ONE LAST STEP Hindi makatulog si Sab. She can't just go to elemental world habang magulo pa ang lahat ngayon. Kailangan muna niyang tulungan ang kanyang mga magulang na makapagplano sakaling lusubin sila ni Jillian. Napapikit nalang siya at hinintay na lamunin siya nang antok. Ngunit sa pagpikit niya ay di niya inaasahang mapupunta siya sa elemental world kung saan nandoon si A'ris at nakatingin sa kanya. "Masyado kang maraming iniisip," sita nito sa kanya. She rolled her eyes. Wala siya sa mood para patulan ang kamalditahan nito at gusto nalang niyang matulog. "You should really hurry up Sabria," seryosong sabi ni A'ris kaya naman muli siyang napaharap dito. "Bakit? Kailangan pa ako nila mama." "Hindi naman sa kahit na anong oras ay pwede kang bumalik dito at babalik ka lang kapag g

