IMPULSIVE MOVE "Mom, komusta?" Tanong agad ni Julian. Naisipan kasi nitong dalhin dito ang isa sa mga 4 satans na natalo na noon ng grupo ni Shanel. Kung ikukumpara kasi noon ay hindi na ganoon kalakas ang kapangyarihan ni Shanel at mga kasamahan niya kaya alam niyang matatalo ang mga ito kahit ang isa lamang sa 4 satans. "Nakabalik na si Sabria anak." "Tss. So natalo siya? I'm sure mas malakas na siya ngayon." Nag-iwas lamang ng tingin wng kanyang ina at napatingin sa lalaking bihag nila. Lumapit ito rito at pinagmasdan lamang ito. "Nalalapit na ang takdang oras." "I know. Kaya kailangan pa nating guluhin ang mga lumen wizard upang hindi nila magawang makapagplano ng dapat gawin sa oras na dumating ang araw na iyon. Sigurado akong nagbabalak na silang sumugod ano mang oras lalo na

