BACK "So nandito sa kwebang ito ang oracle na sinasabi ni Lolo?" Tanong niya kay Diel habang naglalakad sa madilim na kweba na iyon. Tanging ang maliit na apoy na nagmumula sa kamay ni Diel ang nagsisilbi nilang ilaw. "Oo. Noong minsan na naglalakbay ako sa nakaraan, nakita ko ang oracle na sinasabi ni Master na kausap ang iyong ina. Nadala mo pala ang lumen necklace?" Inilabas niya ang kwintas na tinutukoy ni Diel at ipinakita sa kanya. Gamit ang natutunan niyang kakayahan kay A'ris ay nag-anyong hangin siya upqng hindi siya makita ng mga magulang at makuha ang kwintas na iyon na hindi ng mga ito nalalaman. Iyon kasi ang utos ng kanyang Lolo. Ang huwag ipaalam ang bagay na iyon sa kanyang ina. Bawat gabi ay nagpupunta siya sa mundo ng mga elemental guardian at nag-eensayo kasama si A'

