LOST Mabilis na nagtago sina Sabria sa likod ng isang kwarto nang makita nila ang mga paparating na dark wizard. Noong una ay akala nila ay magiging mahirap para sa kanilang dawala ni Diel ang pagpasok sa kaharian ng mga dark wizard pero laking gulat nila ng wala man lang bantay ang daan patungo roon. "This is really weird. Wala ni isang dark wizard sa labas pero nagkalat naman lahat ng dark wizard dito sa loob," nagtatakang sabi niya kay Diel. Tahimik lamang si Diel at tila nag-iisip. "There are two possible reasons. Sadyang walang bantay sa labas dahil alam nila na sa oras na sumugod tayo dito ay magiging madali lang para sa atin na patumbahin ang mga iyon at makakapasok din tayo sa loob. Okaya naman, alam na ni Julian na parating tayo." Bigla ay nakaramdam siya ng kaba. Hindi pwedin

