung ano man ang ginagawa mo na pwede kang ilagay sa panganib."
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Isang mahigpit na yakap.
"Gusto ko dito ka lang sa tabi ko para masiguro ko na ligtas ka."
"Paano naman siya makakasigurong ligtas siya sa tabi kung ikaw mismo ay isa sa mga kalaban namin."
Agad napabitaw sa akin si Phoenix at nilingon ang nagsalita.
"Diel," sambit ko sa pangalan niya.
"Kung may panganib man dito, ikaw iyon. Kailanman ay hindi magiging kakampi ang isang Nephilim Wizard. Kaya nga nakakapagtaka at hinahayaan ka ni Tito Kyle na lumapit sa anak niya e." kita ko ang sama ng tingin ni Phoenix kay Diel kaya naman hinawakan ko siyang muli sa braso sakali mang maisipan niyang sugurin nalang bigla si Diel.
"Tama na Diel," saway ko sa kanya.
"Kung ano ang puno siya rin ang bunga kaya umalis ka na dito habang kami-kami palang nakakaalam kung anong klaseng nilalang ka."
"Hindi ako aalis dito. Hindi nila ako katulad. At isa pa, mahal ko si Sabria."
Napatingin ako sa kanya at hindi maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Ang tagal na rin mula noong una siyang magtapat sa akin.
"Sa palagay mo ba sapat na iyan? Tandaan mo, hindi pa tuluyang nagigising ang kapangyarihan mo. Alam mo ba kung bakit nakapagtago nang ganoon katagal ang mga magulang mo?"
Napakunot ang noo ni Phoenix.
"Just like you, hindi din sang-ayon ang mga magulang mo sa paniniwala ng mga kalahi mo. Pero kahit nang mawala ang mga ninuno mo, walang nagawa ang mga magulang mo dahil may kakayahan ang mga Nephilim na pumasok sa isipan ng isang kapwa Nephilim niya kahit na mamatay ito. Kaya sa oras na magising ang kapangyarihan mo, siguradong magagawa na nilang pasukin ang isipan mo."
"No," mahinang sambit ni Phoenix.
"So you better leave," pagkasabi ni Diel noon ay umalis na siya.
"Phoe-" napayakap nalang ako sa hangin nang bigla nalang nawala sa harapan ko si Phoenix. Inilibot ko ang paningin ko pero wala na siya.
-
"So you better leave,"
Paulit-ulit ang katagang iyon sa isipan ni Phoenix habang nakatanaw siya sa tanawin sa harapan niya. Pagkatapos ng mga sinabi ni Diel sa kanya ay naisipan niyang lumayo na muna upang makapag-isip ng dapat niyang gawin. Natagpuan na lamang siya ang sarili sa tree house na iyon.
Napabuntong hininga nalang siya at naupo sa sahig. Hinilot niya ang sintido niya dahil naramdaman niya ang pagkirot noon. Marahil dahil sobrang pag-iisip.
Nawala ang malalim na pag-iisip niya nang makarinig ng kaluskos mula sa ibaba kaya naman agad siyang napatingin doon.
Kumunot ang noo niya nang makita ang isang babaeng kulay itim ang suot at may suot na kulay itim din na sumbrero dahilan para hindi niya makita ang mukha nito. Kita niya rin mula doon na mukhang nag-eensayo ang babae. Mababagal lamang ang bawat pag-sipa at pagsuntok nito pero alam niya na talagang masasaktan ka kapag tinamaan ka noon. Malakas din ang depensa nito.
"Alam kong may tao diyan kaya lumabas ka na."
Nakaramdam siya ng panlalamig ng bigla itong magsalita. Tumaas din ang balahibo niya dahil sa walang emosyon na boses nito. Naisipan niya na lumabas nalang kaya bumaba na siya mula sa tree house na iyon.
"Hindi ko naman ginusto na panuorin ka. Narinig ko lang ang kaluskos mo."
Nanatili lamang itong nakayuko doon kaya hindi niya pa din makita ang mukha nito. May nagtutulak sa kanya na kaylangan niyang makita ang mukha nito kaya naman lumapit siya dito pero umatras siya palayo sa kanya.
"Umalis ka na."
Tumalikod na ito sa kanya at aalis na sana pero hinila niya ito paharap at inalis ang sumbrero. Nanlaki ang mata nito at mabilis na kinuha sa kanya ang sumbrero at umalis sa lugar na iyon.
Hindi niya maintindihan ang sarili pero nakaramdam siya ng matinding kaba nang makita niya ang mukha ng babaeng iyon. Pakiramdam niya ay merong mangyayaring hindi maganda.
-
"Mama," pilit na paggising ni Sabria sa kanyang ina.
Kanina ay naisipan niyang puntahan ito at ang kanyang ama dito sa silid nila sa palasyo dahil gusto niyang ikwento sa kanila ang nagyari sa mundo ng mga elemental guardian at marahil ay tungkol na din kay Phoenix. Pero hindi niya natuloy iyon dahil pagpasok niya sa kwarto nila ay wala naman ang ama niya at kanina pa nananaginip ang ina niya habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ng bestfriend nito noon, ang dark princess. Kanina niya pa din ito ginigising pero ayaw nitong magising.
"Mama!" Napasigaw na siya. Mabuti nalang napadaan si Nikki na kasama si Jana at pumasok sa silid na iyon.
"Anong nangyari?" Tanong ni Nikki.
"Kanina ko pa siya ginigising pero ayaw naman niya magising."
"Jillian." Muling pagtawag nito sa dating kaibigan. Nagulat na lamang siya ng biglang lumutang ang kanyang ina at biglang bumagsak muli sa kama dahilan para magising na ito.
Puno ng luha ang mukha nito habang habol-habol ang hininga. Bakas don sa mukha nito ang takot ang pagkalito.
"Bakit binabanggit mo nanaman ang pangalan ng babaeng iyon?" Tanong ni Nikki dito.
"Hindi ko alam. Hindi ko din alam kung bakit napaniginipan ko nanaman ang panaginip na iyon." Sagot ng kanyang ina.
"Anong panaginip Mama?" Tumingin sa kanya ang kanyang ina at napailing nalang.
"Baka dahil matagal na rin mula nang dinalaw ni Jillian ang panaginip ko kaya napaniginipan kong muli iyon."
"Anong panaginip ba?" Tanong ni Jana dito.
"Napaniginipan ko na rin ito noon. Yung mga oras na hindi pa natin kilala ang dark princess at bago pa man magharap-harap ang mga dark wizard at lumen wizard."
Nakita niya ang pagkunot ng kilay ni Jana. Nararamdaman niya na may ideya siya kung bakit muling napaniginipan ng ina niya iyon.
-
Naisipan ng mga ito na ipagpaliban nalang ang nangyari at iniwan na si Shanel sa silid. Sakto naman na papasok si Kyle sa silid nila. Nang maisarado ni Kyle ang pintuan ay agad na lumapit si Shanel sa asawa at mahigpit na niyakap ito.
"Nalulungkot ka pa rin ba dahil sa pagkawala ng baby?" Tanong nito sa kanya.
Umiling lang siya at mas hinigpitan ang yakap sa asawa. Magsimula na rin mamasa ang kanyang mga mata.
"Palagi ko na lamang napapaniginipan si Jillian."
Humiwalay ang asawa mula sa pagkakayakap sa kanya at kita niya ang pagkunot ng noo nito.
"Dati kapag napapaniginipan mo siya masaya ka. Bakit malungkot ka ngayon?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.
"Kyle,ilang beses ko ma siyang napaniginipan. Kung dati ay dinadalaw niya ako sa panaginip dahil namimiss ko siya. Ngayon ay iba. Ilang araw na ito at ang mga panaginip na iyon ay minsan ko nang napaniginipan noong bago pa man natin malaman na siya ang dark princess."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ko alam. Matagal na iyon Kyle. At hindi ko makita ang rason kung bakit muli kong makikita ang mga iyon sa panaginip ko. Mga panaginip na ginawa noon ni Jillian para bigyan ako ng babala."
"Don't tell me na buhay ulit siya. Alam naman nating si Qetsiyah lang ang may kakayahang gawin iyon at nasa kamay natin si Qetsiyah."
Umiling-iling siya. Maging siya ay hindi niya maintindihan kung bakit bumabalik ang mga iyon.
-
"Mabuti kung magpunta ka sa Cueva de Agua at harapin si Lympha Oracle."
Iyan ang sinabi ni Lolo Jed kay Sab nang ikwento niya dito ang nangyari sa kanyang ina. Maging ito ay hindi maganda ang pakiramdam sa nangyari.
"Hindi ba pweding maglakbay nalang si Diel sa hinaharap upang makita ang susunod na mangyayari?"
Tinapik ni Diel ang balikat niya. Siya kasi ang naisam niya dito dahil hindi niya makita si Phoenix at nararamdaman niya na galit pa din ito.
"Kung pwede edi ginawa ko na at hindi na kita sinamahan pa dito," sabi ni Diel sa kanya. Napasimangot naman siya.
"Wala akong makita sa hinaharap Sab. Naglakbay ako sa hinaharap pero wala, puro kadiliman lamang ang nakikita ko doon kaya naman nang sabihin mo na kailangan mong puntahan si Master Jed ay sumama ako."
"Kung wala kang makita sa hinaharap ay isa lang ang ibig sabihin noon. May isang propesiya nanaman ang nakatakdang maganap. Kaya kailangan mo talagang harapin ang Oracle na iyon," sabi ni Lolo Jed sa kanya.
Naupo ang matanda bago nagpatuloy.
"Isa pa. Nararamdaman kong nagbalik si Jillian.
--